Chereads / Angel's Feathers / Chapter 32 - Chapter Thirty One

Chapter 32 - Chapter Thirty One

Achellion! Achellion!" nag-papanic na wika ni Shen at tumakbo papalabas nang kubo. Nasa labas si Achellion at naghahanda nang makakain ni Aya. Nang marinig niya ang boses ni Shen agad siyang napatingin sa bata.

"Oh? Bakit ba? Ang aga-aga ang ingay mo." Sita nito sa bata.

"SI Aya." Simpleng wika nito. Nang marinig ni Achellion ang sinabi nito agad niyang iniwan ang ginagawa at nagmamadaling pumasok sa loob nang kubo. Doon nakita niya ang dalagang nahihirapang huminga. Kumalat na muli ang lason ni Kain. May mga lumabas na ugat sa balikat nito at ngayon ay nasa leeg na nito.

"Hindi na gagana kung dugo mo na naman ang gagamiti. Kailangan na nating makuha ang lunas sa lason. Baka hindi magtagal ang buhay niya." Wika ni Shen.

"Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya." Wika ni Achellion at lumapit sa dalaga.

"Anong gagawin?" Tanong ni Shen.

"Haharapin ko sina Cain upang makuha ang lunas."

"Ikaw na rin ang nagsabi masyado silang marami? Kaya mo ba?" tanong ni Shen.

"Hindi na mahalaga yun, Ang mahalaga, mailigtas ko ang buhay ni Aya." Wika ni Achellion at pinangko ang dalaga.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Iuuwi ko muna siya sa kanila. Mas mababantayan siya doon," wika ni Achellion. "Maiwan ka dito kung hindi mo gustong sumama." Wika nito.

"Sasama ako.Naging mabait sa akin si Aya. SIya ang unang mortal na tumiring sa akin na kapantay sa kabila nang pagiging isang fallen angel ko. Hindi ko naman pwedeng hayaang mapahamak ang isang gaya niya na may dalisay na puso." Wika ni Shen.

Naglaho ang tatlo nang lumitaw sila nasa loob na sila nang bakuran nang rest house nina Eugene nang mapansin nang mga miyembro nang phoenix ang biglang pagdating nang tatlo agad silang lumabas nang bahay nakita nila si Aya na walay malay habang pangko ni Achellion. Naalerto naman ang lahat.

"Aya!" nag-aalalang wika ni Eugene. Ilang araw din niyang hindi nakita ang kapatid dahil sa pagkawala nito kasama ni Achellion. Ngunit tila bakit hindi maayos ang lagay nito? Kanina lang pinag-uusapan nila kung saan nila hahanapin si Achellion. Ilang araw nang nawawal si Aya at hindi nila alam kung saan nito dinala si Aya. Habang naguusap sila siya naman ang paglitaw ni Achellion dala si Aya.

"Speaking of the devil." Usal ni Julius nang makita ang binata.

"Anong nangyari kay Aya? Hindi pa rin ba siya gumagaling mula sa lason?" Tanong ni Meggan habang nakatingin sa walang malay na si Aya.

"Mabuti naman at naisipan niyang ibalik si Aya." Wika ni Ben.

Nakita nila Si Achellion na nanglakad papalapit kay Julianne.

"Saiyo ko iaasa ang buhay ni Aya." wika ni Achellion at iniabot si Aya sa binata. Nakita naman ni Eugene ang ginawa nang binata. Bakit naman nito ibabalik si Aya? At bakit tila naging mas Malala ang ayos nang kapatid niya? Hindi ba nito nagawang gamutin ang lason sa katawan ni Aya? Kung ganoon saan sila nagpunta noong mga nakaraang araw? Saan nito dinala si Aya? At ano ang ginawa nito sa kapatid niya. Maraming tanong sa isip ni Eugene na walang linaw. Nais niyang magtanong ngunit hindi naman niya alam kung sasagutin siya nang matino nang binatang ito. Isa itong fallen angel at hindi nila alam kung kakampi nila ito.

"Hindi na rin magtatagal ang buhay niya. Kumalat na sa buong katawan niya ang lason ni Cain." Ani Leo at napatinginn sa walang malay na si Aya.

