Chereads / My Sweet Rosario / Chapter 8 - Ikapito

Chapter 8 - Ikapito

"Ano kaya ang lulutuin ko ngayong hapunan?" Mahinang tanong ko sa sarili. Pero bago ko pa maka decide kong ano nga ang lulutuin ko, dapat alamin ko muna kung ano ang mga available na ingredients sa ref. Kaya yun nga ang ginawa ko. Nang makita ko ang laman, napag desisyon kong magluto ng putchero.

Hindi ko maalala kong marunong ako magluto noon. Pero dahil siguro sa kagustuhan ko na magluto ng masarap na pagkain para kay Enzo, nanonood ako ng mga lutuin sa youtube.

Masayang nagluluto ako ng pagkain namin. May pasayaw-sayaw pa ako at pakanta-kanta. Sana magustuhan ni Enzo ang lulutuin ko.

Napangisi ako.

Excited na akong makita ang asawa ko at ipatikim sa kanya ang luto ko. Alam ko kasing busy siya dahil ngayon ang balik niya sa trabaho.

Sa ilang linggo niyang absent, sa wakas, bumalik ulit siya sa pagtatrabaho. Napilit ko na rin siya! Tiyak ako na marami siyang gawain sa pagbabalik niya.

Napangiti ako habang inaalala ang mga nakalipas na linggo. Puro saya ang naramdaman ko. Palagi kaming nag de-date ni Enzo na parang bagong magjowa. Nanood kami ng sine, kumain sa labas at kung ano-ano pa. Atsaka kapag nasa bahay kami, syempre hindi mawawala 'iyon'. Lagi kaming nagtatalik. Wala na yatang part sa bahay namin ang inosente. Napahigikhik ako sa iniisip ko.

Feeling ko, hindi na ako ang Rosario gumising sa hospital na may amnesia. Parang naging iba na ang karakter ko. Noon kasi feeling ko ang inosente ko pero ngayon, parang nahawaan ako ni Enzo sa pagkapilyo niya.

Umiling na lang ako at pinaghusayan ang pagluluto ko.

Tama-tamang naman dahil nang naluto na ang niluluto ko, tumunog naman ang doorbell!

"Enzo!" Masayang sigaw ko.

Mabilis na tumakbo ako para masalubong ang asawa ko pero bago dumiretso doon, sumilip muna rin ako ng mabilis sa salamin para makita ko kung may dumi ba ako sa mukha. Nang masiguro kong wala nga, patakbong pumunta ako sa front door.

Excited na binuksan ko ang front door at napangiti ng malaki nang makita ang asawa ko.

"Mahal ko!" Masayang bati ko kay Enzo. Lumingon sa akin si Enzo at nakangiti rin siya na para bang tuwang-tuwa na nakita ako...

Ngunit nawala ang ngiti ko nang may lumabas sa kabilang pinto ng kotse niya. Isang babae.

Sino to?

Mabilis na tinitigan ko ang babae mula ulo hanggang paa nang nasa may harapan na siya sa kotse at sumunod kay Enzo. Para akong kumain ng ampalaya sa nakita ko. Maganda ang babae at parang sosyal. Halata sa suot niya na mahal ito at ang kinis niya. Kumpara sa akin na nakasuot lang ng sleeveless at isang maiksing short. Tapos hindi pa ako makinis.

"Mahal ko..." malambing na bati ni Enzo sa akin at yinakap ako. Hindi ko siya pinansin kasi nakatitig lang ako sa babae.

Tumingin ako kay Enzo at bumulong ng..

"Sino siya?" Tanong ko kay Enzo.

"Ah..." sabi niya na para bang ngayon lang niya naaalala na may kasama siya. "Mahal..." sabi niya at tumabi sa akin habang nakapalibot ang isang kamay niya sa bewang ko. "Ito pala si Sheryl, inaanak siya ni mama at stock holder ng hospital." Saad niya. "Sheryl asawa ko, si Rosario." Masayang pakilala ni Enzo sa akin doon sa babae.

"Hi, Rosario..." nakangiting bati sa akin ni Sheryl. Pinigilan ko ang noo kong gustong kumunot.

Bakit feeling ko hindi totoo ang pagbati niya sa akin? Feeling ko pinaplastik lang niya ako.

"Finally, nagkilala na rin tayo." Sabi niya at lumapit sa akin at yinakap ako.

Hindi ko na napigilan ang noo ko.

"Bakit hindi ka ba naimbitahan sa kasal namin ni Enzo?" Tanong ko sa kanya nang maglayo kami sa isa't isa.

