Chereads / Angel's Feathers / Chapter 36 - Chapter Thirty Four

Chapter 36 - Chapter Thirty Four

Ano?!" Bulalas ni Julianne nang sabihin ni Aya na gusto niyang isama si Achellion sa bagong bahay na lilipatan nila. Maging si Eugene ay nabigla sa sanabi nang kapatid niya. "Alam mo ba kung anong sinasabi mo?" dagdag pa ni Julianne. "Masyadong mapanganib ang gusto mo Aya. Siguro naman alam mo na ang ibig kung sabihin."

"Alam ko. Hindi naman iba si Achellion. Kaibigan ko siya. At isa pa----" biglang natigilan si Aya at napatingin sa binata. paano niya sasabihin na hindi niya kayang mahiwalay sa binata. That she only feels safe if he is around. Kahit na ang ibig sabihin nito ay kapahamakan tuwing kasama niya ang binata. Hindi rin naman siya ligtas tuwing wala si Achellion sa tabi niya. Wala ring mapupuntahan ang binata kaya naman mas maiging kasama nila ito

"Ayoko. Hindi ako papayag sa gusto mo. Alam kung maraming naitulong si Achellion sa iyo Pero hindi ko parin nakakalimutan na isa siyang fallen angel at nais ka niyang saktan." Wika ni Julianne.

"Sinabi ko na saiyo dati diba. He was just being used." Giit ni Aya.

"Pwede ba kitang makausap." Biglag wika ni Eugene at bumaling kay Achellion. Natigil sa pagtatalo ang dalawa nang magsalita si Eugene. "Gusto kitang makausap nang sarilinan." Dagdag pa ni Eugene. Simpleng tango lang ang itinugon ni Achellion. Naglakas patungo sa pinto si Eugene at sumunod naman si Achellion.

"Kuya!" habol ni Aya sa kapatid niya. Alam niya kung paano magalit ang kuya niya. Simula nang dumating si Achellion hindi ito masyadong kumikibo at halatang inoobserbahan ang binata.

"Don't worry. I wont do anything para saktan siya. You are aware na mas malakas siya nang di hamak kesa sa akin. Kakausapin ko lang siya." Wika ni Eugene sa kapatid niya at lumabas hindi naman lumingon sa kanya si Achellion at sumunod lang ito sa binata.

"Naku iwan ko nalang. Kahit Nemesis yung si Achellion. Iba pa rin ang kuya mo." Pabirong wika ni Julianne nang maiwan sila.

"Kasalanan mo 'to. Kung hindi ka nakipagtalo. Hindi sana aabot sa ganito." Napasimangot na wika ni Aya." Ngumiti lang si Julianne at pinitik ang ilong nang dalaga.

"Cheer up. Hindi naman sasaktan ni Eugene si Achellion." Nakangiting wika ni Julianne. Kung siya ang magpapasya ayaw niyang naroon si Achellion. SIya ang Anghel at siya dapata ang magbantay kay Aya ngunit bakit tila lumalabas na ang isang fallen angel pa ang mas nagmumukhang anghel.

Kung siya kaya ang unang nakilala ni Aya, Siya kaya ang magiging tagapagligtas nito ngayon? Bakit siya nakakaramdam nang ganitong mga damdamin. Isa siyang mortal at walang puwang sa kanya ang mga emosyon nang mga mortal. Tuluyan naba siyang nagiging mortal hindi lang sa katawan kundi sa emosyon din?

I'll go straight to the point. Hindi ko gustong nagiging malapit ka sa kapatid ko. Alam kung marami kang naitulong sa kanya. Pero hindi naalis ang katutuhanang isa kang fallen angel at tinangka mo siyang saktan noon." Derechahang wika ni Eugene nang makalabas sila nang bahay.

"Noon pa alam ko nang isa kang kakaibang nilalang. Si Aya ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. kaya naman gagawin ko ang lahat upang protektahan siya. Lalo na sa saiyo." Dagdag pa nang binata.

