Chereads / Angel's Feathers / Chapter 30 - Chapter Twenty Nine

Chapter 30 - Chapter Twenty Nine

Tingnan niyo. Nandito na naman siya." Wika ni Ben na nasa terasa. Nakita niyang nasa labas nang gate si Achellion at nakatayo. Kahit na humina ang pagkalat nang lason sa katawan ni Aya. Hindi nila alam kung hanggang kailan tatagal ang dalaga. Ang hinahanap nilang si Achellion ay nasa baba nang safe house.

"Hindi na pala natin siya kailangang hanapin." Wika ni Rick.

"Si Aya kaya ang pinunta niya ditto?" tanong ni Meggan.

"Tiyak yun. Marahil tatangkain na naman niyang patayin si Aya. Hindi ba siya nagsasawa?" ani Julius.

"Tama lang ang dating niya." wika ni Julianne. "Ako nang bahala sa kanya. Bantayan niyo si Aya." wika ni Julianne at naglakad pababa.

"Anong ginagawa mo ditto?" tanong ni Leo sa binata nang makalabas nang bahay. Nag transform ito bilang si Leo.

"Leo." Asik ni Achellion. "Umalis ka sa daraanan ko. Hindi ikaw ang pinunta ko ditto." Wika pa nang binata.

"Alam ko. Pero hindi kita hahayaang makalapit kay Aya. Kung ako sa iyo. Ibibigay ko na lamang ang lunas sa lason.' Wika ni Leo.

Lason? Takang wika ni Achellion sa isip. Anong ibig sabihin nito? Sino ang nalason.

"Huwag mo akong tingnan na para bang wala kang alam." Wika ni Leo inatake si Achellion. Kahit puno nang lakas ang bawat atake ni Leo Makikita ang laki nang agwat nang lakas nilang dalawa. Halos ilag lang ang ginagawa ni Achellion. Hindi manlamang itong tinatamaan nang bawat atake ni Leo.

Isang malakas na suntok ang sinalubong ni Achellion kay Leo. Dahil doon tumilapon ang binata at tumama sa mesa na buwal pa ang mesa nang bumagsak doon ang binata.

"Tatapusin kita matapos kung patayin ang dalagang iyon." wika ni Achellion at nilampasan ang binata.

"Hanggang Diyan kalang." Wika ni Julius na humarang sa daraanan kasama si Eugene at ang iba pa.

"Huwag kayong makiaalam!" malakas na wika ni Achellion. Kasunod ang malakas na hangin. Bigla na lamang may pwersang tumama sa kanila at muli tumilapon ang mga ito na parang mga papel.

"Hindi kita hahayaang makapasok at saktan ang kapatid ko." wika ni Eugene at inatake si Achellion. Napaatras naman si Achellion nang masimulang sumugod ang binata. kung si Leo na isang anghel hindi manlang nagawang tamaan si Achellion wala namang nagawa si Eugene. Para lang itong tinapik nang binata at tumilapon patungo sa may Gate. Tumama pa ang katawan nito sa rehas. Sargo din ang dugo sa bibig nito nang bumagsak sa lupa.

"Eugene." Mag-aalalang wika ni Jenny habang nasa Terasa sila nina Meggan, Roch at Butler Lee. Nakita nilang walang laban ang mga kaibigan nila sa binatang malahalimaw.

Habang nasa terrace sila. Hindi nila namalayan na lumabas si Aya sa silid niya. habang nakahiga. Narinig niya ang boses ni Achellion. Alam niyang dumating ito. Alam din niyang pumunta lang ito upang tapusin siya. Ngunit sa halip na manatili sa silid na iyon at iligtas ang sarili. Mas pinili niyang lumabas at makita si Achellion.

"Achellion." Mahinang wika ni Aya na halos mabuwal pa dahil sa kawalan nang lakas.

"Aya. Lumayo ka ditto." Mahinang wika ni Leo. Ngumisi naman si Achellion at napatingin sa dalaga. Anong nangyari sa kanya? Bakit napakahina nang enerhiya niya. iyon ang tanong ni Achellion sa isip niya.

"Aya!" habol ni Roch sa dalaga. Kasunod naman niya sina Jenny at Meggan.

"Tama na Achellion." Wika ni Aya.

