Chereads / Angel's Feathers / Chapter 29 - Chapter Twenty Eight

Chapter 29 - Chapter Twenty Eight

Bakit? Anong nangyayari ditto?" tanong ni Julianne nang dumating sa Opisina nang Phoenix. Nasalubong niya sa labas nang silid ang mga kasamahan habang may mga lalaking naghahakot nang mga gamit nila.

"Lt. Binubuwag na nila nag phoenix." Wika ni Meggan at ibinigay kay Julianne ang isang papel na nang lalaman nang memo na ang task force Phoenix at tuluyan nang binubuwag. At ang lahat nang miyembro nang phoenix ay sinususpende sa trabaho dahil sa pagtulong nang mga ito kay Eugene at paglabag sa batas.

"Anong batas ang nilabag natin?" tanong ni Julius.

"Eugene! Saan ka pupunta? Anong gagawin mo?" Wika ni Julianne nang biglang dumating si Eugene at inagaw ang papel na hawak niya at nagmamadaling umalis.

"Anong ibig sabihin nito." wika ni Eugene at marahas na inilapag sa mesa ni General Mendoza ang papel na hawak niya. Simpleng tiningnan nang lalaki ang papel at bumaling kay Eugene.

"Nabasa mo naman diba? Phoenix is already dismissed and all of you is suspended. Dapat sa una pa lang alam mo na na ganito ang mangyayari kapag kinalaban mo ako." Wika ni General Mendoza.

"Sa akin ka galit hindi ba? Bakit mo sila idadamay?" Asik ni Eugene.

"This is what you get by declaring a war against me. Lt. Dapat mong malaman kung sino ang kinakalaban mo."

"Ako ang may Atraso sa iyo. Ako ang nagpakulong sa anak mo. Huwag na nating idamay ang walang kinalaman ditto. Kung gusto mong tanggalin ang phoenix. Wala akong pakialam. Bawiin mo ang suspension sa mga tauhan ko." ani Eugene.

"Madaling namang gawin yan. But what's in it for me?" Ani General Mendoza. Tumitig si Eugene sa mata nang lalaki. Alam niyang hindi siya nito titigilan. He is capable of doing worse than her daughter. Kinuha ni Eugene ang badge niya at iniligay sa ibabaw nang mesa. Isang makahulugang titig naman ang iginawad ni General Mendoza sa binata.

"I'll Leave. Kapalit nang reinstatement nila." wika ni Eugene. Napatawa naman nang malakas ang Heneral.

"Matalino ka naman pala." Wika nito. Tinawagan nito ang isang personnel na tanggalin ang suspension sa dating miyembro nang phoenix maliban kay Julianne. Alam nang heneral na magkaibigan ang dalawa at hindi siya papayag na may matira sa dalawa sa departamento nila.

"Bakit mo naman ginawa yun?" Asik ni Julianne kay Eugene nang mag-usap sila sa labas nang phoenix. Ibinalik sa dating departamento nila ang mga miyembro nang phoenix. SIna Meggan at Julius ay ibinalik sa PNP at naassign sa traffic division. Sina Rick at Ben naman ay ibinalik sa Airforce. SI Arielle ay ibinalik din sa PNP.

"Lt. Bakit mo naman ipinagpalit ang badge mo para lang hindi kami ma suspende." Wika ni Meggan.

"Ano bang sinasabi niyo. Kung lahat tayo ma suspende. Sino na lang ang magpapatuloy sa imbestigasyon. Alam nating lahat na may mga illegal na Gawain si General Mendoza. Kaya lang wala tayong ebidensya upang mapakulong siya. " Wika ni Eugene.

"Ang kailangan nating gawin ay maghanap nang matibay na ebidensya laban ditto." Wika naman ni Julianne

"Siyempre naman Lt. Pareho tayo nang ipinaglalaban." Wika ni Rick.

"Mas mapapadali sana ang lahat kung narito si Captain." Wika ni Ben.