"That is not for you to decide. Take care of her hanggang sa makabalik ako. Kapag may nangyaring masama sa kanya. Ikaw ang una kung tatapusin." Wika ni Achellion. Bago bumaling sa dalaga.

"I'll be right back." Mahinang bulong ni Achellion kay Aya. Hindi manlang nakapagsalita si Julianne nang biglang maglaho si Achellion. Naiwan naman si Shen doon upang bantayan si Aya.

"Aya."Nagaalalang wika ni Eugene at lumapit sa kapatid niya. Kulay lila na ang mukha nito at puno nang ugat ang leeg.

"HUwag kayong mag-alala. Makukuha ni Achellion ang lunas para kay Aya." Wika ni Shen. Napatingin naman SI Julianne sa bata. Alam niya at nararamdaman niyang hindi isang normal na bata ang nasa harap niya. May kakaiba ditto.

Bumalik ka na Achellion." Salubong ni Leonard sa binata nang makabalik ito. "Anong nangyari sa iyo? Saan ka pumunta?" tanong pa nito. hindi sumagot ang binata bagkus ay nakatitig lang ito sa mukha nang lalaki. Napakuyom nang kamao si Achellion habang nakatingin sa mukha nang lalaki.

"Sigurado sa mga oras na ito. Wala nang buhay ang dalagang si Aya." wika ni ornais na naglakad kasama si Leonard at Rahab. Bigla itong natahimik nang makita si Achellion. Napansin din ni Achellion na may dala itong isang maliit na supot at dahil nababasa niya ang nasa isip nang mga ito nalaman niyang iyon ang panlunas sa lason ni Cain.

"Saan ka nagpunta?" tanong ni Ornais. Ngunit sa halip na sumagot bigla nitong inatake ang lalaki. Sa isang iglap biglang nilamon nang apoy si Ornais. Bago pa masunog si ornais nakuha ni Achellion ang gamot sa kamay nito. At naging abo. Nagimbal naman ang lahat sa ginawa ni Achellion.

"Anong ibig sabihin nito Achellion?" bulalas ni Leonard. "Nagbalik na ba talaga ang alaala mo?" takang tanong nito.

"Maiintindihan kong ginamit niyo ako para sa mga balak niyo. Ngunit ang hindi ko mapapalampas ay ang ginawa niyo kay Aya." galit na wika ni Achellion.

"Anong sinasabi mo? Nagbalik na ba ang-----" putol na wika ni Jezebeth.

"Oo tama ka. Nagbalik na ang alaala ko. I am not really thrilled about seeing you again. Don't get disappointed. Babalik ako para tapusin kayo." Wika ni Achellion saka naglaho.

"Anong nangyari? Paano siya nakabalik sa dating pag-iisp niya." wika ni Leonard.

"Hindi kaya ang dalagang si Aya?" tanong ni Belial.

"Sa mga oras na ito marahil patay na ang dalagang iyon. Hindi niya nakuha ang panlunas sa tamang oras." Wika ni leonard.

"Hayaan mong puntahan ko siya at siguruhing patay na siya."wika ni Leonard. Si Belial at Leonard ang nagpunta sa safe house nina Eugene upang tingnan kung anong nangyari sa dalagang si Aya.

Sino ka?!" gulat na wika ni Jenny nang biglang lumitaw si Achellion sa loob nang silid ni Aya. Agad namang dumating sina Eugene at ang iba pa nang marinig ang alarm. Pinindot iyon ni Jenny nang biglang dumating ang binata.

"Anong ginagawa mo ditto Achellion?" tanong ni Julainne.

"Nakuha mo na ba ang panlunas?" Tanong ni Shen na nakaupo sa kama ni Aya.

"Ito na ang panlunas ni Aya." wika ni Achellion at inihagis kay Julianne ang panlunas. Agad namang sinalo nang binata ang panlunas. Agad naman itong binuksan ni Julainne isang tableta ang nakita niyang panlunas.

"Walang malay si Aya. Paano natin ito mapapainom sa kanya?" tanong ni Julianne.

"Gisingin natin?" Wika ni Ben. Lahat sila hindi alam kung anong gagawin. Alam nilang nasa panganib ang buhay nang dalaga at kung mahuhuli sila na ibigay ang gamot na iyon tiyak na katapusan na ni Aya.

