Makalipas ang tatlong buwan.
Nasa The Hideout Cafe si Whian, nakangiting tinatanaw niya naman si Laiza habang naglalakad ito papalapit sa kanya.
"Oh? Anong pangiti-ngiti mo diyan?" tanong nito nang tuluyang makalapit sa kanya.
"Parang mas gumaganda ka ngayon," pabirong sabi niya.
"Loka! Loka!" pabirong hinampas nito ang balikat niya saka naupo sa kaharap niyang silya.
"May nagpapasaya na ba?" hirit pa niya.
"Tigilan mo nga ako,'' nakatawang sabi nito. ''So, how's your relationship with Mr. Michael Dizon aka your ideal man? Kayo na ba?" tanong nito saka ininom ang tasang kape na in-order niya rito kani-kanina lang.
Sasagutin na sana niya ito nang matigilan silang dalawa nang may narinig silang love song na nagmumula sa speaker ng kanyang coffee shop. Kasabay naman niyon ang paglapit isa-isa ng mga waiters dala ang tag-iisang tangkay ng bulaklak sa mga kamay. Matapos siyang bigyan ng mga ito, ay lumabas ang isang gwapo at matipunong lalaki na may hawak na isang bouquet of red roses at jewelry box. Sa nangyaring iyon, marami na rin ang nakatingin na mga tao sa paligid.
"Michael?" napatayo siya at napangiti sa ginawa nito. ''What is this all about?"
Bakas sa mukha ng binata ang sobrang tuwa. Ibinigay naman sa kanya ang isang palumpon ng mga pulang rosas at lumuhod sa kanyang harapan.
"Whian, it's been three months since I've show to you how much I love you and I think this is the perfect time," binuksan nito ang isang jewelry box at bumulaga ang napakaganda at mamahaling diamond necklace. "Will you be my girlfriend?"
Dahil sa gulat at tuwa ay napatakip na lang siya sa kanyang bibig. "Yes! Yes Michael!"
Sa sagot niyang iyon ay tuwang-tuwang niyakap siya nito nang mahigpit. "I love you! I am the happiest man in the world! Thank you!" matapos siyang yakapin nito ay isinuot naman nito ang necklace sa leeg niya. "Bagay na bagay sa 'yo. Ipinagawa ko talaga 'to para sa 'yo," sabi nito saka mabilisang halik ang ginawa sa kanyang mga labi.
Nagsipalakpakan naman ang mga taong nasaksihan ang tagpong iyon.
Hindi alam ni Laiza ang mararamdaman sa kanyang mga nakita. Pakiwari niya ay unti-unting sumisikip ang kanyang dibdib at konti na lang ay sasabog na iyon. Alam niyang hindi na siya makakatagal sa kanyang kinatatayuan, kaya bago pa man mangyari iyon ay nilisan na niya ang lugar nang walang pag-aalinlangan.
Nang nasa loob na siya ng sariling sasakyan ay sunod-sunod naman ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Hahaha! Ano bang nangyayari sa 'yo Laiza? Bakit ka umiiyak? Sira ka ba?" tanong niya sa sarili habang tumatawa at panay ang pagpahid ng mga luha sa mga pisngi.
Ilang sandaling ganoon lang ang kanyang sitwasyon hanggang sa pinaharorot na niya ang sasakyan papalayo roon.
***
Lumipas ang mga araw at linggo, mas binigyang pansin ni Laiza ang kanyang banda at pagsusulat ng mga kanta. Mapaaraw man o gabi ay abala siya sa mga events na dinadaluhan.
Nasa loob siya ng kanyang kwarto ngayon at gumagawa ng kanta nang tumunog ang kanyang cellphone. Nang nilingon niya iyon ay nakita niyang tumatawag na si Whian.
Pinabayaan niya lamang iyon at ipinagpatuloy ang ginagawa. Nag-ring ulit iyon ng makailang beses, ngunit hindi na niya iyon tinapunan ng tingin.
Maya-maya pa'y may kumatok sa pinto ng kanyang silid, pumasok ang kasambahay niyang si Aling Aida. "Ma'am, nasa labas po si Ma'am Whian. Hinahanap ka na naman po."
Panahon na siguro para harapin ko siya. Sabi niya sa kanyang sarili.
"Sige, papasukin mo," seryosong sabi niya.
Tumango naman ito at lumabas na ulit.
Hindi man siya nakatingin sa nakaiwang bukas na pinto, pero alam niya paparating na ito dahil sa malalakas na mga yapak nito.