"Huwag niyo na siyang hanapin. Hindi na siya babalik." Wika ni Julianne. Napansin ni Eugene na nagkuyom nang kamao ang kaibigan. Napapansin din niyang may itinatago ito sa kanya. Maging ang dahilan nang pagiyak ni Aya ay hindi rin nito sinabi. Hanggang ngayon nahihiwagaan siya sa pagkatao nang kaibigan niya.

"Speaking of Captain. Naalala niyo ba yung lalaking kamukhang kamukha niya? Diba siya rin yung lalaking kakaiba na biglang nawala kasama si Aya?" Ani Rick. Nagkatinginan sina Julius at Meggan.

"Pero masyado namang impossible siya si Captain." Ani Ben.

"Hindi siya si captain. Isang mapanganib na nilalang ang isang yun." Wika ni Julianne.

Simula nang mangyari ang insidente kasama si Achellion halos araw-araw umiiyak si Aya. Hindi niya matanggap na hindi manlamang siya nakikilala nang binata. wala din naman itong sinasabi kung ano ang nangyayari sa kanya. Nag-aalala na ang lahat sa dalaga.

Aya." Wika ni Julianne at nilapitan si Aya na nasa beranda. "Iniisip mo na naman siya?" Ani Julianne at naupo sa tabi nang dalaga. Hindi pa rin niya naipapaliwanag kay Aya kung ano siya. Alam niyang nagtatanong din ito sa kung sino ba talaga siya.

"Hindi na siya ang dating Achellion na kilala mo. hindi ka na rin niya nakikilala. Tanggapin mo na lang na isa siyang fallen angel. Kahit Kai--" biglang putol na wika ni Julianne.

"Anghel ka hindi ba?" agaw ni Aya. "Sabi nang lola ko. Ang mga anghel daw ay siyang inutusan nang Diyos upang bantayan ang mga tanong nilikha Niya. Gumagabay sila upang hindi mapunta sa maling direksyon ang mga tao. Pero bakit ganoon. Nararamdaman kong Malaki ang galit mo kay Achellion."

"Isang masamang nilalang si Achellion. May mga kasalanan siyang dapat pagbayaran. Gaya nang mga criminal. Kailangan nilang pagbayaran ang mga kasalanan nila. Walang pinagkaiba si Achellion sa kanila." Wika ni Julianne.

"Ipinaadala ako sa mundo itong upang tugusin ang mga rebelding anghel. Isa si Achellion sa mga rebelding anghel na iyon. Hindi ko alam kung paano siya naging tao at paano siya muling nakabalik sa pagiging fallen angel. Isa lang ang alam ko. Kailangan ko siyang hulihin. Isang mapanganib na nilalang si Achellion. Taglay niya ang isang malakas na kapangyarihan na pwedeng pumatay sa lahat nang tao sa mundo. At bilang sundalo nang Diyos. Kailangan kong iligtas ang mga nilikha niya." paliwanag ni Julianne. "Gaya nang sabi mo, inutusan kami upang bantayan kayo."

"Mali ka, Hindi masama si Achellion." Wika ni Aya na biglang tumulo ang luha sa mga mata niya. Sa kabila nang mga nasaksihan. Pinipilit niyang paniwalain ang sarili na hindi masama si Achellion. Na naroon pa rin ang Achellion na kilala niya.

"Hindi ko alam na naging malapit ka kay Achellion. Hindi ko maipapangako na hindi siya masasaktan kapag nagharap kami. Gusto ko lang na maintindihan mo na hindi na siya dating Dranred na kilala natin." Dagdag pa ni Julianne.

Hindi naman nagsalita si Aya. Tahimik lang siya. Kahit na anong sabihin ni Julianne. Parang ayaw makinig nang puso niya. Naniniwala siyang hindi masama si Achellion. Noon pa alam na nitong isa siyang fallen angel. Ngunit sa kabila nang katotohanang iyon.

Patuloy siyang inililigtas nang binata. May nagbago kay Achellion. Wala na ang buhay na buhay na mga mata nito.

"Anong----" biglang napatayo na wika ni Julianne.

"Bakit?" tanong ni Aya nang makitang biglang tumayo si Julianne. Habang nakatingin si Gate.

