-Maureen-
"Totoo ba?!" sigaw na tanong ko kay Denise, nasa room kami at wala ang next na teacher namin kaya boring, kaming dalawa na lang dito sa room.
"Oo nga, nagulat din ako nung malaman ko. Akalain mo yun, nag-aaral tayo dito tapos hindi mo pala alam na Popular siya dito sa school" sabi niya at napatingin kao sa paligid.
"Meaning, popular din ang Kuya ko?!" tanong ko sa kaniya at napatayo ako.
"Parang ganun na nga" sagot niya at napalo ko yung lamesa saharap ko.
"Hindi naman sa akin nasabi ni Kuya yun, hindi niya ata ako kapatid" sabi ko at umupo na ulit.
"Baka ayaw niya lang talaga na malaman mo" sabi niya at uminom ng juice.
"Eh para saan na naging kapatid niya ako?" tanong ko at uminom din ng juice.
"Pero back to the point, paano kung nalaman ng mga fans kuno ni Austin na close kayo?" tanong niya sa akin at tumingin ako sa kaniya at ngumiwi.
"Hindi kami close 'no!" sagot ko sa kaniya at mahinang tumawa.
"Dun na din paparating yun, hello, bestfriend kaya yun ng Kuya mo" sabi niya at naglipat ako ng tingin.
"Hoy!" nagulat ako nang sumigaw si Denise.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
"May nakalimutan tayong ginagawa dapat natin!" sigaw niya at napakunot ang noo ko.
"Ano naman yun?" tanong ko sa kaniya.
"Bobi, malapit na yung exam, oo nga pala, next week na yun" sabi niya at nanlaki ang mata ko.
"Sa lahat ng kakalimutan natin, yun pa" sabi ki at tumayo na.
"Bilisan mo, tara na sa library" sabi ko sa kaniya at iniwan nalang namin dun yung pagkain namin tsaka pumunta sa library.
Pagdating namin sa library ay almost full na lahat yung tables, buti nalang at may ibang wala pang tao na nakaupo.
Agad na kaming pumili ng mga libro at umupo na kami.
Ulang minuto na ang pagbabasa ko nang may nakita akong hindi maganda kaya agad kong kinuha yung isang libro at tinakip yun sa mukha ko.
Nakita ko lang naman si Austin at may kasma na babae at papunta sila sa parte namin.
"Miss, yung libro mo baliktad" napatingin ako sa nagsabi nun, it was the girl with him.
Agad kong tinignan ang libro at baliktad nga, nginittian ko lang siya at binaliktad yung libro. Kabobohan talaga oh, huwag mo naman akong ipahiya!
"Can we sit here?" tanong niya at napalingon ako kay Denise na naka-grin.
"Sige" sabi ko at tumango lang sila at umupo na, napa-make face ako ng hilain ni Austin yung upuan at dun umupo yung babae. Napaka-gentleman naman niyan, alam ko na! Baka girlfriend niya yan!
"Thank you" rinig kong sabi nung babae.
Agad kong nilebel ang libro sa mukha ko at ginaya yung pagsabi niya ng "Thank you".
Nagulat ako nang mag-vibrate yung phone ko meaning may nag-text kaya agad kong binaba yung libro at kinuha yung phone ko sa bulsa ko.
Krent: Guess where the heck am I?
Ah, si Krent, kaklase at kaibigan namin siya ni Denise nung nasa elementary kami, and he is in japan, kasi half- japanese ang tatay niya at pilipino naman yung nanay niya.
Maureen: Where are you?
Text ko sa kaniya pabalik.
Krent: Nasa pilipinas na ako!
Ngumiti ako at kinalabit si Denise at pinakita sa kaniya yung text ni Krent.
Tumingin ako kay Austin at dun sa babae nang maramdaman ko ang tingin nila.
"What?" tanong ko sa kanila.
"Nothing" sagot naman nung babae.
"Tara na muna, sa bahay niyo nalang tayo mag-review" bulong ko kay Denise at tumango naman siya tsaka namin inayos ang gamit nmain at iniwan muna sa table na yun para ibalik yung books.
Napatingin silang dalawa nang makuha namin yung bag namin.
"Where are you going?" tanong nung babae. Sino ba siya para magtanong? Feeling close? Feeling close?
"We're heading out, enjoy your study" sabi ko at ngumiti tsaka hinila si Denise palabas sa library.
Makatanong naman, feeling close, pagsalpukin ko yung ulo niyong dalawa eh, argh!