Chereads / My Sweet Rosario / Chapter 7 - Ikaanim

Chapter 7 - Ikaanim

"MAHAL..." tawag sa akin ni Enzo. Hindi ko siya pinakinggan. May iniisip ako. Bakit ganoon? Hindi pa rin maalis sa utak ko ang nakita kong dugo sa kama at yung naramdaman kong 'sakit' kanina... At ang nakakainis pa natatakot akong itanong kay Enzo ang tungkol doon. Somehow, sa puso ko, parang binabalaan akong 'huwag ko na lang itanong sa kanya' na mas lalong kinatatakot ko. Ano just go with the flow na lang ang drama ko? Kasi naman paano kong hindi nga kami mag asawa? Binigay ko ang sarili ko sa kanya ng kusa? Pero kasi... kainis! Mababaliw na ako sa kakaisip!

Napapikit ako nang masuyong hinalikan ni Enzo ang likuran ko. Gising pa siya? Akala ko nakatulog siya...

Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman ko sa ginawa niya. Nasa loob kami ng kumot, hubo't hubad kaming pareho.

"Enzo, tumigil ka, please..." mahinang daing ko nang bumaba ang mga halik niya. Pumasok siya sa loob ng kumot at tinuloy ang ginagawa niya. Tumawa lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Napalunok ako nang malapit na sa may bewang ko ang halik niya...

"Enzo please..." Pakiusap ko at napakapit ng mahigpit sa kumot.

Tumigil siya sa paghalik sa akin. "Ayoko." Hinalikan naman niya ako pataas... "Tingin ka muna sa akin..." Mahina at nang aakit na wika niya sa gitna ng paghalik niya. Ramdam ko ang hininga niya na nagpakilabot sa katawan ko. Yumakap siya sa akin ng mahigpit pagkatapos. Nakatalikod kasi ako sa kanya kasi nahihiya ako. Oo nahihiya ako. Kahit na may mga tanong ako, hindi pa rin mawawala ang ginawa ko kanina. Bigay na bigay ako sa kanya. Kaya nga hindi ko maitanong yung gusto kong itanong eh! Kaya hindi ko alam na gising siya! Kasi akala ko natulog na gad siya-yun ang gusto kong isipin! Nakakahiya talaga tuwing naalala ko ang bawat rekasyon ko sa ginawa niya at ang mga pinaggagawa ko! Ang landi ko kanina!

Pero hindi pa rin maalis sa utak ko... Nakagat ko ang labi ko at nilakasan ang loob ko. Kailan ko itatanong sa kanya ito? Yung mas lalong dumami ang tanong ko? O hihintayin ko na lang na maalala ko ang lahat? Pero kailan naman mangyayari yun?

"Sabi mo asawa kita..." mahinang wika ko sa kanya. Napatigil siya sa paghalik sa leeg ko. Naramdaman ko rin ang pagluwag ng pagkakayakap niya sa akin.

Eh?

Bakit ganito ang reaksyon niya?

Kinabahan agad ako at parang naubos ang laway ko. Hindi ko masabi ang gusto kong idugtong.

"Oo naman Rosario... Asawa mo ako, asawa kita. Mag asawa tayo." Madiin na sagot niya na para bang kinukumbinsi niya ako.

Bakit ganoon... Nakagat ko ang labi ko. Masama bang hindi ako maniwala sa sinabi niya?

Kung mag-asawa na kami, bakit ngayon lang nabasag ang kinaiingatan ko sa kanya? May amnesiya ako pero hindi ako tanga. 'Yung sakit na naramdaman ko ng ipasok niya ang sa kanya sa akin, alam ko. Ito ang unang beses na makipagtalik ako sa kanya. Lumingon ako sa kanya.

"Ano ba talaga ang totoo?" pakikusap ko sa kanya. "Sabihin mo sa akin ang totoo, Enzo. May amnesiya lang ako, hindi ako tanga. Ito ang unang beses na may nangyari sa atin! Sabi mo asawa mo ako, imposible naman na walang nangyari sa atin nung hindi ako na-hospital o noong hindi pa ako naaksidente..." tinitigan lang ako ni Enzo pagkatapos kung sabihin ang gunugulo sa utak ko. Humarap na ako sa kanya ng tuluyan at hinawakan ang mukha niya. "Enzo, alam kung huli na ang lahat para tanungin 'to pero gusto kong malaman, asawa ba talaga kita?" tanong ko sa kanya. Maraming beses ko na natanong to sa kanya pero ngayon, gusto ko malaman ulit ang sagot niya.

Walang naging reaksyon si Enzo sa tanong ko kaya kinabahan ako lalo.

Kung hindi ko siya asawa, ano na? Anong gagawin ko?!

"May mga naalala ako, pero kahit isa doon wala ka, kundi isang lalaking mangagamot rin pero iba ang istilo niya sa paggamot! Hindi medisina ang gamit niya, kundi mga dahon. Kakaiba rin ang paraan ng paggamot niya. Nagdarasal siya, nag-aalay, pinapausukan-

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng inilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko na para patigilin ako sa pagsasalita.

"Shhh. " Sabi niya. Napatitig ako sa kanya. "Mahal ko, asawa kita." Madiin na sabi niya at kinabuwawan ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang hinawakan niya ang isang binti ko at kinawit sa bewang niya tapos walang sabing pinasok ang kanya sa akin.