"Anong ginagawa niyo ditto?" Sita ni Julianne sa apat na dumating sa safe house kung saan sila namamalagi. Pumasok ang apat na miyembro nang phoenix at may dalang mga gamit.

"Anong nangyayari ditto?" tanong ni Eugene na lumabas nang bahay kasama si Jenny. Nabigla pa ito nang makita ang mga kasamahan. "Bakit kayo nandito?"

"Naiisip namin na mas mabuti kung sama-sama tayo sa iisang bahay." Wika ni Ben.

"Malaki naman ang safe house na ito. I think you can still Accommodate the four of us, right?" Nakangiting wika ni Rick.

"Isa pa, mas mabuting malapit kami. Para mabantayan si Aya. Napapansin kasi naming lapitin siya nang gulo." Wika ni Julius at tumingin sa dalaga.

"Pambihira." Nakangiting wika ni Eugene. Ngunit na palis ang ngiti nito nang makita ang lalaki pumasok sa gate nang hindi malang binnubuksan ang gate.

"Achellion?" wika ni Aya at biglang tumayo mula sa kinuupuan. Napalingon naman ang lahat sa tinitingnan nang magkapatid. Agad namang humarang si Julianne sa harapan ni Aya. Hindi maganda ang kutob niya sa biglang pagpapakita ni Achellion. Napalingon ang lahat sa tinitingnan ni Aya at Julianne. Muli nakita nila ang binatang kamukha ni Dranred. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa dalaga.

"Hindi ba siya si---" takang wika ni Julius at napatingin kay Julianne. Nakita niya ang gigil na mukha ni Julianne.

"Lee, Roch dalhin niyo si Aya at Jenny sa loob nang bahay." Wika ni Eugene.

"Tayo na sa loob Aya." Wika ni Ashley at hinawakan ang balikat ni Aya at aktong alalayan papunta sa loob nang bahay.

Marahang tinaboy ni Aya ang kamay ni Ashley saka naglakad palabas nang veranda.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" sita si Julianne sa dalaga at hinawakan ang balikat nito. Ngunit hindi nagsalita si Aya at tinaboy ang kamay ni Julianne saka naglakad palabas. Nabigla naman ang lahat nang makita ang dalaga. para itong hindi bulag kung maglakad.

"AYA!" hintakot na wika nang lahat nang makita silang may tumarak na matulis na bagay sa ibabang bahagi nang balikat ni Aya. nang galing ang matulis na bagay na iyon mula sa likod nang binatang dumating.

"Aya!" nag-aalalang wika ni Eugene at lumapit sa kapatid. Agad niyang hinawakan ang dalaga bago pa ito mabuwal. Nagsitakbuhan din naman sina Julianne palapit sa magkapatid.

"Kailangan kitang patayin." Wika nang binata at nagakad palapit sa dalaga. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang gagawa nang binata pinagbababaril na wiiya nang grupo ni Julainne. Ngunit kahit tinatamaan ang binata hindi manlang ito nasusugatan. Parang isang bullet proof ang katawan nito.

Biglang naglaho sa harap nila ang binata. kasunod noon ang isa isang pagtilapon nina Rick, Ben, Julius at Meggan. Lahat bumulagta sa lupa at hirap na tumayo. Bigla namang huminto sa harap ni Julianne si Achellion at agad na hinawakan ang leeg ni Julianne. Para itong isang magaan na bagay na binuhat nang binata saka buong lakas na itinapon. Tumama pa ang katawan nang binata sa rehas nang gate.

"Julianne." Mahinang wika ni Aya nang makita ang ginawa ni Achellion sa binata.

"Kailangan kang mamatay." Wika nang lalaki at muling baling sa dalaga. agad namang hinila Eugene ang kapatid niya patungo sa likod niya.

"Kuya!" tili ni Aya nang biglang tumilapon ang kuya niya nang hindi manlang nitong hinahawakan.

"Achellion." Nanginginig na wika ni Aya nang bumaling sa kanya ang binata.

"Papatayin kita." Paulit-ulit na usal nang binata saka naglakad palapit sa dalaga. nang magtangkang umatras ang dalaga biglang hinawakan ni Achellion ang kamay niya.

