Chereads / THE BILLIONAIRE'S LAWYER / Chapter 5 - CHAPTER FOUR

Chapter 5 - CHAPTER FOUR

"At last! We're here." Hiyaw ni Eunice pagkababa nito ng kotse. Ito ang nagmamadali at nanguna sa pagbaba habang sumunod naman silang dalawa ni Alexa.

"I missed this place. A peaceful place for the three of us!" dugtong naman ni Alexa.

"Anong three of us ka diyan? Para sa 'yo lang. Ikaw lang naman ang kailangan ng kapayapaan diyan e'. Damay mo kami." Ungot ni Eunice nang humarap sa 'min.

Napatingin si Lucia sa pintuan ng hotel-resort na pagmamay-ari nang pamilya. Marami nang nabago rito at mas maganda na rin ito kaysa noon.

"Anak! Lucia!"

Lumingon si Lucia sa tumawag. It was her mom. Nakangiting naglakad ito papalapit sa kanya kaya sinuklian niya rin ito nang ngiti. Isang mahigpit na yakap ang ginawad nito sa kaniya kaya ginantihan niya rin ito ng katumbas noon.

"I really missed you so much. Ngayon ka na lang uli kasi umuwi."

"I missed you too mama. Sorry, sobrang busy ko talaga kasi e'." bumitaw siya rito at hinalikan sa pisngi ang matanda.

Tumingin ang ginang sa dalawang kasama niya at binati ang mga ito, nagbeso-beso at sandaling nagkamustahan.

"Matutuwa ang papa mo pag nalamang umuwi ka na."

"Oo nga pala, nasaan si papa?" bigla ay tanong niya sa ina.

Iniutos muna ng kaniyang ina ang mga bagahe nila sa bellboy na dalhin ang mga ito papasok sa loob, bago sila pumasok na apat.

"Nasa meeting pa ang papa mo. Busy nga siya nitong mga nakaraang araw pa e' lalo na't ang isa sa ka-business partner nito ay nagbabalak magtayo ng bagong negosyo. Don't worry about him, he can still handle himself. 'Di ko pa nga sinabing may balak kang umuwi ngayon, para naman ma-surprise siya. Miss ka na din no'n. Laging nag-a-abang ng balita 'yon tungkol sa 'yo."

"Mas miss ko kayo ni papa do'n sa manila, ma. Paggising ko wala ni miski isa man lang sa inyo."

"Sus, sino ba kasing may sabing doon ka tumira ha?" her mom put some of her hair at the back of her ears

"E' kasi nando'n ang opisina ko." She pouted.

"O' kita mo. Anyway, ilang araw pala kayo dito?"

"1month kami dito, tita!" masiglang sagot ng dalawa na ikinalaki ng mata niya. Ang usapan nila two weeks lang.

"ANO?!"

"Tita o'. Uuwi agad si Lucia." Sumbong ni Alexa.

"No worries, kinausap namin ang assistant mo, we ask her if you still have an undone works at dahil wala naman daw o' e' 'di go na 'di ba?" singit ni Eunice.

She tsked. "But you should have asked me, not my assistant." Tumaas ang isang kilay niya. Mukhang pinagkakaisahan siya ng mga 'to ah.

"Tita, bawal ba kami dito ng isang buwan? May bayad na ba kapag tumagal kami ng gano'n dito?" Alexa asked her mom.

Umiling naman ang ina niya bilang sagot at nakangiti lang. "Bakit ko pa kay sisingilin? Parang anak ko na rin kayo. And you guys, took care of my Lucia while she's away from us. Take this as a treat."

Both of her friends look at her with a smug on their faces. "You heard that?" tanong ni Eunice sa kanya bago muling lumingon sa ina niya. "Thank you tita! Saan nga pala kwarto naming tatlo?"

"Oh, wait, sasabihin ko muna sa assistant ko para ituro sa bellboy at maihatid kayo doon. Teka lang ha... Nasaan ba si mika?"

"Mama." Hinawakan niya ang braso ng ina para humarap ito sa kanya. She had this look na parang hindi uma-agree sa mga desisyon ng ina, kahit wala siyang sabihin ay alam na nito ang ibig niyang sabihin. Ngumiti naman ito at tiningnan siya.

"Ano ka ba anak? Mga kaibigan mo naman 'yang mga 'yan."

Tiningnan niya ang mga kaibigan niya ng masama habang ang mga ito ay nakangisi sa kanya.

"Mayayaman ang mga 'yan ma. You should make them pay."

"Grabe!!!!" sabay na reklamo ng dalawa. Tumawa siya ng parehas na hindi maipinta ang mukha ng dalawa.

"O' bakit? Ni hindi ko nga alam na isang buwan pala tayo dito e'. Pinagkakaisahan niyo ko."

"But we are your friends." Nakangusong sabi ni Alexa.

"Good, then double it."

"Napaka-sadista mo!"

Tumawa siya ng malakas at tumingin muli sa ina.

"I love seeing and hearing you laugh like that again, anak."

She smiled. "Ma, enough with the drama. I love you and thank you for letting these two manipulate you."

