Chereads / Angel's Feathers / Chapter 34 - Chapter Thirty Three

Chapter 34 - Chapter Thirty Three

Isang malamig na hangin ang naramdaman ni Aya. bigla siyang kinilabutan. Pamilyar sa kanya ang nakakatakot na presinsyang iyon. biglang napamulagas nang tayo si Aya nang biglang hawakan ang balikat niya nang lalaki. Isang malamig na kamay ang naramdamn niyang humawak sa kanya. Pakiramdam niya naging yelo ang buo niyang katawan at hindi siya makakilos Unti-unti bigla siyang nahilo at nagdilim ang kanyang paningin. Bago siya tuluyang mawalan nang mala yang isang nakangising mukha nang isang lalaki ang nakita niya.

Achellion tulong. Mahinang wika ni Aya habang unti-unting nilalamon nang dilim ang paningin. Ang binata ang laman nang isip niya habang nawawalan nang ulirat.

Naramdaman ni Aya na parang nasusunog ang katawan niya kaya naman bigla siyang nagising. Napabalikwas siya nang bangon nang makitang ang buong paligid niya ay tila isang ilog nang apoy lalo siyang nahintakotan nang makita ang mga nilalang na nasa ilog. Umiiyak at humihingi nang tulong kahit na anong gawin nang mga ito na umahon sa ilog para bang hinahatak sila pabalik sa ilog.

Napatili si Aya at umiwas nang may isang nilalang na hinawakan ang paa niya. Anong lugar anng kinalalagyan niya? bakit ganoon anng ayos nang mga taong iyon. Naglakad si Aya palayo sa lugar na iyon. Habang binabaybay niya ang daanan. Napapansin niyang walang katapusan ang ilog. Napakarami din nang mga nilalang na humihingi nang tulong. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Walang katapusan ang dinadaanan niya.

"Maligayang pagdating Aya." wika nang isang lalaking sumalubong sa kanya. Bigla niyang nakilala ang lalaking iyon. Iyon ang lalaking nakaharap nila minsan ni Achellion. Bigla siyang nahintakotan, Ang lalaking ito ba ang nagdala sa kanya sa lugar na iyon?

"Tama nga si Cain. Kakaiba ang taglay mong aura. Ito marahil ang dahilan kung bakit naging malapit sa iyo si Achellion.

"Kaya lang, Hindi niya alam kung paano ka niya gamitin nang maayos. Masyadong hangal si Achellion."

Walang maintindihan si Aya sa sinasabi nang lalaki.

"Marahil hindi mo alam. Walang gamot sa mundo niyo ang makakagamot sa mata mo. Isinilang kang walang pangingin. Hindi mo ba alam kung ano ang dahilan?" anang lalaki. Hindi parin umimik si Aya. Hindi niya alam ang gagawin niya. takot ang nararamdaman niya. "Espesyal ang mga mata mo Aya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ka nakakakita simula pagkabata. Nang iniliigtas ka ni Achellion naipasa niya sa iyo ang kapangyarihan niya. dahilan upang magkaroon ka nang kakayahang makakita." Wika nito.

"Alam ni Achellion na maaari kang mamatay nang muli niyang kunin ang kapangyarihang iyon sa iyo. Pero wala siyang pakiaalam dahil ang habol niya ay ang kapangyarihan nang isang Nemesis. At nang makuha niya ang kapangyarihang iyon hindi ba. Tinangka ka niyang patayin? Iyon ang totoong ugali ni Achellion. Wala ka nang halaga sa kanya ngayong isa na siyang Nemesis. Hindi bat wala siyang pakiaalam? Wala siyang pakiaalam kung hindi ka na ulit nakakakita?"

"Hindi. Hindi totoo yan. Hindi masama si Achellion." Depensa ni Aya. isang malakas na tawa ang pinakawalan nang lalaki.

"Talagang mahihina kayong mga mortal. Pakitaan lang kayo nang magandang pakikitungo sa palagay niya mabait na ang isang nilalang. Isa bang HIbang Dalaga." Natatawang wika nito.