ACHELLION!" malakas na sigaw ni Julianne na nakatayo na mula sa pagbagsak. Nabigla si Eugene nang makitang nagliwanag si Julainne at biglang nagbago nang kasuotan. Bigla din may lumitaw na paris nang matingkad na pakpak sa likod nito. Maging ang ibang kasamahan nila ay nabigla din sa nakita.

"May Lakas ka pa pala Leo." Wika ni Achellion at bumaling kay Leo. Ngunit bigla siyang napatingin kay Aya nang maramdaman niyang hinawakan nang dalaga ang kamay niya.

"Pakiusap tama na. Achellion." Wika nang dalaga at tumingin sa binata. Nang mapatitig si Achellion sa mata nang dalaga. bigla siyang may nakitang imahe. Imahe nang dalagang nakangiti. For a split second he feel like his heart quiver while looking into her sad eyes.

Bakit nakakaramdam siya nang paninikip nang dibdib habang nakatingin sa luhaang mata nang dalaga.

Ano to? Bakit ganito ang naramdaman ko. wika nang isip ni Achellion at napaatras ngunit hindi siya tuluyang nakalayo sa dalaga dahil sa higpit nang hawak nito sa kamay niya.

"ACHELLION!" muling sigaw ni Leo at itinutok ang pana sa binata. "Hindi ko hahayaang gumawa ka pa nang masama. Kung kailangan kitang tapusin gagawin ko. Kahit ubusin lahat nang lakas ko saiyo." Wika ni Leo.

"Huwag!" ani Aya at iniharang ang katawan sa binata.

"Anong ginagawa mo Aya. Isa siyang masamang nilalang." Ani Leo.

"Hindi masama si Achelion. Ginagamit lang siya. Alam ko. Hindi niya gusto ang ginagawa niya." wika ni Aya.

"Hindi mo ako kailangang ipagtanggol." Wika ni Achellion at marahan na tinabig si Aya dahilan upang mapasalampak sa lupa ang dalaga.

"Achellion."

"Tatapusin kita pagkatapos ko siyang tapusin." Wika nito kay Aya saka tumingin sa dalaga. bago bumaling kay Leo. Naglakad ito palapit sa binata. nguniit bigla ito natigilan nang bigla siyang niyakap mula sa likod nang dalaga.

"Tama na Achellion." Wika ni Aya. napakuyom siya nang kamao. Bakit ganito ang nararamdaman niya. bakit nagdadalawang isip siya. Ang dalagang ito. Bakait ganito ang epekto nito sa kanya.

"Bakit?" Mahinang wika ni Achellion. "Gusto kitang patayin. Pero bakit?" naguguluhang wika ni Achellion.

"Dahil ikaw si Achellion. Ikaw ang taga pagligats ko." wika ni Aya. "Pakiusap. Tigilan mo na to. Ayokong makita kang ganito. Ayokong makitang masaktan." Wika ni Aya.

"Hindi ako kayang saktan nang mga mahihinang nilalang na tulad niyo." Wika ni Achellion at kinalas sa bewang niya ang kamay ni Aya. Hindi ito ang tamang panahon upang tapusin niya ang dalaga. Babalik na lamang siya sa ibang pagkakataon.

Julianne. Sabihin mo. Ano ka ba talaga?" Tanong ni Eugene sa kaibigan matapos ang naging engkwentro nila kay Achellion. Hindi sila nanalo sa binata. Hindi rin sila natalo. Hindi nila alam kung bakit bigla na lamang itong umalis at naglaho. Ngunit dahil kay Aya kaya naligtas ang buhay nila. May mga minor injury sila at may sugat din si Aya sa ibabang bahagi nang balikat dala nang tumamang matulis na bagay sa ibabang bahagi nang balikat nito.

"Alam kung hindi ako namamalikmata kanina. Talagang nakita kita na may pakpak." Wika ni Julius. Tumango din si Meggan at Rick at Ben. Naghihintay naman ang iba sa sagot ni Julianne.

"Isa akong Anghel. Gaya nang nakita niyo." Maya-maya ay wika ni Julianne. "Ang mga dating nakalaban natin ay ang tinatawag na fallen angels. Ganoon din si Achellion." Dagdag pa nang binata. "Siya si Captain Dranred. At isa siyang fallen angel. Iyon ang tunay niyang katauhan."

