Chereads / My Sweet Rosario / Chapter 3 - Ikalawa

Chapter 3 - Ikalawa

Nasa loob lang ako ng opisina ni Enzo habang hinihintay siya. Kausap niya ang doctor ko ngayon. Dito kasi ako pinapunta ni Enzo pagkatapos kung magpacheck-up.

Palakad-lakad ako habang tinitigan ang mga display, design at mga gamit ni Enzo sa opisina.

Nakita ko ang organizational chart ng buong hospital at napalunok ako nang makita ko ang pangalan ni Enzo sa itaas ng Chart at may nakalagay na president.

Alam ko na mayaman si Enzo.

Hindi niya man sinabi sa akin pero alam ko na mayaman siya.

Sa kilos, gawi at pananamit niya, alam ko ng mayaman siya. Pero hindi ko akalain na sobrang yaman pala ng asawa ko.

Bukod sa doctor siya na nagpapakadalubahasa sa sakit sa buto, pagmamay-ari rin ng pamilya nila ang hospital na kung nasaan kami. Si Enzo rin ang nagma-manage nito ngayon.

Sinabi sa akin noong isang nurse na nag aalaga sa akin dito noon, ang swerte ko dahil asawa ko ang isang tulad ni Dr. Lorenzo Garcia Jr. Galing sa mayaman na pamilya, gwapo, mabait at matalino. Wala ka na daw mahahanap na tulad niya.

Napangiti ako.

Oo, alam ko na ang swerte ko!

Bumukas ang pintuan ng opisina ni Enzo kaya napalingon ako doon.

Nakita ko si Enzo roon.

Nang magkasalubong ang tingin namin ni Enzo, nginitian niya ako.

Namula agad ang pisngi ko at nahihiyang ginantihan siya ng ngiti.

"Nabagot ka ba?" Tanong niya at pumasok sa opisina niya at sinirado ang pinto.

Lumapit siya sa akin agad at yinakap ako.

Tumango lang ako sa tanong niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Anong sabi ng doctor ko?" Tanong ko sa kanya.

Kinuha ni Enzo ang kamay kong nakaipit sa pagitan namin at pinalupot 'yun sa bewang niya.

"Sabi niya normal lang daw ang mga bagay na 'yun. May mga mga mag fla-flash na larawan o pangyayari sa utak mo lalo na kapag may nagkakatrigger noon." mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Magandang senyales 'yun na unti-unting na raw na bumabalik ang alaala mo."

Natuwa ako sa balita niya kaya hindi ko na pinansin ang boses niyang parang nadismaya noong sinabi sa akin na bumabalik na daw ang alaala ko.

"Talaga?" Masayang tanong ko. Kailan kaya ako tuluyang gagaling? Gusto ko ng maalaala ang lahat-Bigla kong nakita ang itsura noong lalaking palagi kong naalala at napapanigipan-Si Ka Impeng.

Napahawak ako sa damit ni Enzo sa likod.

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Kapag naalala ko siya, kinakabahan at binabalot ako ng takot. Mas humigpit ang hawak ko kay Enzo.

Gusto kong itanong kay Enzo ang tungkol sa lalaking 'yun pero natatakot ako.

Sobrang natatakot ako.

Hindi kinukwento ni Enzo sa akin ang tungkol sa lalaking yun, ibig lang sabihin noon, hindi kilala ni Enzo si Ka Impeng.

Ang nakukuwento lang niya na ako si Rosario Cortel, beinte anyos, asawa ni Lorenzo Garcia Jr, anak ako nina Rosa at Helberto Cortel. Patay na ang nanay at tatay ko.

"Yeah..." sabi ni Enzo. Inilayo ako ni Enzo sa kanya ng kaunti. "May nilista pala siyang gamot, ipapadala ko na lang 'yun sa bahay natin, gusto mong kumain muna tayo sa labas?" Nakangiting alok niya sa akin. Napakurap ako ng mga mata siya sa sinabi niya. "May bukas kasing restaurant malapit rito..." dugtong ni Enzo

Date?

