ALAS SINGKO TRENTA ng hapon. Tinapos nila ang mga kakailanganing tapusin sa araw na ito bago tuluyang lumabas ng opisina. Unang araw at sandamaknak na trabaho ang ginawa nila. Sumasakit na rin ang ulo niya dahil maghapong kaharap ang desktop computer.
Pero pasasaan ba ang pagod na nararamdaman niya gayong may usapan sila ni Dexter Lenares? Ang alam niya, alas sais na kung lumalabas ng opisina nito ang binata. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita ito sa labas ng building.
"Oh my!" Palihim na kinurot siya ni Carla sa tagiliran. "You're one lucky bitch, Danelle!"
"Shhhh..."
"Hi," nakangiting bati nito sa kanya nang makalapit sila. Nakatayo ito malapit sa Chevrolet SS nito na nakaparada sa harapan ng building. Binalingan nito si Carla."And you are?"
"Carla." Kinikilig na inabot nito ang kamay kay Dexter na siyang agad naman nitong tinanggap. Nagkamayan ang dalawa. "I'm Danelle's friend. "
"Nice meeting you, Carla."
Nang tingnan siya nito ay agad siyang nagsalita. "Pasensiya kung natagalan kami, Mr. Lenares. May tinapos lang kami."
"It's fine," pormal na tugon nito. "Maaga lang akong natapos sa trabaho. I need to leave my office early just to be sure hindi ako malilate sa usapan natin."
Nakakahiya naman. Pinaghintay niya ito.
"You're not late, are you?" Sinilip nito ang relos. "Just in time."
Ngumiti siya. Tensed, maybe. Kinasanayan niya na ang mararamdaman sa tuwing kaharap niya ang lalake. But at the same time, she's happy and excited.
"Want to come with us, Carla?"tanong nito sa kaibigan.
"No thank you, Mr. Lenares. Maybe some other time. May kailangan pa kasi akong daanan."
"Where? We'll drop you there."
"Susunduin ang ng boyfriend ko. But thanks a lot."
"Are you sure?"
"Yes, Sir." Bumaling sa kanya si Carla. "See you later okay?" Niyakap siya nito at bumulong. "Have fun."
"Take care," sabi niya.
"You, too." Tinignan nito si Dexter. "Mauna na ako sa inyo, Sir Dexter. "
"Okay. Mag-iingat ka."
Nasundan niya na lamang ng tingin si Carla na papalayo sa kanila. Nang mapatingin siya kay Dexter, saka niya lang nalamang nakatingin ito sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya.
"So, can we go now? "
"Y-Yes, Sir."
Silence. Iyon ang namayani sa pagitan nilang dalawa ni Dexter magmula ng umalis silang opisina hanggang makarating sila sa malapit na Restaurant and Cafe.
"Table for two, Sir?" ang agad na tanong ng waiter nang pumasok sila.
"Yes, please."
"This way."
Sinundan nila ang waiter hanggang makarating sila sa isang private dining area ng lugar. Kakaunti lamang ang customers na naroon and the place is peaceful. Maybe ito ang gusto ni Dexter. Naiintindihan niyang subsob ito sa trabaho nito and he needs time to relax.
Hinila nito ang isang silyang nakasuksok sa ilalim ng mesa. Inilahad nito ang palad sa kanya.
Manghang napatingin siya sa kamay nito. Nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya ba iyon. Ngunit kung minsan napakahirap pigilan ang damdamin. Kahit nanginginig, nagawa niyang iabot ang kamay rito. Inalalayan siya nito sa pag-upo.
"T-Thank you," aniya.
"You're welcome." Tinungo na nito ang isang silyang nasa kabilang bahagi ng mesa at naupo. Magkaharap na silang dalawa ngayon.
And yes. She's again...tensed.
"What do you want to drink?" tanong nito sa kanya.
"Ha? Ahm..." Binuklat niya ang menu na nasa tapat niya. Hinanap niya ang pahina ng beverages. Napalunok siya matapos mabasa ang price per drink. Seriously? "Wow!" nasambit niya bigla. Pinakamababa na ang one thousand five hundred pesos sa isang inumin lamang.
"May problema ba?" Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
"W-Wala. "
"So, what will be your drink?"