"Anghel? Talaga palang they exists." Di makapaniwalang wika ni Meggan.

"Nababaliw na ba ako o dala nang trauma sa mga nangyari sa atin kung ano ano na ang sinsabi mo?" sakristong wika ni Julius na hindi makapaniwala.

"Hindi lang ako ang nagiisang anghel ditto sa mundo. Simula nang maganap ang digmaan sa langit. At may mga fallen angels na napadapad sa mundong ito. Ipinadala kaming mga sundalo ditto at nagpanggap na isang mortal upang tugisiin sila at ipadala sa dapat nilang kalagayan." Wika ni Julianne.

"Kaya ba kakaiba ang enerhiya mo sa normal na nilalang?" wika ni Eugene. "Noon pa alam ko nang hindi ka gaya namin" wika ni Eugene.

"Tama. Simula nang magkita tayo. Nagpapanggap na ako bilang isang mortal. Kailangan kong makisalamuha sa mga mortal upang mapadali ang trabaho ko. Napag-alaman kong ilan sa mga fallen ay sumasanib sa mga tao upang lalong lumakas at makuha ang kaluluwa nila." Wika ni Julianne.

"Sinasabi mo bang walang pinagkaiba sa kanila si Achellion?" Tanong ni Rick.

"Ganoon nga. Hindi ko alam kung paano siya naging mortal at nagpanggap bilang si Dranred Bryant." Wika ni Julianne.

"Pero nang siya pa si Captain. Mabait siya at tumutulong sa mga kaso. Nilalabanan din niya ang mga fallen angel na sinasabi mo." wika ni meggan.

"May hinala akong wala siyang naalala sa nakaraan niya noong isa pa siyang mortal."

"Hindi. Hindi ganoon si Achellion. Nagkakamali ka." Wika ni Aya na biglang nagsalita.

"Aya. Hindi mo ba nakitang nais ka niyang patayin." Wika ni Eugene sa kapatid niya. "Kahit siya pa ang dating kilala nating si Captain Dranred. Wala akong pakiaalam. Hindi ko siya hahayaang masaktan ang mga taong iniingatan ko."

"Tiyak na muli silang babalik para kay Aya." wika ni Julainne.

"Bakit si Aya?" tanong ni Jenny.

"Hindi ko rin alam. Sa ngayon mas mabuting maging handa tayo." Wika ni Julianne.

"Hindi ko lubos maisip na lalabanan natin ang dati nating kapitan." Wika ni Ben. Alam niyang hindi lang siya ang nagiisip nang ganoon. Lahat sila naging tahimik. Simula sa puntong ito magiging mahirap na ang magiging laban nila. Hindi lang ito basta ordinaryong laban. Makikipaglaban sila sa mga nilalang na hindi nga nila alam kung may kahinaan.

Achellion bakit hindi mo tinapos ang dalagang iyon?" Asik ni Jezebeth nang makabalik sila ni Leonard. Si Leonard ang siyang nagpakawala nang matulis na bagay na tumarak sa balikat ni Aya. Hindi siya nagpakita ngunit naroon siya upang taposin si Aya kung magdadalawang isip si Achellion.

"Akala ko ba sinabi ko na sa inyo na ayokong pinakikialaman ako sa mga plano ko." galit na wika ni Achellion at bumaling kay Leonard.

"Akala ko kasi hindi mo kayang tapusin ang dalagang iyon."

"Alam ko ang ginagawa ko! hindi ko kailangan nang tulong mo. sa susunod na makialam ka. O kahit sino man sa inyo. Kayo ang uunahin ko." galit na wika ni Achellion.

"Huwag kang mag-alala Jezebeth. Ilan oras nalang ang itatagal nang buhay nang dalagang iyon." ngumising wika ni Leonard nang makaalis si Achellion. "Ang Lason ni cain ang siyang tatapos sa buhay ni Aya."

"SI Achellion. Bakit parang hanggang ngayon hindi parin natin siya kontrolado." Wika ni Ornais.

