"Lai! Lai!" sunod-sunod na mga tawag ni Whian kay Laiza habang walang tigil ang pag-alog nito sa balikat niya.
"Hmm..." nakapikit pa rin ang mga mata niya at tulog na tulog pa rin.
"Lai, gumising ka na. May sasabihin ako sa 'yo.''
Dahan-dahang bumuka ang kanyang mga mata. "Hmm... Ikaw pala Whian,'' inaantok pang sabi niya nang magising at nakita ang nakatunghay na magandang mukha nito. "Ang aga mo naman eh! Inaantok pa ako," tinatamad niyang sabi.
"Kanina pa kaya ako nandito sa kwarto mo. Tulog mantika ka kasi kung matulog eh! Hahaha!" tumayo ito sa kama at tumunghay sa bintana ng silid niya.
Umaktong matutulog pa ulit siya.
"Oy! Lai! Ano ba! Gumising ka na!"
Nang hindi siya nagsalita pilit naman nitong hinihila ang braso niya. "Ayaw mo talagang gumising ha?" tinusok-tusok nito nang paulit-ulit ang tagiliran niya.
"Oy! Ano ba! Tigilan mo 'ko!" napaigtad siya sa ginawa nito at napaupo na lang sa kama. "Ah! Gusto mo talaga ng laro ha?'' ginantihan niya ito sa pamamagitan nang paghawak sa leeg nito kung saan weakness naman ng kanyang kaibigan.
"Oy! Itigil mo na 'yan! Tama na! Hahaha!" pagsuko nito na tawang-tawa sa ginawa niya. "Ayaw mo talagang magpatalo e, 'no?"
Kasunod naman no'n ang malalakas na tawanan nila sa isa't isa.
Ako nga pala si Laiza Dela Cruz. I'm an Architect at the same time a singer on my own band. I really love my job and passion. Ito na talaga 'yong pinapangarap namin ng Dad ko noong nabubuhay pa siya. Yes! Ako na lang mag-isa sa buhay, simula nang mamatay siya at iniwan ako ng Mama. That time, I was just eight years old pero tandang-tanda ko pa ang mga nangyari.
Flashback
It was a rainy day.
Tulog ako no'n nang bigla akong nagising sa isang malakas na boses.
"Ano ba talaga ang totoo Jean? Niloloko mo kami ng anak mo!" boses 'yun ni Dad.
"Huminahon ka Ron! Magigising ang bata! Pwede naman nating pag-usapan sa ibang lugar! H'wag dito!''
"Bakit Jean? Natatakot ka na marinig ng anak natin ang totoo?" galit na galit na sabi nito na parang maiiyak na ang boses.
"Ron, huminahon ka."
Bigla ang paghinto ng kotse sa gilid ng kalsada. Hinawakan naman nito ang magkabilang siko ng Mama paharap sa kanya. "Buntis ka diba? Buntis ka at iiwan mo na kami ng anak mo? Bakit hindi mo sabihin sa anak mo? Ha? Hindi ka na nahiya!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Papa.
Napaiyak na rin ako. Hindi ko alam ang mga nangyayari. "Mommy..." bigla akong niyakap ni Mama.
"Tumahimik ka na diyan Ron! Napakamakasarili mo! Hindi ka na nahiya sa anak mo!" matalim ang mga tingin ni Mama kay Papa.
"Ikaw ang makasarili! Ikaw ang walang hiya Jean!" malakas na sigaw nito at hahampasin na sana nito ang mukha ni Mama nang biglang may paparating na truck at papunta sa kanilang gawi iyon.
End of flashback
''Lai, are you okay?" nagtatakang tanong ni Whian na hinawakan ang balikat niya.
Biglang napukaw ang kanyang atensyon. "Yes! Siya nga pala, ano pala 'yung sasabihin mo?"
"Magugulat ka sa sasabihin ko! Gosh!" kinikilig na sabi nito.
"Ano ba 'yun?" tanong niya habang inaayos na ang higaan.
Tumingin ito sa kisame na parang malalim ang iniisip saka nabalik ang mga tingin sa kanya. "Niyaya ako ni Michael ng date!" masaya at diretsahang sabi nito.
Si Michael Dizon ay isa ring Architect na katrabaho niya. Dating may gusto at nagpaparamdam ito sa kanya, ngunit dahil nga focus siya sa trabaho niya at hindi niya naman ito type kaya hindi niya ito binigyan ng chance para ligawan siya.
"Oh! Talaga?" gulat na sambit niya.
"Kung makapag-react ka naman diyan. Imposible bang magkagusto siya sa 'kin?" nakatawang sabi nito. "Bakit? Hindi ka ba nagagandahan sa 'kin?" pabirong tanong nito sabay pisil sa magkabila niyang pisngi.
"Oy! Ano ba? Tigilan mo 'ko!" pilit niyang pinapahinto ito.
"Ang cute cute mo kasi eh! Hahaha!"
