Andrea's POV
Gabi na.
Sa kasulukayan ako nasa kuwarto syempre naka suot ng pajama at pambahay n tshirt. Binuksan ko ang aking laptop at chineck ko ang aking inbox at may messege ako galing kay Mystery Cy.
Mystery: Kapag nagkita tayu sa 4th Grading, pwede na ba ako magligaw sa iyo?
...
Ay grave siya haha...
Princess: Haha Bahala ka.
At tinignan ko ang kaniyang Activeness 3hrs ago hmmm... nakakamiss naman ka chat ko, dati sweet kami pagdaan sa chat at minsan binibigyan ako ng payo habang may problema ako.
Siguro tumutok siya sa pag aaral kaya hindi na halos tumutok mag fb. Sino ba talaga itong Mystery Cy na ito??
Si Bryan? Hmmm...malabo ang layo yung ugali nito kay Mystery Cy.
By the way,nung dumating si Bryan sa aming section parang bigla ako nilabas talaga ang aking ugali, at lagi niya ako tina tabihan. ano meyroon at saka umiiwas siya sa tanong na 'Bakit siya nag Transfer?' Dinadaan niya ito sa biro. At ewan na nga.
B A S T A, kailangan ko talunin si Bryan, teka nga lang. Ano pala kahinaan ni Bryan? Hmpf... makatulog na nga.
Kina umagahan naka bihis na ako at kakatapos lang kumain at umalis na.
Nakarating ako sa campus at naglakad papunta sa aming room nakita ko si Bryan na naka tayo
"Magandang umaga Andrea." Kaniya pagbati at kinaway niya ang kaniyang kamay.
"Magandang umaga rin Bryan." Aking reply, luh to the 1st time nag bati ako sa kaklase ko at sumabay na siya sa akin. Malayo pa ang aming room. Lawak kase ng campus.
"Bakit mo ako hinihintay di ba alam mo na ang room natin?." Tanong ko sa kaniya.
"Parang ikaw yung kapatid kong babae na lagi kong kasama pagpasok at paguwi, kaya parang nasanay na ako." Kaniyang sagot habang nakababa ang kaniyang mukha.
"So may babae kang kapatid at nag aaral sa SPA?" Muling tanong ko sa kaniya.
"Ay hindi, siguro lalake ang kapatid ko." Ang kaniyang pagpiloso, hindi ko pinalo o hinampas ng ruler dahil nakita ko sa mukha niya na parang ang lungkot niya.
Pero nung sumabay kami umuwi wala siyang kapatid na nag hinihintay sa harap ng SPA.
Nakarating na kami sa aming room.
Pumunta ako sa aking upuan sa tabi ng bintana at syempre katabi ko si Bryan at umupo kaming dalawa.
At ilang minuto dumating ang aming advicer at nagsimula na naglecture.
Tinignan ko si Bryan saglit at hindi siya nakikinig sa lecture.
Pagkalipas ng ilang minuto.
"Ok prepare 1 whole sheet of paper at magsulat kayo ng Essay about sa lecture natin." Sabi ng teacher.
"Ma'am, paano namin masusulatan ang papel kung may T*e?" Sabi ni Bryan at nagsitawanan ang aming kaklase at hinampas ko siya ng ruler.
"Ambagel (Baliw) One Sh*t of Paper yun." Ang aking bulong.
"Ay haha Pasyensa la agko arengel ya maong (hindi ko narinig ng maayos)" Kaniyang sambit gamit ang aming lengwahe na Pangalatok o Pangasenense.
Sinamulan na namin magsulat ng essay vabout sa lecture at dapat Pure English. nang nakahalati ko ang papel, binigay niya ang papel ni Bryan sa aming teacher, ang bilis naman at nakita ko ang laman ng papel niya ay dalawang paragraph lang, eh ang akin ay limang paragraph.
Nang natapos na, pinuno ko ang isang buong papel ko at dumating na ang resulta.
Naka perfect ako 50/50.
"Uhm Bryan ilang nakuha mo?" Tanong ko sa kaniya.
"50/50." Nakanganga ako na sinabi niya yun.
"Pa basa nga ng ginawa mong essay?." Ang aking sabi at binigay niya.
Dadalawang paragraph nga kaso grave ang pagamit ng English at parang nandon na ang talaga kaniyang punto sa essay niya, inaamin ko na talo ako ngayun.
Kase ang essay ko ay mahaba at kung ano ano ang pagsusulat ko at marating lang sa pinopunto ko
Natahimik lamang ako at isanuli ko ang kaniyang papel.
"Huwag kang malungkot Andrea, mahaba pang school year at siguradong matatalo mo ako balang araw." Kaniyang bulong at nakangiti.
Gumaan ang aking sarili dahil sa kaniyang sinabi at ang guwapo niya habang nakangiti..
"Kung matatalo mo ako ha ha ha." Ang kaniyang sabi at hinampas ko nangmalakas sa kaniyang braso ng 1foot ruler.
Ewan ko kung maiinis ako o natatawa dahil sa pagtawa niya.
---
3rd subject... TLE namin.
Sabi ng teacher ay magtatanim kami ngayung araw, buti nalang nagdala kami ng P.E t-shirt at P.E Na pang baba.
Nang nakapalit na kami kinuha ko ang meter stick at pumunta na kung saan doon kami magtatanim.
Ilang minuto nakarating din sawakas kung saan kami magtatnim.
"Hello, wa!!! Ba't lumaki ang ruler mo na panghampas sa akin?" Takot na takot sabi ni Bryan habang tinitignan niya ang aking hawak na meter stick.
"Loko-loko meter stick ito at pangsukat lang namin na gaano kalalim na paghukay namin." Aking sagot.
"Ah, ok sabi mo eh." Kaniyang wika at umalis pumunta sa grupo ng mga lalakeng nag huhukay naging guwapo siya kapag naka PE t-shirt.
-----
Narator's POV
"Bakit kami nakasuot ng P.E T-shirt kung TLE ang subject." Ang bulong ni Bryan sa kaniyang sarili.
Pumunta siya sa lalakeng nag huhukay at may lumapit ng kaklase sa kaniya.
"Pare ikaw muna mag hukay magpapahinga muna ako." Ang sabi ng kaniyang kaklase at ibinigay ang pala kay Bryan at umalis.
"Ano gagawin ko dito?" Bulong ni Bryan sa kaniyang sarili habang tinitignan ang pala na binigay sa kaniya.
Ilang saglit may dumating na isa kaniyang kaklase.
"Pare." Tawag ni Bryan.
"Ano yun?" Tanong ng kaniyang kaklase.
"Tatangapin mo ba kapag pinagpala ka?" Seryosong tanong ni Bryan.
"Oo naman syempre tatangapin ko talaga." Tuwang tuwa sagot ng kaniyang kaklase.
"O heto." Ibinigay ni Bryan ang Pala sa kausap niyang kaklase.
"Doon ka sa nag papala at magpala ka." Kaniyang wika habang tinuturo niya ang mga lalakeng nag huhukay.
Ilang saglit may nag palo sa likod ni Bryan.
"A--AAARAY!!!" Saki na sakit sambit ni Bryan.
"Kala ko ba hindi mo ipapalo yang Upgraded Ruler mo?" Tanong ni Bryan habang hawak niya ang kaniyang likod.
"Pasyensana naka auto attack eh..." ang sagot ni Andrea habang naka ngiti ito.