"Malakas ang kamandag nang lason ni Cain. Kapag pumasok na ito sa katawan nang isang nilalang walang sinoman ang pwedeng makapagpaalis nito. Kahit ang maalamat na Nemesis. Hanggang nasa Sistema ni Achellion ang Lason ni Cain. Wala siyang maalala sa mga ginagawa niya dati. Wala siyang ibang alam kundi ang pumatay. Tanging ang dalagang si Aya nalang ang hadlang sa mga plano natin." Wika ni jezebeth.

Habang natutulog si Aya. bigla niyang naramdaman na bigang sumakit ang katawan niya. nanggagaling ang sakit mula sa sugat niya sa balikat. Parang may kumakain sa laman niya. pakiramdam din niya nagaapoy ang buo niyang katawan ngunit bakit nilalamig siya. Nahihirapan din siyang huminga. Napahawak siya sa leeg niya dahil hindi na siya makahinga.

Sinubukan niyang tumayo at kapain ang button nang alarm sa kwarto niya Konektado ang alarm sa kwarto nila Eugene. Dahil sa dalas niyang mapahamak kaya naman naglagay nang alarm ang kuya niya sa silid niya gaya din iyon nang alarm sa silid niya sa mansion which is intended sa nurse niya dati noon wala pa siyang malay upang mabilis itong makatawag nang tulong. Bigla siyang nahulog sa kama matapos niyang mapindot ang alarm.

"Ano yun?" Tanong ni Julianne nang marning ang alarm. Nasa sala sina Julianne noon at nang iba pa at nag-uusap.

"May Nangyari ba kay Aya?" tanong ni Eugene nang makasalubong niya si Julianne at ang iba pa. Narinig din nang mga ito ang alarm mula sa kwarto ni Aya.

"Aya!" hinatakot na wika ni Roch nang buksan ang pinto nang silid ni Aya at makita ang dalagang nasa ibaba nang kama.

"Bakit? Aya!" sabay na wika ni Eugene at Julianne saka tumakbo patungo sa pinto. Ganoon na lamang ang gulat nilang lahat nang makita ang dalagang walang malay bukod doon nakita din nilang nag kukulay lila ang dalaga.

"Aya." nag-aalalang wika ni Eugene at pumasok sa silid. "Aya." nag-aalalang wika ni Eugene at hinawakan ang kapatid niya.

"Anong nangyari sa kanya?" gimbal na wika ni Meggan. Nakita nila ang tila mga malalaking ugat mula sa balikat ni Aya na kumalat patungo sa leeg nito hanggang sa pisngi. Kulay lila narin ang katawan nang dalaga.

"Lason. Nalason si Aya." wika ni Julianne.

"Lason? Paano?" putol na wika ni Eugene. Ngunit bigla niyang napansin ang sugat ni Aya sa balikat. Maitim ang sugat nito. Saka niya naisip na maaring mula sa matulis na bagay ang lason na tumama sa kapatid.

"Kung nalason si Aya anong gagawin natin?" Ani Jenny. "Dalhin na natin siya sa Hospital." Dagdag nang dalaga.

"Hindi. Hindi siya magagamot sa hospital. Dahil ibang lason ito." Wika ni Julianne.

"Anong ibig mong sabihin? Tanong ni Rick."

"Sa ayos ni Aya ngayon isang nilalang lang ang alam kung may taglay nang ganitong lason. Si Cain." Wika ni Julianne. Nagkatinginan ang mga miyembro nang phoenix.

"Cain ba ang sinabi mo? Ang unang anak nina Eve and Adam?" Gulat na wika ni Julius. Hindi sumagot si Julianne ngunit sa palagay niya. Tama si Julius. Wala namang ibang Cain.

"Kaya kung pigilin ang pagkalat nang lason. Ngunit ilang oras lang ang maitatagal nito. Kailangan nating gumawa nang paraan upang makuha ang panlunas." Wika ni Julianne at lumapit sa dalaga saka sinugatan ang gamay.

"Anong ginagawa mo?" biglang wika ni Julius nang makita ang ginawa nang kaibigan.

