Chereads / Take My Rainbow Heart / Chapter 5 - CHAPTER 5

Chapter 5 - CHAPTER 5

Kahit hindi tama, alam ni Laiza na nilamon na siya ng sobrang saya. Parang gusto niya na lang magpakalunod sa nararamdamang pagmamahal para kay Whian. Hindi niya alam kong saan siya kumuha ng lakas, pero isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan.

"Whian, I have something to tell you..." kinakabahang sabi niya rito.

"Ano 'yun?"

"I want to be honest with you. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero..." huminto muna siya saglit at pigil-hiningang nagpatuloy na sa pagsasalita. "May gusto ako sa 'yo matagal na...'' diretsahang sabi niya.

Ngunit bago pa man marinig nito ang huli niyang sinabi ay nagpakawala ulit nang malakas na togtogin ang DJ doon, na naging resulta upang magwala ulit ang mga tao.

"Ha? Ano? Hindi kita marinig!" malakas na sabi nito sa kanya na pilit pinapakinggan ang sinabi niya. "Magsayaw na lang tayo!" tuwang-tuwang hinawakan nito ang kamay niya at nagsimula ulit sumayaw at tumalon.

Tinalo na rin siya ng kanyang takot at nagpasyang manahimik na lang.

***

Habang sumasayaw napansin ni Whian na wala na si Laiza sa tabi niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid at agad naman niyang nakita ito. Lalapitan na sana niya ito nang bigla siyang natigilan, nang makitang nakikipagsayaw ito sa babae.

Magkasalubong ang mga kilay na lumapit siya kay Laiza at basta na lang hinablot ang kamay nito papalayo roon.

Nang nasa tapat na sila ng lamesa nila saka naman ito nagsalita. "Whian! Wait! Wait! Wait! 'Yung kamay ko!" sabi nitong hinawakan ang kamay niyang kanina pa nakahawak dito.

Inis na binitiwan niya naman ito. "Nalingap lang ako saglit nawala ka na!"

"Ay! Gano'n? Galit-galitan talaga?" nakangiting sabi nito.

Inirapan niya naman ito.

"Sorry na. Hindi ko napansin wala ka na pala sa tabi ko," wika naman nito.

"Ewan ko sayo!" naiinis pa ring sabi niya na tinalikuran ito.

"Nagseselos ka ba? Hahaha!" nagsimula na itong tumawa.

Napalingon siya sa sinabi nito. "Yuck! Ako magseselos?'' itinuro niya ang sarili. "Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Nakakadiri! Promise!" sabi niyang hindi maipinta ang mukha rito.

"Wee? Nagseselos ka eh! Tingnan mo nga 'yang mukha mo oh! Mukha ng nagseselos! Hahaha!'' tumawa pa ito nang malakas habang nakahawak na sa tiyan.

Mas lalo naman siyang nainis. Pakiramdam niya'y sabog na sabog na ang kanyang mukha habang nakatingin dito at hindi makapagsalita.

"At nakasimangot ka na naman? Sige ka! Tatanda ka talagang dalaga niyan! Hahaha!"

"Hindi ka nakakatawa!" napa-rolled eyes na lamang rito at padabog na naupo sa silya nila.

Mas lalo naman itong tumawa na animo'y wala ng bukas. Nang maupo na ito sa harap niya ay may lumapit naman sa lamesa nila.

"Hi!" masiglang bati ng babae at huling natuon ang mga mata sa kanya.

Awtomatikong nangunot ang kanyang noo nang makilala ito.

Ito 'yung haliparot na babaeng kasayaw ni Laiza kanina, at sino naman 'tong kasama niya? Nakataas ang isang kilang sa tanong niya sa sarili. "Yes?" sambit niya rito.

"My name is Hannah and you are?"

"Whian," tipid niyang sagot.

"It was nice to meet you, Whian. Anyway, I wanna say sorry about kanina. Nag-cause pa tuloy ng away niyo ng girlfriend mo. Hmm... Nagkataon lang 'yun ha? No strings attached. Actually, I have a girlfriend," nakangiting paliwanag nito na napunta ang kanang kamay sa bewang ng babaeng kasama nito. "This is my girlfriend, Rona.'"

Nagulat man sa sinabi nitong girlfriend niya si Laiza ay pinabayaan niya lamang itong matapos magsalita.

"Hello!" nakangiting bati naman ng nagngangalang Rona sa kanilang dalawa.

"Excuse me but--'' magsasalita sana si Laiza nang hinawakan niya ang braso nito.

"Hi!" ganting bati naman niya kay Rona. Nabalik ang mga mata niya kay Hannah. "Well, it's okay," nginitaan na niya ito.

"Pasensya na talaga sainyong dalawa ha? Sige maiwan na namin kayo," sabi nito saka iniwan na sila.

Nang sila na lang ang naiwan nanglalaki naman ang mga matang nilingon siya ni Laiza. "Bakit mo hinayaang isipin nilang may relasyon?"

