Chereads / A Malvados' Curse Book 1: The Reawakening (Taglish) / Chapter 2 - Chapter 1: "Welcome Back"

Chapter 2 - Chapter 1: "Welcome Back"

"Mom?... I want some bedtime story," pagmamakaawa sa kanyang ina habang nagpapa-cute. "PLSS PO!" dagdag pa nito.

"By the way, Ilang taon ka na?"

"Luh si mama, minsan na nga lang kita makasama eh!" pagrereklamo niya tsaka sumimangot.

"Ilang taon ka NA?!" tumaas ang tono nitong kanyang pagkasabi.

"15 na ako ma. Ohh! Story na! Walang makakapantay sa magaling kong mama kung sa pag-i-istory telling lang ang usapan!"

"Haha, cge na nga! Pagbibigyan ko na ang makuliiiit kong baby."

Natawa silang dalawa sa sinabi ng ina.

Sadyang malapit ang mag-ina kahit pa minsan lamang kung sila ay magkita.

"Oh eto na, kumapit ng mabuti at makinig ka sa akin kasi dadalhin kita sa isang MALAAAWAK na mundo!" Tumango-tango lang ang binata habang nakangisi.

"Ang kwento ko ngayon ay tungkol sa mga anghel. Mga mababait at masasamang anghel! Mayroong isang sampung taong-gulang na anghel ang naninirahan sa isang gubat. Pinalayas siya sa palasyo ng kanyang mga magulang," pagsasalaysay ng kanyang ina.

"Ha? Bakit? Bakit po nila pinaalis? Eh...bata pa lang po siya?" Magkakasunod na tanong ng kanyang anak.

{[CARL's POV]}

Pumunta si mama sa kusina para mag-timpla ng kape niya. Nakatunganga lang ako sa kawalan habang hinihintay siya.

Natauhan ako nang marinig ko na ang malalakas na yapak ni mama na umalingawngaw sa aking tenga dahil very closed ang bahay namin at naka-takong pa yata siya habang naglalakad sa wooden floor.

Matutuloy na rin at masasagot ang aking mga katanungan. Sa wakas!

"Anak, bukas na lang ulit iyong story," seryosong pagkasabi ni mama. Napataas-kilay lang ako sa sinabi niya.

"Ma? Ano?!" Pagta-taingang kawali ko naman.

"Sabi ko...bukas na lang ulit," pag-uulit nga niya saka humigop ng kape.

Ngunit inulit ko rin ang aking sinabi, "Ano ma?!"

"'Wag ka muna kasi humigop ng kape," ang dagdag ko pa.

"Ikaw talagang bata!" aniya at nagtawanan kami ni mama.

"Ganito kasi iyon anak, ang batang anghel na iyon ay isinumpa ng isang demonyong nagngangalang, Hatsue Kayase. Isinumpa niya ang batang anghel para mapigilan ang propesiyang nakita ng mga taga-Demon's Range sa kanilang Lake of the Present and Future," maiksing salaysay ni mama tungkol sa kwento.

"Sure ka, ma... Galing 'yan sa libro?"

"Abay oo naman anak!"

Tumigil muna siya saglit at humigop ng kape.

Ma...bilis naman atat na'ko pati iyong ano... Nagtimpla pa KASI!

Marami ng mga tanong ang sumagi sa aking isipan, ngunit hinayaan ko na lamang muna ang mga tanong ko at baka masasagot din ang mga ito.

Binaba na niya ang tasa ng kape at itinuloy ang kuwento.

"Sinasabi sa propesiyang ito na ang pagbubuntis ni Terins Demf ay ang magiging napakalaking balakid sa buong Demon Clan. Si Terins Demf ang isa sa mga pinaka-mahahalagang reyna sa royal families ng mga anghel na ina ng batang anghel na pinagmamalupitan. Tanging ang mga demonyo lang ang nakakaalam tungkol sa propesiyang iyon. Kaya hindi lubos maisip na ganoon na lamang ang sasapitin ng batang anghel."

Tahimik lamang ako habang nakikinig kay mama.

In fairness ma, ang haba ngayon ng kwento mo ah. Dati mga 2 mins na intro, tapos pupunta ka agad sa kasukdulan, then 2 mins nasa end ka na... WOW!

"Ang galing talaga ni mama, mas mahaba na ngayon kwento mo, ma. Nakapagbaon ka, huh, HAHAHA!"