Naririnig ni Achellion na mahina na ang pintig nang puso ni Aya. Kung mahuhuli pa sila nang ilang minute tiyak na hindi na nila maililigtas ang dalaga.

"Akin na yan." Wika ni Achellion at inagaw kay Julianne ang tablet.

"Anong gagawin mo?" takang wika ni Eugene.

"Saving her." Wika ni Achellion at naupo sa tabi nang dalaga.

"Ano sa palagay mo gagawin mo?" Sita ni Julianne nang biglang isubo ni Achellion ang tablet. Inangat nito ang dalaga mula sa pagkakahiga.

"Nababaliw ka na ba anong ginagawa mo!" wika ni Julianne na humakbang palapit sa kanilang dalawa. Ngunit bigla itong natigilan nang bilang lumabas ang mga pakpak ni Achellion. Nabalot din nang force field ang paligid nang dalawa kaya naman hindi makalapit si Leo.

Nabigla ang lahat sa sumunod na nangyari. Bilang tumiklop ang pakpak ni Achellion at binalot silang dalawa. Bigla din silang nabalot nang pulang liwanag.

"Aya. Come back to me." Wika ni Achellion bago inilapit ang bibig sa bibig ni Aya. dahil mahina na ang pintig nang puso ni Aya. Wala din itong malay kaya mahihirapan silang mapainom kay Aya ang gamot. Kaya naman naisip ni Achellion na gamitin ang bibig niya upang mapainom kay Aya ang panlunas.

Dahan-dahang lumayo si Achellion sa dalaga nang masigurong na ipasa na niya kay Aya ang gamot. Unti-unti na ring inalis ni Achellion ang pakpak na bumalot sa kanila ni Aya.

Napakadilim nang kinalalagyan ni Aya. Kahit anong sigaw ang gawin niya walang may nakakarinig sa kanya. Kahit saang direksyon siya tumakbo wala siiyang makitang liwanag na magtuturo sa kanya pabalik. Wala siyang magawa kundi ang maupo at yakapin ang sarili at umiyak. Nasa kawalan siya at hindi makabalik.

"Aya. Come back to me." Isang malamos na tinig ang narinig ni Aya. Isang pamilyar na tinig. Isang tunog ang narinig niya kasamay ang pagkahulog nang pulang balahibo sa harap niya inilahad niya ang kamay niya upang saluhin iyon.

Ngunit naglaho ito nang bumagsak sa kamay niya. Muling nabalik ang kadiliman.

"Kuya" Napahikbing wika ni Aya. Natatakot siya. Wala siyang ibang magawa kundi tawagin ang kuya niya.

"Aya. Come back to me." Muli niyang narinig ang pamilyar na tinig. Isang maliit na liwanag ang nakikita niyang papalapit sa kanya. Hanggang sa unti-unti ang liwanag ang naging isang bulto. Isang pamilyar na bulto ang nakikita niyag papalapit sa kanya.

"Achellion?" mahinang wika ni Aya nang unti-unti ang anino ang nagkaroon nang anyo. Ang bulto ay naging si Achellion. Nakatayo ito sa harap niya.

"OO, Ako nga." Masuyong wika nang binata

Lumuhod ito sa harap nang dalaga sabay hawak sa mukha nang dalaga. "Pasensya na, pinaghintay kita. Pero nandito na ako." Ngumiting wika ni Achellion.

"Achellion. Ikaw nga." Wika nang dalaga at hinawakan ang kamay nang binata.

Ngumiti si Achellion at unti-unting inilapit ang mukha sa dalaga. Awtomatikong ipinikit ni Aya ang mga mata niya nang sakupin ni Achellion ang mga labi niya.nang maglapat ang mga labi nila bigla na lamang napansin ni Aya na muling nagliwanag ang boung paligid. Unti-unti naging panatag ang loob niya.

Marahang ibinalik ni Achellion si Aya sa pagkakahiga. Tila umiipekto na ang gamot kay Aya. unti-unti nang naglalaho ang mga ugat sa leeg ni Aya at ang sugat niya ay natatanggal na rin ang pangigitim. Inilapit ni Achellion ang kamay niya sa sugat ni Aya. nang alisin ni Achellion ang kamay niya. Nawala na ang sugat sa balikat nang dalaga.

"Anong nangyari?" tanong ni Jenny.

