-Maureen-
"Sino kaya yun?" tanong sa akin ni Denise pagkalabas namin ng library.
"Aba ewan ko, baka girlfriend niya." sagot ko at inayos ulit yung bag ko, "Baka nga" sabi niya.
Maureen: Saan ka ngayon?
Text ko kay Krent.
Krent: As usual, nasa bahay pa rin.
Sabi niya at natawa kami ni Denise tsaka nagpara ng taxi.
"OH MY GEE! Ikaw na ba yan? Bakit parang ang gwapo naman masyado?" tanong ko kay Krent at tumawa kaming tatlo.
"Panay nga ang alaga niyang sa mukha niya, Maureen. He even is using toner" sabi ni Tita at binaba yung dalang pagkain namin.
"Kinabog mo talaga, ha?" tanong sa kaniya ni Denise at tumawa.
"Tinalo mo pa kami, Krent. Baka mamaya mas clear na yung skin mo sa salamin ah, hinay hinay lang" sabi ko at uminom ng juice.
"Ewan ko kung pinupuri niyo ba ako o pinagtatawanan talaga" sabi niya.
"Sino ba ang pupuri sa'yo?" tanong namin dalawa ni Denise sa kaniya at tumawa.
"Ang sama niyo talaga. Hindi ko na ibibigay ang regalo ko sa inyo" sabi niya at nagpout.
"Tinatanong ga namin kung sino ang pumupuri sayo eh, edi kami" sabi ni Denise at tumawa.
Puro tawa talaga kapag kaming tatlo ang magkakasama.
"Ang galing niyo talaga mamburaot, mas lalo ka na, Denise" sabi ni Krent at ngumiti si Denise.
"Asahan mo yan" sabi niya at sinimulang kainin yung cake na hinanda ni Tita. Na-miss talaga namin yung cake na bin-bake ni Tita kapag magkakasama kaming tatlo, yun talaga yung namiss namin, hindi si Krent.
"Shet, yung favorite cake ko" sabi ni Denise at ngumiti, mukhang masaya nga siya. Favorite flavor kasi nilang dalawa ang strawberry pero allergic ako sa strawberry.
Napatingin naman sa akin si Tita nang makita niya akong nakatingin sa cake tsaka agad siyang bumalik sa kitchen at may kinuhang tatlong box sa kitchen at may dalawang plato din.
"Makakalimutan ba naman kaya kita, Maureen?" tanong niya at napangiti ako nang ibigay niya sa akin yung maliit na ng blueberry cake at maliit na mango cake, kabisado talaga ako ni Tita, since allergic naman ako sa strawberry, lagi niyang hindi kinakalimutan yun at nagb-bake ng tig-isang maliit na mango at blueberry dahil mahilig ako dun sa flavors na yun, yun ang favorite flavor ko.
"Halaaa, salamat Tita" sabi ko at inamoy yung cake ang sarap amoy palang!!!
"At ito, iuwi mo, baka gusto din ni Kuya mo" sabi niya at inabot ang dalawang box na may lamang isang blueberry cake at mango cake.
"At sa'yo din, Denise baka gusto ng pamilya mo" sabi i Tita at inabot din yung isang box kay Denise.
"The best ka talaga Tita" sabi ko at tumawa lang siya.
"Wala yun, confident naman akong sabihin na namiss niyo yan, tama ba?" tanong niya at nagtinginan kami ni Denise at sabay tumango kaming dalawa.
Napatingin kami sa hagdan nang manggaling dun ang yapak ni Tito
"Oh, nandito na pala ang mga kaibigan mo, hindi mo naman sinabi sa akin" sabi ni Tito at may accent ang tagalog niya dahil japanese nga siya, nagmana din sa kaniya si Krent dahil may pagkasingkit ng mata si Krent.
"Wait me here" sabi ni Tito at tumango lang kami at umakyat siya, ilang segundo lang ang nakalipas ay bumaba na din siya.
"Here's your gift" sabi ni Tito at may inabot sa amin ni Denise na malaking box, parang sapatos ulit.
-
"Salamat sa meryenda, Tita" sabi namin at tumayo.
"Walang anuman, bumalik kayo dito kapag may time kayo, ipagb-bake ko kayo" sabi niya at tumawa kami.
"Saan na ba si Krent?" tanong niya at tumingin sa taas.
Nakita namin si Krent na pababa at nagpunta sa amin at may dalang dalawang box din. Magkakapamilya nga silang tatlo, puro box ang pinadala sa amin, joke.
"Ihatid ko na kayo" sabi ni Krent pero umiling si Dense.
"Magpapasundo ako kay Daddy" sabi ni Denise at napatingin sa akin si Krent.
"Magc-commute nalang ako" sabi ko at umiling si Tita.
"Ihahatid ka nalang ni Krent, mas safe pa" sabi ni Tita at tumingin ako kay Krent.
"Tama si Mommy, mas safe pag hinatid kita"sabi niya at hindi na ako nakatanggi.