Ano to? Bakit nagdadalawang isip na naman ako. ANong nangyayari? Tanong niya sa isip niya. tuwing nakikita niya ang mukha nang dalaga hindi niya ma control ang sarili niya. napansin din ni Achellion na may mga ugat na nagsisimulang lumitaw mula sa balikat nito patungo sa leeg.

"Cain." Mahinang wika ni Achellion. Alam kung kanino galing ang lason na tumama sa dalaga iisang nilalang lang ang may ganoong klaseng lason.

"Lumayo ka kay Aya." wika ni Leo na nakatayo na at humarang sa pagitan nilang dalawa. "Hindi ko hahayaang saktan mo si Aya." Wika ni Leo at muling sinugod si Achellion. Dahil abala ang isip ni Achellion sa pag-aalala kay Aya.

Hindi niya naiwasan ang atake ni Leo. Sa hindi maipaliwanag na dahilan biglang humina ang kapangyarihang ispiritual ni Achellion. Kaya naman nagawa ni Leo na matamaan ang binata. Nagpatuloy sa pag-atake si Leo sa binata. Hindi nito binigyan nang pagkakataon ang binata na muling makabawi.

"Eugene." Wika ni Jenny na nilapitan ang kasintahan kasama si Meggan.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Jenny. Nang alalayang makatayo ang kasintahan.

"Okay lang ako." Sagit nang binata at napatingin kay Leo at Achellion na naglalaban. Sa nakikita niya mas nakakalamang ang kaibigan. Hindi niya alam kung anong nangyayari ngunit mas mabuti na ring Manalo ang kaibigan niya.

"Achellion!" puno nang pagaalalang sigaw ni Aya nang makitang bumulagta sa lupa ang binata.

"Aya ditto ka lang" Pigil ni Roch sa dalaga nang tangkain nitong lumapit sa binata. ngunit itinaboy lang nito ang kamay ni Roch at tumakbo palapit sa binatang nakahiga.

"AYA." tawag ni Eugene sa kapatid niya.

"Achellion. Okay lang ba?" Tanong ni Aya sa binata nang makalapit.

"Kailangan kitang patayin." Wika ni Achellion at hinawakan ang leeg nang dalaga. dahil sa pagsakal ni Achellion nahihirapang huminga ang dalaga.

I can't promise to stay by yourside forever. But know that whenever you need help. I will always be there to protect you always. Muli narinig ni Achellion ang mga katagang iyon sa isip niiya. Bigla niyang nabitiwan ang dalaga. Bakit naririnig niya ang mga salitang iyon. agad siyang lumayo sa dalaga at tumayo.

Biglang sumakit ang ulo niya, may sumisigaw sa ulo niya na dapat niyang patayin ang dalaga ngunit may bahaging tumututol. Dahil doon lalong sumsakit ang ulo niya.

"AH!!" malakas na sigaw ni Achellion. Nagtaka ang lahat sa ikinikilos nang lalaki. Para nitong nilalabanan ang sarili niya. Kasunod nang malakas nitong sigaw ang biglang nabalot nang katawan nito nang malakas na hangin. Napansin sin nilang biglang may maitim na ulap na bumalot sa kalangitan. Kasunod ang malakas na pagkulog at kidlat.

"Tatapusin kita." Isang mabalasik na Achellion Ang nakita nila nang mawala ang hangin na bumalot ditto. Iba na din ang anyo nito. meron itong 3 paris nang itim na pakpak at asul na kulay nang mga mata.

"AYA. Lumayo ka sa kanya." sigaw ni Julianne. Ngunit hindi nakinig si Aya. Nabagkus na lumayo dahil sa nakakatakot na nilalang na nasa harap niya ngayon. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa binata.

"Alam kong hindi mo gusto ang ginagawa mo. Alam kung nahihirapan ka." Wika ni Aya habang papalapit sa binata.

"Kailangan kitang tapusin." Mahinang wika nang binata ngunit bakit biglang humakbang paatras ang isa niyang paa habang naglalakad papalapit ang dalaga sa kanya.