"Alam kung para sa iyo isang mabuting nilalang si Achellion sa kabila nang katutuhanang isa lamang siyang fallen angel. Para ipakita sa iyong hindi lamang si Achellion ang ma mabuting kalooban isang regalo ang ibibigay ko sa iyo." Wika nang lalaki at naglakad palapit kay Aya.

"Anong gagawin mo?" takang wika ni Aya na biglang umiwas nang tangkain nang lalaki na hawakan ang mata niya.

"Sinabi ko na sa iyo. Espesyal ang mga mata mo. Hayaan mong ituro ko saiyo kung paano ito magamit sa tamang paraan." Wika nang lalaki saka itinakip sa mata niy aya ang kamay nito. Tinangkang lumayo ni Aya ngunit hindi na niya naiwasan ang kamay nito. nang ilapat nito ang kamay sa mata niya. Bigla siya nakaramdam nang init na nagmumulat sa kamay nito. pakiramdam niya sinusunog ang mga mata niya.

"Paggising mo isang bagong Aya na ang makikita mo. Isang Aya na may kakayahang makita ang hinaharap nang isang nilalang. Ganoon ka ka-espesyal Aya. Ito ang dahilan kung bakit isinilang kang wala paningin." Iyon ang huling beses na narinig ni Aya. Nakakatakot ang boses nito na tila galing sa ilalim nang lupa, naguguluhan siya sa mga sinasabi nang nilalang na iyon. Alam naman niyang nakakakita siya dahil sa bahagi ni Achellion na nasa kanya.

Ano naman ang sinasabi nitong espesyal ang mga mata niya? Ano ang makikita niya kapag nagising siya?

Nang magmulat nang mata si Aya. Ang una niyang nakita at ang mukha nang kuya niya na nakatunghay sa kanya. Punong-puno nang pag-aalala ang mukha nang kuha niya.

"Aya? Aya? Okay ka na ba?" nag-alalang wika ni Eugene. Nang makitang magmulat nang mata ang kapatid niya. kanina lang ang hina nang tibok nang puso nito at sabi ni Arielle. Hindi niya magawang maramdaman ang diwa ni Aya at sa di malamang dahilan bigla na lamang itong nagmulat nang mata. Napalingon si Aya sa mga taong nasa loob nang silid.

"Kuya." Simpleng wika ni Aya.

"Aya, may masakit ba saiyo? Ayos lang ba ang pakiramdam mo?"tanong ni Julianne at lumapit sa dalaga. Simple namang tumingin si Aya sa binata. At tumango.

"Ano bang nangyari sa iyo at bigla ka nalang nawalan nang malay? Inatake ka ban ang fallen angel?" Tanong ni Eugene sa kapatid.

"Hindi ko alam wala akong matandaan." Sagot naman nang dalaga.

Hindi malinaw sa kanila kung anong nangyari kay Aya. Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga gising na ito at nasa mabuting lagay. Nakikita nilang masaya si Aya kaya naman hindi nalang sila nag-usisa sa kung anong nangyari sa dalaga. Napapansin din naman nilang walang balak ang dalaga na pag-usapan ang mga nangyari sa kanya.

Habang nagdaraan ang mga araw. Nakakaramdam nang kakaiba si Aya sa mga mata niya. Minsan ang hapdi ang mga mata niya at pakiramdam niya ang init. Minsan nga nasa labas siya nang Mall isang babae ang nakasalubong niya.

Sa di malamang dahilan nakita ni Aya na maaksidente ang babae dahil sa isang car race na sinalihan nito kasama nang boyfriend nito.

Hindi lang iyon, Nakita din niiya na ang kaluluwa nito ay napunta sa ilog nang apoy. Saglit lang na sandali ang lumipas ngunit nakita na agad niya ang mangyayaring katapusan nang babae.