Mag de-date ba kami?

Dapat hindi ako kiligin kasi normal lang naman to sa mag-asawa pero... kinikilig ako.

Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos at hindi mapalagay ngayon.

Parang kinikiliti at parang may nagliliparan sa loob ng tiyan ko.

Mali ba to?

Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Wala ka bang pasyente ngayon o operasyon?" Mahinang tanong ko sa kanya at tumingin sa kanya.

Umiling lang siya at hinalikan ang noo ko.

"Ano? Tara na?" Tanong niya. Napanguso lang ako at tumango.

Ngumiti sa akin si Enzo at hinawakan ang bewang ko at inalalayan ako palabas ng opisina niya.

"Hi doc!" Bati agad ng isang nurse kay Enzo nang makalabas kami sa opisina niya.

Tumango lang si Enzo kaya napatingin ako sa mukha niya. Nagulat ako nang makita ko ang seryosong mukha niya.

Wow.

Mas lalong gumwapo ang asawa ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin.

Malapit na kami sa may elevator nang may humahangos na isang nurse lumapit sa amin.

"Doc Enzo!" Hinihingal na sabi noong nurse.

"Oh nurse, Mina." Bati ni Enzo sa nurse. "May kailangan ka?" Tanong niya.

"Ah!" Napatingin sa akin yung nurse kaya hindi niya natuloy ang sasabihin niya. "Sorry po. Kasama niyo pala ang asawa niyo.." Humihinging paumanhin niya. Parang nahihiya siya sa akin.

Naitaas ko ang isang kilay ko sa babaeng nasa harapan ko.

Sasagot sana ako ng 'okay lang' pero lumingon agad siya kay Enzo. Bastos!

"Pero kasi doc, may apat na pasyente tayo ngayon na gusto ng umuwi dahil baka mas lalo daw lumaki ang bill nila pero hindi pa po kasi na re-read 'yung result nila sa x-ray ni Doc Ong kaya kung pwede po kayo na lang." Sabi niya.

"Asan ba kasi si Dr. Ong?" May bahid ng pagkainis ang boses ni Enzo ng tanungin yun.

"Nag assist po kay Dr. Lim sa isang surgery." Sagot noong nurse.

"Enzo..." tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. "Kunin mo na..." sabi ko.

"Pero mahal..." ungot niya.

"Sige na. Maghihintay lang ako rito." Sabi ko sa kanya.

Huminga siya nang malalim. "Baka matatagalan ako." Sabi niya na para bang bata.

Nagulat ang nurse sa inakto ni Enzo.

Ako naman ay napatawa ng mahina. Pero kinabahan din sa kahulihan. Baka masabihan si Enzo na unprofessional.

"Hindi naman tatakbo yung restaurant eh.." sabi ko. "Kaya sige na." Panghihikayat ko.

"Okay." Sabi ni Enzo at bumuga ng hangin. "Nurse Mina..." sabi ni Enzo sabay lahad ng kamay niya. Mabilis na binigay noong nurse ang files na kung saan nakalagay yug mga resulta ng bawat pasyente.

Binasa yun ni Enzo ng ilang minuto at tumango na para bang nakuha na niya.

Na-amaze naman ako dahil doon.

Tumingin muna sa akin si Enzo at nagpaalam na babalik agad siya bago umalis papunta sa mga pasyente niya. Sinundan ko lang siya ng tingin.

Napatingin ako nang may narinig ako na para bang may mga bubuyog sa tabi ko kasi. "Zzzzz!" Yung mga naririnig ko.

Nakita ko ang ilang mga hospital staff at nurse na nakatingin sa akin na para bang ako ang pinag-uusapan. Napayuko ako.

Siguro tingin nila hindi ako nababagay kay Enzo. Sino ba naman kasi ako?

Nakagat ko ang labi ko at wala sa sariling sinundan si Enzo at 'yung nurse na lumapit sa amin. Nagpunta sila sa may ward.