"Yes. You can do that. I will allow you to take my life, but later okay? Naniniwala parin ako na hindi gagawin iyon nang Achellion na kilala ko ang pumaslang. Lalo nang nang mga kaibigan niya. The Achellion I know is a person with a warm heart. Siya ang taong laging nandiyan kapag kailangan ko nang tulong." Wika ni Aya at hinawakan ang kamay in Achellion.

"Listen, Anong sinsabi nang puso mo?" tanong ni Aya habang pumapatak ang luha sa mata. Inilagay din niya ang kamay sa dibdib ni Achellion. "If your heart is telling you to kill all your friends." Sambit pa nang dalaga. Napatingin si Achellion sa mga sundalong kinalaban niya at naka handusay sa lupa. Ito ba ang mga kaibigang sinsabi nang dalaga.

"Sabi mo. You have already gave me half of your life. I will tlet you take that life. But you have to promise me na babalik ka sa dati. Ang dating Achellion na naniniwalang fallen angel or not He can still become one guardian angel."

"Aya!" gimbal na sigaw ni Julianne at Eugene nang makitang inakay ni Aya ang kamay ni Achellion na may punyal sa leeg niya. Nakatingin lang ang binata sa mukha nang dalaga. Unti-unti muling bumabalik ang lason sa katawan ni Aya at kumakalat.

"Aya." Mahinang sambit ni Achellion. Nakita niyang tuluyan nang lumitaw ang mga ugat sa leeg ni Aya. Naging itim na rin ang kulay nang sugat nang dalaga.

"Bumalik ka na Achellion. Nan, Bogosipo (I MissYou)." Mahinang wika ni Aya bago tuluyang mawalan nang malay. Nabigla si Achellion sa sinabi nang dalaga. Maagap niyang nasalo sang dalaga bago ito tuluyang mabuwal sa lupa.

Nang nasa bisig na niya si Aya. biglang nag register sa utak niya lahat nang mga alaala niya sa dalaga. Mga alaalang taliwas sa mga sinabi nina Jezebeth sa kanya at sa kung ano ang mga bumubulong sa utak niya. napatingin siya sa mukha nang dalaga.

"You are my guardian Angel. At kahit anong mangyari. Maniniwala akong ikaw ang anghel ko. I have my guardian angel and who cares if he is a fallen one." Ito ang mga narinig ni Achellion na sinabi ni Aya noong araw bago siya naging ang fallen angel na si Achellion.

"Aya." wika nito at hinaplos ang mukha nang dalaga. "What have I done." Anang binata. unti-unting nababalot nang pulang liwanag ang dalaga. Ang dating maitiim na aura ni Achellion ay unti-unting naglaho.

"Silly Girl. Everytime you pull such trick It took years of my life." Wika ni Achellion bigla na lamang bumuka ang mga pakpak ni Achellion ang dating maitim na pakpak nito ay unti-unting naglalaho at naging pula. Pakpak na nag-aapoy.

Napaawang ang labi nang lahat nang makita ang pagbabago nang anyo ni Achellion. Hindi sila makapaniwala sa mga nakikita. Sino na naman ang nilalang na nasa harap nila ngayon. Nakita nilang biglang tumayo si Achellion at pinagko si Aya.

"Nemesis?" Takang wika ni Leo. Naalerto naman ang iba. Ano na naman ang binabalak nang binata. Wala na silang lakas upang kalabanin pa ito. Ngayong nagbago na ulit ang anyo nito hindi nila alam kung anong lakas meron ang binata.

"You have to come with me." Anang binata. Marami pa siyang hindi maintindihan sa sarili niya. Nakikilala nang puso niya ang dalaga ngunit bakit sa isip niya ay inuutusan siyang saktan ito.

Kailangan niyang makilala ang dalaga ito upang mabigyang kasagutan ang mga tanong sa isip niya.

"Aya!" sabay-sabay nilang sigaw nang biglang maglaho si Achellion kasama si Aya. Hindi nila alam kung anong mangyayari sa dalaga at kung anong balak gawin ni Achellion ditto. Ngunit isa lang ang alam nila masyado mapanganib kung hahayaan nila si Aya sa piling nito. Wala silang nagawa kundi ang magmasdan ang dating kinatatayuan ni Achellion.

Napakuyom nang kamao si Eugene. Wala siyang nagawa para iligtas ang kapatid niya. Masyado siyang mahina.

