"Make sure that you're calling because this is urgent or else prepare to die 'cuz you're ruining my sleep." Walang kagatol-gatol na sabi ni Alexander sa telepono. Wala pa kasi siya sa ulirat nang kunin niya ang telepono niyang kanina pa ring ng ring sa ibabaw ng bedside table niya. Masyado pang maaga para gumising siya.
[why are you yelling at your own father, xander? Is that what living in Manila for a long time does?]
Nanglaki ang mga mata niyang antok na antok nang marealize kung sino ang nasa kabilang linya. Napaupo siya sa kanyang kama at napahampas ng noo.
"Oh! It's you pala dad! Sorry. I thought somebody else-"
[and who is that somebody?] halata ang pagiging ma-awtoridad sa tono ng pananalita nito.
"No. Nothing." Umiling siya at napakamot sa ulo tila akala mo'y nakikita siya ng kausap. "By the way, why did you call? It's so unusual of you."
[Ah! Yes. I want to talk about your plan for the new business. The one you'd propose to the board. Ako na lang ang walang alam sa plano mo. Kailan ka ba pupunta dito?]
Tumango siya habang nakikinig sa kausap. Tumayo na rin siya sa kama dahil alam niyang 'di na siya makakatulog pang muli pag nagkataon. Inipit niya ang telepono sa kaniyang tainga at balikat habang nagsusuot ng sweat pants.
"Sorry dad. Last time kasi na dapat sasabihin ko sa 'yo personally, I had an urgent talk with the other stockholders. Don't worry I'll visit later para mapag-usapan na natin and also to see mom." Napangiti ang binate ng biglang maisip ang ina.
[talaga ba? Mabuti naman. Alam mo kasi ang mama mo ilang beses na akong kinukulit na bumiyahe kami diyan sa Manila para makita ka. So, I'll be expecting to see you later, okay? Pakibili na rin ako noong wine na dinala mo rito noong huling bisita mo. Masarap 'yon e'.] halata ang kagalakan sa boses nito na ikinailing niya habang nakangiti.
Mukhang mas excited pa ito sa alak na iuuwi niya kaysa sa mismong pagdating niya. It's been so long since the last time he went home at ang mas gusto nito ay ang alak kaysa sa sariling anak. Wow! As in wow.
"I'll be hanging now."
[Okay hijo, take care.]
"You too, dad!"
Pagkatapos magpaalam sa ama. Kinuha niya ang towel na nasa banyo at sinabit ito sa kanyang balikat, saka niya tinawagan ang sariling sekretarya. Pagtapos ng ilang ring ay sumagot na ito.
"I know it's too early for you and its supposedly your day off but I want you to cancel all my meet ups today, Mike. I'm going to San Sebastian. I'll see my parents."
[a...ahh! Sir, pero paano po si Mr. Chua-]
He immediately cut off his secretary at napipikong ipinikit ng mariin ang mga mata "I told you, cancel everything. Do I need to repeat myself?"
Ang unang rule nang isang Alexander Maximus Aranil ay dapat maging attentive ka kapag nagsalita siya because it's not his nature to repeat what he already said. Wala siyang pasensya sa mga taong bingi-bingihan.
[n..no sir.]
"Good. Ikaw na ang bahalang gumawa ng paraan." At walang sabi-sabing pinatay ang telepono.
*ding dong
Halos magsalubong ang kilay niya ng marinig na tumunog ang doorbell mula sa pintuan ng condo niya. 'Una, naudlot ang tulog ko. Second, ang sekretarya ko hindi nakikinig sa 'kin at ngayon ito naman... may bibisita sa 'kin ng hindi ko alam.'
Nagtataka man ay lumapit pa rin siya sa pintuan at sinilip mula sa peep hole kung sino iyong nagdoorbell na iyon. Muntikan pa siyang tumalon sa kaba ng makitang may matang nakasilip rin doon.
"Yo! Open the door." Narinig niyang tumawa pa ang taong nasa labas.
Mabilis pa sa alas-kwatrong binuksan niya ang pintuan habang naka-plaster sa mukha niya na hindi siya natuwa sa ginawa nito. He almost pissed his self at the moment.
"Gulat ka 'no?" tanong nito sa kanya.