"Ligtas na siya. Hayaan na muna natin siya magpahinga." Wika ni Achellion at tumayo. Saka naglakad palayo.

"Achellion." Tawag ni Julianne sa binata.

"Hindi dahil iniligtas mo si Aya makakalimutan na naming ang ginawa mong pananakit sa kanya." Ani Julianne.

"Hindi ko nakakalimutan. Huwag kang mag-alala. Ligtas na si Aya. And I wont be seeing her again." Wika ni Achellion saka naglakad patungo sa may binata.

"Sandali lang Achellion." Habol ni Shen sa binata nang makalapit ito sa binata saka naman naglaho ang dalawa.

"Huh. May pakaarogante ang isang yun." Wika ni Rick.

"Pero kung hindi dahil sa kanya baka nawala na sa atin si Aya." ani Meggan. Hindi pa man nakakabawi ang lahat isang malakas na pagsabog ang narinig nila sa labas. Agad na napasugod sina Ben at Rick sa binata upang tingnan kung ano ang nangyayari. Nakita nila doon ang dalawang fallen angel na pinasabog ang gate nang safe house.

"Mukhang may bisita tayo." Ani Ben.

"Ang kukulit nang mga to." Wika naman ni Rick.

"Lee. Bantayan niyo si Aya at Jenny. Meggan samahan mo sila." Wika ni Eugene sa tatlo.

"Yes. Lt." ani MEggan.

Lumabas sina Eugene, Julianne, Rick, Ben at Julius upang harapin ang dalawang fallen angel na dumating. Sina Leonard at Belial ang dumating.

"Ang mga mahihinang mortal. Sa palagay niyo ba kaya niyo kaming kalabanin?" ani Belial.

"Huh. Alam niyo bang nakakairita na kayo?" galit na asik ni Julius. "Bakit ba si Aya gustong gusto niyong saktan si Aya?"

"Ang dalagang iyon? Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Leonard.

"Ano namang pakiaalam mo. Bakit hindi na lang kayo umalis." Wika ni Julianne.

"Huwag kang makialam ditto Leo. Pagkatapos naming tapusin ang dalagang iyon ikaw at ang iba pang anghel ang isusunod namin." Wika ni Amon.

Isang apoy ang biglang bumagsak sa harap nila na ikinagulat nang lahat. Ang apoy na iyon ay naging isang hugis tao at naging si Achellion.

"Achellion." Wika ni Leonard at Belial nang makilala ang binata.

"Bakit ba hindi nakakagulat na makita kayong dalawa ditto."

"Paano ka nakalaya mula sa lason ni Cain? Walang lunas ang lasong---"

"Hindi mo na kailangang alamin." Agaw ni Achellion sa sasabihin nang lalaki saka parang hangin na lumapit kay Amon. Ang sumunod na nangyari ay talagang hindi inaasahan nang lahat. Isang malakas na suntok ang iginawad ni Achellion kay Belial.

Ang suntok na iyon ay tumagos sa katawan ni Belial Animoy isang espada na tumagos sa katawan nang lalaki. Unti-unting naging abo ang katawan nang lalaki hanggang sa maglaho. Nang makita ni Leonard ang ginagawa ni Achellion agad siyang napaatras.

"Sinabi ko na sa inyo na tatapusin----" biglang naputol ang sasabihin ni Achellion nang biglang may itim na enerhiya ang tumama sa binata. Tumilapon pa ito at tumama sa mesa. Napatingin naman ang lahat sa pinanggalingan nang enerhiya. Isang malakas na kapangyarihan ang naramdaman nila.

Nakabawi si Achellion mula pagkakabuwal At tumayo. Saka niya nakita si Cain at Jezebeth.

"Talagang matigas ang ulo mo Achellion.

Pinili mong protektahan ang isang mahinang mortal. Kesa pagharian natin ang mundo." Wika ni Jezebeth.

"Sino naman ang mga yan?" ani Rick.

"Ang dami namang nagsusulpotang-----" naputol ang sasabihin ni Ben nang biglang atakehin ni Cain si Achellion. Sa isang iglap biglang naglaho ang dalawa. Sa bilis nang kilos nang dalawa halos hindi nila masundan ang galaw nang mga ito. Maliban kay Julianne at Eugene.

