Mga alas-diyes na ng umaga nang masayang-masayang tinatahak nina Whian at Laiza ang daan papunta ng Tagaytay.
Alam ni Whian na ito ang kailangan niya, ang mag enjoy at iwan ang mga problema sa Maynila.
Dahil open car ang sasakyan niya ay malayang nakakapasok ang hangin doon, tumayo naman siya sa sasakyan habang sinasalubong ang malakas na hangin.
Damang-dama niya ang sariwang hangin na nagmumula sa mga puno't halaman na malayang dumadampi sa kanyang mga balat.
"Whoo!" sigaw niya habang sinasalubong at ninanamnam ang simoy ng hangin.
"Oy! H'wag kang masyadong malikot diyan. Baka masamid ka," nakangiting saway ni Laiza sa kanya.
Napalingon siya kay Laiza na nagmamaneho sa kanyang tabi.
"I really need this, Lai! Thank you at sinamahan mo 'ko!" nakangiting sabi niya rito.
"Tingin ko nga!" sabi naman nito saka itinuon na ang mga mata sa daan.
***
Pagabi na nang dumating sina Laiza at Whian sa resort.
Nang pumasok na sila sa hotel na nando'n ay sinalubong naman sila ng matandang babae na pakiwari niya'y isang manager doon, nakasunod naman dito ang dalawa pang mga lalaki.
"Welcome to El Señor Beach Resort, Señorita!" masiglang bati ng matanda kay Whian.
"Nanay Ynah!" nagmano si Whian at yumakap sa matanda. "Na miss ko po kayo! Kumusta na po kayo?" masayang tanong nito.
"Okay lang po Señorita! Na miss ko rin po kayo! Bakit parang biglaan naman po ata ang pagpunta niyo rito?" napadako ang tingin nito sa kanya.
"Ah! Nanay Ynah, si Laiza po pala. Malapit ko pong kaibigan,'' masayang pakilala nito sa kanya. "Lai, si Nanay Ynah pala! Matagal na namin siyang katiwala rito, na itinuturing ko na ring pangalawang Nanay ko!"
Doon niya lang napagtantong kina Whian pala ang napakagandang resort na ito.
"Magandang hapon po Señorita!" nakangiting bati nito sa kanya.
"Magandang hapon din po!" masayang tugon naman niya.
Suminyas ang matanda sa dalawang lalaki na nasa likuran nito, agad namang tumalima ang mga ito at kinuha ang mga gamit nila ni Whian. Dinala na sila ng matanda sa kanilang silid.
"Señorita, kung meron pa po kayong kailangan tawagin niyo lang po ako. Maiwan ko po muna kayo nang makapaghanda ng haponan ninyo," nakangiting sabi ng matanda matapos ibigay ang susi kay Whian.
"Maraming salamat Nanay Ynah."
Nang makaalis na ito ay pumasok na sila sa kwarto nila. Bumungad naman sa kanyang mga mata ang napakaganda at maaliwalas na silid na iyon.
May sarili itong tv set, mini kitchen, dalawang malalaking kama, at may malaking comfort room. Sa paningin niya'y mas malaki pa nga ata ito sa condo niya.
Napadako ang mga mata niya sa malaking dream catcher na nakapatong sa ibabaw ng kabinet malapit sa kama. "Ang ganda naman ng isang iyon!"
Napatingin ito sa tinuro niya.
"Nakalimutan ko palang sabihan si Nanay Ynah na isabit dito 'yan," itinuro nito ang ibabaw ng nakabukas na bintana, na kung saan tanaw naman nila ngayon ang magandang sunset. "Everytime kasi nandito ako, ipinapasabit ko dito 'yan. Ang ganda-ganda kasi tingnan."
"Mahilig ka pala sa dream catcher?"
"Yeap! Since I was a kid. Mahilig kasi si Mama sa mga dream catcher, kaya nagustuhan ko na rin. Alam mo ba? Baliw-baliwan pa ako dati, kasi kapag ako lang mag-isa kinakausap ko 'yung mga dream catcher? Alam mo na, busy sila Mama sa work. Mabuti na lang din kasama ko parati si Nanay Ynah dahil kung hindi baka tuluyan na 'kong nasiraan ng bait! Hahaha!" tumatawang mahabang lintanya nito sa kanya.
Tumatawa ito habang nakaharap sa bintana at tinatanaw ang papalubog ng araw.
Bagamat alam niyang kahit tumatawa ito, sa likod naman ng mga iyon ay may nakatagong lungkot sa nakaraan nito.
Napukaw ang atensyon niya nang makitang bubuhatin nito ang malapit na upuan. "Ako na," inunahan niya na itong buhatin iyon.
Itinapat naman niya iyon sa kabinet, kung saan doon nakapatong ang magandang dream catcher.
Hinubad niya ang suot na tsinelas, ngunit bago pa man siya makapatong doon ay pumaibabaw na ito sa upuan.
"Oy! Ingat ka! Medyo mataas 'yan..." sabi niya rito nang hindi na siya nakapalag pa.
Nang maayos na nakapwesto na ito roon ay inumpisahan na nitong abutin ang dream catcher. Kahit nahihirapan ay pinipilit nitong abutin ang bagay na iyon.
Nagtagumpay naman ito, ngunit bago pa man makababa ay sa hindi inaasahan bigla itong nawalan ng balanse. Mabuti na lang, bago pa man ito bumagsak sa sahig ay mabilisan nadala niya ito papunta sa malapit na kamang nandoon.
