Chereads / THE BILLIONAIRE'S LAWYER / Chapter 2 - CHAPTER ONE

Chapter 2 - CHAPTER ONE

"Court is adjourned!"

Napayuko si Lucia at lihim na napangiti sa resulta ng kasong kanyang hawak. Bagong kasong naresolbahan na naman ng isang sa kilala at isa din sa mga napakahusay na lawyer sa henerasyon ngayon, LUCIA ADETTE REYES. So nice to hear, right?

Galing si Lucia mula sa pamilya na magagaling pagdating sa industriya ng pagnenegosyo. Mga pamilyang may paninindigan at marunong maki-tao.

Simula pa noong maliit ay ninais na talaga niya ang pagiging alagad ng batas. Lalo na ang ipagtanggol ang mga taong hindi kaya makamit ang hustisya kung wala ang pera. Aware na aware siya sa patakarang mayroon ang mundo. Dinadaan lahat sa pera. Hindi ba't gano'n naman talaga?

"Nice Lucia! Another achievement for you."

Napalingon siya sa taong nagsalita papalapit sa kanya. Nakangiti ito kaya naman hindi niya rin tuloy mapigilang hindi ilabas ang ngiting kanina pa niya pinipigilan noong trial.

"It will never happen if you're not here, Eunice. Nagpapasalamat talaga ako sa tulong mo." Turan niya rito.

Malaki ang naitulong nito sa kaso niya. Eunice Delgado, Her chief-inspector bestfriend. Isa sa mga kaibigan niya simula pa noong high school magmula ngayon.

I-isang law school din ang pinagtapusan nila. Ito ang hiningian niya ng tulong ukol sa paghahanap ng sapat na ebidensy para laban sa kabilang kampo.

Napakagaling nito sa propesyong kinuha nito. Kaya naman kampanteng-kampante siya noong humingi siya ng tulong dito dahil alam niyang hinding-hindi siya nito bibiguin at tama nga siya.

"Sus, bobolahin mo pa ako. E' hindi naman ako ang humarap sa husgado at nakipagdebate kung hindi ikaw." Nang tuluyan itong makalapit sa kanya ay awtomatikong kumapit ito sa kaliwang braso niya.

"pang-ilang kaso mo na 'tong naipanalo and take note, wala ka pa ni isang naitatalo. You're really are the best lawyer in town. Panigurado headline ka na naman ng mga diyaryo bukas."

Tumawa siya sa sinabi nito. Marami pa ang bumati sa pagkapanalo niya bago siya lumabas ng kuwarto na iyon kasama si Eunice.

"Ma'am Lucia!"

Agad bumungad sa kanilang dalawa ng kaibigan niya si Mang Jualdo, na isa sa mga magsasakan na dahilan kung bakit andoon sila ngayon.

"Mang Jualdo andito po pala kayo. Mabuti na lang, dahil may good news kami ni Lucy sa 'yo. Nanalo tayo! Yiii!" agad na sabi ni Eunice sa matanda at yumakap pa ito dito.

Ngumiti naman ang matanda at kita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata nito.

"Ma'am Lucia at Ma'am Eunice maraming salamat po talaga sa naging tulong niyo. Hindi lang po ako kung hindi pati na ang lahat ng mga magsasaka ng San Jose ay nagpapasalamat sa ginawa ninyo."

Nagpahid ito ng mga luhang tumulo sa mga pisngi nito. Ramdam na ramdam ni Lucia ang tuwa at kasiyahan sa loob-loob nito kaya pati rin siya ay natuwa.

Gumaan ang loob niya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto niyang tumulong ng walang bayad. Iyong mga tuwa at ngiti na nararamdaman ng mga natutulungan niya ay nararamdaman din niya.

"Ma'am Eunice bakit po kayo umiiyak?' Tanong ni Mang Jualdo kaya naman napabaling siya ng tingin sa katabi. Hindi niya tuloy mapigilang hindi matawa ng makita ang itsura nito.

"E kasi naman Mang Jualdo ang drama-drama mo. Pati tuloy ako naiiyak na. Tapos ikaw tawa-tawa ka pa diyan, napaka-pusong bato mo talaga e'. Hindi ka man lang na-touch?" Turo ng kaibigan niya sa kanya.

"Hindi ako pusong bato, hindi lang talaga mababaw ang luha ko gaya mo." Depensa niya.

