Chereads / THE BILLIONAIRE'S LAWYER / Chapter 4 - CHAPTER THREE

Chapter 4 - CHAPTER THREE

"We're on our way mom."

Masayang sabi ni Lucia habang nagda-drive ng family van nila Eunice. Ito ang ginamit nilang sasakyan ng mga kaibigan niya papuntang San Sebastian. Ang probinsiya niya, kung saan siya mismong ipinanganak.

Since wala naman siyang gagawin at successful na natapos niya ang kaso niya. Napagdesisyunan nilang magkakaibigan na pumuntang San Sebastian at doon sila tutuloy sa isa sa mga pagmamay-aring hotel-resort ng pamilya niya. They are going to unwind their minds, letting their mind and self at peace even for a bit.

[sila Eunice ba ang kasama mo, anak?] Tanong ng kausap niya sa kabilang linya.

"Yes tita! May iba ka pa bang inaasahan? Kami lang naman kaibigan nitong anak mo sa Maynila." Singit ni Alexa sa usapan.

Nakaupo ito sa likurang pwesto, katabi ni Eunice. On the first place, si Alexa din ang nagsuggest na magpunta silang San Sebastian. Ito kasi ang may pinaka-malaking problema sa kanilang tatlo. Problemang pag-ibig! And because they are too nice to be Alexa's friend ay pumayag silang na samahan ito at damayan.

Narinig niyang tumawa ang kaniyang ina. [I'm just makin' sure hija, o' siya mag-i-ingat kayo sa b'yahe okay?]

"Yes ma." Sagot niya rito at saka pinatay ng ina niya ang tawag.

"P'wede bang dumaan muna tayo sa kahit anong kainan? Nagugutom na kasi ako."

Mula sa rearview mirror ay siilip ni Lucia si Alexa. Kitang-kita naman niya ang pagtaas ng kilay ng katabi nito na si Eunice. Alam na alam niyang magtatalo na naman 'tong dalawa na 'to. Kung may Tom & Jerry sa totoong buhay? Silang dalawa na iyon.

"You already ate tons of food before we leave, and yet you're still hungry? Anong klase ng halimaw ang binubuhay mo diyan sa tiyan mo?"

Napatawa ng mahina si Lucia nang makitang mag-pout si Alexa. Lumitaw ang chubby cheeks nito. She's cute and that's her weakness, seeing some cute things.

"I'm depressed you know and that's my only way of coping. Napaka-kontrabida mo talaga Euni."

"You'll get fat. Mamaya isipin no'ng lalaking hiniwalayan mo na tama pala ang desisyon mo na iwan siya kasi panget ka na."

"Hey, there's nothing wrong of getting fat ano! Bakit pag tumaba na panget na? Saka sino bang may sabing babalikan ko 'yon ah?"

"Oh bakit hindi ba? Gusto mo bang magpustahan pa kami ni Lucy?"

"O'sige na mag-stop na muna tayo, nagugutom na rin naman ako. 'wag na kayong magtalo at baka magsapakan pa kayong dalawa diyan." Pigil niya sa mga ito.

Napa-yes naman si Alexa sa desisyon niya habang si Eunice ay parang hindi natutuwa. Pagganyan ganyan pa 'yan pero sigurado namang kakain rin mamaya.

"Siguraduhin mo lang na mabubusog ka na mamaya sa kakainin mo dahil ayoko ng huminto-hinto ha. Ipapakain ko talaga sa 'yo 'yong extrang gulong sa likod." Iritang sabi Eunice kay Alexa na binelatan lang siya bilang sagot.

Maya-maya lang ay nakakita na si Lucia ng isang restaurant.

"Ayooooon!" excited na turo ni Alexa rito halos mapatayo pa ito sa kinauupuan kung hindi lang aabot ang bunbunan nito sa bubong.

"Nasaan?" agad na tanong ni Eunice habang hinahanap ang tinuturo nito.

"Ayon o'."

"Saan?" takang tanong pa rin nito.

"bulag ampucha! Ayooo- Araaaay!"

Napatigil sa pag-u-usap ang dalawang nasa likod ni Lucia ng biglaan siyang napa-preno ng sasakyan. Balak niya kasing magmaniobra papalapit sa restaurant ng may mabilis na sasakyang dumaan sa gilid niya. Napalingon siya sa mga nakasakay sa likod.

"Oh God! Ayos lang kayo?" nag-a-alalang tanong niya sa mga ito. Mga hindi pa naman naka-seatbelt.

"Aww." Daing ni Alexa, nauntog ito sa head rest ng driver's seat pero mukhang wala namang nangyari rito.

"Ano ba 'yan Lucia? Drive carefully will you?" mataray na sabi ni Eunice sa kanya.

"Sorry, ang bilis kasing mag-drive no'ng kotse na 'yon." Tinuro niya ang kotseng nasa harapan, mabuti't huminto rin iyon di kalayuan sa kanila. "I was supposed to park the car... Wait, you guys stay here."

