"ENZO, pasensya na sa ginawa ko ah..."
Napabuntong hininga ako matapos kong sasabihin 'yun.
Nag papraktis ako sa dapat na sabihin ko kay Enzo.
I know na offend ko si Enzo sa 'pagtanggi' o 'pagtulak' ko sa kanya. Kaya heto ako ngayon, nasa harap ng salamin nag papraktis ako sa dapat na sabihin ko sa kanya. Nagluto rin ako ng pagkain para sa kanya. Pang peace offering.
"Enzo gusto ko ang mga halik mo-" napatigil ako dahil sa sinabi ko. Ah... Hindi ba tunog malandi ang linyang yun? Para kasing ang landi ko. Pero mag-asawa naman kami kaya okay lang siguro yun... Tingin ko...
Napalunok ako.
Okay. Final! Hindi siya malaswa! Mag asawa naman kami ni Enzo eh!
Hinanda ko ulit ang sarili ko sa linyang sasabihin ko kay Enzo.
"Enzo, I'm sorry sa ginawa kong pagtulak sa yo." Sabi ko. "Gusto ko ang halik mo. Promise! 'Yun nga lang...
Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Biglang lumitaw ang isang alaala ng isang lalaking may pangalang Ka Impeng at ako na may ginagawang hindi maganda.
Bata pa ako sa alaalang kong 'yun.
Nasa isang bahay kami na mula pagkagising ko, hindi ko pa nakita.
Nagmamakaawa ako sa kanya-kay Impeng sa panaginip na yun na 'wag niyang gawin 'yung gusto niyang gawin sa akin...
Napakunot ang noo ko.
Pagkatapos noon, anong nangyari?
Nagtagumpay ba si Ka Impeng sa gusto niyang gawin sa akin? O hindi? Wala na kasi akong maalala-Alaala ba talaga 'yun?
Sinabi kasi sa akin noong doctor noon na hindi lahat ng makikita ko o maalala ko, alaala daw. Minsan mga panaginip.
Pero bakit naman ako mananaginip ng ganoon?
Napapikit ako ng biglang sumakit ang ulo ko.
Napahawak ako sa ulo ko. Kainis! Pinipilit ko na naman ang sarili kong alalalahanin lahat. Sabi kasi ni Enzo 'wag ko daw pilitin ang sarili kong makaalala baka daw imbes na makaalala ako, mawala daw lahat ng alaalang nakalimutan ko.
Tumingin na lang ako sa salamin na nasa harapan ko.
Kaya ko ba yung sabihin kay Enzo? 'Yung rason kung bakit naitulak ko siya?
I can't. Pero kung hindi ko sasabihin sa kanya, hindi ako mapanatag.
"Enzo, I'm sorry sa ginawa ko." Wala sa sariling sabi ko. "Ang hina ko." Dugtong ko. "Dahil dun..." dahil sa naaalala kong 'yun... Natulak kita. Pero gusto ko talaga ang mga halik mo. Tingin ko 'yun ang pinakamatamis na halik..." napakurap ako sa mga sinabi ko.
Ano bang pinagsasabi ko?!
Napahawak ako sa pisngi ko.
Ang init!
May kalandian ba ako noon?!
Oh God!
Mabilis na umiling-iling ako. Hindi!
Wala lang ako sa sarili ko kaya nasabi ko!
Mabilis na kinuha ko ang pagkain na ibibigay ko kay Enzo.
Muntik ko ng maibagsak ang dala kong pagkain nang lumingon ako, nakita ko si Enzo, nandoon sa hamba ng kusina at nakatingin sa akin.
Oh God!
Nakita ko ang pagngisi niya pero agad namang sumeryoso.
Sana kainin na ako ng lupa ngayon!
Narinig niya ba ang sinabi ko?! Lahat-lahat?!
Namula agad ang pisngi ko. "Kanina ka pa dyan?" Hindi ako makatingin sa kanyang ng itanong ko 'yun.
Tumagilid siya at ngumuso. "Hindi." Sagot niya.