Ang mga nangyayaring iyon kay Aya ay nasundan pa. kapag tumitig siya sa mata nang kahit na sino nakikita niya ang malagim na katapusan nang mga ito. Ilang araw na siyang na stress dahil sa mga pangyayaring iyon. napansin naman agad ni Eugene ang kapatid niya. napansin nitong hindi ito sumasabay sa kanila sa agahan at hapunan. Hindi rin ito nakikipag-usap sa kanila. Madalas nasa silid ito at nagkukulong.

Lalong naging matindi ang depresyon ni Aya nang marinig sa balita ang mga nakita niya. kung ano ang eksaktong nakita niya nang tumingin siya sa mata nang mga taong iyon ganoon din ang naging kamatayan nang mga ito.

Nang una akala niya Co-incident lamang ang mga nangyari ngunit nang sunod-sunod na ang mga nangyari lalo nang isa-isang namamatay ang mga taong tingnan niya sa mata. Dati sa panaginip lang naman niya nakikita ang mga nangyayari subalit ngayon kapag nakatitig siya sa mata nang mga tao bakit ang katapusan nang mga ito ang nakikita niya?

"Ano bang nangyayari kay Aya? maghapon na siyang hindi lumalabas sa silid niya." wika ni Julianne kay Eugene. Nagkibit balikat lang si Eugene. Gaya niy Julianne nag aalala din siya sa kapatid niya. lalo na at halatang iniiwasan sila nito. Kamakailan lang ang saya pa nito subalit ngayon tila sinasadya silang layuan nang dalaga.

"Hindi Maganda ang kutob ko." Wika ni Julianne. Alam niyang may mali kay Aya. sabi ni Arielle. Nang magising si Aya lalong tumindi ang itim na enerhiyang bumabalot ditto.

"Bakit ka nagkukulong sa lugar na ito Aya." Wika nang isang lalaki na bigla na lamang lumitaw sa silid ni Aya. Biglang napatayo si Aya mula sa kinauupuan niya. Ang lalaking nakita niya sa panaginip niya ang dumating at ang lalaking dahilan kung bakit nangyayari ang mga mga bagay na ito.

"Anong ginawa mo sakin?" Asik ni Aya sa lalaki.

"Ginawa? Sinabi ko na sa iyo. Tutulungan kitang gisingin ang espesyal mong kakayahan. Hindi mo ba nakikita? Ito ang espesyal mong kakayahan. Kaya mong makita ang hinaharap nang mga nilalang. At bawat makita mo ay maisasakatuparan." Nakangising wika nang lalaki.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan wika ni Aya.

"Kagaya ka rin ni Achellion. Ipinakita ko sa inyo ang totoo niyong kakayahan ngunit, Hindi kayo naging masaya. Ikaw. Ibinigay ko sa iyo ang kapangyarihang makita anng katapusan nang mga hangal na mortal ngunit anong ginawa mo? Nagkukulong ka sa lugar na ito. Gamitin moa ng kapangyarihan mo at ipakita sa mga mortal ang magiging malagim nilang katapusan." Anito.

"Hindi! Ayoko. Kung ito lang din ang sinasabi kong kakayahan ko. Kunin mo na to ulit. Ayoko nang makakita ulit." Bulalas ni Aya.

"Hindi ko na binabawi ang bagay na ipinagkaloob ko. Kung talagang gusto mong muling maging bulag. Ikaw ang gumawa nang paraan." Anito sa dalaga. "Hindi mo matatakasan ang tadhana mo. Mas mabuti pang tanggapin mo na lamang na ito ang papel mo sa mundo. Ang ipadala sa Impyerno ang mga nilalang na makasalanan. Ito Ang dahilan kung bakit ka isinilang na hindi na kakakita. Dapat ka magpasalamat sa akin dahil ibinigay ko sa iyo ang Pagkakataong magampanan mo ang papel mo sa mundo."

"HINDI!" bulalas ni Aya. narinig nina Eugene ang malakas na sigaw nang dalaga. kaya naman agad silang nagpunta sa silid nito.