"Hindi mababaw o may mutang nakabara lang diyan sa mga daanan ng luha mo."

"Ewan ko sa 'yo Eunice."

Tiningnan siya ng masama ng kaibigan. "Ewan ko din sa 'yo Lucia. Hay nako Mang Jualdo tara na nga."

Pinigilan na lang niya ang hindi na muli tumawa dahil sa asta nito. Dahil maliban sa isa pa niyang kaibigan ay si Eunice ang pumapangalawa sa pagiging pinaka-sensitive sa lahat. May umiyak lang sa harapan nito ay naiiyak na rin ito. Pero hindi siya iyong tipo ng taong maloloko na lang basta-basta. Sa magkakaibigan, silang dalawa na ata ang pinakamahirap makagaanan ng loob. Marahil dala na siguro sa propesyong kinuha nila sa buhay kaya naging subok na sila.

Pagkalabas nila sa mismong lugar hindi inaasahan ni Lucia ang makikita niya. Andoon ang ilan pang magsasaka ng San Jose, nag-a-abang sa kanila sa labas. Ang akala niya kasi ay si Mang Jualdo lang pero hindi pala.

"Ma'am pasensya na ho kung hindi namin kayo mababayaran. Ang dami namin pero 'di namin magawang mag-ambagan para magbayad sa serbisyo ninyo. Kaya nga po inani na lang namin ang mga tanim namin at ito ho sana ang tanggapin ninyo bilang sukli sa ginawa niyo."

Napalingon si Lucia kay Mang Jualdo na nagsalita sa harapan niya, gulat na gulat siya sa sinabi nito.

"You mean, iyang mga nasa likod ng truck ang ibibigay niyo sa akin?" tanong niya. Sako-sako ang mga iyon. Kung ilang sako 'yon hindi niya mabilang.

"Opo ma'am."

"Ang dami naman nito Mang Jualdo. Meron ba ko?" Biro ni Eunice.

"Meron po ma'am kaya nga po marami kaming inani dahil para rin po sa inyo ang iba." Sagot naman ng isa pang magsasaka na si Mang Ben.

Tila nagulat naman si Eunice sa sagot nito. Akala niya siguro ay wala siya. "Talaga ba? Oh my gash! Pang-ilang supplies ko 'to. Thank you. 'Di ko na tatanggihan 'to. Makakatipid ako nito e'."

Napailing siya bago tumingin muli kay Mang Jualdo. "You don't have to do this, Mang Jualdo. Masaya na akong makita kayong masaya. Masaya akong natulungan ka at ang buong taga San Jose."

Naramdaman niyang tila may humihila sa suot niyang palda kaya napababa siya ng tingin. Nakita niya ang batang si Maris. Anak ng isa sa mga magsasaka.

"Ate Lucia, salamat po. 'di ba po hindi na iiyak si mama uli nito?" tanong nito.

"Nako, hinding-hindi na Maria."

Yumukod siya upang magpantay ang tingin nila ng batang kausap. Isinusuksok niya sa magkabilang tainga nito ang ilang hibla ng buhok na humarang sa maamo nitong mukha.

"Pag tanda ko po magiging katulad kop o kayo."

"Talaga? Promise mo sa 'kin 'yan ha. I'm excited to see you when that time comes." Ngumiti siya rito.

Tumakbo ito papalapit sa ibang magsasaka sa isa pang truck na nakaparada rin doon bago sila isa-isang nagsi-akyat sa likod no'n. Siguradong iyon ang pinagsakyan ng mga ito makarating lang rito sa bayan.

"Ma'am Lucia, sana po hindi po ito ang huli nating pagkikita. Nawa'y gabayan kayo ng panginoon sa pang-araw araw ninyong ginagawa. Bumisita ho uli kayo sa San Jose kapag may panahon kayo." Paalam ni Mang Jualdo sa kanya. Ibinaba nito ang suot na sumbrerong gawa sa abaca at bahagyang yumuko bago muling isinuot iyon.

"Don't worry, I will Mang Jualdo. Mag-i-ingat kayong lahat. Tawagan niyo lang ako o ang opisina ko kapag may problema, idaan lang natin sa batas 'yan." Kumindat siya rito.