Sinungaling!
Ako naman ang napanguso. Nakakahiya ako!
"Nagsasabi ka ba ng totoo?" Parang batang tanong ko sa kanya.
Tumawa lang si Enzo at tumango.
Lumapit siya sa akin at kinuha 'yung pagkaing dala ko tapos nilagay sa mesang katabi ko.
"Diba may gusto kang sabihin?" Nakangiting tanong niya. Namula agad ang pisngi ko. Kailangan ko pa bang sabihin 'yun?
Eh narinig naman niya.
Pero umaasa si Enzo sa sasabihin ko kaya kinalma ko ang sarili ko. Okay, sasabihin ko sa kanya 'yun.
"Enzo, about doon sa nangyari...." sabi ko sa maliit na boses. Napapikit pa ako ng mga mata dahil kinakabahan ako ng sobra.
"Hmm..."
Dinilat ko ang mga mata ko.
"I'm sorry." Sabi ko at nag-angat ng tingin sa kanya. "I'm sorry sa pagtulak ko sa yo. I like your kisses..." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ko. Alam ko na pinagpraktisan ko yun pero kapag personal mo palang sinabi, nakakahiya. Napatakip ako sa mukha ko. "Nakakahiya!"
Tumawa lang ng mahina si Enzo.
"It's okay mahal ko..." sabi niya at yinakap ako. "Okay lang." Dugtong niya at mas lalong humigpit ang yakap niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
Okay lang?
Talaga ba?
I mean, diba may pride ang mga lalaki? At 'yung paggawa kong pagtulak sa kanya, hindi ko ba natapakan ang pagiging lalaki niya?
"Enzo... Hindi 'yun okay." Apela ko. "Hindi na nga kita maalala tapos ginanon pa kita." Sabi ko at hinawakan ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay. "Enzo ang dami ko ng pagkukulang sa 'yo, pakiramdam ko hindi ako karapatdapat na maging asaw-
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil inilagay ni Enzo sa labi ko ang hintuturo niya na para bang sinasabi niya na 'shhh', tumahimik ako.
Napatitig ako sa kanya.
"Mahal ko, 'wag na 'wag mo 'yung iisipin." Puno ng pinalidad na sabi niya. Para bang sinasabi niya na 'wag ko ng iisipin kailanman na hindi ako bagay sa kanya. "Karapatdapat ka sa akin. Tayong dalawa ay para sa isa't isa." Sinabi niya at inalis ang hintuturo sa labi ko at pinalitan 'yun ng labi niya.
Napapikit na lang ako at napahawak sa batok niya. Sinagot ko ang mga halik niya. Ang halik niyang mapusok.
----
HINDI ko mapigilan na mapangiti habang pinapanood ko si Enzo na maganang kumakain sa mga hinanda kong pagkain sa kanya.
Pagkatapos ng halikan namin-namula agad ang pisngi ko ng maalala ko yun.
Si Enzo kasi.... kinagat ko ang labi ko. Kasalanan ko rin naman. Kung may self control lang sana ako. Hindi kami doon nagtagal. Kaso mga 30 minutes kaming naghalikan na feeling ko na hahantong sa isang mapusok na pangyayari, buti na lang talaga parang natauhan si Enzo ng bigla niyang hinawakan ang dibdib ko at hindi sinasadyang nakagat ko ang labi niya...
"Ang swerte ko naman. May maganda na nga akong asawa, ang sarap pa niyang magluto." Nakangiting saad niya sabay kindat sa akin.
Mabilis na namula ang pisngi ko at lumikot ang mga kulisap sa tiyan ko.
"Bolero!" Mahinang wika ko.
Ngumiti lang ng pilyo si Enzo. "Totoo kaya..." sabi niya at kumain ulit.
Busog ako. Kaya hindi ako sumabay sa pagkain sa kanya atsaka feeling ko hindi naman ako makakain ng maayos. Gusto ko lang titigan si Enzo habang kumakain siya sa luto ko.