Nakita ko ang pag iba ng emosyon niya na para bang minamaliit ako at tumingin siya kay Enzo.

Tumingin ako kay Enzo na nakatiim ang bagang habang nakatitig kay Sheryl. Yung alam mo na para bang sasakalin ni Enzo si Sheryl kapag may sinabi siyang hindi tama.

Teka...

Kinakapatid lang niya ito?

Baka may relasyon sila noon?

Aish!

Bakit kasi may titigan pa silang ganoon?

"Hindi ako nakapunta..." sagot ni Sheryl sa tanong ko. Tumingin ako sa kanya. "Sa kasal niyo..." dugtong niya. Madiin na dugtong niya na para bang may lihim na meaning ang sinabi niya. Teka... "So hindi ka pa talaga nakakaalala?" Tanong niya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala na may sakit ako.

Tumango lang ako sa kanya. Baka may masabi pa akong iba kapag hindi ko yun ginawa eh.

Ngumiti siya ng tipid sa akin at tumingin kay Enzo. "So... Let's start na Enzo..." sabi niya.

"Huh?" Tanong ko kay Enzo. Sino ang babaeng to na bigla na lang utusan ang asawa ko. Atsaka ano yung sisimulan nila?

Tumingin sa akin si Enzo. "May pag-uusapan kasi kami mahal, tungkol sa kompanya." Paliwanag niya sa sinabi ng babae. Tsk.

Tumango ako kahit na gusto kong ngumuso sa sinabi niya. Bakit dito? Sa bahay namin? Bakit hindi sa opisina?! Atsaka kung umasta ang babaeng to, bahay niya to?! Aish! Kainis! Ang babaeng 'to... gusto ko siyang sakalin!

"Tama-tama, kumain muna kayo. Nakapagluto na ako." Masayang saad ko-para kay Enzo lang yun! Tse! Bahala ka sa buhay mo Sheryl.

"Sorry." Sagot ni Sheryl. Tumingin ako sa kanya at pinigilan kong tumaas ang isang kilay ko. Bakit siya sumasabat? Hindi siya kakain? Thanks! Hindi ko rin naman gusto na ipakain sa kanya ang pagkaing niluto ko. "Kumain na kami ni Enzo..." sabi niya na para bang iniinggit ako. Nanlumo ako sa sinabi niya.

What?

Kumain na sila?

Nag date ba sila?

Tinago ko sa likuran ang isang kamay ko dahil hindi ko napigilang ikuyom yun. Bakit ganoon, gusto kong sabunutan ang babaeng to?

Nagulat ako ng biglang halikan ako ni Enzo sa pisngi sa harap ng babaeng kasama niya. Tumingin ako sa kanya.

"May pakain kasi pagkatapos ng general meeting namin sa hospital." Ah.... Sa hospital naman pala... Kung ano-ano ang iniisip ko. Kasi naman ang baabeng to... Tsk! "Pero don't worry, kaunti lang naman ang kinain ko." Sabi niya. Tinitigan ko lang siya. Kahit na. So hindi niya makakain ang niluto ko? Inilapit ni Enzo ang bibig niya sa tenga ko. "Mas masarap kasi ang luto mo kaya yun ang magiging dinner ko kaysa yung pagkain sa opisina...atsaka mas gusto kitang kasama sa pagkain kaysa sa mga katrabaho ko." Napangiti ako. Yun naman pala eh! Tumingin si Enzo sa akin pagkatapos at ngumisi siya nang makita niyang nakangiti ako dahil sa sinabi niya.

Inakbayan ako ni Enzo at tumingin kay Sheryl. "So doon na tayo sa sala namin, Sheryl. Bilisan na natin yung trabaho natin para matapos agad..." sabi ni Enzo at umuna kami sa pagpasok sa bahay.

Lumingon ako sa likuran namin. Nakita ko ang hindi maipintang mukha noong babae na bigla na lang ngumiti nang makita niyang nakatitig ako sa kanya.

Psh!

Tama nga ako.

May crush ang babaeng to sa asawa ko!

Hmp!

Tumingin ako kay Enzo at yumakap ako sa kanya habang naglalakad kami.

Mamatay ka sa inggit!

---

"So sure ka na sila ang hahawak sa operasyon?" Tanong ni Sheryl kay Enzo. Naririnig ko sila sa may kusina. Pinag-uusapan nila kung sino-sino daw ang hahawak sa isang operasyon. Napanguso ako. Bakit dito nila yan pinag-uusapan? Well, narinig ko na si Enzo daw ang head something sa isang deparment kaya siya yung mag didisisyon sa mag oopera.. Napabuntong hininga na lang ako...