"Anong problema mo sa 'kin Lai? Bakit hindi mo 'ko kinakausap? I'd try to reach you pero hindi mo sinasagot ang mga calls ko! Pinupuntahan kita sa office niyo at pati rito sa condo mo pero parati ka namang wala?" malakas at garalgal ang boses na tanong nito.
"Busy lang ako Whian," tipid niyang sagot na hindi man lang ito tinatapunan ng tingin at nagpatuloy lang sa pagsusulat.
Inis na kinuha nito ang ballpen at notebook niya. "Huwag mong gawing excuse 'yan! Kausapin mo 'ko! Ano bang problema mo sa 'kin?"
"Wala nga! Akin na yan!" tinatry niyang kunin ang ballpen at notebook sa mga kamay nito ngunit imbis na ibigay nito ang mga iyon ay itinapon lamang nito ang mga iyon sa kama. "Ano ba!" galit nang sabi niya. Kinuha niya ang mga iyon at tinitigan ito sa mga mata. "Hindi mo ba alam na napakaimportante sa 'kin ng mga 'to? Kung wala ka lang ding mabuting sasabihin mas mabuting umalis ka na lang!"
"Hindi kita maintindihan! Parang hindi na kita kilala!" umiiyak nang sabi nito. "Mabuti pa ngang umalis na 'ko! Sorry ha? Naistorbo pa kita!" lumuluhang sabi nito saka iniwan na siya sa silid niya.
Nang makaalis na ito ay sunod-sunod naman ang pagtulo ng kanyang mga luha. Maging siya ay hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Pilit niya itong iniiwasan sapagkat alam niyang hindi tama ang kanyang nararamdaman.
Yes! She has a feeling for her friend na kapwa niya babae at hindi niya matanggap ang sarili.
Noon pa man alam naman niyang straight siya dahil nagkakagusto siya sa mga lalaki at kahit noong college pa siya marami siyang naging boyfriend. Kaya naman ganoon na lang ang hindi niya pagtanggap sa sarili dahil sa nararamdaman niya para dito.
Gustuhin man niyang magdasal araw-araw, baguhin ang sarili, at iwasan ang babaeng naging dahilan kung bakit siya nagkakaganito ay wala pa ring nagbabago. Gano'n pa rin ang nararamdaman niya para dito...
mahal niya pa rin ito.
***
"Babe are you ok? Bakit parang ang tahimik mo?" tanong ni Michael kay Whian habang kumakain sila sa isang kilalang restaurant.
"Ah! Yes babe," nakangiting sagot niya nang matauhan.
"This past days parang hindi ko na yata kayo nakikita ni Laiza na magkasama," nagtataka ito. "May problema ba kayo?"
"Let's not talk about Laiza," nag-iba ang timpla ng kanyang mukha.
"Ok!" tumango naman ito kasunod no'n ang pag-ring ng cellphone nito. "Oh! Excuse me Babe, I need to answer this one," bahagyang itinaas nito ang cellphone.
"Sure."
Nang pumayag siya ay tumayo na ito sa silya at lumayo sa lamesa nila.
Ganoon ang palaging tagpo sa tuwing magkasama sila ni Michael, parang walang bagong nangyayari. Parati niya pa itong napapansing may kausap sa telepono, and she always notice na nagiging boring na 'yong relationship nila.
Ilang sandali pa, bumalik na ito sa table nila. "Babe I'm really sorry but, can we go now? I have an emergency meeting with boss."
"Sure," hindi na siya tumutol pa kasi pagtrabaho na ang pag-uusapan hindi talaga ito makakahindi. Lagi naman talaga itong busy, lalo na pag-weekend.
"Thanks for your understanding, Babe. Babawi ako sa 'yo," nakangiti nitong sabi.
Tumango lamang siya.
***
Hinatid na siya nito sa bahay nila at hinalikan siya sa pisngi. "Hindi na ako tutuloy ha? I love you."
"I love you too. Mag-iingat ka."
Ngumiti lamang ito at pinasibat na ang sasakyan.
Mahigit limang buwan na rin pala simula nang naging sila ni Michael ngunit magpahanggang ngayon ay wala pa rin itong nababanggit tungkol sa pamilya nito kahit no'ng nangliligaw pa ito sa kanya. Kaya naman, bago pa mawala sa paningin niya ang sasakyan nito ay parang mayroong sariling pag-iisip ang mga paang nagmamadaling sumunod siya rito.