Kumunot ang noo nito. "They're not."

"Oh yes they do. You just didn't notice it." Napairap siya rito.

Napatawa tuloy ang ina sa naging reaksyon niya. How she missed her family.

Maya-maya ay sumakay silang magkakaibigan sa elevator kasama ang bellboy.

"Wow, ang bongga naman nitong elevator niyo rito. Lakas maka-fitting room sa mall." Komento ni Eunice.

"Puchanggala!" Lahat silang naroon ay napalingon kay Alexa na humiyaw. "Gagi ang ganda ko sa salamin na 'to."

Napapikit si Lucia ng mariin at pigil ang sariling kaltukan ang bunbunan ng kaibigan. Narinig niya pa ang pagpipigil ng tawa ng bellboy na kasama nila. Sa tingin niya ay akala siguro nito na baliw ang kasama niya. Well, medyo totoo naman.

"Oo nga!" Sang-ayon naman ni Eunice. Maya-maya lang ay nagpose na ng nagpose ang dalawa sa harap ng salamin. Nagpicture pa ang mga ito, hindi na nga siya sumali kahit panay hila sa kaniya ng dalawang bugok.

Nasa tuktok ang kwarto nila. VIP room talaga ang mga naroon at ang pinili pa ng mama niya ay ang pinaka-malaki sa mga iyon kung saan magka-kasya silang tatlo.

Manghang-mangha ang mga kaibigan niya pagbukas palang ng kwarto. Spacious. Malaking glass window ang dingding kung saan kitang kita ang view sa labas. May tatlong kama at malaking TV na nakakabit sa dingding. There was also a big furry gray carpet inside, na sure siyang malambot kapag tinapakan niya iyon.

Miski tuloy siya ay nagulat. Parang ayaw niyang pumasok dahil natatakot siyang madumihan. Imagine hindi nila babayaran ang pag-stay nilang tatlo roon.

"Magkano ang bayad dito sa kwarto na 'to?" mahinang tanong ni Eunice habang iniikot ang paningin sa paligid.

"150-200k bes." Pabulong na sagot rin ni Alexa.

"Punyeta Lucia! Libre 'to 'di ba? Sapakin ka talaga naming. Dapat pala naghanda ako ng contract para surebol na free 'to!"

Natawa siya. "Kayo ang nakipag-usap kay mama tapos ako ang tatanungin niyo ngayon."

"E' kasi namaaaan."

"Mag-ayos na tayo ng gamit." Sabi niya na lang sa dalawa.

"May iuutos pa ho ba kayo ma'am?" tanong ng bellboy sa kanya.

Umiling naman siya rito. "No, wala na. Thank you nga pala. And here take this." Inabot niya rito ang perang kanina pa niya hinanda bilang tip sa bellboy. Nakangiting nagpaalam ito sa kanilang tatlo.

"Where are they?" bungad na tanong ni Alexander sa kasambahay na sumalubong sa kanya sa pintuan. Ito rin mismo ang mayordoma roon.

"Nasa library ho sila Sir Alexander. May bisita po siya ngayon, si Mr. Reyes."

Tumango siya ng marinig ito. Mabuti na lang at naroon rin si Mr. Reyes, mas mapag-u-usapan nila ang nalalapit na pagbubukas ng isa niya pang binabalak na negosyo.

Lumakad siya patungo sa library ng hacienda. Namiss niya ang ambiance na mayroon ang lugar na ito na wala sa manila. Ang masarap na hangin at ang pagiging tahimik.

Sa labas palang ng pintuan ay narinig na niya ang boses ng kaniyang ama at ang isa pang boses na pamilyar sa kanya. Kumatok muna siya ng ilang beses sa pintuan bago naisipang buksan at sumilip roon.

"Hijo!" malakas at tuwang-tuwa sabi ng kaniyang ama.

"Dad." Ngumiti siya sa ama at sandaling yumakap ng makalapit rito.

Humarap siya sa kausap nito na si Mr. Benedict Reyes. One of the most successful business tycoon in town, well, not only him but also his wife.

"Mr. Reyes, it's so good to see you right here. P'wede na nating mapag-usapan ang mga dapat nating gagawin para sa bago nating negosyo." Nakangiting saad niya rito habang nakikipag-handshake.

"No hijo. Next time mo na lang siya kausapin, marami pang araw bago matuloy 'yang pina-plano mo 'di ba? Kakarating mo lang rito business kaagad nasa isip mo. Mukha ngang 'di mo pa nakikita at nababati ang mama mo e'."

Napatingin siya sa ama ng pigilan siya nito.

"Pero 'yon naman talaga ang plano kaya ako umuwi." Dahilan niya rito.

"So, umuwi ka lang dito para mag-usap tayo about sa business? Hindi ba't parang workaholic naman na masyado. Give yourself a break. Why don't you stay here for a while and give yourself a little vacation?"

"Dad, I don't have time for that."

"Oh, of course you do. It's not like, the company will stop functioning without you. And anyway, you've got all the time to talk about your business, wag kang atat. Hindi naman tatakbo si Mr. Reyes, 'di ba Benedict?" nakangiting wika nito sa matanda. Tumango naman ang kausap at bumaling ang tingin sa kanya.