*TOK*

"Aray naman ma!" Saka kamot sa ulong nakatok.

At humigop lang ulit siya ng kape.

Magsasalita pa sana ako pero mukhang itutuloy niya na eh. Kita naman 'yong laman ng mug niya ay paubos na rin.

"Opppss! Tahimik na at magsisimula na ako."

"Go ma, sige," mabilis kong sagot.

"Ang batang iyon ay ayaw ng kanyang mga kapatid, kinamumuhian nila ito. Pati ang kanilang mga magulang ay ayaw sa kanya. Wala sa pamilya nila ang nagpapakita na mahal nila ang anghel na iyon. He is the black sheep in the family. Trinato nila ito na parang aso. Nag-iisa lamang siya sa room na iyon. Nakakadena ang mga kamay at paa, pati na rin ang leeg niya. Wala siyang higaan sa room na ibinigay ng kanyang ama o kahit kapirasong tela man lamang para lang mainitan siya kahit papaano."

Ano ba 'yan makakatulog kaya ako nito?! Hayaan mo na...ok lang naman...si mama 'yan eh. Na-miss niya siguro ako nang sobra.

"Mahaba po yata talaga ang kuwento niyo ngayon ah?"

at *TOK*

Katok ulit sa ulo ang inabot ko sa kanya.

"Tumahimik ka! Ang ingay mo, mawawala ako sa kwento eh!" Tumango-tango na lang ako at nangamot.

"Ehem! Sa'n na?... Ayh oo, ang nagbibigay lang ng pagkain at kumakausap sa kanya ay ang isa sa mga maids ng family nila. Isang gabi ng pagkakataon ang nakita niya. Dahil sa galit sa pamilya at sa kalungkutang dala ng pag-iisa niya. Para siyang ibong gustong makawala sa kanyang hawla! Biglang umilaw ang mga pakpak nito! Mas malakas pa na puwersa ang kumawala sa kanyang katawan at tuluyang nasira ang mga kadenang nakakabit sa mga kamay, paa, at leeg niya. Naging mga nagbabagang metal ang mga kadena na nakakabit sa kanya at natunaw na ang kadena na dumudikit sa kutis niya... Tumalon siya nang nakapaharap ang mga pakpak na nagsilbing harang at panira sa pader ng kanyang kwarto. Lumipad ito at hindi na muling nakita pa sa mansyon ng pamilyang iyon."

*Kinaumagahan*

"Good morning maaa!" Ang bati ko sa ina kong nag-aayos ng mga libro sa aking kuwarto.

"Ano pong ulam?" Tanong ko naman.

Lumapit siya sa kama ko.

"Wala," bulong niya sa tenga ko.

Hindi ako nakikipaglokahan ma ah, kakagising ko pa lang.

"Ano nga POOOO?!"

"Wala pa nga!" Sigaw naman niya.

Luh, siya pa galit?

"Di mo ba nakikitang nag-aayos pa ako dito?!"

"Sorry na po...sorry na."

Bumangon at tumayo na ako tapos hinug ko siya mula sa likod. Tumingin siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Pagkatapos ay lumabas na siya sa kuwarto ko at nag-inat—inayos ang higaan saka dumiretso na sa kusina. At doon nga ay nakita ko na si mama na nagluluto.

Tinawag ko ang ngalan niya para makakuhang atensyon.

"Oh?" At ayon nakuha ko nga.

Naglakad na ako papunta sa uupuan ko.

"Itutuloy mo pa ba iyong kuwento?" tanong ko. Naupo na ako at hawak na ang kutsara.

"Hindi na 'nak. Pupunta na ako sa trabaho ko mamaya."

Binaba ko ang kutsara at sumimangot.

"Nasa libro iyon, nilagay ko na sa kwarto mo."

"Ayh sige po, ma."

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si mama kaya pumunta na lang ako sa silid ko para ituloy ang kwento. Agad kong binuklat ang libro nang ito'y mahanap.

Asan na ba yun ... Ayon dito na yata 'yon ih.

Wow! English pala 'yon, sabi na magaling si mama eh!

Hinanap ko kung anong parte na nga ba siyang no'ng tumigil siya kahapon. Nang mabasa ko ang mga pangungusap sa libro sa pahinanang iyon ay nandilim na lang bigla ang aking paningin at nahilo na lang ako.