Kasalukuyang naglalaban sa himpapawid ang dalawa. Nagpapalitan nang malakas na kapangyarihan. Mga pagsabog lang ang narining nila at pagyanig nang lupa.

"At this rate. Kapag napatuloy ang paglalaban nilang dalawa. Baka masira ang lugar na to." Wika ni Julianne.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Julius.

Biglang bumagsak sa lupa ang katawan ni Achellion. Mas nanaig ang lakas ni Cain laban sa kapangyarihan nang nemesis.

"Hanggang diyan lang ba kaya mo. Huh, Nemesis." Asik ni Cain na bumaba. Hirap naman na tumayo si Achellion. Bakit hindi niya kaya ilabas ang tunay niyang kapangyarihan? Dahil ba ibinigay niya kay Aya ang kalahati nang lakas niya? Kaya ba hindi niya mailabas ang buong lakas niya bilang Nemesis?

"Masyado kang mahina Achellion." Ani Cain at muling inatake ang binata. Wala namang ibang nagawa si Achellion kundi ang sanggain ang bawat atake nito. habang abala si Achellion sa pakikipaglaban kay Cain hindi niya namalayan na nakaalis na si Leonard. Nagtungo ito sa silid ni Aya.

Sinubukan pa nina Meggan, Jenny at Butler Lee na laban ang lalaki ngunit wala silang nagawa sa lakas nang kapangyarihan nito.

"Achellion!" Tawag ni Leonard na nasa terrace habang pangko ang walang malay na si Aya.

"Aya!" sigaw ni Eugene nang makita ang lalaki na hawak ang kapatid niya. biglang huminto sa pag-atake si Achellion at napatingin sa lalaki.

"AYA." biglang wika ni Achellion nang makita ang dalagang hawak ni Azza.

Lalo pa silang nagulat nang lumipad ang lalaki kasama si Aya. Susunod sana si Achellion ngunit bigla siyang pinigilan ni cain.

"Ako ang kalaban mo Achellion." Wika nito at at inatake si Achellion agad namang sinangga ni Achellion ang atake ni Cain. Buong lakas nitong iwinasiwas si Cain dahilan upang tumilapon ang lalaki.

"Achellion!" sigaw ni Leonard na nasa itaas at hawak si Aya.

"Magpaalam ka na sa dalagang ito." Wika nito at biglang binitiwan ang walang malay na si Aya. Lahat na gimbal sa ginawa ni Leonard. Lilipad sana si Achellion upang iligtas si Aya ngunit bigla na lang may tumarak na itim na espada sa likod niya. Nakatayo na si Cain at sinaksak si Achellion. Isang malakas na enerhiya ang pinakawalan ni Achellion dahilan para tumilapon si Cain. Tinangkang iligtas ni Julianne si Aya ngunit sinalubong siya ni Leonard.

Nagpanbuno ang dalawa.

Si Achellion na sugatan dahil sa ginawa ni Cain ay biglang napaluhod sa lupa. Halos pigil ang paghinga nang lahat.

Hindi nila alam kung ano ang mangyayari kay Aya. Nabigla ang lahat nang bigla na lamang lumipad si Achellion sa kabila nang malalim na sugat na tinamo nito. Sinalo nito ang nahuhulog na dalaga. At dahil may sugat si Achellion nawalan ito nang balanse sa Ere.

"Aya!" sigaw ni Eugene nang makitang nahuhulog ang dalawa mula sa himpapawid. Bumagsak sa lupa ang katawan ni Achellion at Aya. Sa lakas nang impact nang pagbagsak halos bumaon sa lupa ang katawan nang mga ito.

"Aya!" nagmamadaling lumapit si Eugene sa pinagbagsakan nang dalawa. Na mangha ang lahat nang makitang nakayakap ang mga pakpak sa katawan nang dalawa. Kung hindi dahil sa pakpak nang binata marahil ay nasaktan na si Aya mula sa pagbagsak. Unti-unting naalis ang pakpak na nakayakap sa katawan nang dalawa.

"Achellion." Mahinang wika ni Aya nang makita ang nakapikit na binata na dinadaganann n niya bigla niyang nakapa ang sugat nito sa may dibdib nang tumingin siya sa kamay niya nakita niya ang maraming dugo.