Tumingin ako sa iniinit kong pagkain. I don't know. Pero naiinis ako. Feeling ko makakain pa yung babae rito sa bahay namin. Gusto ko pang maghanda ng pagkain para magpasikat doon sa babae. Pero kanina nang naghatid ako ng tubig kina Enzo, sabi niya na wag na daw ako magdala ng pagkain dahil matatapos na daw sila. Eh mga 2 minutes ago na yun. Kaya what if magluto ako at natapos na sila? Wag na nga lang.

"Mahal..." tawag sa akin ni Enzo.

Lumingon ako sa kanya. Ngumiti ako. Bigla na mang sumulpot si Sheryl sa tabi niya. Pinilit kong 'wag mawala ang ngiti ko sa labi.

"Tapos na kayo?" Tanong ko at tumayo sa pagkakaupo. "Maghapunan muna tayo..." alok ko sa kanila. Kahit na ayaw ko sumabay ang babaeng to sa hapunan namin, wala akong magagawa. Alangan naman na palayasin ko siya? Hindi dapat ako maging masama sa kanya... Dapat pakisamahan ko siya...

"Sorry Rosario, gustuhin ko man, kailangan ko ng umalis." Malungkot na sabi ni Sheryl.

Yes!

Gusto kong mapatalon sa tuwa dahil sa sinabi niya.

Sorry Sheryl pero wala akong pakialam sa yo. Umalis ka! Itutulak pa kita palabas sa bahay namin!

Magsasabi sana ako na 'Ah, okay lang Next time na lang...' nang masalita ulit siya

"Enzo ihatid mo na ako. Gabi na oh!" Sabi niya.

Huh?!

Ihahatid? No! Magpapahatid siya kay Enzo?! Nababaliw na ba ang babaeng to?! Ang aggressive niya ah! Mabilis na tumingin ako kay Enzo kong ano ang magiging reaksyon niya pero kinakalikot lang niya ang telepono niya.

Diba dapat may sabihin ka sa mga ganitong bagay Enzo?! Hindi mo ba nararamdaman na may motibo ang babaeng to sa yo!

"Oh!" Sabi niya na para bang may naalala.

Humarap sa akin yung babae.

"Pwede ba akong ihatid ni Enzo, Rosario? Nasira kasi ang sasakyan ko kaya nakisabay ako kay Enzo kanina pero hindi pa daw naayos eh." Nagpapaawang sabi niya.

Kainis!

Nakakainis ang babaeng to!

Napatingin ako kay Enzo. Busy siya sa telepono niya at para bang wala siyang pakialam sa nangyayari ngayon. Wala man lang ba talaga siyang sasabihin? O naghihintay rin siya sa sagot ko.

Anong isasagot ko?

Tumingin ulit ako sa babae. Syempre. Hindi agad ang sagot ko. Pero kasi.... Sabi ni Enzo stockholder to.. kinakapatid niya... baka may sabihin pang hindi maganda ang babaeng to kapag humindi ako...

"Okay lang..." mahinang sagot ko. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Bigat na bigat ang pakiramdam ko dahil sa sinagot ko.

Ang tanga ko!

Tama ba ang sinabi ko?

"Okay lang daw kay Rosario, Enzo. So ihatid muna ako." Rinig kong sabi ng babae. Aish! Ang saya ha! Tumalikod na lang ako. At ini-off 'yung iniinit kong pagkain.

"Wait lang, Sheryl..." rinig kong sabi ni Enzo at narinig ko ang yabag niya palayo. Parang piniga ang puso ko sa sagot ni Enzo.

Really?

Aalis siya kasama ang babaeng yun?

"Mabuti pa, kumain ka na lang kasi baka matagalan si Enzo sa pag-uwi. Lalo na at kasama niya ako." Napalingon ako sa kanya. Hindi pa siya umaalis.

What?

Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin. Para siyang nanalo sa lotto dahil sa itsura niya. Ang saya-saya niya.

Kumulo ang dugo ko. Ang babaeng to, nanadya siya! Pero mas nakakukulo ng dugo ang ginawa ko. Hinahayaan ko lang siya! Kasi naman! Dapat si Enzo ang magsabi noon na 'hindi'! Hindi ako!

"At kung kasama ka niya? Ano naman ngayon?" Tanong ko na lang sa kanya.

Nawala ang ngiti niya. Nag iba ang expression ng mukha niya. Lumapit siya sa akin. Tinitigan niya ako ng mabuti na para bang puzzle ako na binubuo niya.