Umakyat na ito sa truck at nagpaalam kasama ang ibang kasamahan nito. Tiningnan niya lang ito hanggang sa mawala sa kaniyang paningin bago tinungo ang kotse niya

"Ano tara na? Let's go home! May nag-a-antay sa aking delivery ng supplies sa bahay. Hehe, hatid na daw nila Mang Ben. Ako na rin ang nagbigay ng address mo."

Nakita niya si Eunice na nakasakay na sa kotseng dala niya at nakaupo sa passenger seat. She raised an eyebrow at her friend and smirked.

"Ayos ah."

"Wag ka ng magreklamo sinundo mo ko sa bahay kaya ikaw din maghatid sa akin. Alangan naman ipag-taxi mo pa ko. Hindi ka man lang nakokonsensya?"

"Ang daldal mo 'no? iuuwi naman kita e'. Kumalma ka." Ismid niya rito. Lumapit siya sa pintuan ng driver's seat upang buksan iyon.

"Good job for you, Ms. Reyes."

Awtomatiko siyang napalingon sa taong nagsalita at awtomatiko din ang pagsasalubong ng kilay niya ng makita kung sino iyon.

"Congratulations Lucia. You won against me, again!" pagak na tumawa pa ito.

Narining niyang bumukas ang pintuan sa passenger's seat niya, it was Eunice who's listening inside the car.

"And base on how you congratulate Lucia, halatang-halata ang pagka-bitter mo Andrei." Singit ni Eunice sa usapan.

"Alam mo kasi galing-galingan mo. 'di yung pag natalo ka, maghahanap ka ng masisi at magiging nuknukan ka ng bitter. Katulad na katulad mo talaga ex mo. Bagay na bagay kayo, bakit ng aba naghiwalay kayo?"

Napailing ang binata sa sinabi ng kaibigan niya. Minsan wala talaga sa wisyo magsalita itong isang 'to e'. Hindi na ito pinansin ni Andrei at itinuon uli sa kanya ang atensyon.

"One of these days alam ko mapapasabi ka na lang na sana nga hinayaan mo na lang kami, nang kampo ko ang nanalo."

Tumaas ang isang kilay ni Lucia. "And why?" tanong niya rito.

"Alam kong kilala mo ang mga Villafuerte, Lucia. Your parents knew them well. You know how powerful and rich they are. Hawak nila ang lahat. Sooner or later hawak na rin nila ang buhay mo. You'll be in danger in no time."

Napatahimik siya sandali sa tinuran nito. But what's new? Kailangan na ba niyang matakot? Ilang beses nang nanganib ang buhay niya. She even ate 'death threats' as her breakfast. Napataas ang sulok ng kanyang labi sa naisip.

"I don't care if they are the rich or whether how powerful they are, Andrei. I don't even care if I die here, sooner or later. At least I gave my best shots for those farmers they've tried to degrade. Sa huling hininga ko alam kong natulungan ko ang mga pamilyang naagrabyado ng kliyente mo. Hindi ba't mas masarap sa pakiramdam 'yon? Wait! Ikaw? Hindi ka ba nakokonsensya na mas inuuna mo ang halaga ng pera kaysa sa halaga ng mga taong nasasaktan?" pang-aasar niya rito.

"Whooo. Bars! Saka wag kang mag-alala kay Lucia! Sanay na 'yan sa panganib." Gatong ni Eunice at tumawa.

Sabay silang pumasok ni Eunice sa kotse at parehas rin silang tumawa. Narinig niyang may ihinirit pa si Andrei. "You can never smile and laugh like that anymore Lucia. 'wag mong sabihing hindi kita binalaan."

Inilusot niya ang ulo sa labas ng bintana. "Oh yeah? Well, then thank you for your concern. Bye." Sumaludo muna siya rito bago umayos ng upo at inayos ang suot na seatbelt. Nang masiguradong ayos na ang lahat ay tumingin siya kay Eunice.

"you done?"

"Yep. Let's go."

Nang sumagot ang kaibigan ay saka lang niya ini-start ang engine ng sasakyan.

"O' pa'no ba 'yan Lucy? More danger and death threats to come na."

"Well what can I say? I'm good e'." she smirked.

The car filled with their laughs, that people may thought they we're crazy. Well, they might be crazy, for real. Silang dalawa lang ata kasi ang mga taong tinatawanan at natutuwa sa salitang panganib at kamatayan.