Lumayo siya rito. "Tumigil ka nga diyan! Wala ka talagang magawa sa buhay mo 'no?" nakatawang bulalas niya.
"Ang kontrabida mo kasi eh! Hmp!" napaismid ito.
"So, what happened next?"
"Pumayag ako! Syempre! Aayawan ko pa ba?" bakas sa mukha nito ang sobrang tuwa, para pa itong nangangarap habang nakatalikop ang mga kamay.
"After that maiinlove ka? Masasaktan ka na naman, pagkatapos maglalasing ka araw-araw and then, hindi ka na naman titigil sa kakaiyak dahil lang sa isang lalaki," tandang-tanda niya pa kung pa'no ito nabaliw noon.
"Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend eh!" natawa ito at mas lumapit sa kanya. "Kasi, ang bitter mo!" dugtong nitong napatitig sa mga mata niya.
Mas lalo niya tuloy napagmasdan ang medyo singkit na mga mata nito, matangos na ilong, makikinis na mga pisngi, at magandang hugis na mga labi.
Hindi niya alam kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman nang mga oras na iyon, nagbawi naman agad siya ng tingin dito. "Whatever! Basta! Parang wala akong tiwala sa lalaking 'yun!" aniya at kinuha na ang tuwalya na nakasabit sa double pole clothes rock sa gilid ng kama.
"Bakit naman? Mukhang mabait naman siya. Bonus na lang yung kagwapuhan niya! Hahaha!"
"Hay naku! Ewan ko sa 'yo!" pinandilatan niya na lang ito ng mga mata at pumasok na sa loob ng banyo para maligo.
"Hintayin kita sa baba Lai ha? Bilisan mo na diyan!" masayang sigaw nito bago tuluyang lumabas sa kanyang kwarto.
Iiling-iling na lamang siya dahil alam na niya ang susunod na mangyayari, magiging baliw na naman ang kanyang kaibigan dahil lang sa isang lalaki.
Flashback
Nagsimula ang kakaiba niyang nararamdaman nang makilala niya si Whian.
"Thank you for this big opportunity, Mr. Martinez. I will assure you that everything will be alright," nakangiting sabi niya sa may edad ng lalaki na kahit matanda na, ay mababakas pa rin ang kagandahang lalaki nito.
Nasa isang malaking Real Estate Company siya na land owner ng La Señorita Homes, Inc. na isa sa mga hinahawakan niyang big project at this moment.
"Well, I have trust on you Ms. Dela Cruz. Alam ko namang hindi mo ako bibiguin," ngumiti rin ito sa kanya.
"Papa..." pagtawag ng isang malambing na boses.
Napalingon sila nang may pumasok sa conference room. Isang magandang babae na pakiwari niya'y nasa edad 20's. Bagamat, simple lang ang suot nitong pink office dress mapapansin pa rin ang malaanghel nitong mukha at sexy nitong pangangatawan.
"Oh! Whian, nandito ka pala."
Napukaw ang kanyang atensyon.
"Oh! I'm so sorry Papa. May ka--usap ka pala," sabi nitong napadako ang mga tingin sa kanya.
"It's ok. Halika Hija! Total nandito ka na rin naman I want you to meet Ms. Laiza Dela Cruz, our architect for our new project at La Señorita Homes Inc.,'' pakilala nito sa kanya. "Ms. Dela Cruz, my only daughter Whian Martinez. Simula ngayon siya na ang parati mong makakausap regarding this project," nakangiting pahayag nito sa kanya.
Nakangiting tumango siya rito at lumingon sa anak nito. "It was nice to meet you Ms. Whian," sabi niya rito sabay lahad ng kanang kamay.
Nginitian naman siya nito. "I am glad to meet you Ms. Dela Cruz."
Nang magtagpo kanilang mga kamay ay may kung anong kuryenteng dumaloy roon. May nag-ring na cellphone, kasabay naman niyon ang pagbawi ng mga kamay at pagtawa nila sa isa't isa.
Nakita niyang kay Mr. Martinez iyon nang inilabas nito ang sariling telepono sa suot nitong suit. "Yes hello? Alright alright. I'll go there, give me about an hour," tugon ng matanda sa kausap saka napatingin sa anak. "Whian, ikaw na ang bahala kay Ms. Dela Cruz, okay?"
"Sure Papa."
"Ms. Dela Cruz," paalam nito sa kanya.
"Thank you, Mr. Martinez. Mag-iingat po kayo," nakangiting tugon niya.
Simula noon ay naging madalas na ang pagkikita nila ni Whian. Naging tambayan na rin nila ang sarili nitong coffee shop na pinangalanan nitong The Hideout Cafe. Ito, ang nagsilbi niyang kasa-kasama sa mga malalaking proyektong gagawin sa La Señorita Homes Inc. Hindi niya alam kung bakit sa simula pa lang ay naging magaan na ang pakiramdam niya rito at lumaon ay naging malapit silang magkaibigan.