Bago pa man ako nagising, naramdaman ko ang bigat ng katawan ko. Parang hinihila na ako pababa ng gravity sa nararamdaman ko. Pag-dilat ng mga mata, isang magandang hugis ng baba, malaki ang mga tenga nito, at mayroon din siyang kung ano sa likod... Ang damit niya'y kay ganda't . Siguro'y isang imahinasyon lang ang nakikita ko sa ngayon. I feel so tired that I can barely open my eyes. Kahit anong pilit ko ay parang napakabigat talaga, hindi ko makita kung ano nga ba siya.

...

Bigla akong napabangon.

"Ha? MALALAKI ANG TENGA?! MAY PAKPAK? ... MAY PAKPAK?!!"

"Bakit po ang ganda niyo?" tanong ko sa babaeng nasa harapan ko.

Ang dami kong gustong itanong sa babae. Bakit iyon?!

Nang akmang sasagot na ito ay nagsalita ako agad. Baka mapagkamalang bastos, hehe, "I mean, nasa'n po ako?" Pag-papalit ko sa tanong ko kanina.

"Huwag kang mag-alala ayos na ayos ka rito. Walang makakakita sa ating dalawa rito," malumanay niyang wika. "Nakita kita sa daan—nakahiga ka na no'n. Nakaharang sayo 'yang mga pakpak mo."

Pero talgang nagtataka pa rin ako kung paano ako napunta sa isang lugar na ganito. I have no clue on what happened, kasi nasa bahay lang ako...nagbabasa tapos mapupunta na lang ako sa isang lugar na 'di ko man lang alam? Ano to being kidnapped in an unknown place with an unknown person...at hindi pala siya tao. Napakagandang loob ng kanyang tahanan. Puno ito ng magagandang palamuting shells, malinis, maayos at mabango. Para kang nilagay sa isang hotel na 5 star. Maliit ang bahay niya at pare-parehong pabilog ang bawat kuwarto ng bahay niya.

Tinanong ko uli siya, "Nasaan po ako? Sino ka? At bakit ako nandito?" magkakasunod kong tanong dala ng talagang hindi mapalagay na damdammin ko.

"B-bakit ba ako nandito?! Nagbabasa lang ako kanina doon sa silid ko! Tapos bigla na lang ansakit na ng katawan ko at higit sa lahat, NASAAN AKO?!"

"Kumalma ka muna iho!"

"Kalma?! Eh, wala na nga ako sa bahay ehhhh!"

Napakabigat ng pakiramdam ko at hindi ko rin alam kung bakit dahil-

Lumapit na ang babaeng kasama ko sa kuwarto at hinawakan ang mga kamay ko. At ano itong nararamdaman ko? Ang nararamdaman kong ito'y kakaiba parang-- ughhh...ang sarap sa feeling-n-n-na hawak ang kamay ko ng isang babaeng napakaganda at ughhh...shit ang init!

"Ganito kasi 'yon... nakita kita sa isang parte ng gubat na kung saan malapit lang din dito sa bahay ko. Andoon ka na, halos mamatay ka na sa pagod, ang damit mo'y gutay-gutay na. Tapos ang pakpak mo ri'y kakaiba."

"HAAAA?!"

Anong-

"Tapos para kang hinahabol, ang sabi mo'y hinahabol ka nila at humihingi ka ng tulong."

"P-pero?! Nando'n lang ako sa bahay ehh?"

"Siguro nga pagod mo lang 'yan. 'Wag kang mag-alala ayos ka lang dito, walang nakakaalam sa lugar ko. Tapos ang mga humahabol sa'yo, wala nang naabutan ko kanina. Mukhang hindi kanila nasundan mula rito."

T-teka lang? Anong ibig-sabihin nito? Sabi niya mayroon din akong pakpak na magkaiba, tumatakas raw ako? Nakoo!! 'Wag naman sana...

"A-ano nga palang pangalan mo?" ang tanong niya.

"Aking ngalan? W-wala po akong gano'n." Sa tingin ko'y kailangan ko munang magpanggap.

"Hmmmm... Sige, ano kaya kung bigyan na lang kita ng pangalan?" Aniya at walang imik lang naman ako.

Tumingn sa itaas at iInikot ang mata niya sa paligid.

"Sige, simula ngayon ang pangalan mo ay Carl!"

"Carl?! Hmmm... HAHAHA, sige po!" agad kong naisumbat.

