*BANG BANG BANG!
Puro putok ng baril ang umalingawngaw sa buong silid ng shooting range.
Lumipas na rin ang dalawang linggo nang pag-stay nila Lucia at ng mga kaibigan niya sa San Sebastian. They've been doing a lot of fun and outdoor activities ever since they came here. Nakapag-kayaking at surf na nga sila nitong mga nakaraang araw, ngayon naman ay balak sana nilang magkakaibigan na mag-zipline adventure sa isa sa mga sikat na destinasyon sa probinsiya niya pero biglang nagbago ang isip ng kaibigan niyang si Alexa at mas piniling magpunta sa Shooting Center na pagmamay-ari ng tito niya. Ang Venico Range.
Noong nasa Manila sila ay madalas na nilang tatlong gawin ito, kapag wala silang ginagawa o kaya naman kapag stress sila sa kani-kanilang trabaho. That's their own way of relieving their problems and having fun at the same time.
Pare-parehas naubusan ng bala ang mga hawak na baril nila Lucia, Alexa at Eunice kaya inilapag na muna nilang tatlo ang mga iyon at tinanggal ang mga suot na earmuffs at glasses for their own safeties, saka sila nagsilabasan sa mga kanya-kaniyang cubicle na gamit.
"Tama nga ang chismis! Andito kayo!"
Sabay-sabay silang nagsilingon sa boses na narinig nilang magsalita.
"Emmanuel! Oh my God!" tili ni Alexa sa lalaking nakangiti sa kanilang tatlo. Agad itong tumakbo papalapit rito at yumakap ng mahigpit.
"Girl! Kadiri ka naman! Hindi nga ako si Emmanuel 'di ba? Ano ba 'yan, wala ka pa ring pinagbago. Emmanuela okay? With A!" Maarte nitong sabi kay Alexa. Nagsitawa naman silang lahat.
Emmanuel Ortiz, ang kaibigan ni Lucia simula pa noong grade school, na lahing adan pero pusong eba. Naging kaibigan na rin ito ng dalawa pa niyang kaibigan dahil sa madalas nilang pagbisita sa San Sebastian. Mas naging close nga lang si Alexa rito, na akala mo'y mas matagal pa nitong nakasama ang isa kaysa sa kanya.
"pa'no mo nalamang andito kami?" masayang tanong ni Eunice.
"Of course I have sources, duh!"
"Porke Mayor ka na ngayon ng San Sebastian, knows mo na?" biro niya rito.
"Wag kayo. Mayora ang tawag nila sa 'kin dito, mga inday-garutay!"
"Wala akong pake! My gosh! Ang pogi mo!"
Lumambitin sa leeg nito si Alexa na para bang akala mo'y isang unggoy. Pero tama naman ang sabi ng dalaga, gwapo nga ito. Marami nga ang nagkakagusto rito kahit na lalaki rin ang gusto nito. Hindi mo nga mapaghahalataang hindi pala ito straight e'.
Nandidiring tiningnan ni Emmanuel si Alexa at pilit na tinatanggal ang brasong nakakapit sa leeg nito. "D'yos ko Lucia! Ano ba 'tong kaibigan mo? Nagbago na ba ng posisyon nito rito sa mundo at naging koala? I-alis mo nga 'to sa 'kin. Pakiramdam ko nabababoy ang pagkatao ko! GOD!!!! WHY ARE YOU KISSING ME?! LUCY! SHE'S GOING TO RAPE ME!"
Tawa lang sila ng tawang dalawa ni Eunice na nanonood sa mga ito na nagtatalo. Kulang na lang ay sabunutan ni Emmanuel si Alexa.
"Pagbigyan mo na 'yang kaibigan natin at galing 'yan sa matinding heartbreak." Suhestiyon kapagkuwan.
"Kaibigan NIYO lang, hindi ko kaibigan 'tong rapist na 'to 'no." Hinawakan ni Emmanuel si Alexa sa magkabilang balikat at pinahirap rito.
"At ikaw! Ano 'tong sinasabi ni Lucia'ng brokenhearted ka? 'di ba sabi ko sa 'yo, ikaw lang dapat ang manakit hindi 'yong ikaw ang sasaktan. BOBA KA!"
