Chereads / My Sweet Rosario / Chapter 5 - Ikaapat

Chapter 5 - Ikaapat

NAPAPIKIT ako ng tumama sa akin ang alon. Muntik pa akong mapatumba dahil sa lakas ng hampas nito. Pero nang muling naging mapayapa ang tubig, napangiti ako. Mabilis na lumoblob ako sa tubig tapos sinubukan ko pang lumangoy.

Nang sa tingin ko, na lalampas na sa may ilong ko ang tubig bumalik ulit ako sa tinayuan ko kanina na hanggang bewang ko lang ang tubig.

Hinihingal na tumayo ako.

I want to do it again!

Pero imbes na ganoon ang gawin ko, nagpalutang-lutang na lang ako sa dagat na nakatahiya habang nakangiting nakatingin sa langit. Mamaya na lang. Nakikita ko ang ilang ibon na lumilipad.

Biglang nawala ang kaba ko. I found peace habang tinitigan yun. Kahit ngayon lang, gusto kong kalimutan lahat ng mga kuro-kuro sa puso ko. Gusto ko lang isipin na ako si Rosario, asawa ni Enzo. 'Yun lang at wala ng iba.

"Mahal ko!"

Mabilis na napatayo ako at napalingon ako sa may dalampasigan nang tawagin ako ni Enzo.

Nakita ko si Enzo na nakangiti at may dalang lalagyan ng pakain.

"Umahon ka na! Kakain na tayo!" Malakas na sigaw niya.

Napangiti ako at mabilis na umahon.

Oo nagustuhan ko ang paglangoy dito sa dagat pero nagugutom na rin kasi ako at... namula ang pisngi ko.

Si Enzo ang nagluto ng kakainin namin ngayon kaya excited ako sa pagkaing ihahanda niya.

Lumapit ako sa kanya. Napatigil ako sa paglalakad ng tumitig si Enzo sa akin habang lumalapit ako sa kanya.

Napalunok ako at biglang namula ang pisngi ko ulit nang maalala ko ang suot ko.

Napayakap ako sa sarili ko habang lumalapit sa kanya. Naitaas ni Enzo ang isang kilay niya dahil sa ginawa ko.

Napanguso naman ako.

Naka two-piece lang kasi ako. Color red pa. Bumili kasi kami ng ganito sa mall at si Enzo ang nag suggest ng damit na 'to.... May pagkamanyak din pala ang asawa ko.

Isang metro na lang ang layo ko sa kanya, nang bigla niya akong hinawakan at hinila palapit sa kanya.

"Enzo!" Gulat na tawag ko sa kanya.

Biglang sinubsob ni Enzo ang mukha niya sa balikat.

"Wala kang dapat ikahiya, you are perfect, mahal ko." Feeling ko sa sasabog na ang mukha ko sa sobrang pagkapula dahil sa sinabi niya.

Tinulak ko siya ng mahina.

"Enzo naman..." Nahihiyang saad ko. "Kumain na nga lang tayo..." Change ko sa uusapan namin. Umupo ako sa blanket na nilatag ni Enzo sa buhangin.

May binigay sa akin si Enzo, roba. Sinuot ko 'yun. Malakas kasi ang hangin kaya kahit mainit, nalalamigan pa rin ako.

Napatingin ako sa pagkain at napangiti ako sa mga nakahandang pagkain. Madami ang nandoon.

Tumabi naman agad sa akin si Enzo pagkatapos niyang inilapag ang iba pang dala pagkain.

"Ang dami naman nito..." Manghang saad ko sa kanya.

Pinisil lang ni Enzo ang mukha ko.

"Para sa 'yo, mahal..." Nakangiting saad niya at kumuha ng pinggan para lagyan ng pagkain.

Napangiti ako.

Ilang beses ba ako mapapangiti sa araw na to dahil kay Enzo?

Nang inilahad ni Enzo ang platong may laman na pagkain.... May barbeque doon, shrimp, roasted chicken. May kanin din.

Nanlaki ang mata ko ng biglang kinuha ni Enzo ang kutsara na nilagyan niya ng kanin at ulam tapos sinubo sa akin 'yun.

"Say ahhh..." Wika niya. Namula agad ang pisngi ko. Nagdadalawang isip ako kung gagawin ko ba pero kasi... Enzo's have this hopeful eyes kaya kahit nahihiya, kinain ko 'yun.

Bakit ba ang sweet niya?

Nahihiyang nginunguya ko ang pagkain kasi si Enzo nakatitig sa akin habang nginunguya ko 'yun!

Ang normal na pagnguya ko ay aabot ng 8-10 beses pero ang ginawa ko ay tatlo lang! Muntik pa akong mabulunan!