"Hmmm... Hindi ko alam kong inosente ka o nag iinosente-inosentehan ka lang..." sabi niya. "Alam mo ang ibig kong sabihin." Madiin na wika niya.

Huminga ako ng malalim.

"Ewan ko sa yo..." tanging sabi ko.

"Basta ang masasabi ko lang Rosario, huwag ka masyadong magpakampante sa asawa mo..." Makahulugang sabi niya.

Huminga ulit ako ng malalim.

"Alam mo sa mga sinasabi mo, parang gusto mong agawain ang asawa ko sa akin... parang dine-declare mo na magiging kabit ka ni Enzo." Hindi ko mapigilan na sabihin ko sa kanya yun.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. What? Don't tell me na hindi niya inaasahan ang sasabihin ko? Sa mga sinabi niya sa akin, talagang maiisip ko ang bagay na yun. Kabit siya. Agressive na kabit.

"Huwag mo akong itula-

"Then 'wag kang magsalita ng ganyan sa akin." Putol ko sa sasabihin niya. Hinarap ko siya at seryosong tumingin. "Pero alam mo, nakakaawa ka, kasi kung yun ka nga, pwes, hindi yun mangyayari. Hindi ka magiging kabit ni Enzo. Hindi mo siya maangkin. Akin lang siya dahil mahal na mahal ako ni Enzo." Madiin na wika ko.

"What?" Tanong niya na para bang nahahambugan siya sa akin. "Talaga lang ha? Saan ka kumukuha ng lakas sa mga pinagsasabi mo?"

"Ilang linggo rin akong nahospital right? May sakit ako diba? Hindi ko siya maalala pero kahit na ganoon. Nasa tabi ko pa rin si Enzo. Hindi siya umalis sa tabi ko kahit anong tulak ko sa kanya. At palagi niyang sinasabi sa akin na mahal niya ako... Kaya niyang umabsent ng ilang linggo para lang sa makasama niya ako..." bawat bitaw ko sa mga salita ko gusto kong ipaabot sa kanya ang salitang 'mainggit ka, sa akin'. "Kaya matatakot? Ako?" Nang uuyam na tanong ko sabay tingin sa kanya. "Sa iyo?" Tinaas ko ang kilay ko. "Kung makikita kong tinitigan ka ni Enzo tulad ng pagtitig niya sa akin, doon ako matatakot at hindi makakampante pero hindi eh. Hindi ganoon ang titig niya sa 'yo. Kaya sorry ka na lang..." mataray na wika ko. Kung tingin niya hindi ko kayang ipaglaban ang asawa ko at magpapaapi lang ako sa kanya, pwes mali siya. Ito na ang huling beses na hahayaan ko siya sa gusto niya.

"You--

"Sheryl nandoon na ang taxi sa labas, hinihintay ka na!" biglang sabat ni Enzo. Nasa sala siya ng isigaw niya yun. Parang gusto niyang ipaalam kay Sheryl na maghanda siya sa pag alis pero.. Ano daw?

Tumingin ako sa babae. Naguguluhan rin siya sa sinabi ng asawa ko.

"What?!" tanong ni Sheryl nang pumasok si Enzo sa kusina.

"Tumawag ako ng taxi para maghatid sa 'yo..." sagot ni Enzo at lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Hindi mo ako ihahatid sa bahay namin?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"No." Sabi niya na para bang nahihibang si Sheryl sa ideyang ihahatid niya ang babae sa bahay nila. "Kaya sige na, halika ka na, nandoon na yung taxi." Kumalas sa akin si Enzo para kunin sana yung mga dala ni Sheryl pero hindi pinakuha ni Sheryl ang gamit niya.

"No thanks! Kaya ko!" Galit na sabi niya at nag walk-out sa harapan namin.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Yung self declare kabit ni Enzo at karibal ko...

Kaya ba wala siyang reaksyon kanina kasi yun ang ginawa niya. Magtawag ng taxi para sa Sheryl na yun!?

"Anong nangyari sa babaeng yun? PMS?" Mahinang tanong ni Enzo.

Oh my!

Tumawa ako dahil sa sinabi niya.

"Hey bakit ka tumatawa?" Naguguluhang tanong ni Enzo sabay yakap sa akin. Dense ba si Enzo?

"Nothing..." sabi ko at inilagay ko ang kamay ko sa leeg niya at pumunta sa may harapan niya. "I miss you..." malambing na wika ko at hinalikan siya sa labi.

Enzo really loves me. Ako lang. Wala ng iba. Kaya hindi niya ako niloloko. Asawa ko siya! At yung panaginip ko kay Ka Impeng, baka gawa-gawa lang ng isip ko.