Hindi lang si Eugene ang nakakaramdam nang pangliliit nang mga sandaling iyon maging si Julianne. Naiinis siyang bilang isang anghel masyado siyang mahina.

TUmayo naman ang iba pa at naglakad papalapit kay Julianne at Eugene. Hindi pa rin nila lubusang nababawi ang lakas mula sa mga atake ni Achellion.

"Anong klaseng nilalang yung nakita natin?" tanong ni Rick.

"Isa ba yong fallen angel? Ngunit bakit ang dami niyang pakpak at apoy pa?" ani Ben.

"Hindi siya isang ordinaryong fallen angel. Si Achellion ay isang Nemesis. Isang maalamat na Dark Angel. Mas mapanganib pa sa isang fallen angel. Akala naming dati si Lucifer lang ang nagiisang Nemesis dahil sa kanyang taglay na lakas at talino. Hindi ko akalaing may isa pa pala. Ngunit hindi naman nagkakaroon nang dalawang nemesis." Wika ni Julainne.

Si Lucifer ay nilikha na bukod tangi sa lahat nang mga anghel. HE was referred to as the most beautiful Angel. With knowledge and intelligence beyond compare. SUbalit naging palalo ang anghel. Dahil naghahangad pa ito nang mas mataas na antas mula sa pagiging dominion pinilit nito lampasan ang Diyos.

"Kung totoo ang sinasabi mo. Anong gagawin nating ngayon? Ano nang mangyayari kay Aya." Ani Julius. Umuling si Julianne hindi na rin niya alam kung ano ang mangyayari. Ni hindi nga siya makapaniwala sa mga nakita. Ang itim na nemesis ay biglang nagbago nang anyo. Hindi niya alam kung ano ang magiging epekto nito sa kanila. Kalaban ba nila o kakampi si Achellion. Iyon ang hindi niya alam.

"Saan niya naman dadalhin si Aya?" tanong ni Meggan

"Kung dalawa ang Nemesis kapag nagsanib sila nang lakas. Ano na lamang ang mangyayari sa mundong ito?" Tanong ni Meggan. Napatingin naman ang lahat sa dalaga. Walang nakakaalam kung anong mangyayari.

"Kahit anong gawin natin ngayon wala ibang makakasagot sa mga tanong natin." Ani Ben Napakuyom ito nang kamao. Pinili niyang maging pulis para mag protekta sa mga mahihna ngunit hindi niya akalain isa rin siyang mahina na kailangang protektahan.

Nakatingin lang si Roch sa mga binata. Nakita niyang nagkuyom nang kamao si Julianne. Alam niyang nahihirapan din ito dahil sa nangyari ginawa nito ang lahat upang iligtas ang dalaga subalit talagang malakas ang kalaban nila.

Hindi niya akalain na sa pagsama niya sa binata makakasaksi siya nang ganitong mga pangyayari. Hindi naman siya nagsisi. Kung may pwede lang siyang gawin para sa binata ginawa na niya. Gusto rin niyang makatulong.

"Manalangin na lang tayo n asana mabuksan ang mga mata ni Achellion o ni Captain Dranred." Wika ni Jenny.

Sang-ayon naman lahat sa sinabi nang dalaga. Sa mga panahong ganito, Ang manalangin sa Diyos ang magiging matibay nilang sandata. Gaano man ka dilim ang daang dinadaanan nila kung hindi sila mawawalan nang pag-asa sa Diyos may Tulong na darating at malalampasan nila ang pagsubog na ito. Isa pa may kasama silang isang anghel na DIyos. Kung ang Diyos nga nagpadala nang anghel sa lupa upang gabayan ang mga tao dahil sa mga fallen angel, bakit naman sila tatalikuran nang DIyos ngayon.

Kung maniniwala silang may liwanag na darating sa gitna nang madilim na landas na tinatahak nila ngayon magagawa nilang malampasan ang pagsubok na iton. Patuloy lamang silang mananalig sa Diyos gaya nang dati.