Tinanggal ni Lucia ang pagkakasuot ng seatbelt bago lumabas ng sasakyan at mabilis na naglakad papalapit sa kotseng dahilan ng muntikan nilang pagkadisgrasya. Kinatok niya ng malakas ang bintana ng driver's seat nitong nakasara. She frowned and crossed her arms while waiting for the driver to get outside of the car. Umatras siya ng makitang magbukas ang pintuan.

At tila gaya sa mga pelikula ay natulilig siya sa taong iniluwa ng sasakyan. Tao nga ba iyon? O isang Greek God? The man looks like straight out from a fictional world. Too good to be true.

Kitang-kita ang pagiging matipuno ng pangangatawan nito sa suot nitong hapit na white long sleeves na tinupi hanggang siko, tila alaga ba ng ehersisyo palagi. Matangkad at moreno pa. She can't clearly tell what does he look like because he's wearing a black sunglass but she bet he's a good-looking one. Ang panga pa lang nito at tangos ng ilong.

Pero hindi ngayon ang panahon at oras para hangaan ang pisikal na anyo ng kaharap. Muntikan na kaya silang madisgrasya ng mga kaibigan niya.

"Do you know what have you've done?" agad na tanong niya.

Tumingin naman ang lalaki sa buong katawan niya na parang sinusuri siya kaya napakunot ng noo si Lucia bago ito naglipat ng tingin sa kotseng dina-drive niya kanina at muling tumingin sa kanya.

"I know na napakalawak ng kalsada at i-ilang sasakyan lang rin ang dumadaan pero hindi dahilan 'yon para humarurot ka na akala mo yata nasa isa kang race track. You know I could file a case against you kung nagkataong nabangga mo kami ng mga kaibigan ko. Wreckless driver."

She heard him tsked. Aba't ang antipatiko... "Am I the wreckless one here? Isn't it you? Look, hinarangan mo pa ang daan o'." sabay turo sa kotse nila.

Tumawa siya ng pagak. Napaka-walang modo naman pala ng isang 'to. That's why you don't base on someone's appearance. They might be good on the outside but they're like a rotten fruit in the inside.

"Ikaw na ang humarurot sa daan at muntikang makabangga, ikaw pa 'tong mayabang? Ibang klase."

"Look Miss, I don't have the time to argue and talk about nonsense things. Kung muntikan na kayong mabangga, pasensya na. Pero mukha namang walang masamang nangyari sa inyo base sa itsura mo."

Napabuga nang marahas si Lucia. Hindi makapaniwala sa taong kaharap niya. Inalerto niya ang sarili nang may tangkain itong dukutin mula sa likurang bulsa. Gumaan ang pakiramdam niya ng makitang wallet lang pala iyon at mula roon ay kinuha itong papel at inabot sa kanya.

"Here. You can have this." Tiningnan lang niya ng ilang segundo ang kamay nito bago binalik ang tingin sa lalaki. "This is my business card, feel free to call me so we can have all the leisurely talk you want."

Nang hindi niya pa rin kinukuha mula rito ang papel ay ito na mismo ang humawak ng kamay niya at iniipit doon ang calling card.

"But just call me, kung talagang may gasgas o sira 'yong kotse mo o kaya naman kung may sugat kang malala. But I think there's no need for you to that." Pinasadahan pa uli siya nito ng tingin sa buong katawan niya.

Napatanga na lang siya rito at sinundan ng tingin nang sumakay ito sa sariling sasakyan at muling humarurot paalis. Napakurap ng mata si Lucia nang mahimasmasan.

"BASTOS!" sigaw niya rito. Tinapunan niya ng tingin ang business card na inabot kanina ng lalaki at binasa ang pangalan na nakasulat roon. Alexander Maximus Aranil.

"Wala akong pakialam kung sinong Pontio Pilato ka pa, demonyo ka! Pag nakita kita uli, sisiguraduhin kong makakatikim ka sa akin." Inis na bulong niya bago nilukot ang papel at itinapon iyon sa kung saan na lang.

Nagmamadali namang lumapit sa kanya ang mga kaibigan niya na nakababa na pala sa sasakyan.

"Hey, you alright?" nag-a-alalang tanong sa kaniya ni Eunice.

"Napaka-hambog nang isang 'yon. Sarap gulungan ng sasakyan."

"Did you get the plate number naman ba?" tanong naman ni Alexa. Umiling siya. She was overwhelmed a while ago, nawala na sa isip niyang kuhanin ang numero ng plaka ng sasakyan nito.

"O'sige hayaan mo na lang ang karma sa kanya. Kumalma at kumain na muna tayo."

"Truth, i-park mo na muna 'yong sasakyan. Lalo akong nagutom e." pagsabing iyon ni Alexa ay sabay-sabay silang naglakad papalapit sa kotse.

Muli ay tiningnan niya ang gawi kung saan nagdrive papaalis iyong lalaki kanina. She can't forget what happened a while ago, nanggigilaiti talaga siya rito. She knew it's unreasonable pero parang gusto niyang manapak nang kahit sino na lang, mawala lang ang inis nan a-build up no'ng walang modong lalaki kanina and because of that she let out a heavy sigh because of frustration.