THIS IS JUST a normal day for Dexter. Morning workout, shower, breakfast, short calls, then work...ito na ang siyang daily routine niya. Wala na yatang mahalaga sa kanya ngayon kundi ang trabaho niya. He used to hate working in the company. Ngunit natutunan niya na ring mahalin.
Sa pagpasok niya sa Lenares Group Inc., isa-isa siyang binati ng bawat employee na nakakasalubong niya. Unang department na madadaanan niya ay ang Marketing Department. At agad na nahuli ng paningin niya ang isang intern nila na abala sa pag-aayos ng secretary's table ng mga sandaling iyon.
Nilapitan niya ang dalaga. "Good morning, " bati niya. Wala siyang balak na gulatin ito ngunit sa tingin niya iyon ang nangyari.
"G-Good morning, Sir Dexter," ani Danelle. "You scared me."
"I'm sorry."
"Its alright, Sir."
"What's with the sudden formality, Miss Salvan?" derektang tanong niya rito. "You know my first name. Call me by it."
Lumingon-lingon si Danelle. Pagkuway pabulong na nagsalita. "Nasa trabaho po tayo, Sir Dexter, kaya natural lang na may 'Sir'."
Pinaikot niya na lamang ang mga mata. Nang lumabas si Helen mula sa loob ng opisina ni Vhivian ay tinawag niya ito. "Helen!"
Nagtatatakbong lumapit ang babae sa kanya. "Yes, Sir Dexter? "
"From now on, you are obliged to call me by my first name. Maliwanag ba?"
Nagugulohan man si Helen ay walang ibang nagawa. "Y-Yes, Sir Dex...I mean, Dexter."
"Good." Muli niyang tiningnan si Danelle na noon ay nakatitig sa kanya. "That's an order, Miss Salvan."
"Yes, Dexter," sabi nito pagkatapos.
"You had breakfast?"
Umiling-iling ito. "Hindi na kami nakapag-agahan ni Carla. Malilate na kasi kami."
"Ano'ng oras kayo nag-In?"
Nahuli niya ang pagkagat nito sa pang-ibabang labi. Aaminin niya, gusto niyang ginagawa nito iyon. He finds her so sexy and seductive.
"Around, eight fifteen."
"Tardiness," nasambit niya. "That's for the record then."
Umiba ang reaksiyon nito sa mukha. Ayaw niyang isipin na maiiyak ito pero parang iyon nga ang mangyayari.
"I was just kidding," bawi niya.
Bumuntong hininga ito.
"What do you want for breakfast?"
"Ha? Naku, huwag na. Hindi na kailangan. Besides, nagkape na kami ni Carla dito sa office kanina."
"Kape? You need to eat something before you start working, Miss Salvan. "
"Huwag na. Nakakahiya naman, eh!"
"I insist. Hindi namin ginugutom ang employees at interns namin dito, Danelle. Magpapadeliver ako para sa inyo. And I won't take no for an answer. "
Ilang sandali ay dumating si Vhivian. "Mr. Lenares," anito at gulat na gulat ng makita siya. "What a surprise to see you here this early."
"Early?" Napasilip siya sa orasan niya. "I guess not, Mrs. Robles."
"Well, dati rati naman kasi hindi ka napapadpad rito sa opisina ko. Maliban nga lang kung may importanteng sadya ka. What brought you here by the way?"
"Just checking on something. "
"Something or someone?"
"I have to go." Hinalikan niya sa pisngi si Vhivian. Alam niya kung saan patungo ang interogasyon nito. Ningitian niya si Danelle bago tuluyang umalis ng Marketing Department at tumungo na ng department niya.
*** *** ***
MATAPOS I-REVIEW ang ilang minutes ng nagdaang bidding activities ay naisipan niyang magpahinga na muna saglit. Sumasakit na ang mga mata niya sa kakaharap sa monitor ng laptop niya.
Naisipan niyang tumawag sa opisina ni Vhivian.
"Marketing Department, good morning. "
Napangiti siya nang makilala ang pamilyar na boses sa kabilang linya. "Am I talking to Miss Daniella Elleiza Salvan?". He likes her name. It sounds very unique and foreign.
"Yes."
"This is Dexter Lenares of Human Resource Department. Can I have some of your time, Miss Salvan? "
Napahagikhik si Danelle. "What do you want this time, Mr. Lenares? "
Hindi niya maiwasang magpakawala ng isang buntong hininga. "Hayan ka na naman sa kaka-Mister mo."
"What can I do for you?"
"How was your breakfast? Was it good?"
"Yes. Thank you for your generousity, Dexter. Nahihirapan na nga kami sa pagkilos, eh! Busog na busog kami."