"Achellion." Hintakot na wika ni Aya at napatingin sa walang malay na binata.

"Hangal ka Achellion. Buhay mo ang isinakripisyo mo para sa isang mahinang mortal." Wika ni cain na nakabawi na at naglakad palapit sa kanila.

"Huwag ang lalapit." Buong tapang na wika ni Aya at humarap sa lalaki. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Cain. Agad na humarang ang grupo ni Eugene kay Aya at Achellion.

"Ipinagtatanggol niyo ang isang Fallen Angel na katulad niya? Nakalimutan niyo na ba an tinangka niyang patayin Ang dalagang yan?" sakristong wika ni Cain. "Wala kayong laban sa lakas ko. Mga mahihinang mortal." Alam naman ni Eugene na wala silang laban sa mga ito kaya lang hindi rin naman nila pwedeng hayaan ang lalaki na saktan si Aya.

"Achellion Pakiusap gumising ka." Umiiyak na wika ni Aya habang hawak ang kamay ni Achellion. "HUwag mo akong iwan nang ganito." Napansin niya ang kwentas na bead niya na may lutos. Gaya ito nang dati niyang kwentas. Ang kwentas na ibinigay niya kay Achellion bago sila magkahiwalay. Naisip niyang baka mahina ang kapangyarihan ni Achellion dahil nasa kanya na naman ang isang parte nito.

Tatangkain sana niyang hubarin ang kwentas nang bilang Hawakan ni Achellion ang kamay niya.. Taka siyang napatingin sa Mukha nang binata.

"Achellion." Gulat na wika ni Aya.

"What are you doing?" Anas nang binata sa kanya.

"Kailangan mon ang dagdag na lakas. Mahina ka. At may sugat pa." Simpleng ngumiti si Achellion. "I hate it when you risk your life to protect me." Dagdag pa ni Aya. "Baka gaya nang dati naibalik nito ang lakas mo."

"I told you that I'd take care of you And I really meant it. So Anytime you need me I'm there to protrect you." Hirap na wika ni Achellion.

"I know, But I dont wan't you to risk your life in order to protect me." Wika ni Aya at mahigpit na napahawak sa kwentas.

"Silly Girl." Wika ni Achellion saka tumayo. Inalayan naman siya ni Aya para makatayo.

"Kaya mo pa palang tumayo Achellion." Wika ni Cain.

"Saan ka pupunta?" wika ni Aya at pinigilan ang binata nang bigla itong kumalas sa kanya. Napalingon naman si Achellion sa dalaga. "Mahina ka. Wala kang laban sa kanya." Asik ni Aya.

"Alam mong hindi ako ganoon kahina." Wika ni Achellion at ngumiti sa dalaga. napatingin siya sa mga mata ni Aya. Nababasa niya ang labis na pag-aalala sa mata nang dalaga. Ayaw niyang makikita itong nag-aalala o nasasaktan. Kaya naman he will do anything to protect her. Kaya lang noong mga nakaraang araw siya mismo ang naging dahilan nang mga pasakit sa dalaga. At dahil saw ala siyang maalala sinamantala ito nina Jezabeth upang siya mismo ang manakit sa dalaga. Hindi niya mapatawad ang sarili dahil hindi siya nakiniga sa isinisigaw nang puso niya. Sa kabila nang kanyang kasaman at sa ipinakita ditto. Tinanggap parin siya nang dalaga.

Sa kadilimang kinalagyan niya noong mga nakaraang araw. Si Aya ang nagsilbing liwanag niya. Hindi siya tuluyang nilamon nang kadiliman. Nailigtas mula sa kadiliman ang kaluluwa niya dahil sa liwanag na mula sa busilak na puso ni Aya. Ang pusong nitong naniniwala sa kanya sa kabila nang mga nagawa nito sa kanya. Ang dalisay na puso nito ang nagligtas sa kanya mula sa lason ni Cain.

Now it is his turn to repay her sa lahat nang ginawa nito. Ang dalagang itinuturing siyang isang Anghel dela Guardia sa kabila nang katotohanang isa siyang Fallen Angel na isinumpa.

Nabigla si Aya nang hapitin ni Achellion ang bewang niya at kabigin siya nito palapit sa kanya.