Sumimangot sa kaniya si Alexa at ipinagkrus ang braso. "I'm not boba! 'yong pinalit sa 'kin ang boba!"
Emmanuel rolled his eyes. "Hah! Bitter spotted!"
"Hindi rin ako bitter 'no."
"Yeah, and pigs can fly! For all I know kaya andito kayo, even though your schedules are full, is because of this certain person." Tiningnan nito si Alexa taas-baba. "This is not even the month were you guys usually hang for a vacation." Emmanuel added like he knows what's happening.
"Nadale mo, girl!" singit ni Eunice.
"HINDI NGA SABI AKO BITTER!"
"WEEEE?!" Lucia, Eunice and Emmanuel said in unison because of Alexa's statement. Halata naman kasi sa kaibigan nila pero kung makatanggi akala mo'y nakataya ang sariling buhay pag sinabi nito ang totoong nararamdaman.
"Ewan ko sa inyo, ako na naman ang nilagay niyo sa hot seat. Lagi niyo kong ini-interrogate." Nakabusangot pa rin nitong sabi.
"O' sige na nga, hindi ka na nga namin aasarin. Gusto mo bang kumain na lang tayo? Best remedy daw sa heartache ang pagkain." Sabi ni Emmanuel rito at inakbayan si Alexa.
He might be cursing alexa for his lifetime but he is the best person that Lucia knows who can be with. Napakabait nito sa kahit na sino na minsan ay natatakot siya na baka i-advantage na lang ng kung sino ang kaibigan niyang ito.
"Libre mo ba?" tanong naman ni Alexa rito.
"Ako pa. Galante ako e'."
"Alam mo girl, kung straight ka lang, pinikot na kita." Singit ni Eunice sa usapan.
"Buti na lang pala at hindi ako straight. So ano? Tara na?" yaya nito sa kanilang tatlo.
Naudlot silang apat sa pag-u-usap nang biglang tumunog ang phone ni alexa na nasa bulsa ng pantalon nito. Kinuha naman iyon ng dalaga pero agad ring pinatay at ibinalik sa pagkakalagay sa pantalong suot.
"Bakit mo pinatay? Sino bang tumawag?" tanong ni Lucia sa kaibigan. Napansin niyang nagbago ang mood nito.
"Nothing. Just an asshole. Tara na!" ngumit uli ito na parang wala lang ang naging reaksyon nito kanina.
Naglakad na palabas ang tatlo samantalang siya ay nandoon pa rin nakatayo sa pwesto niya kaya napalingon sa kaniya si Eunice.
"Lucy?" tawag-tanong nito sa kanya.
"You go. Busog pa kasi ako. I'll do more rounds in here." Tukoy niya sa pagbabaril.
"you sure?"
Tumango siya rito. "Yup."
Tumango rin ito at nagmamadaling sumunod sa dalawang nauna nang maglakad palabas.
Bumalik na siya sa cubicle na kanina'y gamit niya at naglagay ng bagong bala sa kaniyang baril bago muli bumaril ng bumaril.
"Hoy Andrei! Sa susunod paki-ingatan naman ang pagsara ng kotse ko 'di ba?" reklamo ng kaibigan nila Alexander na si Matthew.
Nahuli ang dalawang ito sa pagdating sa Venico Range. Samantalang siya at ang iba pa nilang mga kaibigan na si Sam at Marco ang nauna rito sa parking dahil may dala silang kanya-kanyang sasakyan.
"Sorry."
Matthew tsked. "sorry pero labas sa ilong. Kung galit ka, 'wag mong idaan sa kotse ko ha! Katutubos ko pa lang niyan e'."
"Shut it you two." Pigil ng kaibigan niyang si Sam. As always, ang striktong si Sam ang papagitna at pipigil sa kahit na sino sa kanilang grupo na mag-bangayan dahil ayaw nito sa ingay. Hindi nga niya maintindihan ang isang 'to dahil ayaw nito sa ingay pero ang kitchen na pinagtatrabahuhan nito bilang isang chef ay mas maingay pa nga kaysa sa kanila.