Ngumiti ako kay Enzo.

"Masarap ba?" Tanong niya.

Tumango ako.

Ngumiti si Enzo at excited na kumuha ng kanin para subuan ulit ako!

"Ako na..." Sabi ko sabay kuha noong barbeque. Napatigil rin si Enzo at nagtatanong tumingin sa akin. "Kumain ka na lang din..."

Tumitig siya ng ilang minuto sa akin. Nagkibit balikat lang siya. "Okay." Sabi niya.

Dumikit siya sa akin at inihilig ang ulo sa balikat ko.

"Actually, busog ako." Mahinang wika niya.

Ah, okay.

Tumingin ako sa harapan ko.

"Ang ganda naman dito..." mahinang wika ko habang tinitigan ang dagat.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sa akin at inakbayan ako.

Kinilig naman ako.

Sinandal ko naman ang ulo ko sa dibdib niya.

"Oo." Mahinang sagot ko. Teka, nakapunta na ba kami dito noon? Pero bakit hindi ko nararamdaman na nakapunta ako dito...

Naramdaman ko ang paghalik ni Enzo sa ulo ko habang tinitingnan namin ang kalangitan.

Alas dose kami dumating rito sa beach resort nila Enzo. Pinasyal ako ni Enzo dito dahil baka nababagot ako o na s-stress sa bahay o sa problema namin kaya kung ano-ano daw ang naiisip ko.

Napapikit ako ng biglang umihip ang hangin. Napakapayapa ng nararamdaman ko ngayon.

Sana ganito na lang palagi.

"Mahal..." Malambing na tanong ni Enzo sa akin. Napadilat ako ng mga napatingin sa kanya.

Pinamulahan ako ng pisngi nang mapagtanto ko na kanina pa pala siya nakatingin sa akin.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng makita ko siyang ngumiti ng pilyo.

Hinawakan naman ni Enzo ang magkabilang pisngi ko at pinatingin sa mukha niya.

"Enzo..." mahinang sambit ko.

"'Wag mong itago sa akin ang napakaganda mong reaksyon mahal..." malambing na sabi niya na para ba akong nilalasing. Uminit ang pisngi ko. Napatitig lang ako sa mukha niya...

Nakatitig din siya sa akin. Maya-maya lang ay hinaplos niya ang labi ko gamit ang hintuturo niya. Napapikit ulit ako nang dahan-dahang inilapit ni Enzo ang mukha niya sa akin. Lihim akong napangiti nang lumapat ang labi niya sa labi ko.

Nang maghiwalay ang labi namin. Napatitig ako sa labi niya at ako ang mismong humalik sa kanya ulit. Puno yun ng pagmamahal. Gusto kong iparamdam sa kanya na mahal ko-

Napatigil ako sa paghalik sa kanya ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko at inilayo ako sa kanya.

Enzo?

Pinagdikit niya ang ilong namin pagkatapos. 'Yung isang kamay niyang nasa kanang balikat ko ay bumaba...

Nagtaka ako ng iniangat niya ang kamay niya, may dala siyang plato. 'Yung plato niya na may lamang pagkain kanina.

"Mahal, kumain ka muna..." Sabi niya. Inilagay niya 'yung plato sa may legs ko at tumayo agad.

"Maliligo muna ako..." Paalam niya at tumatakbong pumunta sa dagat.

Napatitig ako sa kanya na lumangoy sa dagat.

Teka...

Naikuyom ko ang kamay ko.

Naninikip ang dibdib ko habang tinitigan si Enzo. This is my fault.

Iniiwasan ako ni Enzo. Ayaw niyang may mangyari sa amin? Kasi baka itutulak ko lang siya ulit?

----

NAPATITIG AKO SA SALAMIN at minamasdan ang hubad kong katawan

Nakapagdesisyon ako. Ngayong gabi, itatapon ko lahat ng inhibisyon ko sa katawan. Ibibigay ko ang sarili ko kay Enzo.

Uminit ang pisngi ko at napayakap sa sarili.

Malakas ang tibok ng puso ko at kinakabahan ako ng sobra-sobra dahil sa mga bagay sa tumatakbo sa utak ko.

Pero kasi...

Si Enzo nararamdaman ko, pinipigilan niya ang sarili niya na maging 'mainit' 'yung mga nangyayari sa amin, gaya kanina.

Gusto kong ibigay ang pangangailangan ni Enzo...

Bakit napaka-ano ko ngayon!

"Mahal..." Napalingon ako sa may pintuan. Nataranta ako. Si Enzo kasi! Baka kasi hindi ko narealize, naisasalita ko na pala ang mga naiisip ko at narinig niya! Patay na! Nakakahiya!