Roch! Kumusta ka na kapatid ko?" Nakangising wika ni Mae nang sinalubong niya si Roch at Julianne. Naghiwahiwalay ang Grupo nang phoenix upang hanapin si Achellion at kung saan nito dinala ang dalaga. Sa paghahanap nila ni Julianne ang kanyang kapatid na si Mae ang Kanilang nakasalubong. Napaatras si Roch nang Makita ang dalaga. Nakilala naman kaagad ni Julianne ang dalaga.

Dahil sa dami nang mga nangyari nakalimutan niyang naroon pa pala si Mae at hinahanap ang kanyang kakambal.

"Magkasama pala kayong dalawa." Wika nito at tumingin kay Julianne. "Napakaswerte mo naman Roch, talagang isinama ka pa nang isang tinyente." Wika ni Mae.

"Mae, Ayoko nang gulo. Iisipin ko nalang na -----"

"No! Dati ko nang sinabi na hindi ako papayag na may kahati. Kaya naman isa lang dapat sa atin ang mabuhay. At ako yun." Agaw niyo sa iba pa niyang sasabihin.

"Hindi na ako magpapakita sa iyo. Basta lubayan mo na lang ako." Wika nito.

"AT Hayaan kang maging masaya? Hindi." Asik nito.

Nakita nila ni Julianne nang lumabas mula sa isang Van ang mga lalaki ito ang kaparehong mga lalaki na nagpunta sa isla nila at pumatay sa kanila lolo.

Hindi naging maganda ang pakiramdam ni Julianne nang Makita ang mga lalaki. Mukhang hindi maganda posisyon nila ngayon ni Roch. Kinabig ni Julianne ang dalaga patungo sa likod niya. Naramdaman ni ROch ang biglang paghawak ni Julianne sa mga kamay niya.

Bigla siyang natigilan at Gaya nang dati tila naging bato na naman siya. Talagang kakaiba ang reaksyon nang katawan niya kapag malapit sa binata. ALam niyang hindi iyon ang oras na manigas siya ngunit tila automatikong naninigas ang katawan niya.

Napansin naman ni Julianne ang biglang paninigas nang kamay nang dalaga. Taka siyang napatingin sa dalaga. Naalala niyang naninigas nga pala ito sa harap nang lalaki. Ngunit hindi ito ang oras na manigas ito. Mamatay silang dalawa kung wala silang gagawin.

"Hey? Are you okay?" halos pabulong na tanong ni Julianne sa dalaga ngunit walang sagot mula sa dalaga. Nakatayo lang ito at nakatitig sa kamay niyang nakahwaka sa kamay nito doon niya napagtanto ang dahilan nang biglang paninigas nito.

"Roch!" untag ni Julianne sa dalaga at tinapik ang balikat nito.

"H-Huh?" gulat na wika nang dalaga at napatingin sa binata. Muling bumaling si Julianne sa mga papalapit na lalaki. Sa estado ni Roch ngayon kahit na labanan niya ang mga lalaki wala ring silbi. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nang dalaga saka hinala papalyo at tumakbo. Wala namang nagawa si ROch kundi ang magpadala sa binata. Dahil sa ginawang pagtakbo ni Julianne. Galit-na galit na inutusan ni Mae ang mga tauhan niya na sundan ang dalawa at huwag hahayaang makatakas.

Sa pagtakbo nang dalawa, napunta sila sa isang eskeneta na masikip ang daanan sa dami nang tao ilang beses silang nakabangga. Panay naman ang hingi nang paumanhin ni Roch. Ngunit wala rin silang tigil sa pagtakbo naka sunod pa rin sa kanila ang mga lalaki. Sa pagtakbo nila ni Julianne bigla silang napunta sa isang dead end. Sabay silang napatigil dahil wala na silang ibang mapuntahan.

"Ang malas naman." Wika ni Julianne. Napatingin siya kay Roch, nakikita niyang hapong hapo na ang dalaga. Halatang hindi ito sanay sa isang mahabang takbuhan.

"S-sorry Julianne. Pwede mo naman akong iwan ditto."wika ni Roch.

"That's not an option." Wika ni Julianne at napatingin sa mga lalaking papalapit. Kinabig niya si Roch patungo sa likod niya. Wala siyang ibang magagawa kundi labanan ang mga ito nang mano-mano.

"I will buy some time. Kapag nakahanap ka nang tyempo umalis kana." Wika ni Julianne.