Napangiti ako at nawala yung sakit sa loob ko nang makita ko si Enzo na sobrang seryoso habang ginagawa ang trabaho niya. Nakikita ko kasi pumasok rin ako sa kwarto na yun.

Private ang hospital nila Enzo pero may room sila para sa mga mahihirap.

Hindi man kasing ganda ng private room o semi private, hindi naman masama ang kwarto na yun.

May apat hanggang lima na pasyente doon pero ganoon parin ang trato ng mga hospital staff sa kanila.

Nakaka-proud ang asawa ko.

"Okay na ang lahat, nurse Mina. Ikaw na ang bahala sa kanila. Paki-assist sila sa Cashier." Rinig kong sabi ni Enzo sa nurse.

"Yes, doc." Sagot naman noong nurse. Kinuha ni Enzo yung alcohol at ginamit sa kamay niya at tuluyan ng umalis.

Nagulat pa si Enzo nang makita niya ako doon sa may pintuan ng kwarto.

Kumaway ako sa kanya.

"Ang galing naman nga asawa ko..." sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya 'tapos lumapit sa akin at hinawakan ang bewang ko. "Salamat..." bulong niya at naglakad na kami paalis sa lugar na yun. "Tara na, baka may ipagawa na naman sila sa akin." Sabi niya nang makalapit kami sa elevator.

Sinikohan ko na lang siya. Ang lalaking to. "Tara na nga..." sabi ko na lang sa kanya.

-----

Nandito kami ngayon sa restaurant na sinabi sa akin ni Enzo kanina. Kumakain na kami ng mga pagkain na pinapili ko sa kanya.

Kakain na sana ako ng dessert nang tumingin siya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

Umiling lang siya.

"You know what naalala ko ang first date natin noon." Wika ni Enzo. Maraming kwinento sa akin si Enzo kanina. Mga nakakatawang pangyayari sa hospital nila.

Ngayon ito naman. Hindi ko mapigilan na ma-excite!

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin.

"Ikaw nag decide ng pagkain noon at ang inorder mo ay puro dessert." Tumawa siya ng mahina. "Yun ang kinain natin sa restaurant na yun. Sumakit ang ngipin mo pagkatapos kaya naman nag decide ka na hindi ka na pipili ng pagkain natin kapag nag date ulit tayo." Ah. Kaya ba ngayon ay siya ang pinapili ko? Anong tawag ulit 'yun? Instinct?

"Ang lame naman ng first date natin..." mahinang sabi ko.

"Lame?" Ulit niya. "Hindi naman yata. Ang saya natin noon. Kasi sa dami nating kinain na sweets, especially you, naging hyperactive ka kaya pumunta tayong Enchanted kingdom at sumakay tayo ng mga extreme na rides na ayaw na ayaw mo dahil nahihilo ka... pero dahil mga sa nakain mo, nagkalakas ka ng loob na i-try 'yun."

"Kaya naman siguro hindi nakapapagtataka na napagdesisyon mong hindi ka na pipili ng pagkain dahil pagkatapos natin sa EK nahospital ka dahil sumakit ang ulo mo sa sobrang hilo at sakit sa ngipin..."

Nanlaki ang mga mata ko.

Seryoso?

Ganoon kalala ang nangyari sa akin? Kailangan ko pang ipa-hospital?!

"Nag suggest ako na pwede ka namang ikaw ang pumili ng pagkain natin sa mga date tapos papaalahanan na lang kita kung sobra na yung inorder mong sweet pero you insist, na ako na ang mag order sa mga date natin. Dahil alam mo na ang tigas ng ulo mo kaya baka mag away lang tayo pag binawalan kiya na orderin ang gusto mong sweet." Sabi niya.

Hindi ako makapaniwala sa old self ko o baka ganoon pa rin ako hanggang ngayon! Hindi pa lang lumalabas..

"Para akong bata!" Natatawang sabi ko.