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya at ngumiti naman ako.f

"Diyan ka muna kahit hanggang mamayang umaga, at tingnan kong muli kung ayos ka na nga ."

"Maraming salamat po..."

"Tawagin mo akong Fritiny."

"Bagay na bagay sa inyong pangalan. Sadyang nakabibighani rin. Isa ka ngang Diyosa sa aking mata."

"Hindi ako isang diyosa Carl. Isa akong diwata. Sya, sya. Bukas na tayo mag-usap at makapagpahinga ka muna." ang hindi ko inaasahang sagot niya.

Pumikit na lang ako gaya ng sabi niya.

...

*Kinaumagahan*

"Magandang umaga po sa inyo!" Ang agad kong bati nang makita ko siyang papasok na sa kuwarto. Ang silid ko'y walang pintuan kaya't kita ko siya agad.

Ngiti lang naman ang sumbat niya.

"Kamusta ka na? Kaya na bang makahabol ng roggy 'yan?" Ang sinabi niya at ewan ko ba kung joke ba 'yon o... ano ba 'yong roggy?

"O-opo!" natatawa kong saad. "A-ano po ang r-roggy?" Nanlaki ang kanyang mata sa aking sinabi.

"Hindi mo alam ang roggy?" Umiling ako dahil wala naman akong alam tungkol sa lugar na 'to at wala pa sa kuwento ni nanay ang ma hayop o ano man dito. "Ganito iyon, Ang roggy ay ganito--" Itinaas niya nang kaunti ang kanyang kamay hanggang sa waist-line level at may hologram na nagpakita; isang rabbit na naka-upong parang palaka at may mahabang dilang pang palaka rin."

"Ba't parang a-anlaki po niyan?"

"Hehehehe!" Hindi ko gusto ang tawang 'yan ah. At natural, nagpakita siya nang nakakatakot na ngiti.

"B-bakit ka po t-tumatawa?"

"Halos sinlaki na kayo ng hayop na 'yon, kaya mo kaya? Hmmm...'wag na masyadong maraming tanong! Bumangon ka na diyan at kakain na. Bago tayo kumuha ng kung anuman sa labas maya-maya."

"Hu-huuh?!" Hinatak niya ako mula sa pagkakahiga at pinatayo agad hanggang sa nasa kusina na nga kami.

"Wisi epil ad siuo!"

"A-ano po?" Napataas kilay ako. "Ano po 'yong ginamit niyong lengguwahe at ang kanyang kahulugan?"

"Iyon ang DiaDdeQheGofh. At ang sinabi ko ay "Maraming salamat sa mga pagkain." Naintindihan mo na?" Wow!!! Ang galing pero ang hirap namang i-pronounce... hehehe.

"Bakit kailangan po bang sabihin 'yon bago kumain?"

"Oo naman! Ito ang pinakaunang ginagawa namin kapag nasa hapag na. Naka-ugalian na rin dito."

At sa pagkain pa lang ang dami ko na namang nalaman tungkol sa lugar na 'to.

"Uhmm, maaari ko po bang aralin ang lengguwahe ninyo? Kung maaa--"

"Walang problema!" agad niyang sagot. At sa wakas alam ko na ang una kong gagawin—ang aralin ang DiaDdeQhe-- ano ulit??

"A-ano po ulit 'yon...DiaDdeQhe...?"

"Gofh, DiaDdeQheGofh," pagtutuloy niya. "Mamaya na ang tungkol sa ibang gawain. Kapag oras nang pagkain, kain lang muna. Ok?" tumango lang naman ako.

...

Pagkatapos nga naming kumain ay binigyan na niya ako ng isang libro at may ipinakitang hologram. Ito ay ang lahat ng letra sa DiaDdeQheGofh."

Note:

(Ang DiaDdeQheGofh ay gawa ko rin kasama na ang mga letra. At nanggagaling ang mga salita sa wikang latin.)

Buong tanghali lang akong nasa silid na kanyang binigay at binabasa rin ang mga pinakita niyang libro tungkol sa mga hologram kanina.

*BAMM!* *BAMM!*

Mayroong malalakas na kung ano man mula sa labas...at hindi ko alam kung ano ang nasa labas. Ngunit may kutob din akong si Fritiny na nga iyon. Hmmm?

Ilang oras naman na ang nakalipas, kaya baka siya na siguro 'yon.

"Hello? Ikaw na po ba 'yan?" ang sigaw ko mula sa sala ilang hakbang na lang malapit sa pituan.

