Chereads / Angel's Feathers / Chapter 35 - Prologue

Chapter 35 - Prologue

Dahil gabi na, wala silang ibang lugar na naisip puntahan kundi anng bahay ni Arielle. Iyon lang din kasi ang malapit na lugar sa safe house nila. Bukod doon kampante din si Julainne dahil isang anghel si Arielle at nasa panig nila ito.

"Kahit ngayong gabi lang." wika ni Julianne sa dalaga.

"Dahil minsan na kitang tinulungan naging abuso ka naman. At nagsama ka pa nang isang Dark angel ditto. Gusto mo ba talaga akong matanggal sa trabaho ko." wika naman Arielle.

"Hindi naman ibang tao sina Eugene. Isa pa, Si Achellion. Hindi ka naman siguro niya sasaktan. Naging mga kaibigan mo naman sila noon nasa Task force ano naman kung kakanlungin mo kami ngayon. Anghel ka din trabaho mong ipagtanggol ang mga mortal." Ngumising wika nito.

"Dapat talaga hindi nalang ako nakialam sa iyo noon pa." wika ni Arielle ngunit hindi rin naman niya nagawang tanggihan ang binata. pumayag din siyang doon manatili ang grupo ni Julianne kasama angg Binatang si Achellion.

Buong magdamag na binantayan ni Achellion si Aya. Ayaw niyang umalis sa tabi nito dahil sa pag-aalalang sasalakayin na naman ito nang mga kampon ni Lucifer. Habang natutulog muling napanaginipan ni Aya ang mga nakita niya sa isip noong nakaraang gabi. At gaya nang nangyari si Achellion ay nagligtas sa kanya mula sa masamang panaginip na iyon.

"Bakit Ayaw mong buksan ang mga mata mo?" tanong ni Eugene sa kapatid. Nang pumasok siya sila sa silid ni Aya. Inalalayan ito ni Achellion na Maupo. Napansin din nilang Nakapikit ang dalaga. At nakahawak nang mahigpit sa braso ni Achellion. Ayaw niyang buksan ang mga mata dahil ayaw niyang Makita ang magiging katapusan nang mga kaibigan niya lalo nan ang kuya niya. Hindi na niya kakayanin kung makakakita pa siya nang mga gunita nang kamatayan.

"Anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Ben kay Achellion. Hindi naman sumagot ang binata. maging siya hindi alam kung bakit ayaw buksan ni Aya ang mga mata niya.

"Aya, narito ang kuya mo at ang mga kaibigan niyo. Nag-aalala sila sa iyo. Bakit hindi mo buksan ang mga mata mo?" Ani Achellion sa dalaga.

"Natatakot ako." Wika ni Aya. "Natatakot akong makita kung paano kayo mamamatay." Wika ni Aya. nakita nilang umagos ang luha sa mga mata ni Aya.

"Ano bang sinasabi mo? Bakit naman kami mamatay?" Wika ni Eugene at hinawakan ang kamay nang kapatid. Marami siyang hindi nalalaman sa mga nangyayari sa kapatid niya. Iyon ay dahil, madalas sinosolo ni Aya lahat nang mga pasanin nito. hindi niya alam nahihirapan na pala ang kapatid niya. "Naalala mo ba? Ipinangako ko kay mommy at Daddy na poprotektahan kita. Kaya Hindi ka dapat matakot. Narito naman ako." Assurance na wika ni Eugene sa kapatid.

"Pero---" putol na wika ni Aya. Paano niya sasabihin sa kuya niya na nakikita niya ang magiging malagim na katapusan nang mga tao sa paligid niya. natatakot siyang makita ang parehong kapalaran nang kuya niya. natatakot siyang mag-isa.

"Aya. Huwag kang mag-alala. Baka na nakakalimutan mo. ang grupo naming ang pinakamagaling na miyembro nang Armed forces. Fallen angel nga walang panalo sa amin." Pabirong wika ni Rick.

"Aya. Huwag kang matakot. Narito naman kami. Hindi ka nag-iisa." Wika ni Julianne.

"Kasi, noong mga nakaraang araw lahat nang taong tingnan ko sa mata. Nakikita ko ang magiging katapusan nila. Sabi nang lalaki kagabi. Ito daw ang silbi nang mga mata ko. Ang dami kung nakitang nakakatakot na pangyayari sa isip ko. nakita ----" biglang naputol ang sasabihin ni Aya nang bigla siyang yakapin ni Eugene.

"Fool." Anas ni Eugene. "Hindi ka dapat nagpapadala sa mga Sinabi sa iyo nang lalaking iyon. Ako ang kuya mo. Sa akin ka dapat makinig." Wika ni Eugene sa kapatid.

