Chapter 7 - Good Luck

Bryan's Point of View

Dapit hapon na at kasulukuyan kami nag lalakad sa plaza. Kanina pang tahimik si Andrea dahil sa resulta sa activity kaninang umaga.

Kami ang nauna at pangalawa lang sila Andrea.

"Totoo kang magaling ka sa akin Bryan." Biglang saad niya.

Tumigil ako sa paglalakad.

"Inaamin ko na mahinaan ko ang group activity, at ang expect ko na matatalo mo kami. Kaso ba't nag pabaya ka? Yung member na ang nag buhat." Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam. Parang ang gulo ng isip ko." Wika niya at yumuko siya.

"Dahil naalala mo ang nakaraan mo sa PNHS?" Sa pagkasabi ko iyon, bigla siyang lumuha.

"Ayyt, pasyensa na."

"Hindi ako umiiyak." Saad niya.

"Ehh ano?"

"Napuwing ako ng alikabok kaya ako lumuluha!" Sigaw niya habang pinupunas niya ang kaniyang mata gamit ang kaniyang palad.

"Pero sa totoo lang, kahinaan ko rin ang group activity." Sabi niya pa ito habang inaayos niya ang kaniyang suot bilog na salamin.

"Wala kasi ako masyadong ka close ang mga kaklase ko at saka nahihiya ako mag salita sa kanila, ang ginagawa ko lang ay sumagot sa mga tanong gamit ang papel at sila na bahala mag presenta." Ang kaniya sabi habang tinitignan ang mga bata na nag lalaro sa Playground.

"Ahh, ganun pala." Ang alam ko sinubukan ni Andrea na ilihis ang topic.

"Ikaw lang talaga ang kaibigan ko." Bigla ako tumingin sa kaniya nong sinabi niya iyon.

"Inuulit ko, malapit na ang exam natin, kaya review review rin." Aking saad at ngumiti siya.

"Hehehe ikaw rin, mag review ka na rin." Sabi niya rin sa akin.

"Psst, ano pala yung review?" Agad ako pinalo ng ruler.

"Teka ba't basta basta lilitaw iyang ruler mo sa kamay mo?" Aking tanong sa kaniya.

"Hahaha ewan ko sa iyo." Sagot niya at tumingin sa akin.

"Maka uwi na nga ako, sige mauna na ako Andrea, kita nalang tayo bukas." Aking paalam.

"Sige, ingat."

Dumeretso na ako sa paradahan ng mga sasakyan papunta sa aming barangay. Nang nakasakay na ako at umandar ang sasakyan, bigla pumasok sa isip ko na nakay Andrea ang aking wallet. Hmm buti nalang nag iwan pa ako ng extra pera sa bag ko.

---

Andrea's Point Of View

Nakatating na ako sa bahay at dumeretso na sa aking kuwarto. Wala pa si Mama, at nag chat sa akin na mag oover time siya ngayun.

Wala na si Papa at si Mama na lang ang nag hahanap buhay.

Mag isa akong anak, at mag aaral ako mabuti para masuklihan ko sila.

Nilapag ko ang bag at ang ruler sa learning desk ko.

Tatangalin ko na ang aking berdeng palda, may naramdaman akonv matigas sa aking bulsa. Nang tignan ko ito, isa palang wallet ni Bryan. Halah nakalimutan ko binalik sa kaniya.

Agad akong nag open at chinat siya gamit ang real account ko.

...

Me: Bryan, yung wallet mo nakalimutan kong ibalik sa iyo.

Bryan: Hahaha!!! Yun nga ehh, buti nalang may extra pera pa ako. Sige bukas mo nalang ibalik.

Me: Sige Sige.

...

Binuksan ko ang wallet niya at ngayun ko lang napansin ang picture sa kaniyang wallet.

Si Bryan at katabi niya ang isang Batang babae at pareho silang makasuot na SPA Uniform. Siguro siya si Sarah.

Oo pala, musta si Mystery Cy?

Agad kong iopen ang aking isa kong Account na si Princess. Chineck ko ang aking message Box at hindi siya Active at wala siyang bagong message.

...

Me: Uhmm... Siguro bc ka na ngayun Mystery dahil malapit na ang Exam, sige po good luck po nalang.

...

Yun lang muna sinend ko. Miss ko talaga siya.

Nag palit na ako ng damit at nagluto na rin para sa aming haponan.

Ilang minuto rin at tapos na ako nagluto, nauna narin ako kumain dahil nag chat uli si mama dahil baka raw super late siya uuwi galing work.

Kakapasok ko lang nang aking kwarto at biglang tumunog ang aking cellphone, agad ko namang chineck.

...

Mystery Cy: Hehehe, yep at bc narin ako.

Me: Ganun ba.

Mystery Cy: Oo pala, pwede bang sa 3rd Grading nalang tayo mag kita?

Me: Bakit naman Myst?

Mystery Cy: Baka kasi maaga aalis kami ng lugar ehh. Di ko sure

Me: Ahh.. ganun ba? Sige sige ipaaga nalang natin bago pa kayu umalis.

Mystery Cy: Yiee Salamat Princess.

Me: Hehehe wala yun.

Me: Uii baka na istorbo kita sa ginagawa mo diyan.

Mystery Cy: Hahaha hindi naman. Oo pala kamusta na yung nag bubully sa iyo?

Me: Hahaha Ok lang naman, actually naging kaibigan ko na rin.

Mystery Cy: May gusto ka na ba sa kaniya?

Me: Hmm oo pala mag rereview pala ako para sa exam. Sige Out na ako. Byee and Miss you.

Mystery Cy: Hehe sige bye bye.

...

And nag logout na ako.

Sa totoo lang talaga, may unting pagkagusto ako kay Bryan. Kahit nakakainis siya, pero nakakatawa parin.

Teka, Guwapo rin ba si Mystery Cy? Hmm makikita ko naman sa 3Rd grading at maaga ko na siya makikilala.

---

Bryan's Point of View.

Bakit ayaw sagutin ni Princess? Hmm baka may gusto na nga siya sa bully na iyon... rrr di ako mag papatalo.

---

Andrea's Point of View

Tatlong araw nalang at exam na namin. Bc lahay ang mga studyante dito na nag cocompile at nag rereview.

Kahit matalino ako, kailangan ko parin mag review dahil may makakalaban na ako. Sa lahat ng mga activities at quizess ay natalo niya ako.

Pero tignan natin ngayun.

Tinitignan mo si Bryan na naka upo lang at parang may tinitignan siya sa itaas.

At dumating na nga ang Exam para sa First Grading.