Wala akong narinig na sagot mula sa loob hanggang sa malapit na ako sa bandang front door. S-siya na nga ba ito? May naririnig akong hinihingal sa kabilang banda nitong pinto. Hindi ko siya pinagbuksan dahil ang sabi niya'y tatawagin niya raw ang pangalan ko at kakatok ng limang ulit.

Makaraan ang ilang minuto'y tumigil na ito ngunit wala pa ring nagsasalita. Ang noo ko'y kunot na sa kaiisip kung siya na nga ba. Sige, hintayin ko muna kahit ilang minuto lang...

At isaaaa....

dalawaaaa..

"ANG TAGAL!" Saka ko tinulak ang pintuan at *BAM!* mayroon yatang nahagip?! hehehe...

"Advance sorry na lang!"

"GRRRG! ANONG SORRY?!" Napakamot ako sa sinabi niya at...

"ARAY!" Hinampas niya ako ng pagkalakas sa mukha. Sa lakas ng pagkakahampas niya'y tumilapon ako nang isang metro mula sa pintuan. At ang nakakainis pa, pagmulat ko'y ramdam kong may kung anong malagkit sa mukha ko. Hmm...

"A--ANOOO 'TO?!" ang naisigaw ko nang makita ang bwisit na ewan ko kung ano man ito! basta bwisit!

"BAKIT MO AKO DINABOGAN!"

"HINDI NAMAN EH!"

"ANONG HINDI?!"

"AYUSIN MO PAGSASALITA MO!"

"Ayh ehehehe. Sorry pooo!"

"Sakit sa ulo kang bata ehhh!" Tsaka ngumiti ang nakasimangot niyang mukha. "Hindi, biro lang naman. HAHAHA! Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng bisita." Pambawi rin niya.

Ako pa talaga uutuhin mo eh! Baka loko-loko rin 'to?

"HAHAHA! Pero nakakainis po itong binigay mong slime... slime po ba ito? Basta ang lagkit po na ano... hmmm... mejo sem*lya po ang texture..."

*PAK!*

"ARAY! B-Bak--" At sampal sa mukha ang inabot kong muli sa kanya.

"Ang bata, bata mo pa lang 'yan na ang naiisip mo!"

A-ahh 'yon pala ibig niyang sabihin. hehehe

"P-pero normal naman na po 'yon eh! A-alam ko lang ang textu--"

"SHH!" At tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niyang meron din nito! "Tama naaa! Baka may makarinig na inuulit-ulit mo pa eh!" dagdag pa niya.

"PWEE!" May kaunti akong natikman sa likidong 'yon at nakakadiri talaga! Mapait pa sa ampalaya!

"A-Ano--" Nanlaki ang mata ko nang makita ang... "NAPAKALAKI NAMAN NG ROGGY NA 'YAN!"

"SHHHH!" At hinatak niya agad ang hawak na roggy at sinara ang pinto. "Ang ingay mo!" reklamo niya.

"Huwag nang maraming satsat at tara na. Maligo ka na. Pati ako. Masarap ang kakainin natin maya-maya lang.

"Ah, m-mauna ka na po sa pag-ligo." Tumaas ang kilay niyang isa.

"B-bakit po?"

"Tara na, sabay na tayong maligo. Kailan pa noong may ibang kumuskos sa likuran ko namimiss ko na ang pamilya ko. Hmmm..." Pagkasabi'y dumiretso na siya hawak ang kanyang tuwalya at tabo at gagamitin pang panligo niya.

A-ah... M-maliligo ako k-kasama siya???! PA'NO 'YON???! K-kami sa iisang p-paglili---guan?!

"P-pero?"

"Kunin mo na 'yong tabo at tuwalya mo doon. Mauuna na ako." Naglakad na nga siya at aking hinawakan ang ang paa niya para hindi magpatuloy, ngunit kakaiba talaga ang angking lakas na mayroon siya! Arghhh! Ang hirap niyang patigilin! Masyado talaga siyang malakas!

Hanggang sa... nakakapit pa rin akong parang tuko sa mga paa niya. Tumingin sa harapan at dalawa pa lang banyo ang meron siya.

"A-ah--akala ko po sabay tayo maliligo?"

"Oo naman!" agad niyang sagot.

"A-ayh hehehe." Bumitaw na ako dahil naintinihan ko na ang ibig niyang sabihin. Bwisit! Akala ko pa naman. Napabuntong-hininga na lang ako sa nangyari.