"Awit, si referee sumingit na naman." Bulong ni Marco na parang hindi naman talaga bumulong dahil rinig nilang lahat. Marco is a doctor and an owner of some hospitals in the Philippines and also a certified womanizer. Pumapangalawa lang rito si Andrei sa pagiging babaero. He. Ilang beses na niyang nasaway ang isang 'to sa pagiging babaero pero ni minsan ay hindi ito nakinig. Nag-aantay na nga lang siya kung sinong babaeng magagawang makapagpatino sa kaibigan niya. Siguradong reregaluhan niya ito ng kung ano mang hilingin nito sa buhay.
"You also shut up." Duro ni Sam kay Marco
Napailing na lang siya sa mga kasama niya. Ngayon na nga lang uli sila nakumpleto nag-a-away away pa. Nalaman kasi ng mga ito ang 'on vacation' kuno niya rito sa San Sebastian and since bakasyon daw siya ay aligagang nag-set ang mga ito na magkita-kita.
Tinapik ni Alexander ang balikat ni Andrei nang makalapit ito sa kaniya. Halatang dismayado ito.
"wala pa rin ba?" tanong niya rito. Kanina pa kasi ito sumusubok na tawagan ang ex-girlfriend nito pero hindi ito sinasagot. Well, hindi naman nila masisisi ang isang 'yon kung nasaktan nang sobra ito sa ginawa ng kaibigan niya.
"Try to call her later. Malay mo sumagot na."
"Kailan pa kaya sasagot 'yon? I've been calling for ages but not even once she answered any of my calls. I even went to her apartment to see her, but she's not there. I don't know where on this fckin' earth should I find her."
"Bobo ka kasi, ngayon maghahabol-habol ka." Singit ni matthew sa usapan habang may isinusuksok ito sa pang-upong bulsa nito.
"H'wag mo na munang hanapin ang ayaw magpahanap. Makikita mo lang 'yan kapag hindi mo na hinanap." Marco added.
"Ang drama niyo naman."
"ang sungit naman nitong Sammy na 'to'." agad na puna ni matthew kay sam ng magsalita. "kaya 'di kataka-takang iniwan ka din e."
Mabilis pa sa alas-kwatrong siniko ni Alexander si Matthew dahil sa sinabi nito.
"Gago ka, tumigil ka kung ayaw mong matuluyan 'yong sasakyan mo." Pananakot na bulong ni Marco.
Kung newly brokenhearted si Andrei, well, Sam is on a different level. Matagal na siyang may galit sa salitang pag-ibig dahil halos limang taon na rin nang iwan ito nang ex-fiance nito. And they never talked about it kasi lumilipad agad ang kamao ni Sam.
Matthew just shut his mouth and smiled at the gloom face of Sam who's looking at the four of them.
"Tama na 'yan, tara na sa loob." Sabi na lang ni Alexander sa mga ito.
Nagtungo sila papunta sa bukana ng Venico Range habang nagku-kwentuhan at nag-a-asaran. Ngayon na lang uli niya nakasama ang mga ito maliban kay Andrei dahil nasa manila silang dalawa samantalang ang mga ito ay dito nakadestino sa San Sebastian.
"Wait, is that really who I think it was..."
Napalingon si Alexander kay Matthew at nang makitang may tinitingnan ito ay sinundan niya rin ito ng tingin.
"Uh-oh!"
"I told you, don't look for it. It'll come out eventually, well, hindi nga lang sa gantong pagkakataon."
"What is she doing at San Sebastian?"
"Don't ask me, it's not my girlfriend"
"Kanina ka pa nagsusungit Sam! Talo pa ang babaeng may dalaw."
"Shut it Matthew." Sita ni Alexander sa mga kaibigan niyang ma-i-ingay. He turned to see Andrei, who's now ready to punch someone.
Nagpatuloy lang sa paglalakad ang girlfriend nitong si Alexa Santos. Dire-diretso at tila ba't hindi kilala ang mga nadaan kahit na tumingin ito sa gawi ni Andrei. May mga kasama ito, pero ang talagang nakakuha ng atensyon nila ay ang mahigpit na kapit nito sa isang lalaki at nagkakatuwaan ang mga ito habang nag-u-usap.