"Ang dugo nang mga anghel ay may kakayahang magpagaling nang kahit ano mang sugat. Ngunit sa uri nang lason na tumama kay Aya. ang maaari ko lang magawa ay pabagalin ang pagkalat nang lason sa katawan nito." wika Julianne at inilapit ang sugat sa kamay niya sa sugat ni Aya sa balikat.

Hinayaan niyang pumatak ang dugo niya sa sugat nang dalaga Ilang sandali pa nakita nilang unti-unting nawala ang pangingitim nang sugat ni Aya. Naglaho din ang mga ugat sa leeg nang dalaga.

Namangha ang lahat dahil sa ginawa ni Julianne. Hanggang sa mga sandaling iyon hindi sila makapaniwala na nakikisalamuha sila sa isang anghel.

"Julianne." Nag-aalalang wika ni Eugene nang makitang nanghina ang kaibigan.

"Okay lang ako. Mababawi ko din ang lakas ko." wika ni Julianne. Muling naghilom ang sugat nito sa kamay.

"Saan natin hahanapin ang panlunas sa lason?" tanong ni Jenny.

"Si Achellion." Biglang wika ni Ben. "Baka alam niya kong ano ang makakagamot kay Aya." Dagdag pa nito sa mga kaibigan

"Pero saan natin siya hahanapin?" tanong ni Rick. At napatingin kay Julianne. Umiling naman ang binata. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Achellion. Kahit ang mga fallen angel nahihrapan siyang ma detect. Lalo na ngayong mahina na ang kapangyarihan niya.

"Baka naman hindi natin siya dapat hanapin. SIya na mismo ang pupunta ditto para kay Aya." Wika ni Julius.

Isang pag-atake na naman ang ginawa nang grupo ni Jezebeth sa isang sundalong anghel. Huli na nang marating ni Arielle ang lugar. Nang dumating siya naglaho na ang anghel. Malakas ang loob nang Grupo ni Jezebeth na salakayin ang mga anghel dahil nasa panig nila si Achellion.

Nagagawa nilang gamitin ang lakas nang binata para sa sarili nilang kapakanan. Nais nilang ubusin lahat nang mga anghel bago ang araw nang pagbabalik ni Lucifer. Ito ang paraan nila upang ipakita na seryoso sila na tapusin lahat nang mga nilalang na nilikha. At ipakita ang paghihigante nila. kapag nagpatuloy sila, makukuha nila ang atensyon nang konseho.

Kapag nangyari iyon tiyak na isang malaking digmaan muli ang nagbabadya sa pagitan nang mga anghel at mga kampon ni Lucifer. Habang nagdaraan ang mga araw lalong lumalakas ang pwersa ni lucifer hindi lang dahil sa mga tapat nito alagad kundi dahil na rin sa mga ginagawa nang mga mortal.

Ang kanilang kasakiman at pandaraya sa iba ay siya ring nagpapalakas nang kapangyarihan ni Lucifer. Habang gumagawa nang masama ang mga tao lalo lamang nilang binigyan nang sapat n kapangyarihan si Lucifer. Kapag nangyaring tuluyang masakit nang dilim ang puso nang mga ito. Nalalapit na rin ang katapusan nang mga ito at nang mundo.

Habang nagpapahinga si Achellion, bigla nalang niyang narinig ang boses ni Aya. Sa boses nang dalaga para itong nahihirapan. Biglang sumikip ang dibdib niya. Tuwing iniisip niya ang dalaga. kakaibang emosyon ang nararamdaman niiya. Napakuyom siya nang kamao. Hindi siya matatahimik hanggat nabubuhay ang dalagang iyon. bigla siyang tumayo. Dapat hindi na siya mag-alangan na tapusin ang dalaga.

"Saan ka pupunta Achellion?" tanong ni Baal nang makasalubong ang binata.

"May kailangan akong tapusin." Wika nito at nilampsan nag lalaki. Taka namang napatingin si Baal sa binata. kahit na sabihin nina Jezebeth na nasailalim nang kapangyarihan nila si Achellion. Pakiramdam niya hindi niya dapat pagkatiwalaan ang binata.