Natigilan si Enzo sa sinabi ko at tumingin sa akin. "Yeah... Bata ka pa talaga noon..." mahinang saad niya at hindi na ulit siya nagsalita pa. Napatitig ako sa kanya.

May nasabi ba akong hindi maganda?

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at ganoon rin si Enzo. Pagkatapos naming kumain, umalis agad kami. Inimbitahan pa ako ni Enzo na pumunta muna kami sa mall o di kaya naman pumunta sa lugar na gusto kong puntuhan pero dahil kailangan kong uminom ng gamot kailangan na namin umuwi. Nasa bahay kasi 'yun. Hindi ko dinala.

"Mahal..." tawag sa akin ni Enzo ng nasa may kotse na kami.

"Tatawagan ko muna si Leo kung napadala na ba niya yung gamot mo. Kasi kung hindi pa, balik muna tayo sa hospital para mainom mo 'yun..." sabi niya.

Tumango lang ako at binalik ang atensyon ko sa tinitingnan ko kanina.

"Gusto mong maunang pumasok sa kotse?" Tanong niya. Umiling lang ako. Nalilibang kasi ako sa parking area noong restaurant parang garden lang kasi...

"Pwede kang pumasyal, 'wag ka lang lalayo ha..." sabi niya.

Nakangiting tumango ako sa kanya at naglakad doon sa mga rosas.

Hinawakan ko ang bulaklak na yun. Gusto kong pitasin yung bulaklak na hawak ko. Wala naman akong nakikita na karatolang nagpapakita na bawal pumitas rito... Atsaka wala naman ibang tao rito kaya naman, wala sariling binaba ko ang kamay ko pababa sa katawan noong rosas habang lumilinga sa paligid ko.

Baka kasi may bigla na lang dumatin-

"Aray!" Mahinang daing ko ng mahawakan ko yung tinik ng rosas at matusok sa hintuturo ko.

Nilayo ko agad ang kamay ko at nakita kong dumugo yun.

Karma yata to!

Sinipsip ko agad yung hintuturo ko.

"Anong nangyari sa 'yo?" Mabilis na lumingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Nasa bibig ko pa rin ang hintuturo ko.

Lalaki ang sumalubong sa akin.

Feeling ko, customer din siya ng restaurant na kinainan namin ni Enzo

Binaba ko ang kamay ko.

"Natinik ako." Nahihiyang sabi ko. Baka kasi sabihin niya na ang tanga ko naman. O di kaya naman mahuli niya akong nag plano akong kumuha ng bulaklak doon. Baka isumbong niya ako sa may-ari at baka magkagulo pa.

Ayokong magalit si Enzo sa akin or worst baka madamay pa siya sa gulo ko.

"Naku, baka mainfect iyan!" Concern na sabi noong lalaki. "Patingin nga ng kamay mo." Saad niya.

Huh?

Bakit?

Napakunot ang noo ko. Tinago ko ang kamay ko sa may likuran ko.

"Dapat kasi dini-disinfect yan. May alcohol ako..." napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Mukha namang matino ang lalaking nasa harapan ko. "Sige na... Doctor ako..." sabi niya.

Doctor?

Napalunok ako.

Dahan-dahan kong binigay sa kanya ang kamay ko. Mahahawakan na sana niya yun ng....

"Ano sa tingin mo ang gagawin mo sa daliri ng asawa ko?!" Parang kulog ang boses ni Enzo ng sabihin yun.

Mabilis na hinawakan ni Enzo ang bewang ko at kinulong sa mga bisig niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Madilim rin ang mukha niya sa sobrang galit.

Kinabahan ako.

Ngayon ko pa lang siya nakitang ganito.

"May asawa ka na pala?" Tanong noong lalaki kaya napatingin ako sa kanya.

Dumiin ang hawak ni Enzo sa akin kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.

Mas lalong nagdilim ang itsura ni Enzo. "Oo kaya wag mo ng pagnasahan ang asawa ko!" Inis na sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Enzo.

Hindi na hinintay na sumagot ulit yubg lalaki. Hinila ako ni Enzo palayo sa lugar na yun.

