Chereads / My Brother's Bestfriend / Chapter 2 - Chapter 01

Chapter 2 - Chapter 01

-Maureen-

"Maureen, para kang tanga na tumatawa diyan mag-isa" sabi ni Kuya at tumingin lang ako sa kaniya at inirapan siya.

"Alam mo kasi Kuya, loner ka kasi" sabi ko at tumawa.

"Huwag kang mag-alala, nandito na mamaya yung bestfriend ko" sabi niya at ngumiwi lang ako sa kaniya tsaka patuloy na nagchat.

Nasa Anonymous Chat App ako dahil tinuros a akin ng kaibigan ko kung paano ito gamitin, at nag-eenjoy naman ako.

Nagulat ako nang magchat siya ulit.

Siya: Meet me at the back of the school, mamaya.

"Kuya, mauna na ako" paalam ko kay Kuya tsaka lumabas ng condo.

Sa isang condo lang kami nakatira ni Kuya dahil wala naman na kaming magulang.

Nang makapasok ako sa loob ng school ay agad akong sinalubong ni Denise.

"Denise, sabi niya ay i-meet ko daw siya sa likod ng school mamaya" sabi ko sa kaniya at ngumiti siya.

"Dahan-dahan lang, Maureen. Baka mamaya saktan ka niyan ha" sabi niya at kumunot naman ang noo ko.

"As if naman, pumapabilang ka na ba kay Kuya?" tanong ko sa kaniya at tumawa siya ng mahina.

Actually, I'm not that type of girl. I don't know the word love at all. It's just nag-eenjoy ako gamitin 'tong app, at gusto ko din maramdaman yung feeling ng may lalaking nakakausap.

"Tara na" sabi niya at lumakad na kami.

Nang makarating kami sa Room ay wala pa naman si Ma'am, ibig sabihin ay hindi pa kami late.

"Maureen, Mrs. Pia said that don' t forget to list all the names of students that are present here" sabi ni Trisha, ang President namin.

Ako ang pinagsusulat ng mga list of present dahil ako ang Class Monitor namin.

"Noted" sagot ko at ngumiti lang siya at tumango.

Agad kong kinuha ang book record at pumunta sa harap, sa teachers' table.

"List your names to let Ms. Pia know that tou're present" sabi ko at tumango lang sila, tsaka ko inabot sa pinakagilid yung record at bumalik na sa upuan ko katabi ni Denise.

Yung ka-chat ko sa Anonymous Chat App ay taga dito din daw siya sa school pero hindi kami nagbigayan ng pangalan, anonymous talaga as in, kaya ngayon ang unang pagkakakilala namin at hindi ko alam kubg bakit kinikilig ako. After 3 months, magkikita na kami.

Napatingin ako nang iabot sa akin ni Denise ang listahan kay agad ko namn itong kinuha at sinulat din ang pangalan ko.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na din si Ms. Pia, ang professor namin kaya agad akong tumayo kasama ang listahan tsaka ko iyong binigay sa kaniya.

"Good. Sit down now" sabi niya sa akin at tumango lang ako at bumalik sa upuan ko.

BUONG klase kong iniisip yung meet up namin mamaya, parang wala na din akong natutunan, ganito ba pag excited?

"Mauna na ako, mag-iingat ka ha, baka..." sbai ni Denise at tumawa.

"Ano ka ba, naf-feel ko na mabait siya at I feel safe naman" sabi ko at tumawa lang din.

"Basta mauna na ako, mag-ingat kayo ha?" sabi niya at tumango ako.

"Bye, mag-ingat ka din" sabi ko at tumango lang din siya.

Agad akong tumingin sa phone ko.

Ako: Papunta na ako sa likod ng school. Kitakits;-).

Chinat ko siya at ngumiti ako tsaka pumunta na sa likod ng school

Andaming puno at malapit ng dumilim, 5:30 din kasi ang uwian namin.

Nakakita ako ng upuan kaya agad akong pumunta dun at umupo.

-

Nakatingin ako sa langit habang nakabusangot. 7:00 na at wala pa rin siya.

Nakailang chat na din ako sa kaniya. Siya pa naman ang nag-aya tapos hindi namna ata pala siya pupinta, hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga lalakeng nakikilala sa social media.

Tatayo na sana ako nang may nakita akong lalake na naglalakad papunta dito.

Agad siyang huminto at nilibot ang paningin sa paligid at napatingin sa akin tsaka tumingin sa cellphone niya.

Siya: Sorry, natagalan ako dahil galing ako sa bahay ng kaibigan ko. By the way, where are you?

Naka-senior na uniform siya, meaning ba, siya yun? Omgeeee!

Ako: It's okay, nandito ako sa upuan.

Chat ko din sa kaniya at napatingin siya sa akin at napatingin din ako sa kaniya at ngumiti pero kumunot ang noo ko nang ngumisi siya at umiling, anong ibig sabihin niya?!

"Ikaw ba yung," sabi niya at hinarap ang cellphone niya sa akin at tumango ako habang nakangiti, pero napawi iyon sa sunod niyang sinabi, "Oh, akala ko kasing-edad lang kita." sabi niya at tinignan ako mula sa taas hanggang baba kaya napataas ako ng isang kilay ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"I'm not dating a girl who is much younger than me, and we're two years gap" sabi niya at kumunot ang noo ko. Magkasing-edad lang pala sila ni Kuya.

"What do you mean?" tanong ko.

"Give me your phone" sabi niya at mas lalong kumunot ang noo ko.

"Wh--" hindi niya ako pinatapos magsalita, "Just give me your phone" pagputol niya sa sasabihin ko kaya inirapan ko siya at binigay ang phone ko sa kaniya. Ilang segundo lang ay binalik niya na at hinanap ko yung Anonymous Chat App pero wala na.

"You..." sabi ko at tumingin ulit sa kaniya.

"You're too young to use that App" sabi niya at nainis ako bigla kaya naitulak ko siya tsaka ako tumakbo palabas ng school. Bakit ko ba binigay ang cellphone ko sa kaniya? Bullshit, Maureen, he's a completely stranger!

Why does it have to be like this?!