"Cappuccino."
"Okay. And what do you want to eat?"
"Ang akala ko ay magkakape lang tayo."
"I'm hungry. Kakaunti lang kinain ko sa lunch. Kailangan kong kumain dahil kung hindi, sasakit ang ulo ko. Just choose anything you like, Danelle."
Napangiti siya. Ito ang unang beses na narinig niyang binanggit nito ang pangalan niya. "I want Castle Ice Cream. "
"That's for desert. You can have it later. If you're not that hungry, take something light. You have to eat something. Ayaw ko na ako lang ang siyang kakain."
So, gusto niyang kasalo ako sa pagkain? Hihimatayin na yata siya.
Nang dumating ang waiter para kunin ang order nila, napagdesisyonan niyang magsandwich na lamang. "Chicken Escalope Sandwich."
"Large, Ma'am?"
"Yes, large," si Dexter ang sumagot. "With fries".
Binasang muli ng waiter ang naisulat sa order's list. Nang masigurong naisulat nito ang lahat ay umalis na ito.
Biglang tumunog ang cellphone ni Dexter. Dinukot nito iyon kula sa bulsa ng tuxedo nito. "Hi! Napatawag ka?"
Lihim niyang inobserbahan ang reaksiyon sa mukha nito. He seems delightful. Sino kaya ang kausap nito?
"Yes, nakalimutan mo kanina. Iniwan ko sa opisina. Ihahatid ko na lang bukas, okay? I love you, sweetheart. Huwag magpapagabi."
I love you? Sweetheart? At parang pinagtutusok ang puso niya. Ngayon pa lang, alam niyang wala na siyang pag-asa.
"You met her," anito sa kanya.
"Ha?"
"Iyong babae kanina sa opisina ko."
"Ah." Oo, iyong magandang babae na kausap nito kanina. At nakausap nito kani-kanina lang. "She's really beautiful."
"Thank you." At halatang proud na proud ito.
"Bagay kayo, Sir Dexter," dagdag niya pa.
Napatawa si Dexter. At ikinagulat niyang talaga. Ano ang nakakatawa sa sinabi niya?
"She's my niece," ang sabi nito pagkatapos.
"Oh." Napayuko siya sa pagkahiya. Kung anu-ano na kang kasi ang iniisip niya.
"You thought she's my girlfriend?"
Bahagya siyang tumango.
"Di ba't parang napakabata niya para maging girlfriend ko?" Napailing ito. "She's Ate Vhivian's eldest child. Kadarating niya lang galing New York. She's going to spend her break here."
"I see."
Ilang sandali pa ay dumating ang waiter bitbit ang order nila.
"Add-ons, Sir?" tanong nito matapos ilapag sa mesa ang mga pagkain.
"No more. Thank you."
"Enjoy your meal," at umalis na ito.
Nagsimula na itong kumain. Siya naman ay panandaliang napatitig sa sandwich niya. Paano niya ba uubusin ito? Naaasiwa man dahil ito ang kasama niya sa maagang haponan ay wala siyang magawa. Sinimulan niya na rin ang pagkain.
"Matagal ka na ba sa bar?" naitanong nito. "Bilang singer of course. Kayo ng banda mo?"
"I started working with them noong second year college ako. Magdadalawang taon na rin."
"You like the job? "
"Yes, Sir."
Napangiwi si Dexter matapos mabanggit ang huling salita. "Wala tayo sa trabaho kaya stop calling me Sir. You know my first name."
"Yes, D-Dexter," bawi niya naman agad.
"Why you like the job?" pagbabalik nito sa usapan.
"I love to sing."
"And you have such an angelic voice," he said habang nakatitig sa mga mata niya. "I want to hear it one day, in a very different way."
At ano ang ibig niyang sabihin? Naramdaman niya ang pag-init ng mukha. Alam niya kung ano ang nangyayari sa kanya. Why I am blushing? Bakit ba ganito na lamang ang epekto ng lalakeng 'to sa kanya?
"Mabuti na lamang at pumayag ako na sumama doon kagabi," patuloy nito. "What a coincidence? Who would have thought na makikita kita doon, performing so great?" Isang nakakalokong ngiti ang kumawala sa mga labi nito.