"Well, ayoko ng pahabain pa ang usapan," walang kangiti-ngiting sagot niya.

"Okay,'' napalukipkip ito at napatingin na lang sa malayo. Nabalik ulit ang mga tingin nito sa kanya. Sumilay naman ulit ang nang-aasar nitong mukha. ''Oh? Bakit nakasimangot ka na naman diyan? Sige ka, tuluyan ka na talagang tatandang dalaga niyan! Hahaha!"

"Tatanda pala ha!" kinuha niya ang nag-iisang bote ng beer na nasa lamesa nila, inialog-alog iyon at binuksan ang takip niyon. Lumabas naman ang pagkarami-raming bubbles saka iniwaksi-waksi niya ang mga iyon dito. "Yan ang nararapat sa 'yo! Hahaha!"

"Hoy! Ano ba! Tigilan mo 'yan! Mababasa ako! Hahaha!" tumatawa na ring sabi nito. "Aha! Hinahamon mo talaga ako ha?" nagbabantang sabi nito.

Bigla itong tumayo at lumapit sa kanya. Bago pa man makalapit ito ay tumakbo na siya nang malakas. Tinanggal niya ang suot na mga tsinelas para hindi siya maabutan nito, kitang-kita niya naman ang maputi at pinong buhangin sa paligid.

Naghahabulan sila sa gilid ng dalampasigan na animo'y sila lang ang tao roon. Nang mapagod ay magkatabing nahiga sa buhangin habang habul-habol ang hiningang nagtatawanan at tinatanaw ang magandang buwan.

"Napakaganda tingnan," nakangiting bigkas niya sa mga labi habang nakatingin sa napakagandang tanawing iyon.

Nakatingin din ito sa buwan at unti-unting natuon ang mga mata sa kanya. "Kasing ganda mo Whian," mahina ngunit may diing sabi nito.

Napalingon siya rito at nagtama ang kanilang mga mata. Sa puntong iyon, ay hindi niya maipaliwanag ang mararamdaman.

***

KINABUKASAN

Hindi maiwasan ni Michael ang mag-alala dahil sa kanyang mga nalaman.

Nalaman niya mula mismosa kabanda ni Laiza na no'ng gabing iyon na hindi niya makontak ang kasintahan ay magkasama pala ang dalawa. Nalaman niya rin mula sa kabanda nito na magkasamang umalis ang dalawa kinabukasan no'n papuntang Tagaytay.

Dalawang araw na siyang pabalik-balik sa bahay nila Whian, sa coffee shop nito, at maging sa condo ni Laiza sa pagbabakasakaling makikita niya na ito.

Nasa labas siya ng condo ni Laiza nang mga sandaling iyon nang sa hindi inaasahan nakita niya nga ang mga ito. Kakalabas lang ng mga ito sa elevator habang masayang nagkukuwentuhan at nagtatawanan.

Magkahalong kaba, takot, at pag-aalala naman ang kanyang nararamdaman lalo na nang magtama ang mga tingin nila ni Whian. Nang makita siya nito ay tinapunan siya ng masamang tingin.

Hinawakan niya ang siko nito. "Can we talk?"

Iwinaksi nito ang kamay niya. "Don't touch me, Michael!" singhag nito sa kanya.

Nasa likuran nito si Laiza at nakamasid lang sa kanila.

"Please?" nagsusumamong sabi pa rin niya.

"Para saan pa? Alam ko na ang lahat! Kitang-kita ng dalawang mga mata ko kong pa'no mo 'ko niloko!" nanggigigil na sabi nito. Nagsimula na ring mamuo ang mga luha nito sa mga mata.

Mas lalo naman siyang kinabahan at unti-unti na ring namumula ang kanyang mga mata.

"Let me explain Whian! Pakinggan mo muna ako!" mariing sabi niya na kahit matigas ang pagka bigkas niyon ay ramdam doon ang sinseridad niya. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito. "Please?"

"Ayoko munang makita ka Michael kaya umalis ka na!" sigaw nitong nag-iwas ng tingin.

"Whian, mag-usap muna tayo! Sasabihin ko naman--"

"Umalis ka na!" sigaw nito ulit sa sasabihin pa sana niya. Tuluyan na ring nag-uunahan ang mga luha nito sa magkabilang pisngi.

"But please Whian! Give me a chance to explain!"

Pumagitna na si Laiza sa kanila. "Hindi naman sa nangingialam ako Michael, pero kaibigan ko ang niloko mo. Will you please give her time para makapag-isip-isip?" matigas na ring sabi nito sa kanya. "Please umalis ka na muna."

"This is so unfair!" sabi niya nang mapatingin kay Laiza, nabalik naman ulit ang mga tingin niya sa kasintahan. "Hihintayin pa rin kita Whian at hindi ako titigil hanggat hindi kita nakakausap," huling sinabi niya rito saka iniwan na niya ang mga ito.

Hello mga Lablab, mababasa niyo lamang po ang karugtong ng kwento sa ating YouTube Channel: Tagalog Love Stories MS