"Hell, I guess she didn't see you."
"Mang-asar pa Marco!"
"She did, it just that it didn't bothers her." Wika niya.
"Ooooh!!!" sabay na sabi ni Marco at Matthew.
'Oh, hey, where are you going?" tanong ni Marco kay Andrei nang lumihis ito at mukhang hindi na tutuloy sa loob ng Venico Range.
"Saan pa ba? Malamang hahabulin niya 'yon." Sam stated.
Pero agad ring tumakbo pabalik sa kanila si Andrei. "Teka, pahiram kotse."
"May narinig ka ba Marco? Sam?"
"No."
"Nothing."
Natatawang napailing si Alexander sa mga kaibigan niya. Iniabot na lang niya ang sariling susi ng kotse kay Andrei at tinapik ito sa balikat bago ito muling tumakbo paalis.
"Lintik na pag-ibig. Parang kidlaaaaat..." pakantang sabi ni Matthew nang mawala ito sa paningin nila.
"Manahimik ka Matthew ang ingay mo."
"ano bang nakain niyang kaibigan mo Alexander? Kanina pa 'yan." Nakabusangot na tanong sa kaniya ni Matthew na ikinatawa niya. Para namang hindi na ito nasanay ka Sam e' matagal naman nang ganito ito sa kanila, once na inatake naman ng kabaliwan ay sobra sobra naman.
"Tara na!" sabay-sabay silang napalingon kay Marco na tinawag silang tatlo. Sumunod naman sila rito.
"Ikaw Marco? Kailan ka magseseryoso gaya ng kaibigan nating naghabol kani-kanina lang?" Biglang tanong ni Matthew habang naglalakad sila patungong sa silid na itinuro nang nag-a-assist, kay Marco.
"Tingin mo talaga magko-commit ako?"
"Malay mo. Si Andrei nga e."
Marco had this smug look on his face. "Hah. Don't imagine it. Ikaw ba? Kailan ka papasakal?"
"Pag hindi na inatake ng kasungitan 'tong si Sam."
"Gago."
"Mukhang matagal pang mangyayari 'yon."
"Tigilan niyo kong dalawa ha!"
*BANG!*
Nakarating rin silang apat sa kwarto where they will do the gun firing. May nauna na nga roon sa isa sa mga cubicle.
"Good morning mga sir." Bungad sa kanila ng isang lalaking nag-a-assist rin roon. Tinuro muna nito ang mga gagawin nila, ang mga dapat suotin para rin sa kanilang safety pagtapos ay isa-isa silang nagsi-pasok sa mga open cubicle at iniayos ang mga baril na gagamitin.
"E' ikaw Alexander? 'di na ba magbabago ang isip mo nang hindi pag-a-asawa?" birong tanong ni Marco sa kaniya. Akala niya'y tapos na ang mga ito sa pag-u-usap tungkol sa bagay na 'yon.
"Wala pa ring nakakapukaw sa interes ko hanggang ngayon. Miski si mama kinukulit na ako."
*BANG BANG BANG!
"Whoa! Tatlong putok, asintado."
"Cool. That's bullseye and here besides my cubicle, a bullshit."
"Putragis ka Sam. Nanahimik na ko dito ha."
'Nag-asaran na naman sila.' Bulong sa isip ni Alexander nang marinig na naman si Sam at Matthew na magtalo.
"Wala? Well, how 'bout that person who just shoot those three bullets? Just looking at her back, I'm a hundred percent sure she's beautiful enough to be on your taste."
Nakita niya kung paanong tumaas ang sulok na labi ng kaibigan niyang playboy. Alam niyang magaling tumingin sa babae itong si Marco kahit pa nakatalikod ito. Pero 'di pa rin sila pareho ng tipo.
"You only see the back. How can you say she's beautiful?"
"Why don't you see it for yourself?" marco smirked.
Tumingin uli si Alexander doon sa babae. The woman has a long black hair na kumurba sa likuran nitong nakaposisyon. Well, he admits she's kinda sexy kahit nakatalikod lang ito, specially that bottom part.