Dahil sa bilis ng mga pangyayari natagpuan na lang niya ang sariling nakahiga na sa kama at nakadagan ito sa katawan niya.
Nagtapat ang kanilang mga mata. Tanging naririnig niya lamang nang mga sandaling iyon ay ang kabog ng kanyang dibdib.
One-inch na lang ang pagitan ng kanilang mga labi at nararamdaman niyang konti na lang ay magdidikit na ang mga iyon.
Ngunit bago pa man mangyari iyon...
"Whian, ang bigat-bigat mo! Hahaha!" malakas niyang sabi habang tawa nang tawa.0
Agad naman itong nagbawi ng tingin sa kanya at tumayo. "Wow ha? Hiyang-hiya naman ako sa ka sexy'han mo!" tumawa na rin ito nang malakas. "Hmm... I think we need to fix our self. I'll go first to take a shower," saka pumunta na sa dalang bag at nag-prepare na.
Nang makapasok na ito sa banyo ay nahiga ulit siya sa kama at nakapag-isip-isip. Naisip niyang mas mabuti na ring itago niya na lang ang nararamdaman dito dahil alam niyang iyon ang tama at mas makakabuti para sa kanila.
"Hindi niya pwedeng malaman. Hindi..." sabi niya sa sarili na hindi alintanang lumabas iyon sa kanyang bibig.
"Anong hindi niya pwedeng malaman?" biglang tanong ni Whian na hindi niya pansing lumabas sa comfort room. Naka-bathrub na lang ito at mapapansin ang ka sexy'han nitong taglay.
Gulat na gulat siya at unti-unting napalingon dito. "Ah! Si... si... Michael kasi, tumawag ulit sa 'kin. Hindi niya pwedeng malaman na nandito tayo dahil for sure susundan niya tayo. Uhm... wait! Alam na ba ng Mama at Papa mo na nandito tayo?"
"Yeap! Kaya h'wag mo nang problemahin sila Mama," nakangiti na ito. Kinuha na nito ang naiwang damit na nakalatag sa kama at pumasok na ulit sa banyo.
Nakahinga siya nang maluwag nang sa tingin niya'y napaniwala niya naman ito.
***
Lumalalim na ang gabi pero mas dumarami na ang mga taong nagkukumpulan, naghihiyaan, at nagsasayawan malapit sa dalampasigan.
"Let's get the party started!" sigaw ng DJ na nakatalaga ng gabing iyon, mas pinalakas at mas pinaganda pa nito ang togtogin na pinapakawalan sa paligid.
Sa ginawa nito ay mas lalo namang nagsisigawan at nag-iindakan ang mga tao sa paligid.
Magkabilaan ang mga bars doon. May mga nagpakitang gilas naman na mga bartenders at fire dancers, habang si Laiza ay tahimik na nakatanaw lang sa dagat at malalim ang iniisip.
"Oh? Bakit ang tahi-tahimik mo diyan?" pagpukaw ni Whian sa kanyang atensyon. Nag-open naman ito ng isang hard drinks saka naglagay sa kani-kanilang mga shot glasses.
Napatingin siya sa mukha nito. "Ah! Wala, pagod lang siguro."
"Well, you should drink!" malakas na sabi nito saka ibinigay sa kanya ang isang shot glass. "Shot! Shot Shot!" sabi pa nitong hinampas-hampas ang wooden table sa kinauupuan nila. "Cheers!" sigaw nitong itinataas na ang sariling baso sa harapan niya.
Napailing na lamang siya saka nakipag-cheers dito. Agad nilang ininom iyon at magkasabay naman silang kumagat ng lemon, nangisay pa siya saglit dahil sa sobrang tapang ng alak.
Napaparami na ang kanilang pag-inom nang hinatak siya nito papunta sa mga taong nagsasayawan sa dance area. "Tara! Sige na!" masiglang sabi nito.
"Hindi ako marunong sumayaw!" tumatawang sabi niya.
Hindi na siya nakatanggi nang matagumpay siyang dinala nito sa gitna ng mga tao.
Lumipas ang ilang minuto, pareho na nilang nae-enjoy ang togtogin at kahit medyo nahihilo na ay patuloy pa rin silang sumasayaw.
Maya-maya'y biglang napalitan ang togtogin ng isang malambing na musika.
Natigilan at napatingin naman sila sa mga taong nasa paligid na kanina lang ay walang tigil sa kakaindak. Ngayon kasi, ay sumasabay na ang mga ito sa malambing na musikang iyon.
Natagpuan na lang ni Laiza ang sariling nakahawak na sa bewang ni Whian habang ito naman ay nakahawak sa mga balikat niya.
May mga naglipanang mga bubbles at tila sila lang dalawa ang taong nando'n. Tanging ang naririnig niya lang nang mga sandaling iyo ay ang malambing na musikang naghahari sa paligid.
Mas napagmasdan niya tuloy ang nakangiting si Whian. Napakaganda talaga nito, nakangiting itinaas niya naman ang kamay para itabing ang buhok nitong nakatakip sa pisngi nito.
***
Matalim ang mga tingin ng lalaki sa litrato ng isang babae, hinahaplos-haplos niya iyon nang paulit-ulit habang umiinom ng champagne sa hawak na baso.
Nasa loob siya ngayon ng sarili niyang silid. Tanging ang nagsisilbi niyang liwanag ay ang buwan na nagmumula sa labas ng bintana.
Nang maubos ang ininom niyang alak ay galit na galit na itinapon niya naman ang basong hawak at nabasag iyon sa sahig.
"Ah!" malakas na sigaw niya mula sa madilim na silid na iyon.