-Maureen-
"Boyfriend mo?" tanong ni Kuya.
"Try mo ,Kuya." inis na sagot ko at initapan siya, "Pati ako nagulat dun" dagdag ko at tumingin kay Austin na nakangiti lang habang nakatingin sa akin.
Agad ko siyang hinwakan sa tenga niya at pinapunta sa malapit sa pintuan.
"Ano ba talagang gusto mo ha? Gusto mo ba sabihin ko kay Kuya yung ginawa mo?" mataray na tanong ko sa kaniya.
"Alam niya na" sabi niya at hinawakan yung tenga niya.
"Ano?!" sigaw ko sa kaniya at tumingin ako kay Kuya.
"Anong naging reaksyon mo?" tanong ko sa kaniya.
"Lasing kami, baka kung may kaibigan ka ding babae sa party at nasa bahay ay mapagdiskitahan ko siya na ex girlfriend ko" sabi niya at napatingin ulit ako kay Austin.
"Ex-girlfriend?" tanong ko at tumango siya.
"Sabi ko naman sa'yo, I mistook you" sabi niya at ngumisi. So, he really mistook me, weird.
"Bahala nga kayo diyan. Magsama kayo, Mr. Populars" sabi ko at inirapan sila nakita kong nakatingin lang sila sa akin habang naglalakad ako papasok sa kwarto ko.
Agad kong nilagay sa kama ko yung dalawang box at binuksan yung bigay ni Tito.
Sabi ko na nga eh, sapatos na naman, rubber shoes na naman dahil alam niyang mahilig din ako sa rubber shoes.
Binuksan ko naman yung kay Krent at tumambad sa akin ang beige colored na sandals at may mga design yun na pa-lettuce design sa harap.
-
"What the heck?!" sigaw ko nang matapakan ni Austin yung tin-try kong sandals na bigay ni Krent.
"Seriously, do you have problem with me?!" sigaw ko pa at tinanggal yung sapatos at binalik sa shoe rack namin.
"Oops, I stepped on it" sabi niya at inirapan ko siya at nagsuot ng sapatos tsaka kinuha ang bag ko.
Lalabas na sana ako nang matisod niya ako, "What the fuck is your problem? You are not supposed in here, you know? You are always making my day fucked up" sabi ko at inirapan siya tsaka lumabas.
Kung hahanap siya ng maaasar niya, huwag ako. Hindi nga siya pumapatol sa bata 'diba?!
Nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko yun at inopen agad.
Kuya: Where did you get those word, Maureen?!
"Tsk!" I tsked.
Maureen: I am already 17,your are only 2 years gap. At bakit lagi mo yang kinakampihan na kaibigan mo, am I even your sister? Or not? You want me to move to his condo unit and just be with him in that fucking unit?!
I texted him back.
Kuya: Seriously, what's the problem with him?
Napairap ako nang mabasa ang text niya.
Maureen: Everything in him is a problem, Aldrine. You know? Don't text me anymore, You are just raising my anger.
Sinend ko yun at pinower-off yung cellphone ko.
Seriously, siya nalang kaya ang maging kapatid ni Kuya. Dahil tuloy sa kaniya natawag ko si Kuya na Aldrine.
"SIGURADO ka bang dito ka muna?" tanong ni Denise sa akin.
"Uuwi din naman ako mamaya, don't worry" sabi ko at tumango siya.
"Ano ba talagang nangyari, you're angry all day" sabi niya at tumingin ako sa kaniya at ginulo ang buhok ko.
Kanina ay nakasalubong ko siya at lalapit sana siya sa akin pero inirapan ko siya at iniba yung direksyon ng lakad, nakakainis talaga siya!
"I've had a fight with my brother" sagot ko sa kaniya.
"Hay nako! Siguro dahil yan sa Austin na yun" sabi niya at tumango ako.
"Dahil nga dun, kabibigay lang ni Krent nung sandals kagabi tapos tinapakan niya ba naman" sabi ko at kumunot ang noo niya.
"Sandal?" tanong niya.
"Oo, iba ba ang binigay sa'yo?" tanong ko sa kaniya at tumango siya.
"Sneakers ang binigay niya sa akin" sabi niya at tumango ako.
"Eh yung kay Tito?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Kay Tito nanggaling yung sandals" sabi niya at tumango ako.
"Baka alam ni Tito na mahilig ka sa sandal tapos yung Krent na yun ay hindi" sabi ko.
"Pero back to the point, bakit niya naman tinapakan?" tanong niya sa akin at umiling lang ako.
"Hindi ko din alam dun, lagi nalang hindi nabubuo ang araw ko ng hindi niya ako iniinis" sagot ko sa kaniya.
"I have a feeling that he like you" sabi niya at umakto akong natatawa.
"Siya? Hindi nga daw siya pumapatol sa mag nakababata sa kaniya eh" sabi ko.
"Baka nung na-meet ka niya, papatol na siya" sabi niya at napatingin ako sa kaniya at tumawa ng mahina, "Ano yun, magic?" tanong ko sa kaniya.
"Pwede kaya yun. At baka pag nagtuloy-tuloy nag pang-aasar niya sa'yo ay hindi na mabubuo ang araw mo ng hindi ka niya inaasar" sabi niya napatango-tango ako.
"Yan din ang iniisip ko. Kaya kailangan ay patigilin ko siya, kaya ko siya tinatarayan" sabi ko at tumingin siya sa akin.
"Hindi kaya may nabubuo ng bond between you two?" tanong niya.
"Bond ng relationship, bond ng magkasintahan" sabi niya at tumawa ako.
"He's my brothers' bestfriend" sabi ko sa kaniya.
"Edi mas maganda, your brother's trusting him at iniiwan ka pa niya kay Austin, ibig-sabihin pinagkakatiwalaan niya si Austin na magbantay sa'yo at iwan ka kay Austin."