Oh please, stop! This guy really knows how to melt her down.
"It was my cousin's idea na isama ako. Alam niya yata ang schedule niyo. Ang sabi niya ayaw niyang palampasin ang show ninyo. Obviously, he's an ultimate fan of yours."
"Really? "
"Yes."
"Pakisabing salamat."
"Gusto ko sana na iabot sayo personally iyong bouquet of flowers. Kaya lang nagyaya ng umuwi ang pinsan ko for an important reason. Ipinaabot ko na lang sa waiter."
Hindi niya pa pala alam ang dahilan kung bakit siya nito binigyan ng bulaklak. "B-Bakit mo nga pala ako binigyanbng flowers?"
"Because you performed well. And I enjoyed listening to your songs. You deserved it."
Pinamulahan na naman siya ng mukha. "T-Thanks. I liked them."
"Good."
Natapos na si Dexter sa pagkain. At siya naman nahihirapang ubusin ang sandwich niya. Parang kunti lang ang kinain niya. At sayang naman kung itatapon niya lang. Nakakahiya rin dito.
"D-Dexter..." Hindi siya sanay na tawagin ito sa pangalan nito.
"Yes?"
"I'm sorry but I can't finish them all." Tiningnan niya ang pinggan.
"It's okay. You don't hve to force yourself. "
"Ipapabalot ko na lang. Sayang naman."
"What?!?"
Ang pagtawa nito ay siyang ikinagulat niya. Ito ang unang pagkakataong nakita niya ang isang Dexter Lenares na tumatawa. It's unusual dahil napakaseryoso nitong tao.
"You have such humor, Danelle, " anito pagkatapos.
"I'm serious. Tatapusin ko na lang 'to sa bahay 'pag nakaluwag-luwag na ng kaunti. I'm so full. Wala ng mapaglalagyan."
"Leave it. If you want, magti-take out tayo for you and for Carla. Just leave it."
"S-Sige."
Tinawag nito ang waiter at agad ibinigay ang order nila for take out.
"Can I ask you something, Danelle?"
"Sure."
"Try not to be tensed when you are with me."
At talagang alam nito kung ano ang nangyayari sa kanya. "I'll try."
*** *** ***
"YOU LIVE here?" Ito ang siyang naging tanong sa kanya ni Dexter nang makarating sila sa pad na tinutuluyan nila ni Carla. Deretso na siyang inihatid nito.
"Yes," aniya.
"I'm sorry sa naging reaksiyon ko. Hindi lang ako makapaniwala. Usually ang mga estudyante kapag wala sa tahanan nila, nasa boarding house or boarding school. Pero sa isang pad? Wow! It's unusual. "
"It's Carla's parents idea na ikuha kami ng pad. Nasa boarding house kami noong freshmen kami. But it's crowded and messy and her parents doesn't like the place. Kaya pinalipat nila kami rito. At bayad na 'to hanggang sa makagraduate kami."
Not to mention, mayaman ang pamilya ni Carla. May sariling negosyo rin ang mga magulang nito sa karatig bayan. Mainly agriculture.
She first met Carla noong enrollment. Kagaya niya, first timer ito sa San Ferrer kaya wala pang masyadong alam sa nga pasikot-sikot. They became friends since then.
"Want to go inside?" yaya niya.
"Kung okay lang."
"Of course okay lang."
"Alright."
Pinaandar ni Dexter ang makina ng kotse nito at pinatakbo papasok ng parking lot. Pinadalhan niya ng isang mensahe si Carla.
I nvited Sir Dexter to go inside. Mag-ayos ka ok? And2 kmi sa baba.
She knew Carla. Kapag nasa pad sila ay mahilig ito sa nga maiikling damit. And her friend's really sexy and beautiful. Mahirap na at baka maakit sa alindog nito ang kasama.
Habang nasa elevator sila ay nakatanggap siya ng reply mula kay Carla.
no way! u shud have told me earlier para hindi aq umuwi ng maaga...so dat u cud spend more tym with him. :-D
Pinaikot niya ang mga mata. Pinagloloko na naman siya nito.
"Sino?" tanong nito.
"Si Carla. Ang sabi ko kasama kita paakyat."