"Can you please act normal even just once?"
"No, can do. The serious Andrei is accessible only at court." Nakangiting sagot nito bago pumasok sa loob ng bahay niya. Nakita niya kung paanong prenteng umupo ito sa sofa niya sa sala.
"'wag mong ipatong ang paa mo. Madudumihan moa ng sofa ko."
Pangalawang rule, maarte ang isang Alexander Maximus Aranil. You better follow what he says and what he likes or else you'll get a piece of him.
"What brings you here? Tapos na baa ng kasong hawak mo?" Tanong niya sa kaibigang lawyer.
"Yeah. Noong lunes pa."
"and looks like you didn't won, idiot!" pang-a-asar niya rito na sinamahan niya pa ng nakakaasar na ngiti.
"Oo nga. Kaya nga andito ako, samahan mo kong mag-drama!"
"Sorry, but I have other plans for today. Pupunta akong San Sebastian."
"Uuwi na ba ang haciendero kong kaibigan? Mangangabayo ka na lang ba? Marami namang mangangabayo sa 'yo rito sa Manila."
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Alam niya kung anong tinutukoy nito. Habulin kasi siya nang babae. Hindi naman sa pagmamayabang pero magandang lahi rin naman kasi ang pinagmulan niya kaya 'di na kataka-takang mamana niya ito.
Pero pangatlong rule ng isang Alexander Maximus Aranil, pihikan siya sa babae. So, kung may gusto ka sa kaniya p'wes kimkimin mo na lang dahil baka 'di mo kayanin pag pinahiya ka niya.
"I'm going to visit my parents, asshole." Asik niya kay Andrei.
"Chill, bro. Napakaseryoso mo naman." Itinaas nito ang parehong kamay tanda ng pagsuko.
"I'm not like you, pinapatos kahit sino. Kahit pa nga mukhang bakla."
"Hindi 'no." agad na depensa ng kaibigan niya.
"Ah, kaya pala hiwalay ka do'n sa current girlfriend mo kasi nakita kang nakikipagsex sa lalaking nagkatawang babae. Oo nga hindi ka nga pumapatol kahit kanino."
Nakita niyang umismid ang kaibigan sa sinabi niya. He knew that he's hurt because ever since the break up, Andrei never talked about it, even once.
Masama ba siyang kaibigan dahil he gone too far for talking about it? But he doesn't like tolerating his friends to cheat on anyone. Kung gusto niyang sampalin ang mga ito? P'wes sasampalin niya ang mga 'to ng katotohanan.
"I'm drunk at that time, 'yong babae-"
"Don't explain to me, hindi ako ang girlfriend mo."
Pumunta siya sa kusina para magluto ng almusal niya.
"Have you eaten?" tanong niya kay Andrei, balak niya kasi itong isama sa lulutuan kung hindi pa.
Nakita naman niyang tumango ito pero napansin na niya ang biglang pananahimik ng kaibigan. Nakaramdam tuloy siya ng konsensya kahit wala siya no'n.
"You know, if you want to be with her again. Well, prove yourself. Suyuin mo, hindi 'yong nagmamatigas ka diyan. Remember? you're the one who drag her into your life. Nanahimik naman siya noong hindi mo pa siya nililigawan tapos ngayon, sisirain mo ang buhay niya? Sasaktan mo lang siya? You should've known that when the time she agreed on being your partner, she's already your responsibility."
Narinig niyiang tumawa ang gago kaya napakunot ang noo niya. "why are you laughing?"
"You've not been into a serious relationship yet there's something good advices comin' out from that mouth of yours?" tanong nito sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya. "Well, they say if you're good at advices its vice versa in reality. Kaya nga baka wala akong girlfriend ngayon kasi magaling akong mag-advice."
Hindi niya alam kung natauhan ito sa sinabi niya pero nanahimik ito at tila nag-i-isip.
"Hey! Where are you going?" tanong niya rito nang makitang tumayo ang kaibigan sa kinauupuan at naglakad papalapit sa pintuan.
"To my responsibility."
Napailing na lang siya sa sagot nito at ngumiti. Narinig niyang bumukas sara ang pintuan ng condo niya tanda na lumabas na ang kaibigan.