"Sabihin mo? Ano bang kailangan mo sa kapatid ko? May gusto ka ba sa kanya? Kaya isinusugal moa ng buhay mo upang iligtas siya?" sunod-sunod na tanong ni Eugene.

"She is everything to me. That's why I will challenge anyone if it means her safety." Wika ni Achellion. Ilang sandaling tinitigan ni Eugene ang mata nang binata. gusto niyang malaman kung may katotohanan ang mga sanasabi nito. Ngunit sa mga mata nito. Wala siyang makitang pag-aalinlangan.

"Anong nararamdaman mo para sa kapatid ko?" tanong ni Eugene.

"Ang mga tulad namin. Nabubuhay nang walang ano mang emosyon gaya nang sa mga mortal na gaya niyo. Kaya naman hindi ko masasabi kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Isa lang ang alam ko. I want to protect her. Even if it means losing my own life." Wika ni Achellion.

Bakit hindi ito nangsasalita nang diretso sa punto talaga bang wala itong ideya sa kung anong damdamin na meron siya? Gaya din kaya niya si Achellion?

Dati hindi rin niya alam kung anong nararamdaman niya para kay Jenny. Only to find out na dati na siyang may gusto sa dalaga. Hindi lang niya nagawang makilala kaagad ang damdaming iyon.

"Kung ano man ang nararamdaman mo para sa kapatid ko kalimutan mo na. Malaki anng utang na loob ko saiyo dahil sa mga ginawa mo. Pero hindi ako papayag na masaktan ang kapatid ko sa bandang huli. Alam mo naman siguro ang sinasabi ko. Ang isang fallen angel at isang tao ay kahit kailan hindi pwedeng mag-sama. Habang hindi ka pa sigurado sa kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya. Layuan mo na si Aya." wika ni Eugene.

Natigilan lang si Achellion. Hindi ngaba niya alam kung ano ang nararamdaman niya? O maging ang sarili niya pinagsisinungalingan na rin niya. Alam niya ang batas nang kalikasan at ang batas nang Langit. Ngunit, sa ngayon. Kahit ang mga batas na iyon he is ready to defy just to be with her. Iyon ang sinisigaw nang puso niya. He badly wants to be with her. Ang pakiramdam na Si Aya ang mundo niya.

Achellion!" masiglang wika ni Aya nang biglang pumasok sa silid niya ang binata. Bumalik siya sa loob nang silid ni Aya matapos sila magusap ni Eugene. Wala na sa loob si Julianne dahil may pupuntahan daw ito.

"Anong nangyari? Anong sinabi nang kuya ko? Pumayag ba siya na sumama ka sa amin?." Tanong ni Aya. napangiti lang si Achellion.

"Sinabi ko naman sa saiyo. Ill stay by your side as long as you wanted me too." Ngumiting wika ni Achellion at naglakas palapit sa kanya. Biglang pinamulahan si Aya dahil sa sinabi nang binata.

"Aya. Lalabas lang ako sandali." Paalam ni Jenny sa dalaga. Alam niyang iyon din anng gusto ni Aya. Ang makapag-usap sila ni Achellion

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Achellion.

"Okay na ako." Ngumiting wika ni Aya. "Sasama ka sa amin sa bagong bahay hindi ba? Nangako kang hindi ka na aalis so dapat lang kung saan ako pumunta nandoon ka din."

"Silly." Ngumiting wika ni Achellion at ipinatong ang ulo sa kamay nang dalaga. "How can I get myself be far from you when if you pull yourself into trouble it takes years of my life." Masuyong wika ni Achellion. Nag-angat naman nang tingin si Aya. Nakikita kaya ni Achellion na pinamumulahan siya nang pisngi? Naririnig kaya nito ang tibok nang puso niya.

"Don't you realize the reason why I want to protect you so badly?" wika nang binata saka tumingin nang diretso sa mata nang dalaga.