He cleared his throat. That wasn't right.
Nakita nilang ibinaba nito ang hawak na baril at hinubad ang suot na earmuffs. He was in awe when he clearly sees her face. Tama si Marco, the woman is beautiful. She has an angelic face. She looks familiar.
Nagtali ito ng buhok and even its nape has a pale white skin color. Tumingin ito sa relong pang-bisig. Bigla ay tinulak siya ni Marco.
"Try your best shots. Tingnan natin ang skills mo Mr. Aranil." Hamon nito sa kanya.
"Ay pucha! Sige nga." Singit ni Matthew.
Akala ba niya'y nagpunta sila rito para mag-gun firing, bakit iba ata ang kailangan niyang tirahin? He looked at Sam who didn't say anything but also smirking at him. Talaga namang doon pa sinubukan nang mga kaibigan niya ang kakayahan niya pagdating sa babae. P'wes papakitaan niya ang mga ito. He's an Aranil, nasa dugo ata nila ang pagiging matinik sa babae.
Tumalikod siya sa mga ito at lumakad papalapit sa pwesto ng babae.
"I'll do more rounds before leaving." Rinig niyang sabi nito. Pumasok uli ito sa cubicle na pinanggalingan. Nag-a-ayos ito ng baril nang tuluyan siyang makalapit.
Tumikhim muna siya to let her know his presence. Kung may nakakatawa man sa lagay niya ngayon, iyon ay ito ang kauna-unahang lumapit siya sa isang babae madalas kasi ay siya ang nilalapitan.
"That was a nice shot. Kailangan ng magaang pulso to do a three bullseyes." Sabi niya rito but the woman didn't mind to glance at him. Ni hindi ito nagsalita.
Oh yeah! that's also nice Alexander, you just look like an idiot at the moment.
"I'm Alexander by the way. You must probably always here for you to do that perfectly."
Sa pagkakataong iyon ay lumingon na sa kaniya ang babae ngunit sandali lang iyon at ibinalik ang tingin sa ginagawa. Suplada. 'yan ang salitang agad na pumasok sa utak ni Alexander but that made him admire the woman. Tough lady.
"My friends and I are watching you back there. Do you mind if I ask your name?"
Tinapunan uli siya nito ng tingin, pero hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Itinutok nito ang hawak na baril sa kaniyang ulo. Suddenly the room was filled with loud silence.
"M-Ma'am Lucia." Rinig niyang tawag ng staff na nag-assist sa kanila kanina sa babaeng kaharap niya.
He just raised his hand to the man nang subukan nitong lumapit sa pwesto nila. Kahit na kinakabahan siya ay hindi niya pinakita at pinaramdam iyon sa kaharap. She's looking at him like at any moment she would the pull the trigger.
"Masyado kang madaldal." 'yon lang binanggit nito pero parang nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan. He gulped.
Inialis nito ang pagkakatutok ng baril sa ulo niya at muling itinutok iyon sa shooting board. She shoots five times without even looking at the board because she's busy looking at him but all those shots were still a bullseye.
"You should know when to shut your mouth." Pagkasabi nito ay inilapag nito ang baril at walang sabi-sabing umalis sa harap niya.
Doon lang siya nakahinga ng maayos. Mabilis na nilapitan siya ng mga kaibigan niya.
"That's it?"
"Takte, ang angas bro! Muntikan ka ng mamatay gagi, sayang."
Tumawa si Marco. "Woah! Glad I was not the one who tried to hit on her."
Tiningnan niya ng masama ang mga kaibigan niya. "I knew she's a tough one. Pero 'di ko naman inaasahan na muntikan ko ng kamustahin si kamatayan." Bulong niya sa sarili na narinig naman ni Marco.
"Well, that's what you get from trying to hit on one of the new hot topic lawyer in town. Lucia Adette Reyes, siya lang naman ang recent na nakalaban ng tropa natin sa korte."
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. So, that explains her attitude. A lawyer. Isang matapang na babae sa loob pati na rin sa labas ng korte. That's interesting...