"Aya? Aya anong nangyayari sa iyo buksan moa ng pinto?" wika ni Eugene na panay ang katok sa pinto. Biglang napatingin si Aya sa pinto. Naririnig niya ang boses nang kuya niya at si Julianne na nasa labas nang pinto.

"AH!" biglang napasigaw si Aya at napahawak sa mata niya. bigla na lang pakiramdam niya nasusunog ang mata niya. kasabay noon, nakita niya anng mga kaluluwang humihingi nang tulong habang isa-isang inihuhulog sa apoy na ilog. May mga nakikita din siyang mga nakakatakot na pangyayari sa isip niya. mga pagsabog, Mga nilalang na inaatake ang mga tao. Isang lugar na animoy isang ghost town. Wasak ang mga gusali at may mga nakahilirang patay na katawan sa paligid.

"AyA!" nag-aalalang wika ni Eugene na pilit na binubuksan ang pinto. Nakatitig lang ang lalaki habang namimilipit sa sakit ang dalaga. Gusto niyang makita kung ano ang nakikita nang mga mata ni Aya. gaya nang dahilan kung bakit niya binigyan nang paningin ang dalaga kahit na pansamantala lang. Alam niyang ang mga nakikita niya Aya sa mata nito ang magiging susi sa tagumpay niya.

Naglakad siya palapit sa dalaga at akamng hahawakan ito ngunit biglang napatraas ang lalaki nang maramdaman ang isang malakas na enerhiya na bumabalot kay Aya. Isang pulang ilaw ang nakita niyang bumabalot sa dalaga at siyang pumuprotekta ditto.

Biglang sumabog ang pinto nang silid ni Aya nang mapalis ang usok nakita nang lalaki sina Eugene at Julianne kasama ang iba pang miyembro nang Phoenix.

"Aya!" gimbal na wika ni Eugene nang makita ang kapatid na namimilipit sa sakit habang hawak ang ulo nito. lalo siyang nagimbal nang makita ang duguang mata nang kapatid niya.

"Lucifer!" gimbal na wika ni Julianne nang makilala ang lalaking kasama ni Aya sa silid.

"Anong sabi mo?" takang wika ni Julius at napatingin sa binatang kaibigan.

"Leo." Ngumising wika nito at napatingin sa binata. Hindi maintindihan nang lahat kung anong nangyayari lalo na makita ang isang nilalang na sa mga kwento lang nila na naririnig. Lahat naguguluhan sa mga nangyari.

"Anong ginawa mo kay Aya?" Asik ni leo at hinarap si Lucifer sabay ang pag transform sa pagiging si Leo.

"Huwag mo akong takutin sa mahina mong anyo Leo. Alam nating wala kang laban sa akin. Nais mong iligtas anng dalagang yan? Walang makakaligtas sa kanya. Kawawang nilalang. Sa huli, kamatayan pa rin niya ang haharapin niya. nakakalungkot lang dahil sa isang masaklap na kamatayan siya masasawi. Sayang at wala ditto si Achellion para makita niya ang kamatayan nang dalagang ito." Napakuyom ang kamao ni Leo. Alam niyang masyado siyang mahina ngunit hindi niya hahayaang may mangyaring masama kay Aya.

"Julianne." Sigaw ni Eugene nang bigla nitong sinugod ang lalaki. Ngunit hindi man lang nito nagawang tamaan ang lalaki. Habang inaatake ni Julianne si Lucifer patuloy ang pamimilipit ni Aya sa sakit. Agad namang lumapit si Eugene sa kapatid niya. Ngunit pakiramdam ni Eugene hindi siya naririnig ni Aya.

AYA" Wika ni Achellion na muling napatayo mula sa kinauupuan. Naramramdaman niyang nasa panganib ang dalaga. Ngunit hindi niya alam kung anong gagawin niya. Nagpalakad-lakad siya mula sa pinagkukulungan niya. Hindi siya mapakali. Nag-aalala siya kay Aya. Alam niyang kailangan nito nang tulong niya.