"Huh?" Gulat na wika nang dalaga at napatingin sa binata.

"Ito lang ang magagawa ko para tulungan ka." Wika ni Julianne.

"Paano ka?" Nag-aalalang wika ni Roch, nag-aalala siya sa binata baka mapahamak ito. Alam naman niyang sinusubukan lang siya nitong iligtas. Hindi kaya nang konsensya niya na iwan ang binata para lang siya iligtas.

"Ano ka ba kaya ko ang sarili ko. Nakalimutan mo ba kung sino ako?" Nakangiting wika ni Julianne. Saka naman napanatag si Roch. Bakit nga ba niya nakalimutan na isang anghel si Julianne ang mga lalaki sa harap nito ay tiyak mabilis lang nitong mapapasuko. Ngunit hindi pa rin maalis sa kanya ang mag-alala.

"Let's Meet later." Wika ni Julianne at hinawakan ang balikat niya saka isa-isang sinugod ang mga lalaki. Habang pinapanood niya ang binata hindi niya maiwasang hindi humanga. Habang nakikita niya itong nakikipaglaban tila ba huhumaling siya sa pakikipagbuno nito sa mga lalaki. Kung hindi pa sumigaw si Julianne na umalis na siya hindi pa siya tila magigising mula sa panaginip. Agad niyang kinompose ang sarili niya at tumakbo.

Nang makalabas siya sa eskenita. Isang malakas napalo sa ulo ang naramdaman ni Roch. Unti-unting nanlabo ang paningin ni Roch hanggang sa mabuwal siysa lupa at mawalan nang malay. Patuloy naman ang pakikipaglaban ni Julianne sa mga lalaki. Ni hindi nito alam na isinakay na ni Mae si ROch sa isang kotse.

"Aw." Daing ni Roch nang magising kasabay nag paghawak sa batok. Agad niyang napansin na nasa loob siya nang isang umaandar na sasakyan. Ang huli niyang naaalala kanina ay ang pagtama nang matigas na bagay sa likod niya.

"Gising ka na pala sleeping beauty." Nakangising wika nang katabi ni Roch.

"Mae!" gimbal na wika ni Roch nang mapansin ang kakambal na nag da drive. Agad siyang napatingin sa kalsada.

"Saan mo ako balak dalhin? ANong gagawin mo?" Asik ni ROch sa kakambal.

"SInabi ko na dati. Isa lang sa atin ang dapat mabuhay."

"Mae ihinto mo ang sasakyan baba ako." Wika ni Roch.

"Manahimik ka DIyan! Iniisip ko pa ang gagaawin ko sa iyo." Asik nito.

"Mae. Bakit kailangan mong gawin ito? Hindi naman ako banta sa iyo. Kung gusto mo iyo na lahat nang kayamanang sinasabi mo hindi ako maghahabol. Itigil na natin to." Ani ROch.

"Kamatayan mo lang ang makapagpapatigil sa akin. Buong buhay ko kailangan kong makihati saiyo. Hindi na ako papayag." WIka nito. Kinakabahan na si Roch sa mga kilos ni Mae. Hindi rin niya alam kung saan siya nito dadalhin. Totoo naman ang sinasabi niyang handa niyang isuko lahat nang sinasabi nitong kayamanan nila. Hindi niya iyon habol. Ang nais lamang niya ay mabuhay.

Lalong natakot si Roch nang lalong bumulis ang takbo nang sasakyan nila. Hindi na halos iniinda ni Mae ang mga sasakyan na nasa unahan niya. Sumisingit ito sa pagitan nang mga sasakyan na labis namang ikinatatakot si Roch.

"Ano ba Mae, itigil mo na to." Wika ni Roch at nakahawak dahil sa labis na takot.

"Natatakot ka?"

"Oo." Asik ni Roch. "Itigil mo na to."

"Hindi." Anito at mariing inapakan ang Gas na lalo namang naging dahilan para bumilis ang takbo nang sasakyan. Pakiramdam ni Roch bumabaliktad ang sikmura niya. Kung wala pa siyang gagawin tiyak na mapapapahamak silang dalawa ni Mae. At upang pigilan ang kakambal niya. Naisip ni Roch ang agawin ang manibela sa kapatid upang ihinto nito ang sasakyan. At dahil sa ginawa ni Roch naging eksena tuloy iyon nang agawan nang kung sino ang makakakontrol nang manibela. Dahil din sa ginagawang pag-aagwan nang magkapatid. Nagpagiwang-giwang ang sasakyan nila. Marami din silang nabanggang mga sasakyan na naging dahilan nang pagsikip nang trapiko.