"B-bakit, Enzo?" Tanong ko.

"Ah, wala lang. Akala ko kasi nakatulog ka diyan, kanina ka pa eh..." Sabi niya. "Take your time..." Sabi niya.

Aalis siya?

Baka gagamit siya ng banyo?

Nanlaki ang mata ko ng maalala ko 'yung huling sinabi niya. 'Take your time'. Baka iniisip niya na kaya natagalan ako dahil nag babawas ako! Nakakahiya! Naliligo ako, Enzo at pinaplano ang gagawin kong pang-aakit sa iyo!

"Wait lang, Enzo-" teka muna! Sasabihin ko 'yun sa kanya?! Ibig sabihin, ngayon ko ba ibibigay ang sarili ko? For real?! Pwede bang mamayang gabi na lang? Hapon na hapon pa kasi eh! Mainit pa! Dapat mamayang gabi na lang para malamig-what the hell I'm thinking! Napailing ako at kukunin sana yung tabo para ipalo sa ulo ko pero nadulas lang ako at muntik pang mapadapa sa bath tub. Buti na lang at nahawakan ko ang gilid ng bath tub 'yun nga lang, napaluhod ako.

"Ah!" Sigaw ko nang iginalaw ko ang paa ko. Ang sakit ng tuhod ko!

"Mahal ko?!" Rinig kong sigaw ni Enzo. Narinig ko ang paghawak ni Enzo sa door knob at pilit na binubuksan 'yun! "Anong nangyayari diyan?" Kinakabahan na tanong niya. "Please, answer me, mahal! Rosario!" Sigaw ni Enzo na para bang gigibain na yung pinto.

"Enzo..." Mahinang tawag ko sa kanya. Sigaw sana 'yun kaso biglang kumirot yung tuhod ko!

"Wait lang! Kukunin ko ang susi nito!"

Nanlaki ang mata ko.

Kung bubuksan niya ang pinto, makikita niya akong nakahubad! Atsaka, 'yung plano ko, masisira!

"Enzo, huwag!" Sigaw ko at pilit na tumayo. 'Yun nga lang ang sakit talaga ng tuhod ko kaya hindi ko magawa.

Inabot ko na lang yung damit ko kanina na basta ko na lang hinubad. Malapit lang ang mga damit ko sa may bath tub. Isang dangkal na lang ang layo ko para maabot yun ng biglang bumukas ang pinto.

Tumigas ako na para bang estatwa sa kinalagayan ko.

"Rosario!" Sigaw ni Enzo.

Mabilis na napasigaw ako at napatakip sa katawan ko gamit ang braso ko. Tiniklop ko pa ang katawan ko na para bang akong fetus sa loob ng tub.

Napasulyap ako sa kanya.

Nakatitig siya sa akin at nakita ko siyang napalunok. Lumapit siya sa akin.

Naku po!

Teka...

Plano kong akitin siya diba?

Kinagat ko ang labi ko at tumihaya. Ginawa kong kama ang bath tub.

Nakatakip pa rin ang mga braso ko sa dibdib ko at 'yung mga binti ko ay pinagkrus ko.

Nakita ko ang pag-aalab ng mga mata ni Enzo. Para akong isang masarap na pagkain na nakahain sa kanya.

Tinitigan niya ako ulo hanggang paa. Bigla siyang tumigil sa tuhod ko.

"Anong nangyari sa tuhod mo?" Tanong niya sa kontroladong boses.

"Nadulas ako." Mahinang sambit ko. "Ah, Enzo pwede mo bang kunin ang roba ko..." Sabi ko. Hindi ko alam pero 'yung boses ko, napakababae.

"Yeah." Sabi niya na para bang nahihinoptismo. Hindi niya inalis ang tingin sa akin, inabot lang niya yung roba gamit yung isang kamay niya. Nasa likuran lang niya naman kasi 'yung roba. "Here." Abot niya sa akin. Umupo naman ako sa loob ng bath tub.

Nakatitig lang sa akin si Enzo kaya napayuko lang ako.

Pinasok ko yung isang kamay ko sa butas para maisuot yung roba.

Paano ko ipapasok yung kamay ko sa isa pa? Naiipit kasi 'yung low part... Kailangan kong tumayo!

"Tulungan na kita." Alok ni Enzo nakita niyang nahihirapan ako at nahihiya na rin dahil expose na expose ang dibdib ko kasi naman inalis ko yung braso ko doon para mapasok yung kamay ko.

Tumango ako.