Naglakad siya papunta sa pinto Taka siyang hahawak sa rehas ngunit bigla siyang natigilan. Hindi niya magamit ang kapangyarihan niya sa lugar na ito.

Ipinikit niya ang mga mata niya. Mahina anng tibok nang puso ni Aya ngunit alam niyang maabot niya iyon. Kailangan lang niyang ituon ang atensyon niya sa tibok nang puso nito. Habang nakapikit siya naririnig siya ang pintig nang puso ni Aya. Balisa ito at natatakot. Nababalot din nang itim na enerhiya ang dalaga kaya naman nahihirapan siyang matunton ang kinalalagyan nito. habang nasa gitna nang kadiliman. Isang maliit na pulang ilaw ang nakita niya. sa pulang ilaw na iyon nararamdaman niya si Aya. naririnig din niyang tinatawag siya nito.

"Aya!" biglang wika ni Achellion saka nag mulat nang mata. Napakuyom siya nang kamao. Kilala niya ang madilim na enerhiyang nasa paligid ni Aya. Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit habang iniisip na nasa panganib si Aya at isang nilalang lang ang may dahilan. Dahil sa galit na nararamdaman ni Achellion biglang lumakas ang antas nang kanyang enerhiya. Isang malakas na hangin ang umihip kasunod ang tila buhawing apoy na bumalot sa binata. nang mapalis ang apoy. Isang bagong Achellion ang lumabas. Ang natutulog na Nemesis ay muling nagising. Ang Anim na paris na apoy na pakpak nito ay malinaw na nakikita.

"Anong nangyayari?" Gulat na wika ni Michael nang biglang isang lindol ang yumanig sa buong paligid. Kasama niya noon si Seraphim.

"It begins." Matalinghagang wika nito. hindi makikita sa mukha nito na nagulat ito sa nangyari. Para bang inaasahan na niya ang mangyayari. Ang sanhi nang malakas na pagyanig ay ang ginawang pagsira ni Achellion sa pinagkukulungan niya.

Walang ni Isang anghel ang nagtangkang pumigil sa kanya dahil sa katutuhanang makikita ang malaking agwat nang lakas nila. malayang nakaalis sa lugar na iyon si Achellion.

"Hindi mo ba siya pipigilan?" tanong ni Michael kay Seraphim habang pinapanood nila ang pagalis ni Achellion. Hindi lang sumagot si Seraphim. Inihatid niya nang tingin ang papalayng si Achellion.

Patuloy na nilaban ni leo si Lucifer kahitna halos ubos na ang lakas nito. Ilang beses na rin itong tumilapon. Halos sira na rin ang safe house nila dahil sa nakakayanig na labanan. Patuloy namang nilalabanan ni Aya ang mga nakikita niya sa isip niya. Ang tila walang hanggan na mga nakakatakot na mga pangitain na tila ba katupusan na nang sangkatauhan.

Dahil bugbog na si Leo. Naisipan nina Eugene na pagtulungang sagurin ang lalaki. Ngunit dahil mga mortal lamang sila wala silang nagawa laban sa lalaking iyon. Hindi man lang sila nabigyan nang pagkakataong matamaan ang lalaki.

"Mga mahihinang nilalang! Sa tingin niyo ay kaya niyo akong tapusin gamit ang nakakaawa niyong lakas?" Asik nang lalaki at napatingin sa dalagang nasa loob pa rin nang pulang ilaw. Napansin niya kung saan nanggagaling ang liwanag na bumabalot sa dalaga. isang maliit na kwentas ang nakita ni Lucifer na sout ni Aya.

"Achellion." Mahinang wika nito nang makilala ang simbolong nasa loob nang bead. Ang lutos na bulaklak na simbolo ni Achellion. Nabuo sa isip niya angg ideya na kaya hindi niya malapitan ang dalaga dahil sa kwentas na proteksyon nito.