"Ano Ba Roch! Nakakainis kana." Asik ni Mae.

"Kapag inihinto mo na ito saka ako titigil." Wika ni Roch. Ngunit hindi pa rin nagpapapigil si Mae. Patuloy ang pag-aagawan nang magkapatid sa manibela nang sasakyan. Walang gustong magbigay.

"Watch out!" malakas na wika ni Roch nang mapansin ang truck sa harap nila. Na bigla si Mae at napatingin sa unahan nila. Sabay pa silang napasigaw. Huli nan ang apakan ni Mae ang brake nang kotse. Bumangga sila sa likod nang truck. Basag ang wind shield nang sasakyan dahil sa nangyari. Maraming tao ang nakakita sa aksidenteng nangyari sa sasakyan. Lahat sila nag-aalala sa kung anon ang nangyari sa mga tao sa loob nang sasakyan. Sa ayos pa lamang nang sasakyan. Sa kanilang palagay tiyak na malubhang nasugatan ang mga nasa loob.

Ilang sandali pa dumating si Julianne at ang Grupo nang phoenix. Matapos makipaglaban si Juliane sa mga tauhan ni Mae. Isang lalaki ang nagsabi sa kanya na may dumukot sa babae at isinakay sa isang kotse.

Napag-alaman niyang may isang kotseng halos sagasaan ang mga sasakyan sa daan. Kapareho nang description nito ang decription nang lalaking nagsabi sa kanya na may dumukot sa dalaga. Agad niyang tinawagan

SIna Eugene upang humingi nang tulong. Agad naman nagtipon-tipon ang mga miyembro nang phoenix saka nila pinuntahan ang lugar kung saan napabalita ang panggugulo nang isang sasakyan nang dumating sila. Ang umuusok na sasakyan nina Roch ang Nakita nina Julianne.

Nagmamadali nilang nilapitan ang sasakyan. Nakita nina Julianne ang duguang mga dalaga sa loob nang sasakyan. Agad nilang binuksan ni Eugene ang pinto.

"Roch?" nag-aalalang wika ni Julianne at nilapitan ang dalaga.

"M-Mae. Si Mae." Mahinang usal nito, Takang napatingin si Julianne sa dalagang katabi nito na nilapitan ni Eugene. Halos maligo ito nang dugo dahil sa malaking sugat sa ulo. Tumama ang ulo nito sa manibela at dahil walang seat belt. Halos lumabas ang katawan nito sa nabasag na Wind shield. Kinapa ni Eugene ang leeg nang dalaga upang tingnan kung may pulo pa ito subalit bigo siya. Wala nang buhay ang dalaga. Tumingin siya sa kaibigan at umiling. Nagpapahiwatig na wala na ang dalaga.

Naawang napatingin si Julianne sa dalaga. Halos wala na itong ulirat ngunit tinatawag pa rin nito ang kapatid. Paano nito matatanggap na wala na ang kakambal nito. Kahit naman may kasamaan nang ugali ang dalaga sa palagay ni Julianne hindi naman nito deserve na mamatay sa ganoong paraan.

Nang dumating ang ambulansya. Agad na dinala sa hospital ang nag-aagaw buhay na si Roch. Si Mae naman ay agad ding dinala sa Morgue.

Lahat nang miyembro nang Phoenix ay tahimik habang nasa labas nang operating room habang hinihintay ang paglabas ni Jenny at nang ibang doctor habang inooperhan si Roch. Hindi nila Alam kung makakaligtas ba ang dalaga dahil sa sugat nito sa ulo. Walang may gustong umimik sa kanila dahil sa labis na pag-aalala. Hindi naman nila akalain na sasapitin nito ang ganoong kapalaran. At ang kakambal pa nito ang naghahangad nang kamatayan nito. Ngayon, hindi nila alam kung paano nito matatanggap na wala na ang kakambal nito.