"Kung ano man ang nararamdaman mo para sa kapatid ko kalimutan mo na. Malaki anng utang na loob ko saiyo dahil sa mga ginawa mo. Pero hindi ako papayag na masaktan ang kapatid ko sa bandang huli. Alam mo naman siguro ang sinasabi ko. Ang isang fallen angel at isang tao ay kahit kailan hindi pwedeng mag-sama. Habang hindi ka pa sigurado sa kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya. Layuan mo na si Aya." Biglang narinig ni Achellion ang boses ni Eugene sa utak niya. biglang nagulat si Aya nang alisin ni Achellion ang kamay nito sa ulo niya at biglang tumalikod. Napansin ni Aya na nagkuyom nang kamao si Achellion.

He just realize kung ano si Aya para sa kanya. Ngunit bakit pakiramdam niya ang boung mundo ang magiging kalaban niya?

"Bakit?" sinabi sa kanya ni Achellion noon na kapag bumalik ito meron itong nais sabihin sa kanya. Ngunit wala naman itong sinasabi? Nakalimutan na kaya nito ang sinabi nito? Hindi naman niya magawang magtanong dahil natatakot siyang baka bigla na lang itong magalit.

Lumipat sila sa isang Town house na pag-aari ni Butler Lee. Masyadong maliit ang bahay ni Arielle para sa kanilang lahat. Ayaw din namang humiwalay nina Julius sa kanila kay sa isang malaking bahay sila lumipat.

Nang makaalis sila sa bahay ni Arielle isang di inaasahang bisita ang dumating sa bahay nang dalaga. pumayag din si Eugene na isama sa Achellion sa kanila. Dahil na rin sa pagpupumilit ni Aya. Alam din naman ni Eugene kung ano ang halaga nito para sa kapatid niya. Although, hindi parin nagbabago ang pasya niya na pigilan ang ano mang nararamdaman nangkapatid para sa binata.

"Jezebeth! Cain!" gulat na wika ni Arielle nang mabungaran sa pinto ang dalawang fallen angel.

"Angel Arielle." Ngumising wika ni Jezebeth.

"Anong kailangan niyo?" tanong ni Arielle. Ngumisi lang si Jezebeth at agad na inatake si Arielle.

Habang papasok sila sa bagong bahay biglang natigilan si Achellion. Agad namang napalingon si Aya sa binata.

"Bakit Achellion?" tanong ni Aya.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko." wika ni Achellion.

Nararamdaman niya ang mahinang enerhiya ni Arielle.

"Aya. may kailangan akong puntahan." Wika ni Achellion. Hindi siya mapakali. Nararamdaman niyang nasa panganib ang dalaga.

"Babalik ka ba?" wika ni Aya.

"Babalik ako agad." Ngumiting wika ni Achellion. Tumango naman si Aya. Alam niyang tumutupad naman sa pangako si Achellion. Sinundan naman nang tingin ni Eugene at Julianne ang papaalis na binata. BIgla nalang itong naglaho bago pa makalabas nang gate.

"Aya? Okay kalang ba?" nag-aalalang wika ni Eugene nang biglang napahawak si Aya sa kamay niya.

"Bakit?" tanong ni Julianne sa dalaga. Nakita nilang biglang nagulat si Aya at namutla ang mukha.

Napahawak ni Aya sa kamay nang kuya niya nang bigla nalamang nakita niya sa isip niya si Arielle na duguan. Inatake ito nang dalawang nilalang na hindi niya lubusang makaninag ang mukha.

"Are you okay?"nag-aalalang wika ni Eugene sa kapatid niya.

"Si Arielle. Nasa panganib siya." Wika ni Aya ta napatingin sa mukha nang kapatid. Bakas sa mukha nang dalawang binata ang labis na pagkabigla dahil sa sinabi nang dalaga. Nagtataka kung bakit nito nasabing nasa panganib ang dalaga.

Halos hirap nang tumayo si Arielle dahil sa mga pag-atake ni Jezebeth at Cain sa kanya. Alam niyang ang Grupo ni Jezebeth ang umaatake sa mga anghel. Hindi niya akalaing maging siya ay magiging target din nang mga ito. Marami na ring mga anghel nasawi dahil sa walang pakundangang pag-atake nang mga ito. Ang ibang anghel ay pinabalik na dahil sa mga pagatake.