"Masyado kang mautak Achellion. Binigyan mo nang proteksyon ang dalagang ito bago ka naglaho. Ngunit, kahit na ito hindi mapipigilan ang mga balak ko. Malalaman ko rin ang hinaharap nang mundong ito gamit ang mga mata nang propesiya." Ngumising wika nang lalaki at naglakad palapit sa dalaga. biglang napahinto sa paglapit si Lucifer nang biglang may pulang liwanag na bumagsak sa harap nang dalaga. Isang malakas na apoy ang nakita niya. Ang malakas na apoy na iyon ay unti-unting naging isang bulto at naging isang nilalang. Halos nanlaki ang mata nang lahat nang makilala ang bagong dating.

Achellion!" Wika ni Lucifer nang makita ang binata. Sa unang tingin pa lamang masasabi na niyang napakalakas nang taglay nitong kapangyarihan mas malakas pa kumpara sa Achellion na nasa ilalim nang kapangyarihan ni Cain. Ngayon lang niya nakita nang malapitan ang kompletong anyo nang isang Nemesis Nakakamangha ang taglay nitong lakas. Maging ang ibang naroon nagulat din nang Makita ang bagong dating. Ramdam na ramdam nila ang taglay nitong lakas.

"Anong ginawa mo kay Aya?" tanong ni Achellion na nakakuyom ang kamao.

"Achellion. Kaibigan. Huwag mo nang pag-aksayahan nang panahon ang isang mortal na gaya niya. bakit hindi tayo mag sama nang lakas upang maipagpatuloy ang paghihigante natin sa mga tao." Wika ni Lucifer na binalewala anng tanong ni Achellion.

"Anong ginawa mo kay Aya?" Tiim bagang na tanong ni Achellion. Napansin nilang lahat ang madilim na ekpresyon nang mukha nang binata. kahit ang tumingin palang ditto ay labis nang nakakatakot.

"Huwag mong pag-aksayahan nang nang lakas ang mahinang nilalang na iyan. Nakalimutan mo na bang siya ang dahilan kung bakit----"

"Tinatanong kita! ANong ginawa mo kay AyA!" malakas na wika ni Achellion. Kasabay nang tila dagundong na boses nito ang pag ihip nang malakas na hangin.

Biglang naglaho si Achellion mula sa kitatayuan niya. nang sunod nila itong makita nasa harap na ito ni Lucifer.

Mabilis nitong inatake si Lucifer sa bilis nang kilos nang binata halos hindi makaporma si Lucifer. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Achellion Tumilapon ang lalaki dahil sa lakas nang suntok nito.

"Ang lakas." Manghang wika ni Julius. Pakiramdam niya bawat suntok na pinakakawalan nang binata nagdudulot iyon nang yanig sa lupa. Labis labis na lakas ang ipinapakita ni Achellion. Ang matindi nitong pagnanasa na protektahan ang dalaga ang nabibigay ditto nang ibayong lakas.

Bumaling si Achellion sa dalagang si Aya. Nahabag siya nang makita ang Dalagang patuloy na namimilipit sa sakit habang hawak ang ulo niya.

Ano naman kaya ang ginawa ni Lucifer sa dalaga at ganito na lamang ang paghihirap nito. Nagpupuyos ang kalooban niya na makitang nahihirapan ang dalaga.

"Achellion!" isang malakas na tawag mula kay Lucifer. Agad namang bumaling si Achellion sa lalaki.

"Huwag kang hangal Achellion. Huwag mong sayangin ang lakas mo sa isang mahinang mortal." Asik nito. "Sumama ka sa kin. Sabay nating pagharian ang sangkatauhan." ANito at inunat ang kamay. "Dalawang Nemesis laban sa Diyos. Magiging katapusan nan ang mundo at nang mga nilalang na nilikha niya Tayo na ang manghahari sa mundong ito gaya nang inasam natin dati."