"Bakit ka nakikipag-usap sa lalaking yun?" Sabi niya nang makapasok kami sa loob ng kotse. "Atsaka sabi ko 'wag kang lalayo!" Malakas na wika niya.

Nagulat ako roon.

"I'm sorry." Sabi ni Enzo. "Kinabahan lang talaga ako nang tumingin ako sa pwesto mo kanina, wala ka na doon." Sabi niya at yinakap ako. "I'm sorry, mahal ko." Sabi niya.

"Sorry rin..." mahinang sagot ko. "Natinik ako ng rosas tapos nag alok siya ng tulong sa akin... Pinayagan ko naman siya kasi doctor daw siya..." paliwanag ko.

Narinig kong nagmura ng mahina si Enzo.

"That man!" Galit na sabi niya at pinaandar ang sasakyan niya.

Nakatiim ang bagang nagdadrive si Enzo at hindi nagsalita sa buong biyahe. Hindi nga naman niya ako tinapunan ng tingin.

Nakagat ko na lang ang labi ko.

Nakarating kami sa bahay at hindi pa rin ako pinapansin ni Enzo. Pero kahit galit si Enzo, pinagbuksan pa rin niya ako ng pinto ng sasakyan at ng bahay. Tapos diretsu-diretsu siyang umakyat papunta sa kwarto namin.

Napabuntong hininga na lang at sinundan ang asawa ko.

Umakyat na rin ako papunta sa kwarto namin. Binuksan ko yun at nakita ko si Enzo na nagpapalit ng t-shirt.

Nilalaro ko ang dulo ng damit ko. Hindi ko alam ang sasabihin.

Siguro dapat munang mag sorry ako.

Pero bakit ako mag so-sorry?

Wala naman akong ginawang masama.

Wala nga ba?

Inisip ko ng mabuti ang mga nangyari ngayon.

Nagsimula naman ang galit ni Enzo dahil doon sa lalaki-wait! Kaya ba galit siya dahil nagseselos siya?

Alam kong mali pero hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti.

Ngunit nawala ang ngiti ko at napanguso. Wala ba siyang tiwala sa akin? Hindi naman ako magtatak-

Nanlaki ang mga mata ko.

Napatingin ako kay Enzo.

Siguro frustrated siya. Kasi hindi ko siya maalala at baka tingin niya mahulog ako sa iba?

Baka natatakot siyang mangyari yun!

Nakagat ko ang labi ko.

Napatitig ako sa likuran ni Enzo. Kapapalit lang niya ng boxer short.

Galit pa rin ba siya sa akin?

Naman oh!

"Enzo..." malambing na tawag ko sa kanya. Parang tinarak ang puso ko ng hindi siya lumingon sa akin. Parang hindi niya ako narinig. Tinapon niya yung mga damit na hinubad niya sa plorera.

Lumapit ako sa kanya at yinakap ko siya ng patalikod. "Sorry na..." sabi ko.

Narinig ko siyang huminga ng malalim tapos hinarap ako. Yinakap niya ako at tinitigan. Matapang na sinalubong ko ang titig niya.

"Enzo..." nakagat ko ang labi ko. Kaya ko to. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nabibingi ako. Pero kailangan kong labanan yun at wag matakot. Ayokong mag-away kami ni Enzo dahil sa lalaking yun. Atsaka kasalanan ko naman talaga. May asawa na ako dapat hindi ako nag e-entertain ng lalaki.

"M-mahal ko..." sabi ko sa mahinang boses habang nakatitig kay Enzo. Napatulala lang si Enzo sa sinabi ko. Siguro dahil sa dalawang buwan na pagsasama namin, hindi ko siya tinawag na 'mahal ko'.

"I'm sorry." Sincere na sabi ko. "Bati na tayo please..." pakiusap ko. Nagpa cute pa ako sa kanya.

Napapikit si Enzo ng mariin at pagdilat ng mga mata niya... Kinabahan agad ako.

Puno yun ng pagnanasa at pagmamahal.

