"Hindi naman masama ang mangarap eh, ang mas masama ay ang mangangarap ka tapos wala kang ginagawa para makamit yon".
Pumunta ako sa mall para tumingin ng mga libro na pwedeng basahin at habang naglalakad ako ay may nakita akong lalaki at babae na nag-aaway sa may hindi kalayuan. Tinitignan ko sila dahil hawak hawak ng babae ang kwelyo nung lalaki at para silang magjowa na nag aaway at ang dahilan? CANDY. Oo nag aaway sila ng dahil sa candy. At nung makita nila ako ay nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad dahil malapit lang naman ang mall dito.
Tinitignan pa rin ako ng dalawang taong yun kahit na naglalakad na ako ang weird nila ha? Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na hanggang sa marating ko ang entrance ng mall. Nung pumasok ako ay dumiretso ako sa book store upang makakita ng mga libro na ka-akit akit sa mata ko. At nang may makita ako binasa ko muna ang pamagat at ang nakalagay ay "Ang Kendi ni Aling Nora". Lumaki ang mata ko dahil sinong manunulat ang susulat ng ganitong libro tungkol sa isang kendi? Anong klaseng kendi ba iyon? Ahhh baka ginto o baka naman kapag nilunok eh magkaka powers si aling nora.
Kinuha ko na lamang iyon dahil gusto kong basahin kung anong meron sa kendi na yon. Nacucurious ako kaya ko bibilhin tong libro na to. At dahil hindi pa ako kuntento sa iisang libro naghanap pa ako ng ilang libro na ka-akit akit. At nang nakahanap na ako ay pumunta na ako sa cashier upang bayaran ang mga librong nakuha ko. Pagkatapos kong mabayaran at makuha ang mga libro ay dali dali ko tong kinuha at naglakad na palabas ng mall. Habang nasa daan ako ay may nakita akong papel na nakatiklop pero dahil normal lang makakita ng papel sa daan ay nilagpasan ko ito. Pero pagtingin ko sa dadaanan ko ay nasa paanan ko ulit yung papel. Kaya binalikan ko ng tingin sa kung saan ako dumaan at nilampasan ang papel pero wala ito doon. Ibig bang sabihin?...
May naapakan akong bubble gum kaya dumikit sa tsinelas ko? Pero bakit hindi sa mismong talampakan ng tsinelas ko dumikit? Nang pulutin ko ito at buksan ay nakita kong may.....
"HOY MALELATE KA NA SA KLASE MO! HINDI KA PA BA BABANGON DYAN!"
Sigaw ng nanay ko sa labas ng pinto habang malalakas na kalabog ang naririnig ko. Ano bang ginagawa ni mama parang binubugbog naman niya yung pinto eh hindi naman magkaka pasa yan siya ang magkaka pasa kung sakali. Umupo na ako mula sa pagkaka higa dahil iniisip ko na naman ang panaginip ko kanina. Ano bang ibig sabihin ng kendi na yon? Una, yung mag jowa na nag aaway dahil sa kendi tapos pangalawa yung libro? Baka naman pwede kong isulat yon? Oo pala writer nga pala ang pangarap ko gustong gusto kong magsulat ng mga kwento kaso dahil busy ako sa school kasi ako'y isang college student at tamad din ako kaya makakapag umpisa ako ng kwento pero laging hindi ko natatapos. Pero dahil ganyan ang buhay weather weather lang oh yeah ako si kuya kim. Pero it's a prank lang yon panong ako si kuya kim eh babae nga ako jusko.
Tumayo na ako dahil papasok nga pala ako sa school ngayon. I'm a college student enrolls a BSBA or Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management. Pangarap ko din talaga na magkaroon ng sariling business someday kaya eto ang inenroll ko. Nagsisipag din ako mag aral dahil gusto kong makatapos kahit anong hirap pa ang daanin ko. Kapag sinabi kong magtatapos ako, magtatapos ako. Hindi ako galit ha? Pinapaliwanag ko lang na seryoso ako na gusto kong magtapos. So dahil malelate na ako umalis na ako sa bahay at sumakay sa motor ko. Oo nag momotor ako tuwing papasok sa school dahil medyo malayo layo din yon. So what? Babae ako pero marunong ako mag motor lisensyado din ako dahil talagang pinagtuunan ko ng pansin ang pagkakaroon ng lisensya mwehehehe.