"Anong ginagagwa mo?" nag-aalalang wika ni Aya.

"Close you eyes." Mahinang wika ni Achellion.

"Huh?" takang singhap ni Aya. saka tumitig nang diretsoo sa mata ni Achellion.

"Just do it!" Ngumiting wika ni Achellion.

"Ayoko."Bulalas ni Aya. "Natatakot akong kapag ipinikit ko ang mga mata ko. Bigla ka nalang maglaho na palang bola. Hindi ko alam kung saan ka hahagilapin. Ayokong ----" biglang natigilan si Aya nang ilagay ni Achellion ang kamay nito sa ulo niya.

"Don't you trust me? Hindi ba sinabi ko na sa iyo. I will stay be your side Always. I will always find my way back." Ani Achellion.

"Aalis ka na naman?" nalungkot na wika ni Aya.

"Ito lang ang alam kung paraan para masigurong ligtas ka. May mga bagay akong dapat tapusin." Wika ni Achellion at inilapit ang mukha sa dalaga.

"When I get back I have something to tell you. Before then, Huwag na huwag mong tatanggalin ang kwentas na ito. Dahil ditto, I will be able to find you no matter what and where you are." Wika ni Achellion na ang tinutukoy ay ang kwentas niya na isang bead na may Lutos sa loob.

"You Have to come back dahil kapag hindi. Hinding hindi na kita muling papansinin. Maghahanap na rin ako ang bagong guardian angel." Wika ni Aya. Hinubad niya ang kwentas na singsing. Ang singsing nang kanyang ina. Saka isinuot kay Achellion.

"Gusto kung ibalik mo yan sa kin kapag natapos na ang mga bagay na dapat mong ayusin." Wika ni Aya. Napangiti si Achellion sa sinabi nang dalaga. napatitig siya sa kwentas na ibinigay nang dalaga.

Lalong inilapit ni Achellion ang mukha sa dalaga hanggang sa gahibla na lamang ang distansya nila sa isat-isa. Automatikong ipinikit ni Aya ang mga mata niya. Isang masuyong halik sa noo ang ginawad ni Achellion sa dalaga. Isang malamig na hangin ang umihip kasabay nang pagliwanag ng sout na kwentas ni Aya dahilan upang mabalot nang nakakasilaw na liwanag ang boung paligid. Maging si Cain ay hindi nakakilos dahil sa liwanag.

Nang magmulat si Aya nang mata. Wala na doon mga fallen angel at si Achellion. Bumalik na din sa kadiliman ang buong paligid. Ang liwanag ni Julianne na dati niyang nakikita ay hindi na niya naaanininag.

"Achellion."usal na wika ni Aya kasabay nang pagpatak nang mga luha sa mata niya. Muli nagkahiwalay na naman sila ni Achellion.

"Anong nangyari?" tanong ni Julius. Nagkibit balikat si Ben at umiling. Nakita nila si Julianne na nakahandusay sa lupa. Hindi rin nila alam kung sino ang nanalo sa kanila ni Leonard. Bigla na lamang naglaho ang mga ito nang biglang mabalot nang liwanag ang boung paligid.

"Lt. Ramirez." Wika ni Rick at tumakbo patungo sa binata. sumunod naman si Ben upang tulungan ang binata. Sa kabutihang palad. Nabugbog lang ito at walang malubhang sugat na tinamo. Maswerte pa rin ito dahil isa itong anghel.

"Aya?" wika ni Eugene at lumapit sa kapatid niya. "Okay kalang ba?" Nag-aalalag wika ni Eugene sa kapatid.

Umiiyak na umiling si Aya. Tila pinipiga ang puso niya dahil sa labis na sakit na nararamdaman. Hindi niya alam kung makakabalik ba si Achellion nang ligtas.

"Umalis na naman siya." Bulalas ni Aya. Walang ibang nagawa si Eugene kundi ang yakapin ang kapatid.

"It's okay. Babalik din siya. He said so right." Wika ni Eugene upang pagaanin ang loob ni Aya. Ang nakatayo nang si Julianne ay napatingin sa magkapatid. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Si Achellion na nasa ilalim nang kapangyarihan ni Cain ay muling nakabalik sa dati nitong pagiisip dahil sa dalagang si Aya. He is willing to give his life in exchange for hers.