"Enzo..." hindi ko alam kung ano ang rason ng pagtawag ko sa kanya. Siguro dahil sa kabila ng pagkakaba ko may isa pang emotion na bumabangon sa kaibuturan ko.

Buong tapang inilapit ko ang labi ko sa labi ni Enzo habang palakas ng palakas ang tahip ng puso ko.

Para akong mamatay dahil yung puso ko hindi magkamayaw sa dibdib ko... It's about to burst open in nervousness and other emotions but my mind didn't change. Gusto kong halikan si Enzo. Gusto kong patunayan kay Enzo na hindi ako maghahanap ng ibang lalaki. Dahil siya lang ang magpapasaya sa akin. Na hindi ko kayang mabuhay na wala siya kahit na wala akong maalala sa buhay namin noon. Siya lang, sapat na.

Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng paglapat ng labi ko sa malambot na labi ni Enzo.

Rosario felt like their lips are mold perfectly for each other. They fit perfectly. Her lips against his. Their breath mixing with each other as Enzo's lips started to move.

Napahawak ako sa balikat ni Enzo ng mag-umpisang gumalaw ang labi ni Enzo at naramdaman ko ang kamay nito sa likod ko, humahagod kasabay ng paglalaro ng dila nito sa dila ko. Nanunudyong mas ibukas pa niya ang bibig.

Hindi ko mapigilang kagatin ang labi ni Enzo ng makaramdam ako ng kiliti sa puson ko na bumabiyahe pababa sa mga hita ko patungo sa talampakan ko.

That pleasure...

That addictive pleasure...

Nakakamatay pero...

It feels so good.

"Move your lips, mahal ko... Gayahin mo ako..." bulong ni Enzo sa mga labi ko bago ako hinalikan ulit.

Mas mapusok. Mas mainit.

Sinunod ko ang sinabi ni Enzo. Oo sunod-sunuran lang ako sa kanya. Gagawin ko lahat ng sasabihin niya. Huwag lang siyang tumigil.

Ginalaw ko nga ang labi ko. Ginaya ko ang paggalaw ng labi ni Enzo, pati ang pagtukso ng dila nito sa dila ko.

Enzo's lips tasted like ecstasy ... Nakaadik....Alam kong may sobra pa roon na alam kong mas malala pa roon. Kaya hinalikan ko siya, ginaya ang paggalaw ng labi niya at panunukso ng dila ni Enzo hanggang sa maihiga niya ako sa malambot na kama namin...

Para akong makakapusan ng hangin sa halikan namin ni Enzo. Naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ni Enzo na ngayon ay nasa ibabaw ko na. Walang tigil ang aming halikan. At 'yung pakiramdam ko... para akong nilalagnat!

Nanginginig ako sa kasabikan dahil sa ginagawa ni Enzo sa akin.

Mas pinalalim pa ni Enzo ang halikan namin at ako naman ay napahawak sa kama habang nakapikit dahil sa sensasyong nararamdaman ko ngayon.

Naging malikot ang kamay ni Enzo sa katawan ko. Moving down to my waist, down to my hips, making my body squirm in tingling sensation.

Kumawala ang mahina pero sunod-sunod na halinghing sa mga labi ko nang humaplos ang isang kamay ni Enzo sa dibdib ko.

Mas lalong uminit ang katawan niya and there's something inside her that wanted to get out but his hand moved to her inner thigh and brushed against her womanhood...

"Bakit ka umiiyak, Rosario? Ginagawa ko 'to para gumaling ka kaya dapat matuwa ka..." bulong niya. Isang kamay na lang ang humahawak sa mga kamay ko. 'Yung isang kamay niya, bumababa, humahaplos at pumipisil sa balat at maseselang bahagi ng katawan ko.

Tinaas niya ang palda ko at biglang bumaba ang labi niya sa leeg ko patungo sa dibdib ko...

Mali!

Mali ito! Kahit saang anggulo tingnan, hindi to panggagamot!