Tanging sila ni Leo na lamang ang naiwan sa mundo nang mortal.

"Pasensya ka na Arielle. Hindi mo na magagawang makabalik sa mundo mo." Wika ni Ni Jezebeth at akmang aatakehin ang dalaga nang sandata nito. napapikit nang mariin si Arielle. Wala na siyang lakas upang sanggain ang atake nito. Marahil ito na ang kapatusan niya.

"Achellion!" gimbal na wika ni Jezebeth nang bigla na lamang lumitaw si Achellion at sinangga ang sandata ni Jezebeth sa pamamagitan nang kamay nito.

Achellion? Takang wika nang isip ni Arielle at marahang nagmulat nang mata. Nabigla pa siya nang makita sa harap niya ang binata na pinigilan ang sandata ni Jezebeth.

"Achellion." Gulat na wika ni Arielle nang makilala ang binata.

"Achellion!" gigil na wika n Cain nang makilala ang dumating. "Hindi ko inaasahang ipagtatanggol mo ang isang anghel gayong isa ka rin sa mga gusto nilang parusahan." Asik ni Cain. Hindi manlang pinansin ni Achellion ang sinabi ni Cain. Matapos nitong sanggain ang sandata ni Jezebeth. Agad na nakabawi si Achellion at tumalikod saka bumaling kay Arielle. Halos hirap na itong tumayo dahil sa mga natamo nitong sugat.

"Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Achellion kay Arielle at inilahad ang kamay sa dalaga. takang napatingin si Arielle sa kamay ni Achellion baka tumingin sa mukha nang binata.

Ayaw niya sa binata dahil isa itong fallen angel. Isa siya sa mga anghel na tumutigis ditto kaya bakit siya nito tutulungan? Nang hindi tinanggap ni Arielle ang kamay niya. kusang tinulungan ni Achellion si Arielle upang tumayo.

"Achellion!" galit na wika ni Jezebeth at walang pasabi na sinugod si Achellion. Nabigla si Arielle dahil sa ginawa ni Jezebeth. Ngunit lalo siyang nabigla nang mabilis na nakabawi si Achellion at sinalubong ang atake nang lalaki. Tila isang hangin ang dumaan sa isang iglap nakita nilang nakahandusay si Jezebeth. Nang bumaling sila kay Achellion. Nakita nila ito sa Nemesis nitong katauhan.

"Kaasar!" galit na wika ni Jezebeth at tumayo. Aatake sana siya pabalik sa binata ngunit biglang humarang si cain sa harap niya.

"Tumigil ka na. Hindi mo ba nakikita? Wala kang laban sa kanya. Kaya niyang kontrolin ang kapangyarihan niya. Hindi na siya ang dating Achellion na nakilala mo. Tumigil na muna tayo ngayon." Wika ni Cain. Nakatingin siya sa binatang si Achellion nakikita niya sa mga mata nang binata na hindi sila nito paaalisin nang buhay. Nakikita niya ang apoy sa mga mata nito. Ang galit.

"Tayo na." wika ni Cain kay jezebeth at lumingon sa lalaki. Wala namang nagawa ang huli kundi ang sumunod kay Cain. Nang makatayo si Jezebeth. Agad silang naglaho. Hindi parin makapaniwala si Arielle sa mga nangyari. Ang huling nilalang na inasahan niyang tutulong sa kanya ay siya pang nagligtas sa kanya.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Achellion at bumaling kay Arielle. Hindi naman nakapagsalita ang dalaga. biglang nanlabo ang paningin niya. bago siya mawalan nang malay naramdaman niya ang malakas na bisig na sumalo sa kanya.

"Achellion!" biglang wika ni Aya nang bigla na lamang lumitaw si Achellion. Isang bagay na ikinagulat niya ay nang makita ang dalagang pangko pangko nang binata.

"Arielle!" gulat na wika ni Julianne nang makilala ang dalagang buhat buhat ni Achellion. Agad silang lumapit sa dalawa.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Jenny kay Achellion.