"Mauna na ako, Tita, Krent" sabi ni Denise nang makarating ang Daddy niya.
"Mag-ingat kayong dalawa sa byahe, Maureen" sabi niya at tumango ako.
"Kayo din," sabi ko at nagwave lang siya.
"Mauna na po ako, Tita" sabi ko at tumango lang si Tita at nilagay ko yung apat na box sa passenger seat at sumakay sa harap katabi ng drivers seat.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa condo.
"Pasabi ulit kay Tita at Tito salamat." sabi ko at tumango siya.
"Eh ako, hindi mo pasasalamatan?" tanong niya at tumawa.
"Oo na, salamat" sabi ko at tumawa lang ulit.
"Mag-ingat ka sa byahe" sabi ko at tumango siya tsaka lumapit pa sa akin at nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi habang hawak yung isang pisngi at baba ko.
Pagkatapos nun ay pumasok sa kotse niya, sana all may kotse na.
Tinignan ko siya hanggang sa makalis ako at pagkatalikod ko ay nagulat ako nang may nakatingin sa akin.
"Tingin-tingin mo diyan?" mataray na tanong ko sa kaniya.
"Just get inside, pinahintay ka ng Kuya mo sa akin" sabi niya.
"Well, kung labag naman sa loob mo sana humindi ka" sabi ko at ngumisi lang siya.
"Ungrateful" rinig kong sabi niya pero tumuloy lang ako sa paglalakad papunta sa condo unit namin ni Kuya at pinatong sa lamesa yung mga box.
"Oh, saan ka na naman galing?" tanong niya at nakita kong pumasok din sa loob si Austin.
"Kakauwi lang ni Krent, pumunta kami sa bahay nila." sagot ko at tumango-tango siya.
"Ah, kanila Krent" sabi niya.
"Bakit nandito ka?" tanong ko kay Austin nang umupo siya at napansin ko ring tatlo na ang upuan.
"Dito ako kakain sa inyo" sabi niya at tumingin ako kay Kuya.
"Dito siya kakain ng breakfast at dinner,sa weekends naman ay pati sa lunch, hindi siya marunong magluto" sabi ni Kuya at umirap ako at binalig ang tingin kay Austin.
"Dito ka nalang kaya tumira?" tanong ko sa kaniya at lumapit.
"Gusto mo ba?" tanong niya at narinig ko ang pagtawa ni Kuya.
"Ikaw, gusto mo ba?" tanong ko pabalik sa kaniya.
"Then kung dito ako titira, saan ako magk-kwarto?" tanong niya sa akin.
"Sa sofa ka matulog" sagot ko sa kaniya.
"Gusto ko sana sa kwarto mo eh, then will you agree if I will stay at your room?" tanong niya at narinig kong tumawa si Kuya, natawa pa siya dito sa kaibigan niyang manyak?
"Magsama nga kayong dalawa" sabi ko at pinasok yung cake sa ref.
"May cake palang binake si Tita, kumain nalang kayo kung gusto niyo" sabi ko at tumingin si Kuya sa akin.
"Hindi ka na kakain?" tanong ni Kuya sa akin.
"Paano ako makakakain kapag nandiyan yung kaibigan mo?" tanong ko at tinaasan ng kilay si Austin.
"Bakit ayaw mong nandito ako?" tanong niya at first time ko siyang nakitang nagtaas ng kilay kaya hindi ako nakasagot.
"Oh, alam ko na. Baka may pagnanasa sa akin ang kapatid mo, Aldrine at kaya ayaw niyang kumain kasama ako ay dahil pagpapantasyahan niya ako habang kumakain" sabi niya at nanlaki ang mata ko nang makisabay tumawa si Kuya.
"Ah ganun?" sabi ko at lumapit kay Kuya tsaka siya hinampas sa likod niya.
"Aray naman" singhal niya.
"Hindi mo naman sinabi na may sadista kang kapatid, hindi na tuloy ako makahintay na magkaroon ng sadistang girlfriend" sabi ni Austin at nagawa pa ring tumawa ni Kuya, sabi niya 'di siya pumapatol sa bata? He even deleted that Anonymous Chat App. Bullshit, hindi mo ba alam ang sarcastic, Maureen? So stop thinking na may gusto siya sa'yo, as if naman.
"Respeto naman sa girlfriend mo" sabi ko at bumalik na ulit sa pwesto ko kanina kung saan nakalatag yung dalawa pang box.
"Sinong girlfriend?" tanong ni Kuya sa akin.
"May kasama siya sa library kanina eh" sabi ko at tumango siya.
"Ah, si Celine, tama ka may boyfriend yun, pero hindi ako" sabi ni Austin at tumingin ako sa kaniya.
"Ikaw, buti hindi nakikipag break sa'yo yung boyfriend mo?" tanong niya at napatingin si Kuya sa kaniya.
"Sino?" tanong ni Kuya.
"Yung Krent na naghatid sa kaniya kanina, he kiss him on her cheek"