"E-Enzo!" Sigaw ko sa kanya.

"Akin ka." Sabi niya at gumalaw sa taas ko.

Napahawak ako sa balikat niya at napaungol dahil sa ginawa niya. Nag-uusap pa kami!

"Ah! Enzo..." mahinang daing ko ng bigla niyang diniin ang pagpasok sa akin. Nag-uusap pa kami! Pwede bang mamaya na to-what?! Gusto ko talaga?! Tumigil si Enzo saglit at hindi ko alam... Napakapit ako sa kanya ng mahigpit. Gusto kong ipulupot ang mga binti ko sa bewang niya para ipagpatuloy ang ginagawa niya.

Oh God! Gusto ko nga! Bakit ang rupok ko!?

"Wala pang nangyayari sa atin dahil bata ka pa nang kinasal tayo. 17 ka pa lang noon..." hinihingal na saad niya. Natigilan ako. 17? Ang bata ko pa ah! Oh my! Malandi yata talaga ako. Hinaplos ni Enzo ang mukha ko na puno ng emosyon. "Mahal ko, marami ka pang pangarap noon kaya pinigilan ko ang sarili kong angkinin ka pero ngayon, hindi na." Kumilos ulit siya na sobrang kinasaya ko. "Nasa tamang edad ka na kaya pwede ko ng iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal, Rosario..." sabi niya at hinalikan ang labi ko habang gumagalaw.

Maalab ang halik na iyon.

At wala na akong ibang gustong bogyang pansin kundi ang halik niya at sensasyong ginagawa niya.

At 'yun ang huling beses na pinag-usapan namin ang bagay na yun...

---

"Mali-late ka na!" Natatarantang wika ko. Mabilis na humarap ako sa closet at naghanap ng necktie niya...

Yinakap naman ako ni Enzo habang hinahanap ko yung necktie niya na babagay sa suot niya.

"Pwede naman akong umabsent eh..." malambing na wika niya at hinalikan ang batok ko. Napatigil ako sa paghahanap saglit. "Mas gusto kong kasama ka kaysa magtrabaho." Dugtong niya sa gitna ng mga halik niya.

Nagsitaasan agad ang balahibo ko sa ginawa niya.

"Enzo..." saway ko sa kanya nang lumikot ang kamay niya sa bewang ko. Heto na naman siya.

Namula ang pisngi ko.

Si Enzo kasi! Simula nang may nangyari sa amin, ganito na lagi siya. Kada minuto, kinakalabit niya ako, dinadala sa kung saan at nakikiusap na parang bata na mag ano kami...

Wala ba siyang kapaguran?

Pero kahit na ganoon, aaminin ko, na-e-excite rin ako sa mga escapade nitong si Enzo. Kaso na papabayaan niya na ang mga responsibilidad niya. Ilang araw na siyang absent. Ilang beses ng tumawag ang isang staff sa hospital kasi may nga pasyenteng naghahanap sa kanya pero ayaw pumasok ng lalaking to. Nandito lang siya sa bahay at...

Umiling na lang ako para maalis sa isip ko ang kahalayan niya.

"No." Madiin na sabi ko. Humarap ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya. "Kailangan mo ng magtrabaho Enzo. Kailangan ka ng hospital mo..." malambing na saad ko. Sinuklay ko ang buhok niya. Ang gwapo talaga ng asawa ko.

"Mahal naman..." parang batang palag niya nang inialis ko ang kamay niya sa bewang ko.

"Enzo ha! Pumasok ka na! Isang linggo ka ng hindi pumapasok!" Nagpasalamat ako dahil yung boses ko ay parang galit. Hindi bumigay sa pang aakit niya!

Lumabi lang si Enzo na para bang bata ay yinakap ako. Aish! Ang lalaking to! Dinadaan na naman niya ako sa paglalambing niya!

"Mas gusto ko dito sa bahay eh..." sabi niya. At biglang binaba ang kamay niya sa puwet ko at pinisil yun!

"Enzo!" Sigaw ko sa kanya. Mabilis na hinawakan ko ang kamay niya at inalis doon. Pero hindi ko maalis. Tumawa lang siya at inangat ako tapos pinaupo sa lamesa na nilalagyan niya ng laptop.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Enzo-hmmmp!" Sigaw ko ng bigla niya akong halikan sa labi. Tinulak ko siya pero sino bang niloloko ko. Hindi ako hinayaan ni Enzo. Mas pinalaliman niya ang halik niya. Mas naging maalab. Mas mapangahas... at nadala na naman ako...

Sinagot ko na lang ang halik niya na kinangiti naman ni Enzo.

Inilayo ni Enzo ang labi niya sa akin para makahinga kami. Napatingin ako sa kanya. Parang hinaplos ang puso ko sa nakita.

Puno ng pagmamahal ang tingin na binibigay sa akin ni Enzo.

"Bilisan lang natin ha...." nahihiyang saad ko. Sobrang init ng pisngi ko. Oo ganito ako karupok pagdating sa kanya.

Binigyan ako ni Enzo ng isang mapagtagumpay na ngiti at mabilis na hinalikan sa labi.

"Screw work! I want to make love with you, love..." mahina na wika niya bago hubarin ang damit ko.