"Nawalan lang siya nang malay." Wika ni Achellion.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Asik ni Julianne kay Achellion at kinuha si Arielle sa binata.

"Julianne." Saway ni Aya sa binata. Alam niyang hindi nama magagawang manakit ni Achellion.

"Wala akong obligasyong ipaliwanag sa iyo ang nangyari. Siya ang tanungin mo kapag nagising na siya." Wika ni Achellion kay Julianne. At tumingin sa mukha ni Arielle. Nakita ni Aya ang tingin ni Achellion sa dalaga. Bigla na lamang may kung anong emosyon ang namayani sa loob niya. Ang dalaga ba ang dahilan kung bakit ito biglang umalis?

Si Jenny ang gumamot kay Arielle. Hindi naman malubha ang mga sugat nang dalaga. Mabuti na lamang ay maagang dumating si Achellion dahil kung nahuli pa ito ang dating baka kung ano na ang nangyari kay Arielle.

Nang magising si Arielle. Nakita niya sa garden si Achellion at nag-iisa. Hindi pa niya ito nagagawang pasalamatan dahil sa ginawa nitong pagliligtas sa kanya. Gusto rin niyang malaman kung bakit siya nito iniligtas. Alam naman niyang galit si Achellion sa mga tulad nila. lalo na at sila ang mga tumutugis sa mga fallen angel.

"Achellion." Mahinang wika ni Arielle. Agad na napalingon si Achellion nang marning ang boses nang tumawag sa kanya. Nagulat pa siya nang makita si Arielle. Agad naman niya itong inalalayan.

"Bakit ka tumayo dapat nagpapahinga ka pa ngayon. Mabuti na baa ng pakiramdam mo?" nag-aalalang wika ni Achellion at inalalayan ang dalaga para maupo. Iyon ang eksenang inabutan ni Aya. palabas sana siya nang bahay nang makitang nagiisa si Achellion sa harden ngunit. Natigilan siya nang makita ang eksenang iyon. biglang may kung anong kirot ang naramdaman niya sa puso niya. dahil doon agad siiyang napatalikod at muling naglakad pabalik nang silid niya. nakasalubong pa niya si Julianne ngunit hindi na niya napansin ang binata.

"Mabuti na ang pakiramdam ko. Hindi ko pa nagagawang magpasalamat dahil sa ginawa mo." wika ni Arielle.

"Hindi ka dapat magpasalamat. Hindi kita tinulungan dahil gusto ko. Gusto ko lang tapusin ang alitan sa pagitan naming ni Cain. Nagkataon lang na naroon ka." Wika ni Achellion.

"Kahit ano pa ang rason mo. Nagpapasalamat pa rin ako. Alam kung hindi mo naman kailangang gawin iyon. Kahit na ano pa man ang rason mo. nagpapasalamat pa rin ako." Wika ni Arielle at nagbaba nang tingin. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ang init nang mukha niya.

"Anong plano niyo sa oracle na to?" wika ni Achellion at inilabas ang maliit na bolang crystal na ibinagay dati sa kanya ni Arielle. Hindi niya mahulaan kung bakit ibinigay sa kanya ni Seraphim ang isang mahalagang bagay. Ang oracle na ito ang mag tatakda sa mangyayari sa mga tao. Kaya naman nakakapagtakang sa kanya ibinigay ang ganito kahalagang bagay.

"Hindi ko mahulaan ang dahilan ni Seraphim kung bakit sa iyo niya ibinigay ang oracle na iyan. But somehow, may hinala na ako." Wika ni Arielle at tumingin sa binata. Kahit hindi man niya aminin.

SI Achellion lang ang may kakayahan na tapatan ang lakas nina cain. Siguro iyon ang dahilan kung bakit ditto ibinigay ni Seraphim ang oracle.

"Wala akong planong makialaam sa kung ano man ang hinaharap nang mundong ito." Wika ni Achellion at inilapag ang oracle sa mesa.

"Anong pinag-uusapan niyong dalawa." Wika ni Julianne at lumapit sa kanila. Mabilis namang kinuha ni Achellion ang oracle na nakalapag sa mesa bago bumaling kay Julianne.