"Mabuti naman. Don't skip breakfast next time."
"Yes, thank you."
"Are you free after work?" bigla ay naitanong niya. Wala sa plano niya ang lumabas pero naisip niya na baka pupwede ito. He's enjoying her company so far.
"Why?"
"Let's go out."
"Okay."
"Thanks."
Ibinaba na nito ang telepono. Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon. And it's Vhivian.
"Are you busy, Mr. Lenares?" Isinara nito ang pinto. Lumapit ito at naupo.
"What can I do for you, Mrs. Robles?"
"What are you trying to do?"
Napakunot noo siya. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng kapatid. "I don't understand."
"What are your dark plans, Dexter?" tanong pa nito.
"I don't know what you are talking about, Ate."
"Yes, you do. What do you want from Danelle?"
At ngayon, alam niya na ang ipinunta nito dito sa opisina niya. "Nothing," sagot niya. "I just want us to be friends. "
"Really? At saan mapupunta ang pakikipagkaibigan mo sa kanya?"
"Come on!" Napatawa siya. "Ano ba kasi ang iniisip mo?"
"I know you so well, Dexter. Pasasaan ba't naging kapatid mo ako kung hindi kita kilala diyan sa mga estilo mo. Danelle is beautiful, smart, appealing, innocent, and just exactly your type. Sa pagkakaalala ko, ikalawang araw pa lang ni Danelle bilang intern. Maaga pa masyado para pakitaan mo ng interes."
"Ate, it's not what you think it is," depensa niya sa sarili.
Ngunit ayaw paawat ni Vhivian. "At ano ang gusto mo na isipin ko? Come on, Dexter. You're in the record. Magpapakita ka ng interes, mahuhulog ang loob sayo, iibig sayo, at kapag nagsawa ka na, iiwan mo na lang ng basta-basta. Kung sa tingin mo ito ang tamang paraan para mahanap mo ang mga kasagotan diyan sa mga katanungan mo, do as you please. Pero sana, bigyan mo naman ng exception si Danelle. She's a good girl. May magandang bukas na naghihintay sa kanya kaya sana huwag mong sisirain iyon."
Galit na napatitig siya kay Vhivian. "I don't have any plans for her, Ate," he said in a normal tone. "Kung bibigyan mo ng ibang kahulugan ang pakikipagkaibigan ko sa isang tao, go ahead."
Napabuntong hininga si Vhivian. "I'm sorry, " anito. "Ayaw ko na pag-isipan ka ng masama. Kaya lang nababahala ako na baka pati si Danelle---"
"Not her," putol niya sa sasabihin nito. "Danelle is just a friend. That's all. Nothing more, nothing less."
"Thank you, then." Tumayo na ito.
"Iyan ba ang dahilan kung bakit nandito ka?"
"Yes," sabi ni Vhivian. Tinungo nito ang pinto.
"You know her that much?"
"Not much about her background. All i know is thay she's an excellent student. And she deserved to be part of our scholarship program." Lumabas na ito.
Wow! I'm impressed. And he really is.
Danelle is pretty unique and quite interesting. Unang kita niya pa lang sa dalaga alam niya ng may kakaiba dito. At gusto niyang malaman kung ano iyon.
*** *** ***
NANG DAANAN niya si Danelle ay nagliligpit na ito ng mga gamit. He's happy seeing her. He finds her amusing. Para itong isang bata.
Exactly six o'clock in the evening ng lumabas sila ng opisina. Dumeretso sila sa isang restaurant kung saan pinsan niya ang nagmamay-ari.
"Dexter!" Nilapitan siya agad ni Aljune nang makita siya nito. "Glad to see you here."
"Namiss ko kasi ang mga pagkain dito," aniya. "Where's Kendra?" Tinutukoy niya ay ang asawa nito. Madalas kasi ito ang nagsusupervise ng restaurant.
"Nasa bahay at binabantayan si Jamela. May lagnat kasi. But she's fine now. Mababa na ang body temperature niya."
"Mabuti naman."
Napatingin ito kay Danelle na nakatayo sa may likuran niya, tahimik na pinagmamasdan sila. "You're with---" Natigilan ito.
Alam niya na kung ano ang siyang magiging reaksiyon nito. Napangiti siya at agad ipinakilala ang kasama. "I would like you to meet---"
"Daniella Elleiza Salvan, " ang dugtong nito sabay abot ng palad dito. "Nice to meet you personally, Danelle. I'm a big fan of yours. "
"Oh. Salamat."
"Danelle, this is my cousin Aljune. Siya ang nagsama sa akin sa bar nitong nagdaang gabi."