"Sinabi ko na to sa inyo dati. At uulitin ko. Wala akong pakiaalam kung anong gusto niyong gawin. Ngunit kung ang mga taong mahalaga sa akin ang ginulo niyo. Ako mismo ang tatapos sa inyo." Wika ni Achellion at itinutok kay Lucifer ang apoy na palaso.

"Talaga bang pinipili mo akong kalabanin Achellion?" Asik ni Lucifer. "Nakalimutan mo ba kaibigan na ikaw ang dahilan kung bakit ako nasa isang miserableng lugar? Ikaw at ang karuwagan mo! Sabihin mo paano mo ipagtatanggol ang mga taong sinasabi mong mahalaga sa iyo kung isa kang malaking duwag." Napatiim bagang si Achellion. Hindi niya magawang pakawalan ang palaso sa kamay niya. Tama naman kasi ang sinabi nito. Dahil sa pagdadalawang isip niya isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Lucifer.

"Mahina ka Achellion. Kaya naman panoorin mo nalang kung paano matatapos ang buhay nang pinakaiingatan mong mortal." Wika ni Lucifer. Kasabay ang malakas na pagtawa.

"AH!" malakas na tili ni Aya.

"Aya!" nag-aalalang bumaling si Achellion sa dalaga.

"Ibinigay ko sa kanya ang pagkakataong gamitin ang kapangyarihan niya nang tama. Ngunit, Gaya mo hangal din siya. Hindi niya alam kung paano gamitin ang taglay niyang kakayahan. Kaya naman, kapalit nang mga mata niya. mapapasaakin maging ang kaluluwa niya. Panoorin mo Achellion. Panoorin mo ang unti-unting pagkalagot nang buhay nang dalagang yan."

"LUCIFER!" Puno nang galit na wika ni Achellion at bumaling kay Lucifer saka pinakawalan ang apoy na palaso. Subalit hindi tinamaan ang lalaki dahil sa biglang pagdating ni Jezebeth at Cain. Sinangga nang mga ito ang palaso at inilihis ang tama sa ibang direksyon.

"Gusto ko pa sanang makipaglaro sa iyo Achellion. Kaya lang naisip kong sa susunod na lamang. Panonoorin ko nalang ang pagkamatay nang dalagang yan. Hwag kang mag-alala pangangalagaan ko ang kaluluwa niya." wika nito saka tumawa nang malakas bago sila naglaho sa dilim nina Cain at Jezebeth.

"Aya." Nag-aalalang wika ni Eugene at lumapit sa kapatid. Dahil sa pulang liwanag hindi niya magawang makalapit sa dalaga. Maging si Julianne wala ding magawa bukod doon masyado nang mahina ang taglay niyang lakas.

Patuloy na nakikita ni Aya sa isip niya ang mga kalunos-lunos na pangyayari. Ang isang malawakang digmaan. Ang lugar na animoy tirahan nang mga patay na nilalang. Mga walang buhay na katawan na nasa kalsada at ang paligid na puno nang hinagpis at panangis. Kahit saan siya tumingin ang mga nakahilirang patay na katawang ang nakikita niya.

"Ayoko na, tama na." mahinang wika ni Aya. Parang totoo ang mga nakikita niya. kahit saan siya tumakbo wala siyang makitang pwedeng tumulong sa kanya. Parang siya na lamang ang natitirang buhay na nilalang sa lugar na iyon.

"Ayoko Na, Tama na." hikbing wika ni Aya at humalukipkip sa sulok saka napayakap sa sarili. Kahit na anong sigaw ang gawin niya wala nakakarinig sa kanya. Maging sina Eugene at Julianne hindi niya makita sa lugar na iyon. Sino pa ang tatawagin niya? Sino ang darating upang iligtas siya.

"ANong ginagawa niya?" mahinang wika ni Julius nang makita nilang naglakad si Achellion palapit kay Aya. Kanina halos hindi makalapit si Lucifer sa dalaga dahil sa pulang liwanag ngunit wala man lang itong epekto sa binata. Napayuko si Achellion nang makalapit sa dalaga at hinawakan ang kamay nito.