...

At ayon nga gabi na naman. Tapos na kaming maligo at kumain at handa na namang matulog.

Nasa kuwarto na ako nang bigla na siyang pumasok. Mukhang mayroon siyang sasabihin. Inaantok na ako.

"Diba, nag-aral ka ng tungkol sa mga monsters dito sa lugar natin?" aniya.

Napataas lang ako ng kilay.

"Iba pong binasa ko kanina, karaniwan tungkol sa mga spells, at kung saan ito maaaring gamitin at iba pa. Basta't tungkol lang sa mahika at chant nito."

"Ah ganoon ba? Kailangan mong matutunan iyon bukas bago magtanghaling-tapat. Dele?"

"Dele!" Dele o Okay.

"Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas."

...

Gaya nga ng sabi niya sa akin, paggising ko nga'y ginawa ko na ang sabi niya. Hindi pa tumitilaok ang mga manok nakabangon na ako... Teka, may manok ba dito?! Nagbasa ako agad pagkabangon, at inaral ang mga bagay na sa tingin ko'y makakasalamuha namin mamaya.

"Oyy! Ang aga ah! Himala!"

"Unang araw ko pa lang po dito sa bahay niyo kaya syempre 'di niyo pa ako kilala," singhal ko.

"Asuss! Andaming salita. Pang-ilang pahina ka na ba?"

"189 out of 365."

"Wow! Ang bilis ah!"

Nagdire-diretso lang ako sa pagbabasa hanggang sa matapos ko ang buong libro at mukhang malayo pa ang tanghaling-tapat kaya naman ako'y kumuha pa ng isang libro tungkol naman sa mga demnyo. Kasi maaari pa ring may makita kami sa daan maya-maya lang.

Natapos ko itong muli dahil 132 pages lang naman. At ang isinunod ko naman ay tungkol sa mudong ito. Mga tanyag na lugar, at iba pang mga nakalagay na mahahalaga at kakaibang lugar dito.

...

Nasa labas na kami nang tanungin niya ako, "Ano, Carl? Handa ka na?" ang tanong niya sa akin.

Huminga ako ng malalim at isnigaw, "OPO! HANDANG HANDA!"

"At ang uunahin natin syempre ay ang paghahanap ng mga kabute!" A-ANOOO??!

"K-kabute?! Bakit po kabute?! Akala ko ba mahihirap na huliing pagkain?!"

"Oo nga! Hindi mo pa kasi nakikita! Oh, ayan na tingnan mo!" At may binato sa lupang isang maliit na diyamante at may hologram na lumabas.

"Wow! Ang galing! Yiiee! Yuck! Nakakadiri po masyado! Sigurado ka po diyan?!"

"Tsk." Ang tangi niyang sumbat. Tinitigan ko lang naman ang hologram at binasa ang nakasulat.

"Isang boleom, ang pinaka masarap na kabute ay makukuha sa likuran niya at doon tayo magsisimula dahil ilang metro lang mula sa bahay sila makikita," dagdag niya.

Nanginginig ang mga paa ko sa sinabi niya dahil ang mga hayop na mga 'yon ako kinikilabutan.

"Ba't po ba 'yan?! Puwede ba akong mag-pass diyan? Hehehe."

"Anong pass?! Iiwan na kita diyan, tatanggalin ko ang barrier para makapasok sila sa bakuran, cge ka!" pagbabanta niya.

HALA! Nakakainis naman 'to hindi ugaling pang diwata! 'Yang blonde na buhok mo dapat black tas dapat may sungay ka rin napaka-salbahe mo sa'kin!

"Edi babalik na lang ako sa loob!" singhal ko at naglakad nga ako papasok ngunit biglang humangin ng pagkalakas. Napatigil ako dahil dito at tumalikod dahil sa harapan ito nanggaling. Nang tumigil na'y pinagpatuloy ko na.

Teka?! B-BAKIT?! "BAKIT NAKA-LOCK NA?! Ako ang huling lumabas! Hindi ko naman ni-lock!

"Napakababaw mo naman. Tsk! Syempre 'di mo nakita. 'Yong hangin kanina? 'Yon lang naman ang ginamit ko para magsara," singhal niya.

BWISIT NAMAN! Baka puwedeng mabuksan kung pupwersahin ko...