"Arielle? Bakit nandito ka sa labas maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito kay Arielle. "Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyong dalawa." Dagdag pa nito.

"Mauuna na ako." Paalam ni Achellion tumango lang si Arielle. Inihatid lang nang tingin ni Julianne ang papaalis na binata. bago tumingin kay Arielle. May pakiramdam siyang may inililihim ang dalawa sa kanya.

"Inatake ka ba nang grupo ni Jezebeth?" tanong ni Julianne kay Arielle.

"Lahat naman nang mga anghel inaatake nila. Naging maswerte lang ako at dumating s Achellion." Wika ni Arielle.

"Dumating siya para iligtas ka? Bakit?"

"Hindi ko alam. Sa ngayon dapat tayong mag-ingat ang alam ko. dalawa nalang tayong anghel na nasa mundong ito. Dahil mahina na ang kapangyarihan mo mas dapat kang mag-ingat. Hindi natin alam kung kailan---" putol na wika ni Arielle.

"Bakit?" Takang wika ni Julianne nang mapansin ang biglang pagtigil ni Arielle sa iba pang sasabihin nito. napansin din niya nakatingin ito sa may gate. Taka siyang napatingin sa may gate.

"Frances?" takang wika ni Julianne nang makilala ang dalagang nasa labas nang gate. Nakangiti ang dalaga at Kumakaway sa kanya. Taka namang napatingin si Arielle sa binata. Dahan-dahang naglakad si Julianne palapit sa gate. Nang buksan niya ang gate sinalubong siya nang mahigpit na yakap ni Frances. Bigla namang nalayo nang tingin si Arielle nang makita ang eksenang iyon.

"Did you miss me?"Nakangiting tanong ni Frances kay Julianne.

"Anong ginagawa mo ditto? Paano mo nalaman kung nasaan kami?" takang tanong ni Julianne sa dalaga.

"Ilang buwan din tayong hindi nagkita tapos ito ang maririnig ko mula sa iyo. NI hindi mo manlang ako tinanong kung kumusta ako. Tyical Julianne. Hindi ka pa rin nagbabago." Nakangiti pa ring wika nang dalaga.

"Sa tingin ko naman naging maayos ang pag-uwi mo sa Paris. Naayos mo na rin ba ang mga---- "Naputol na wika ni Julianne.

"Ayokong pag-usapan ang mga nakakainis na bagay. Kumusta na kayo? Sina Eugene? Balita ko buong pwersa nang Phoenix kasama ninyo sa iisang bubong." Wika nito at nang patiunang maglakad papasok sa loob nang bakuran.

"You are?" takang wika nito nang makita si Arielle na nakatayo sa dikalayuan.

"Ah. Siya si Arielle ang analyst nang phoenix. Kasama din naming siya sa bahay na ito." Wika ni Julianne at lumapit sa kanila.

"Nice to meet you Arielle. Ako nga pala si Frances Montreal. Ang Girlfriend ni Julianne." Wika ni Frances at inilahad ang kamay sa dalaga. Hindi maitago ang pagkabigla ni Arielle sa sinabi ni Frances. Ganoon din si Julianne.

"Ano?" Bulalas ni Julianne dahil sa biglang deklara ni Frances. Bigla namang tumawa nang malakas si Frances at humarap sa kaibigan.

"Bakit na namumula?" natatawang wika nito.

"Pwede ba. Huwag mong sasabihin iyan sa harap nang iba baka maniwala sila." Wika ni Julianne.

"But we kissed before I leave. Hindi pa ba iyon sapat na katibayan para sabihin kung girlfriend mo ako. Friends don't kissed each other intimately, you know." Nanunuyang wika ni Frances. Pinamulahan naman si Julianne dahil sa sinabi nang dalaga.

Halik? Wika nang isip ni Arielle. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit tuluyan nang nanghihina ang kapangyarihan ni Leo. Ang mga katulad nilang anghel ay hindi dapat nasasangkot sa kahit ano mang physical contact sa isang mortal.