"Hindi nga makalapit yung isa kay Aya? Ano naman ang magagawa niya?" Tanong ni Rick. Namangha sila nang hindi manlang ininda nang binata ang kung ano mang nakaharang sa dalaga. Tila wala namang epekto ang harang sa binata.

"Aya." Isang malamyos na boses ang narinig ni Aya mula sa kadilimang iyon. Naramdaman din niya ang mga kamay na humawak sa kama niya. Ang pamilyar na tinig na iyon at ang mag kamay na iyon. Gaya nang noon nasa isang lugar nang kawalan siya ang boses na iyon at ang mga kamay nito ang nagdala sa kanya sa liwanag.

Mula sa nakakatakot na lugar na iyon ang boses ni Achellion ang narinig niya ang mga kamay nito nangsasabing okay lang ang lahat ang nararamdaman niyang nakahawak sa kanya. Huminto sa paglalakad si Aya, Nakita ni Aya ang pagbagsak nang balahibo na simbolo na nasa paligid lang ang kanyang Anghel dela guardia. Maya-maya sumunod din ang pagpatak nang mga nyebe isang bagay na hindi naman nangyayari sa bansa. Nakita ni Aya na unti-unting binababalot nang nyebe ang paligid. Tila hinugasan nito ang paligid. Unti-unti ding nawawala sa kanya ang mga tanawing iyon.

"Achellion." Usal ni Aya. nabigla ang lahat nang biglang magsalita si Aya. Nakahalukipkip ito ngunit paano nito nalaman kung sino ang nasa tabi niya? Ganoon ba ka tindi ang koneksyong nang dalawa? Hindi na kailangang Makita dahil nararamdaman nila ang isa't-isa.

"Yes. It's me. I've come. It's okay now. I'm Here." Masuyong wika ni Achellion at niyakap ang dalaga. Nang yakapin ni Achellion si Aya biglang nawala ang maitim na enerhiyang bumabalot sa dalaga. maging ang mga nakikita nito sa isip ay bigla ding naglaho. Unti-unting bumalik sa dati ang mga mata ni Aya at nawala na ang mga dugo. Marahang iminulat ni Aya ang mga mata at tumingin nang diretso sa binata.

"Bumalik ka." Ngumiting wika ni Aya at hinawakan ang mukha nang binata. Lahat sila na mangha nang makitang okay na ulit si Aya. Wala na rin ang masamang enerhiya na bumabalot ditto.

"Pasensya na pinaghintay kita. But I am here now. I will stay by your side as long as you want me to. SO be prepared Trouble girl." Tugon nang binata. At hinawakan ang kamay nito. Bakit ba niya inisip na layuan ang dalaga gayong hindi naman niya kayang iwan ito. Hindi niya kayang mapalayo sa dalaga.

"Kapag umalis ka pa ulit. You're dead." Wika ni Aya at napahawak sa braso ni Achellion. Hinang-hina ang katawan niya dahil sa mga nangyari.

"Bogosipo." Mahinang wika Aya bago tuluyang nawalan nang malay. Bumagsak ang ulo niya sa malapad na dibdib nang binata.

"Aya? Anong nangyaari sa kanya?" Nag-aalalang wika ni Eugene.

"Nawalan lang siya nang malay." Wika ni Achellion at pinangko ang dalaga. Dahil sa sinabi niya tila nabunutan naman nang tinik sa dibdib si Eugene at Julianne.

"Okay lang ba ng lahat?" Tanong ni Eugene sa mga kasamahan.

"Maliban sa bahay natin okay lang ang lahat." Wika ni Butler Lee. Doon lang napansin ni Eugene na nasira ang bahay nila dahil sa naging labanan nina Leo, Lucifer at Achellion. Napatingin siya sa mga kasamahan.

"Maghanap nalang tayo nang matutuluyan pansamantala." Wika ni Julius.

------------------TO BE CONTINUED