Hindi na lang ako nagkomento o sumagot. Kasi baka hindi matapos ang palitan namin ng salita. Hindi kaya magpapatalo itong asawa ko.
Asawa...
Para akong binalik sa kasalukuyan habang tinitigan si Enzo.
Napalunok ako.
Asawa ko si Enzo.
Bakit ganoon ang hirap isipin na mag-asawa kami ni Enzo?
Kasi feeling ko hindi ako bagay sa kanya.
Napakabait niya, sweet, maalagain na asawa. Samantala ako...walang kwenta. Hindi ko siya maalala.
Tapos feeling ko... Ang dumi-dumi kong babae lalo na kapag naaalala ko yun...
"Enzo, pwede ba magtanong?" Seryosong saad ko.
Maraming beses ko 'tong pinag-isipan. At sa pag-iisip ko, ito lang ang natatanging paraan para malaman ko kung sino ba yang si Ka Impeng. Kailangan kong tanungin si Enzo.
"Oo naman." Mabilis na sagot niya. "Ano ba yung itatanong mo?" Tumingin siya sa akin saglit at binalik ang pagkain.
Huminga muna ako ng malalim bago sabihin yung gusto ko.
"Naging mabuti ba akong asawa sa 'yo noon?" Tanong ko sa kanya. Napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.
Biglang kumunot ang noo niya na para bang na we-weirduhan sa tanong ko.
"Definitely yes!" sagot niya. "You are the most loving and caring wife in the whole world." Dugtong niya. Nawala ang pagkunot ng noo niya at ako naman ay nagulat sa naging sagot niya.
Most loving and caring wife ha? Tapos whole world pa talaga?
Ang exagge naman yata non.
Pinigilan ko ang mapangiti. Pero nawala ang saya ko ng biglang maalala ko ang mukha ni Ka Impeng.
Hinawakan ni Enzo ang kamay ko na para bang kinuha ang atensyon ko.
"Then, may masama ba akong nakaraan, Enzo..." tanong ko at tumingin sa kanya. Naramdaman ko ang pagtigas ng kamay ni Enzo na nakahawak sa kamay ko.
Kinabahan ako doon.
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Dahan-dahan akong nag angat ng tingin sa kanya.
"Like... I'm... a... rape.... victim?" Hirap na hirap akong sabihin sa kanya yun.
"Hell!" Mabilis na sagot ni Enzo at tumingin sa akin. Nagulat pa ako ng bigla niyang hinampas ang lamesa."Baby sino ang nagsabi niyan sa iyo?" Tanong niya sa akin agad. Puno ng pangamba at galit ang mga mata niya.
"Natanong ko-
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong yinakap ng mahigpit.
"No." Sagot niya na para bang nanghihina siya. Mahigpit na yinakap ako ni Enzo.
"Baby, bakit mo natanong?" Mahinang tanong niya. Parang nawawalan siya ng lakas dahil sa tanong niya. Naikuyom ko ang mga kamay ko.
"Kasi..."
"Nakita mo ba sa alaala mo?" Tanong niya sa akin. Natigilan ako.
Alaala?
Alaala ko ba talaga 'yun?
At kung alaala yun, edi nangyari 'yun noon?
Huminga ng malalim si Enzo at yinakap ako ng mahigpit.
"Baby, tandaan mo..." Mahinang saad niya. Inilayo niya ng kaunti ang katawan niya sa akin. Sinapo niya ang kamay niya sa mukha ko. "Mahal na mahal kita. Wala akong pakialam kung ano ang nakaraan mo." Saad niya. Napatitig ako sa mga mata ni Enzo. Puno yun ng pagmamahal.
"Mahal na mahal kita, Rosario." Wika ulit ni Enzo at yinakap niya ulit ako.
Napayakap din ako kay Enzo.
Why...
Bakit hindi ako mapanatag sa naging usapan namin ni Enzo?
At mas lalong lumakas ang pakiramdam ko na may malaking bahagi ng nakaraan ko ang ka Impeng na 'yun....