"Aya. Kung ano man ang mga nakita mo. Iyon ay dala lamang nang plano ni Lucifer. He was trying to use you para sa mga plano niya. hindi ka dapat maniwala sa mga nakita mo." Ani Julianne.

"Pero---"

"Aya. Wala ka bang tiwala sa kuya mo?" ani Eugene. Biglang natigilan ni Aya at lumayo sa kuya niya.

Kapag binuksan niya ang mga mata niya baka makita niya ang magiging malagim na katapusan nang kuya niya gaya nang mga nakita niya noong nakaraang araw.

Naisipan ni Achellion na lumabas nang silid upang makapag-usap ang magkapatid. Alam niyang tuluyang naglaho ang maiitimm na enerhiya sa paligid ni Aya. Ngunit hindi niya alam kung nawala na rin ang sumpa ni Lucifer sa mata ni Aya.

"Magiging okay lang anng lahat Aya." wika ni Julianne. Sumang-ayon naman ang iba. Naramdaman ni Aya ang marahang pagpisil ni Eugene sa kamay niya. tama, dapat siyang magtiwala sa kuya niya. Malakas ito. At hindi to basta basta na nalang matatalo.

Dahan-dahang binuksan ni Aya ang mga mata niya. nang magmulat siya nang mata ang isang nahuhulog na matingkad na balahibo ang una niyang nakita. Nang una Malabo ang mga bagay na naaaninag niya. hanggang sa unti-unti malinaw na niyang nakikita anng mukha nang kuya niya. nakangiti ito sa kanya. Napatitig siya sa mukha nang kuya niya. Wala na siyang nakitang kakaiba. Pinasadahan din niya nangtingin ang mga tao sa loob nang silid. Lahat nang mga naroon nakangiti sa kanya.

"Aya." nakangiting wika nang mga ito sa kanya.

"Agassi." Nakangiting wika ni Butler Lee sa kanya.

"Aya." nakangiting wika ni Jenny sa kanya. Napangiti din si Aya nang makita ang mga ito. Wala na siyang nakikitang kakaiba habang nakatingin sa mga mata nang mga ito.

"Kuya Eugene, Julianne." Wika ni Aya at bumaling sa dalawang binata. Napansin Ni Aya na wala sa loob nang silid si Achellion. Bigla siyang nakaramdam nang lungkot. Umalis na naman ba ito?

"Dahil okay ka na, Pwede na tayong pumasok. Tiyak na mainit na naman ang puwet nang hepi natin late na naman tayo." Wika ni Julius kay Meggan. Ngumiti lang si Meggan. Simula ang buwagin ang Phoenix naassign nilang dalawa sa traffic division.

"Aalis na rin kami. Mag ti-training pa kami nang mga bagong recruite." Wika nina Ben at Rick.

"Tatawag nalang ako mamaya kung saan ang address nang bagong tirahan natin." Wika ni Eugene. Maagang umalis si Butler lee upang humanap nang bago nilang malilipatan. Ang dating safe house nila ay nasira dahil sa labanan noon nakaraang gabi.

"Okay." Sabay-sabay na wika nang apat bago nagpaalam kay Aya at umalis. Nang lumabas sila. Naabutan nila sa labas nang Bahay sina Arielle at Achellion na nag-uusap nang masinsinan.

"Ano naman to?" wika ni Achellion nang iniabot ni Arielle sa kanya ang isang maliit na bolang crystal.

"Iyan ang oracle. Sa palagay ko iyan ang dahilan kung bakit inatake ni Lucifer si Aya. Iyan din ang mga nakita ni Aya sa mga mata niya."

"Bakit mo naman sa akin binibigay ang bagay na ito?" takang wika ni Achellion.

"Hindi ko gustong ibigay sa iyo ang bagay na iyan. Ngunit ito ang bilin ni Seraphim." Wika ni Arielle. Noong nakaraang gabi habang nalalaban sina Achellion at Lucifer. Palihim na ikinulong ni Seraphim ang vision ni Aya sa isang bolang crystal. Maging si Achellion ay hindi napansin ang ginawa ni seraphim. Si Seraphim din ang dahilan kung bakit tuluyang nawala ang maitim na aura sa mga mata ni Aya.

"Si Seraphim?" takang tanong ni Achellion. Bakit naman ibibigay ni Seraphim sa kanya ang isang mahalagang oracle? Bakit sa kanya?

"Anong pinag-uusapan nila?" tanong ni meggan nang mapansin ang dalawa.

"Kailan pa sila naging malapit?" Ani Julius. Narinig naman ni Achellion ang sanabi nang dalawa kaya pasimple siyang umalis. Agad niyang itinago sa bulsa niya ang oracle na ibinigay ni Arielle. Wala siyang ideya sa kung anong gustong mangyari ni Seraphim.