Tinadyak-tadyakan ko ang pinto ngunit ayaw talagang bumukas. Binato at marami pang iba para makapasok ngunit wala talaga. Sinubukan ko ring gamitin ang natutunan kong mahika kanina. Wala! Wala talagang epekto!

"Hindi tatablan ng physical attack at low-level magic ang bahay ko kaya 'wag mong subukan. Pero kaya nang pumatay ng isang galeo ang apoy na 'yon. Maluluto pa agad ang mushrooms sa likod niya! Baka gusto mong subukan?" Tumingin ako sa kanya na nakataas ang mga kilay at hindi hindin magandang timpla ng mukha.

"Bukod doon, marami rin akong maaaring ituro sa iyo... Sabihin na nating pagsasanay mo... Ano sa tingin mo?" Ang maliwanag at marahan niyang sabi. Nakatitig pa rin ako sa kanya at binaba ang isang kilay.

"Hmmm--- sige!" Agad kong sabi nang ako'y makatayo.

Gaya nga ng kanyang sinabi, naglakad na kami papunta roon. Hindi ko alam kung saan basta't sinusundan ko na lang ang pinupuntahan niya.

Pinagmamasdan at iniikot ang mata ko sa napakalawak at napakatahimik ng gubat kaya medyo creepy ang gubat na ito. Malalaki ang mga kahoy, kakaiba ang hitsura nila sa puno sa earth, parang mga libo-libong taon na ang nakalipas ng mga ito ay tumubo at ang laki ng mga dahon niya ay kasinlaki ko lang! Pero sa daanang tinatahak namin ay napakalinis, at wala man lang kahit na anong dahon o sanga ang nakaharang sa daan...

"Ayon! Nakikita mo sila?!" At itinuro ang direksyon nila at nasa isang tabi ng mga kulubot dalawampung talampakang mga punong kahoy. Ang hayop ay kumakain pa kaya't sinamantala na ni Fritiny ang pagkakataong iyon.

Tumayo siya nang matuwid. Gamit ang kamay: iniunat ang kanyang braso pasulong; itinaas ng kaunti; inikot nang isang beses at binabang muli hanggang sa katapat ng dibdib; at iniurong konti ang braso, mula dito'y kita nang may namumuong malaking apoy sa kanyang kamay. At kanya na ngang binitawan patungo sa direkson ng galeo at ito'y nasapol. Malaking pagsabog ang sunod na nangyari at paglaho ng usok ang hihintayin bago malaman ang resulta sa atake niya. "Higit sa dalawampung pulgadang pabilog lang ang nailabas mong apoy, parang imposibleng napabagsak mo siya." Agad kong sabi.

Hindi man lang niya pinansin ang negatibo kong saad.

"Hindi ko akalaing ganito ka kasaya pagkatapos nang ilang taon mo sa iyong pugad."

Pugad? Huh?

"Anong ibig mo pong sabihin?!"

Magsisimula na sana muli ako bago siya nagtanong.

Wala naman na itong sagot at nakatingin lang sa akin. Kaya naman susubukan ko na lang muli ang turo niya.

"Teka! Siguro napansin-"

"'Yong black magic po ba? Kanina ko pa napapansin pero-" Tinakpan niya ang bibig ko. Parang dama ako ang malambot niyang su-- este, malakas na tibok ng kanyang puso dahil magic na yun o ano man.

"Sabi na nga ba, ikaw ang batang 'yon!" Huh?!

Anong mga tanong bang binabato niya sa'kin.

"Ang a-alin po?"

"Ang narinig ko na isang batang anghel na tumakas mula sa isang palasyo at hindi siya normal. Isinumpa raw siya. Iyon ang aking mga narinig." S-so?! Hala! Oo nga! Ako nga pala 'yong bida sa kuwento ni mama! Nalihis sa isip ko ang tungkol do'n.

Tinanggal ko sa bibig ko ang kamay niya at sumagot, "a-ako nga po!"

Magpapanggap na lang ako, total hindi niya rin naman alam.

"Alam ko na sa simula pa lang. Hindi ko lang sinabi. Tsaka gusto ko ring makita ang kapasidad ng kakayahan mo."

"Nasaan sila?!"

Hindi nga niya ba naramdaman kanina pa?

"Marami sila, higit isang dosena." Pumikit ako at lalo pang lumawak ang nasasagap kong impormasyon. "Dalawampu... 'yon lahat ang bilang nang nakapalibot po sa atin!"