Chereads / My Brother's Bestfriend / Chapter 3 - Chapter 02

Chapter 3 - Chapter 02

-Maureen-

"Oh, bakit ka nakabusangot diyan?" tanong sa akin ni Kuya.

"Kailangan itanong?" malditang tanong ko sa kaniya at inirapan siya.

"'Diba kaninang umaga kasi ang saya mo, tapos bigla ka nalang ganiyan ngayong gabi" sabi niya pero pinatuloy ko nalang ang pag kain.

"Oo nga pala, nandiyan na yung kaibigan ko na sinasabi ko, kalilipat niya lang sa kabilang unit kanina, at bukas ay may inuman kami dito sa " sabi niya at napatingin ako sa kaniya.

"Bakit dito? Eh meron naman pala dun sa kabila yung mahal mong kaibigan?" tanong ko sa kaniya at tumingin siya sa akin, "Tsk, hayaan mo na. Dito ang nakasanayan nila, edi dito" sabi niya at umirap ako.

"Saan na naman ako mags-stay? Makikitulog nalang ako na naman kina Denise, mahiya ka naman Kuya, ako ang kapatid mo 'no, tsaka ang baho ng alak niyo, magpunta nalang kayo sa bar" sabi ko at tumawa siya.

"Pwede ka naman mag-stay sa kabilang unit, sa unit ng kaibigan ko" sabi niya at umirap nalang ako ulit. Wala naman akong magagawa, kasalanan ko naman din kung bakit sa kwarto ko sila natutulog, pumayag ako na dun sila mag-stay simula nung nasiyahan ako makipagchat sa hampaslupang lalaking iyon, ganito rin pala ang kalalabasan.

Isang taon na din simula noon, kaya ata ganun nalang kung ibigay ko kanina ang cellphone ko sa kaniya, masyado akong nagtiwala.

"Bahala ka na Kuya" sabi ko at tinigil ang pagkain at tumuloy sa kwarto ko.

Dalawa ang kwarto sa condo namin ni Kuya, tig-isa kami pero ewan ko ba kung bakit ayaw niya pag-stayin sa kwarto niya yung mga kaibigan niya kapag may inuman sila dito sa condo, nakakainis.

Humiga ako sa kama ko habang iniisip yung lalake kanina, dapat lang talaga na tinanggal niya na yung ACA na yun sa phone ko. Mga paasa naman ata yung nandun, nakakaasar.

"Hahanapin ko talaga yung lalakeng yun, bwisit!" sigaw ko at hindi naman maririnig sa labas kasi soundproof yung rooms dito, at yun ang maganda kung bakit dito namin napagpasyahan ni Kuya bumili ng unit.

-

Nagising ako dahil sa katok galing sa pintuan ko kaya agad naman akong bumangon at pinuntahan yun.

"Breakfast is ready"sabi ni Kuya at tumango nalang ako tsaka naghugas ng mukha tsaka lumabas.

"Dito magb-breakfast yung kaibigan ko sa kabila" sabi niya at napatingin naman ako sa kaniya.

"Dito mo na din kaya patirahin? Baka dito pa yan magc-cr at maliligo?" sabi ko at tumawa siya.

"Ikaw talaga. Para kang tanga, umayos ka baka mahiya ka sa kagwapuhan niya" sabi ni Kuya at napatingin ako sa kaniya habang diring nakangiwi.

"Kailan ka pa naging bakla, Kuya?" tanong ko sa kaniya at tinignan niya naman ako.

"Siraulo ka talaga 'no? Huwag mo din palang sasabihin sa kaniya na patay na ang parents natin. Like on my old friends that you know. Don't let them know that our parents are dead" sabi ni Kuya at tumango lang ako.

Ayaw naming ipaalam dalawa ni Kuya na patay na ang mga magulang namin dahil napag-usapan na namin iyon dalawa. Kaming dalawa at si Denise lang ang nakakaalam no'n. Nagpatuloy lang ako sa pag kain ko kahit nagbukas ang pintuan, baka ayan na yung kaibigan ng mahal kong Kuya.

Sa gitna ng pag-inom ko at nagsalita si Kuya, kahit hindi pa ako tumitingin.

"Maureen, this is Austin Frean Villanoel" pagpapakilala niya sa kaibigan niya at napatingin ako sa kanila pero nasamid ako dahil sa nakita ko, sa lahat ng kaibigan bakit siya pa?!

"Hoy, Maureen. Ayos ka lang ba?" sabi ni Kuya at agad akong pinuntahan.

Patuloy ang pag-ubo ko at napatingin ako sa kaniya nang tumigil ako.

"Siya?!" sigaw ko at nakangisi lang yung lalakeng yun!

"Magkakilala kayong dalawa?" tanong ni Kuya sa kaniya.

"Don't tell me that you don't know that your sister is using Anonymous Chat App?" tanong niya kay Kuya at kumunot si Kuya habang nakatingin sa akin.

Patay na ako dito, bwisit na lalake yan!

"What is that, Maureen?" tanong ni Kuya sa akin.

"Nangyari na, nagamit ko na. Ano pang magagawa mo Kuya?" tanong ko kay Kuya at inirapan si Austin.

"At ikaw, wala akong pake, kahit kaibigan ka pa ng Kuya ko" sabi ko kay Austin at agad na nagtungo sa kwarto ko.

Narinig kong tinawag ako ni Kuya pero hindi na ako lumingon at naligo nalang at nagbihis.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay napatingin silang dalawa sa akin kaya umirap lang ako at nagsuot ng shoes.

"Pagpasensyahan mo n yung kapatid ko, Austin. Ganyan lang talaga yan" rinig kong sabi ni Kuya kaya lumabas nalang ako at malakas na sinara ang pintuan ng condo.

Malapit lang naman ang school kaya madali lang akong nakarating, as always, alam ko na kung sino itong nakahawak sa likod ko, pero bakit kailangan lukutin 'tong damit ko kaya agad akong humarap sa kaniya at agad na tinulak siya.

"Ano ba?" tanong ko sa kaniya at pinagpag yung uniform ko.

"Naiwan mo daw, sabi ng Kuya mo" sabi niya at inabot yung cellphone ko.

"Pasabi salamat" sabi ko at kinuha yung cellphone ko.

"Can you be more gentle?" tanong niya sa akin at sumabay sa lakad ko.

"I can be gentle, but not to you" sabi ko at inirapan siya tsaka ko naramdaman ang kanay ni Denise sa kabilang braso ko.

"Tandaan mo yun" sabi ko at tumakbo na kami papuntang classroom.