Kinagat niya at butones ng blusa ko para mabuksan 'yun... Tinaas niya ang kamay niyang humahaplos sa balikat ko at pinasok sa loob ng blusa ko... Humahaplos siya roon at dahang-dahang umaakyat para mahawakan ang dibdib ko...

Napaiyak ako ng tuluyan.

"Shhh!" sabi ni Ka Impeng. Yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko nilipat niya sa bibig ko. Para siguro hindi niya marinig ang hikbi ko. Nabuksan niya na ng tuluyan ang blusa ko kaya napapiksi ako.

Hindi!

"Bitawan mo ako!" Malakas na sigaw ko at tinulak si Enzo.

Mabilis na yinakap ko ang sarili ko habang pilit na nilalabanan ang takot na nararamdaman.

Pawis at takot ang bakas sa mukha ko ngayon. Napatingin ako sa kay Enzo nang maalala ko siya.

"E-Enzo..." sabi ko.

Gulat at tulala pa rin si Enzo na nasa kabilang bahagi ng kama dahil sa ginawa ko.

Na-guilty tuloy ako.

Oh my!

Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ko ba siyang puntahan at sabihin na ipagpatuloy yung ginagawa namin... Pero hindi ko kaya... Hindi ko magalaw ang katawan ko sa sobrang takot dahil sa naalala ko.

Ano yun?

Ano ang alaalang 'yun?

Akala ko panaginip lang yun. Isang masamang panaginip pero...

Nasapo ko ang mga mukha ko.

May tumulong mga luha sa mga mata ko na hindi ko kayang pigilan.

Natigilan lang ako ng yumakap sa akin ang matitipunong bisig ni Enzo at hinalik-halikan ako sa likod ng ulo.

Mabilis na pinunasan ko ang luha ko.

"I'm sorry." Bulong nito habang yakap ako ng mahigpit. Pareho na kaming nakahiga sa kama. Gusto kong umiyak ulit. Bakit siya ang nag so-sorry? Ako yung may kasalanan!

"Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. I'm sorry, mahal ko. Please forgive me." Dugtong ni Enzo

"A-ayos lang." Sabi ko at pilit na matapang na lumingon kay Enzo. "P-pasensiya ka na." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Ako yung nag initiate tapos ako yung aayaw! Pero kasi...

"Shhh..." hinaplos nito ang pisngi ko. "It's okay, mahal ko. It's okay. I understand." Sabi niya.

Humarap ako kay Enzo. Naguguluhan ako sa kanya. "Bakit ang bait-bait mo sakin? Hindi kita maalala... Ang dami ko pang pagkukulang sa 'yo bilang asawa.." tulad na lang ngayon. Hindi ko man lang... Nakagat ko ang labi ko ulit.

Nginitian lang ako ni Enzo. "Mahal kita eh." Humaplos ang isang daliri ni Enzo mula sa noo ko pababa sa tungki ng ilong ko. "Mahal kita kaya kaya kong intindihin, tiisin at tanggapin lahat. "

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Tuluyan na akong humarap sa kanya at yinakap siya.

Para akong nag-lalakbay sa desyerto dahil sa sakit ko pero dahil kay Enzo para akong nakakita ng Oasis. Ang pagkauhaw ko sa mga alaala na gusto kong maalala ay napapawi dahil sa pinaparamdam ni Enzo sa akin. Gumagaan ang pakiramdam ko.

Hinaplos naman agad ni Enzo ang ulo ko.

"Enzo, pangako, gagawin ko ang lahat para maaalala kita agad." Natigilan si Enzo sa paghaplos sa buhok ko.

"Enzo?" Tawag ko sa kanya. May nasabi ba akong masama?

"Wag mo lang pilitin ang sarili mo." Sabi niya at yinakap ako ng mahigpit at hinalikan ang ulo ko. "And mahal ko, 'wag ka ng kumausap ng ibang lalaki bukod sa akin. I'm not really a nice person. Sa 'yo lang ako at sa mga taong mahal ko, mabait."