Inalalayan niya ako sa pagtayo. Napaigik ako dahil sa sakit ng tuhod ko at dahil masakit-napahawak ako sa balikat niya. Tinulungan niya ako sa pagsuot noong roba.

Napalunok ako nang tinali niya ang roba ko ay tumigil muna siya saglit para tumitig siya sa dibdib ko. Nakita ko ang pagkagat ng labi niya na para bang gustong-gusto niyang tikman ang nakikita niya.

Sa 'yo 'yan, Enzo. Nakagat ko ang labi ko sa iniisip ko.

Napabuntong hininga na lang siya bago tinali ang roba ko.

Enzo?

Why?

Nakahain na nga ako, bakit ... Ganoon ba talaga ang pagpipigil mo... Pero...

"Let me carry you." Saad niya nang iniangat niya ang mukha niya at bigla niya akong kinarga na para bang bagong kasal kami.

"E-Enzo! Mabigat ako!" Sigaw ko.

"Mabigat?!" Natatawang tanong niya. "Ang gaan-gaan mo kaya mahal ko." Sabi niya at umalis na kami sa banyo para pumuntang kwarto.

Binaba niya ako sa kama namin. Pinaupo sa may dulo ng kama.

"Ako na ang magpapalit sa 'yo." presenta niya. Nahiya agad ako.

"Ako na. Nakalagay naman sa kama ang susuotin kong damit eh." Sabi ko at akmang tatayo ako para abutin yung damit ko kaso napasigaw lang ako sa sakit dahil kumirot ang tuhod ko.

"Tutulungan na kita. Tingnan mo sumakit tuloy tuhod mo..." Sabi ni Enzo at kinuha yung damit ko. Isang t-shirt at short ang inihanda kong damit at sa taas noon ay yung mga underwear ko.

Napalunok ako ng kinuha ni Enzo ang panty ko.

Lumuhod si Enzo sa may harapan ko pagkatapos. Parang natuod ang binti ko. Hindi ko magalaw. Sobra na 'to!

"Enzo, you don't have to do this..." Sabi ko. Umiling lang siya at hinawakan ang isang binti ko at pinasuot sa akin yung underwear ko.

Dahan-dahan niyang itinaas yun hanggang sa umabot sa may hita ko.

"Mahal ko, pakitaas ng roba mo at pakiangat na rin ng balakang mo pagkatapos..." Napakasensual na utos niya. Hindi ba siya nahihirapan sa ginagawa niya? Kung hihingin niya sa akin ang bagay na 'iyon', ibibigay ko ang gusto niya.

Tumango ako.

Dahan-dahan kong itinaas ang roba ko pero nang tinaas ko, bigla naman kumalas ang pagkakatali nito kaya bumukas ito.

Napasinghap ako.

Nailantad muli ang katawan ko sa kanya.

Please, Enzo this time. Gawin mo na ang gusto mo sa akin.

Napaawang ang labi ni Enzo nang makita niya ang katawan ko.

Mas namungay ang mga mata ko. Feeling ko pagod na pagod ang mga mata ko habang tinitigan siya.

Napatitig si Enzo sa katawan ko at nakita ko ang paglunok niya habang tinitigan ang katawan ko pababa...

"Enzo..." Malambing na tawag ko sa pangalan niya. Binalik niya ang attensyon niya sa mukha ko. Nginitian ko siya. "Ahm..." Hindi ko na kaya.

Enzo, hindi na kita muling pipigilan pa.

Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahang binuka ang binti ko na nasa harapan niya.

Nanlaki ang mga mata niya at ako naman ay napaiwas ng tingin sa kanya.

Naghintay ako sa maaaring gawin ni Enzo. May mga bagay na pumasok sa utak ko na mas lalong nagpainit lang sa sistema ko.

Kaso...

Naramdaman ko ang pagtayo ni Enzo at hinawakan ang mukha ko. Nakayuko siya sa akin at pinagpantay ang mukha namin.

"Mahal..." Ngiti niya. "Hindi mo kailangang gawin-

Kainis!

"Enzo gusto ko..." Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawang kamay ko. "Gusto kong iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal." Sabi ko at dahan-dahang humiga sa kama hila-hila siya.

Gulat ang bumakas sa mukha niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Pero maya-maya ay napalitan ito ng pagkasaya.

"Mahal na mahal kita, Rosario!" Masayang wika niya habang hinaplos ang mukha ko.

Nakagat ko ang labi ko ng biglang hinalikan ni Enzo ang labi ko.

Maalab. Puno ng pagnanasa at pagmamahal.

"Enzo..." tawag ko sa kanya at napakapit sa ulo niya ng pinalaliman ang halik namin..

----