Nakarating na sila ng 7th Floor ng building kung saan ang unit nila. Paglabas nila ng elevator ay nakita niya ang pinto na nakabukas. Katapat lang kasi ng elevator ang unit nila.
Pinindot ni Dexter ang doorbell. Natatawang napatingala siya rito.
"Come in!" ang sigaw ni Carla mula sa loob.
"Tuloy ka," aniya.
"After you."
Una siyang pumasok. Sumunod ito at agad isinara ang pinto. Lihim siyang napabuntong hininga. Mabuti at nasa ayos pa ang bahay. Hindi kahiya-hiya.
"Nice place," sambit nito.
"Thanks. Maupo ka."
"Thanks." Naupo ito sa sofa.
Lumabas si Carla mula sa kwarto nila. Nakaoversized t-shirt ito at naka-running pants. Good! ang nasa isip niya.
"Hi, Sir Dexter!"
"Please, call me Dexter, Carla."
Napahagikhik ito. "Alright, Dexter."
"Drinks?" singit niya.
"No, thank you. Hindi na ako magtatagal at may kailangan pa akong daanan." Tumayo na ito. "Maybe some other time. "
"Aasahan namin iyan, Dexter, ha?"
At kung masambit ni Carla ang pangalan nito ay napakakampanti ng kaibigan.
"I'll go ahead."
"Eh, wala pa yatang isang minuto ang pag-upo mo, aalis na agad?" Pinamaywangan ito ni Carla.
"Inihatid ko lang si Danelle. Para masigurong safe."
"Oh." Binalingan siya ni Carla at marahang siniko.
"I'll go ahead."
Sinamahan niya ito hanggang sa may elevator. "I'll go with you," sabi niya.
Napatitig sa kanya si Dexter.
Oops! Tama ba ang sinabi ko? Napakagat labi siya. "I-I mean, I-I'll go with you hanggang ground floor."
With amusement, ngumiti ito. "At maghahatiran tayo? Kasi ihahatid na naman kita paakyat dito? No need, Danelle." Bumukas ang elevator. "I really had a great time," sabi nito at pumasok na sa loob.
"Me, too. Thank you."
"See you tomorrow. Good night."
Sumara na ang pinto ng elevator. Oo, magkikita na naman sila bukas. At ngayon pa lang excited na siya!
"Baka balak mong sundan. Makakahabol ka pa."
Nilingon niya si Carla. Nakatayo ito sa may pintuan ng unit nila. Pumasok na lamang siya sa loob.
"Wow! Si Miss Daniella Elleiza Salvan to the highest level ang happiness. Halatang-halata!"
Inirapan niya ito. "Tse!" Dumeretso na siyang kwarto upang makapagbihis.
Sumunod sa kanya si Carla. "How was it?"
"What?"
"Date ninyo ni Dexter. "
"Date ba iyon?"
"Obviously, yes. Dahil niyaya ka niyang lumabas, ibig sabihin gusto niyang makipagdate sayo. And he's your very first date!" Pumalakpak ito.
"I had fun," aniya. Hindi na lamang niya ipinakita rito ang siyang magiging reaksiyon dahil alam niyang hindi siya nito titigilan.
"Mas kaabang-abang ang mga susunod na kabanata nito."
Napailing na lamang siya.
"By the way, Daddy bought the place. And tomorrow magkakaroon ng renovation dito sa unit."
"What?!" Magkahalong gulat at tuwa ang naramdaman niya sa ibinalita nito. "Are you serious?"
"Yup. He likes this place so much and I don't know why. Naisip ko mas mainam na rin dahil baka dito tayo makahanap ng trabaho after graduation."
"You mean the whole building ang binili niya?"
"Just this unit, loka! But maybe balak niya na ring bilhin ang buong building. I'm not sure. So, tonight, we need to clean up this room kasi gagawing dalawang kwarto na 'to. One for you and one for me."
"Really? Gusto mo kasama ako rito?"
"Of course!"
Niyakap niya si Carla. "You are the best! Thank you. "
"And once everything's done here, pwede mo ng dalhin muli si Dexter Lenares mo sa loob ng kwarto mo."
Kumalas siya sa pagkakayakap rito at marahang hinampas ito sa may puwitan nito.
Hindi ito nauubusan ng kalokohan sa isip.