"There's no need to rush, hijo. I know your businesses is important to you but remember to make time for yourself. How will you take care of your business, if you won't take care of yourself? You can call me anytime naman. One call away lang ako." Sabi nito sa kanya.

"See..." gatong naman nang ama. "At nandoon naman si Luis, let him handle the company for the meantime."

Si Luis ay ang nakababata niyang kapatid na lalaki. Magaling naman ito pero baguhan palang kasi sa industriya.

"But dad..."

"Wala ka bang tiwala sa kapatid mo? He's not a kid anymore. He's a grown up man like you. Hayaan mo din namang matuto pa ang kapatid mo."

Napakamot siya sa sariling batok. Mukhang wala na siyang iba pang magagawa.

"Simula ngayong araw na 'to, opisyal nang naka-bakasyon ka ha."

He tsked. "May choice pa ba ako, dad?"

'Wala." Pagsagot nito sa kanya ay saka ito humalakhak kasabay ng bisita nito. Nagpaalam na rin itong uuwi na para raw ay magkaroon sila ng time na pamilya. Isinet na lang nito ang araw kung kailan sila muling makakapag-usap at kung saang lugar.

Mukha rin namang nagmamadali ang matanda dahil pinapauwi raw ito ng maaga ng asawa. Paglabas nito ng kwarto ay siya namang saktong pagdating ng kaniyang ina.

"Alexander, my baby."

"Mom." Lumapit siya rito at sinalubong ito ng mahigpit na yakap.

"I missed you so much. Bakit ngayon ka lang bumisita? Nakakatampo ka alam mo ba 'yon? Nag-asawa ka na ba do'n? Nabuburyo ako dito, wala ka at iyong kapatid mo wala na rin dito. 'yang tatay mo lang ang nakikita ko palagi."

"We can make a new one if you want."

Hindi niya mapigilang hindi humalakhak nang malakas ng makita niya ang reaksyon ng kaniyang ina. Hindi maipinta ang mukha nito.

"You should've suggest that no'ng hindi pa ako menopause. Siraulo ka."

"Hindi ka pa naman menopause ah. The doctor told us that you're near on being menopause but you still have the possibility to get pregnant. Ayaw mo no'n magkakaroon tayo ng menopausal baby pag nagkataon."

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang ama. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ito o ano pero hindi siya natutuwa.

"Magtigil kang matanda ka." Bumaling ang ina sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Bakit pa tayo mag-aanak? Alexander will do that for us. Hindi ba anak?" Ngumiti ito sa kaniya. "May girlfriend ka naman na siguro doon hindi ba?"

Ngumiti siya ng pilit rito pagtapos ay umiling. "No, ma. Wala pa. Ayoko nang mag-asawa. Wala akong makitang babae na katulad mo."

His mom's smiling face turn into frantic. "What are you saying hijo? Kung maliit ka pa siguro matutuwa ako diyan sa sinasabi mo. But you're 32 na, me and your dad are not getting younger. Pareho pa kayo ni Luis na walang balak mag-asawa."

"Ma, it's too early for you to say that. Hindi ka pa naman ganoon katanda at maaga pa para mag-asawa ako."

"MAAGA? Bakit ilang taon mo ba balak? Kapag nasa kabaong na 'yang tatay mo?"

"Ma, don't meddle with your son's plan kasi kahit akong nanahimik dito, napapakialaman mo e'. Bakit naman ako pa ang nilagay mo sa kabaong?"

Natawa siya sa sinabi ng ama kapagkuwan ay humalik siya sa sentido ng ina.

"Stop troubling yourself with things like that ma. Hindi ba't mas magandang i-enjoy muna natin ang bakasyon ko dito?"

"You'll stay here?" halata sa mukha ang kagalakan nito na ikinatango naman niya.

"Oh my God! Akala ko pumunta ka lang rito para makipag-usap sa dad mo!"

Lumingon siya sa ama na nakangiti sa kanila. "what can I say? nabudol ako ng asawa mo e'."

"Approve ba, ma?" kumindat at nag-thumbs pa ang ama niya sa kaniyang ina.

"Mga ganitong pagkakataon mo talaga napapatunayan na tamang pinakasalan kita e'. May reward ka sa 'kin mamaya!" Napailing siya ng makitang itinaas ng ama ang kanang kamao at nag-'yes' pa.

"Then we should celebrate this! Sandali lang at lalabas ako.. Sandra!" tinawag nito ang mayordoma at nagmamadaling lumabas ng library. Malamang sa malamang ay ilalabas na nito ang mga pinakatatagong kubyertos na inilalabas lang nito kapag may bisita.

He missed this kind environment iyon bang chaotically good. Sa manila kasi ibang chaos ang nangyayari. Ngayon na lang uli siya nakaramdam ng kapayapaan sa pang-araw araw niyang pamumuhay. Why didn't he think of going home? Talaga bang nagiging workaholic na siyang tao? Is that bad or not? He wonders.