"You are such an inspiration," patuloy pa ni Aljune. "Kaya wala akong absent sa shows ninyo. Anyway, I'll take you to your table now. This way please."
Sinundan nila si Aljune. Hindi pa man sila nakakarating ay may itinanong sa kanya si Danelle.
"Ilang taon na ba siya? He looks young."
"Twenty-four years old, " aniya. "Maaga niyang nadisgrasya ang nobya niya na asawa niya na ngayon kaya maagang nagkaresponsibilidad."
"Ah."
"Here we are." Sabi ni Aljune. "Sa paborito mong pwesto. I know you want something private. Lalo na ngayon at unang beses na may dinala kang date dito sa restaurant ko."
"Enough," awat niya agad sa pinsan. Napabuntong hininga siya at nilingon si Danelle. Napansin niya ang pagngiti nito.
"Alright, then. Maiwan ko na kayo para maasikaso ko na ang pagkain ninyo. Same, right?" Ang tinutukoy nito ay ang pagkaing madalas niyang orderin.
"Yes."
"Okay. See you guys after thirty minutes." Umalis na si Aljune.
Hinila niya na ang silya at hinayaang makaupo si Danelle. Pagkatapos ay naupo na rin siya sa silya na nasa harapang bahagi ng kinauupuan nito.
"I don't want to eat," biglang sabi ni Danelle.
"We are here to eat," aniya.
"H-Hindi ako nagugutom. "
"I insist. At pwede ba, relax."
Napayuko ito.
Kanina niya pa kasi napapansin ang tensiyon dito. And he hates it seeing her like this. Para bang kinatatakutan siya nito.
"T-Totoo bang, first time mo na may isinama rito?"
"Yes."
"Why? I mean, your girlfriend---"
"I don't have a girlfriend, " deretsong sabi niya na nagpatigil dito. "I brought you here in order for you to see the place and hoping you'll like it."
"Y-Yes. I like it. It's wonderful. Thank you. "
"Masarap ang pagkain dito, Danelle. At sigurado akong magugustohan mo."
Ngumiti ito. "Oh well, para rin naman hindi masayang ang gagastusin mo, I'll take my chances. Bakit mo nga pala ginagawa 'to?"
"I want to know more about you."
Napatitig si Danelle sa kanya.
"You are different, Danelle. I am enjoying your company. And I really want us to be friends. "
"Oh. I get it now. You want to build friendship between us."
"Yes. Friendship. "
Ilang sandali pa ay dumating si Aljune. Kasunod nito ay ang dalawang waiter dala ang order nila.
"Ang dami nito!" Nanlalake ang mga matang napatingin si Danelle habang isa-isang nililipat ng waiters ang mga pagkain sa mesa mula sa trays. "Are we going to finish them all?"
"Yes. If we can. Pero kung hindi, it's okay."
"First time here?"tanong ni Aljune kay Danelle.
Napatingala ito kay Aljune. Pagkuway tumango.
"Then, we want you to evaluate us." Sinabayan nito ng tawa ang sinabi.
"It'll be fine," nakangiting tugon naman ng dalaga.
"You know what, Danelle. May chilling area kami rito sa restaurant. I mean, mini bar. Twice a week may giniguest kami na magpiperform. You can try then. Sing for us."
"Seriously?"
"Yes. It would be great."
Habang pinapakinggan niya ang dalawa ay hindi maiwasang uminit ang ulo niya ng bahagya. Oh well, kilala niya si Aljune. And he can actually tell na interesado ito kay Danelle.
"If you'll excuse us, Aljune, sisimulan na namin ang pagkain bago pa lumamig ang mga 'to."
"Sorry. I'll go ahead." Napakamot ito sa ulo at umalis na lamang.
"Eat now," baling niya kay Danelle. Kinuha niya na ang kutsilyo at tinidor ay sinimulang hiwain ang steak.
"He seems to be a very nice guy," sabi nito at kumain na rin.
"Nice guy, yes. But 'very', I don't think so," sarkastikong sabi niya. "Kaya huwag kang masyadong magpapadala sa pambubola niya."
Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Danelle. "Pambubola ba iyon? He's just trying to be friendly. And besides, may asawa na ang pinsan mo kaya wala na sigurong dahilan para mambola pa siya ng iba."
"As if you knew him that well, ha? At hindi porke't may asawa na, hindi na pwedeng mambola?"
Biglang tumahimik si Danelle. At ipinagpatuloy na lamang ang pagkain.
Hindi niya kailangang mag-react ng ganito pero hindi niya lang mapigilan ang sarili. Bakit ba kasi dito pa sila nagpunta? Kung alam niya lang na si Aljune ang magsuspervise sa araw na ito, sa ibang restaurant na lamang sana sila kumain.