Chereads / A Malvados' Curse Book 1: The Reawakening (Taglish) / Chapter 7 - Chapter 4: "What a Little Boy Can Do" (Part III)

Chapter 7 - Chapter 4: "What a Little Boy Can Do" (Part III)

Meanwhile, in the castle of the Demfs.

"Handa na ba ang mga lamesa Medina?" tanong ni Reyna Terins sa isang utusan. Tumango naman ang yaya at bumalik sa pag-aayos ng mga palamuti sa pangyayarihang dining area nila mamayang hapon.

Naglakad-lakad ang reyna at pinagmamasdang maigi ang mga disenyo at sinsabi kung mayroong mali o ano pa man. Hanggang sa nakarating na siya sa labas, at napaisip, "Ano kayang magandang idugtong pa sa pangalan na ibinigay ni Fritiny?" At simula nang naisip niya ang tanong na iyon ay bumalik siya sa loob.

May nakita siyang isa sa mga alila na palabas at kanyang tinanong, "May naiisip ka bang maaari pang idugtong sa pangalan ni Carl?"

"Wala po eh," agad na sagot nito.

Pero hindi nawalan ng pag-asa ang reyna at muling nagtanong, "Walang kahit ano?" Umiling na lang ang yaya dahil ang nasa isipan niya lang ay ang gagawing paglilinis niya.

Nagpasalamat si reyna Terins at ibinaba naman ng lingkod ang kanyang ulo hanggang makalayo na ang reyna.

Ngunit hindi nagtatapos doon ang pagtatanong ng reyna. Lahat ng mga tagapaglingkod nila ay kanyang tinanong isa-isa. Ngunit ang lahat naman din ay magalang na tumanggi at walang nakuha ang reyna.

Pero ang reyna ay talaga namang pursigido sa kanyang balak na dugtungan ang pangalan ng prinsipe.

Lumabas muli ang reyna at nag-isip.

"Ang aking asawa kaya? O si Fritiny... Ah 'wag na pala si Fritiny-"

Nakatayo pala siya sa isang sulok at nagtanong, "Ahh... Bakit po teacher? Narinig kong tinatawag niyo ang aking ngalan."

"Ahh- wala. Ipagpatuloy mo lang 'yan." ani naman ng reyna.

Tinuloy naman na ni Fritiny ang pagti-trim sa mga halaman at inaayos ang korte ng mga ito. Habang ang reyna, napapatingin na lang sa itaas at iniisip kung sino-sino pa ang pupuwede niyang pagtanungan.

Pagkalipas ng ilang minuto ay napa-upo na ang reyna pero walang pumapasok sa isip niya. Kaya minabuti na lang niyang tanungin si Haring Greoie, ang kanyang asawa at hari ng palasyo.

"Mahal?" tawag nga ng reyna habang naglalakad papunta sa kanilang silid. "Mahal?! Nasaan ka?" pag-uulit niya.

Sa paghahanap ng reyna mula sa kuwarto nila ay nakita niya si Medina na kinukuha ang ibang mga maaaring labhan pa.

Si Medina ay isang 53 year-old, mayroong slight-wavy red hair at magandang mukha. Isa rin siya sa mga naging estudyante ng reyna.

Nang nakita ng reyna ang dalaga ay agad niyang hinanap ang hari at sabing nakita niya raw ang hari sa balkonahe sa pangatlong palapag, saka umalis nang makuha na lahat.

"Maraming salamat," aniya pagkaalis nito.

Nang wala na sa paningin ni Medina, binanggit niya ang mga salitang, "Spekulo de Quod Alius Ianua, Patefasio mihi! Teridio!" At lumabas ang isang bilog na isang portal. Sa portal na iyon kita na ang hari na papaloob na ng bahay. Kaya't wala na siyang sinayang na oras pa at dumiretso sa loob.

"Mahal na Greoie! Mahal," pagtatwag sa ngalan niya. Tumingin ang hari sa kanya.

Tumatakbo na ang reyna habang jinahawakan ang mahaba niyang gown. "Sandali lang!" Namali ang hakbang niya at matatapilok na sana ang reyna sa pagmamadali... Pero nandoon ang hari at siya'y nasalo.

"Ako'y humarap

Ang mahika ng aking irog

Aking naramdaman.

Ano ang iyong pinagmamadali?" tanong ng hari.

"N-nais ko lang namang m-magtanong..."

"Ang mala-niyebe mong kutis

Mistula nang mala-rosas

Ano ang iyong nais?"

Ang reyna ay namula dahil sa romantikong hari at napatitig na lang sa hari. Siya'y makisig kahit pa man siya'y isang daan at limampung taong-gulang na. Pati ang reynang isang daan at apatnapu't limang taong-gulang na ay mala-diyosa pa rin ang mukha, at katawan niya.

Mayroong light brown na kulay ng buhok, ang mata niyang perpekto ang hugis at may kumikinang na emerald na kulay, mala-niyebeng kulay ng balat, matangos at magandang hugis ng ilong, balingkinitan ang katawan, palaging maayos at malinis tingnan kahit pa man pinagpapawisan, nasa isang trabahong mabigat, o sa isang labanan, at ang inaalagaan niyang rosas na labi . Ito ang mga katangiang mayroon sa reyna.

Blonde, magandang pagkatangos ng ilong, makisig, light peach na kulay ng balat, ang kanyang katawan ay napapanatili pa rin sa kasiglahan, at mga matang kaakit-akit na kulay rubi. Ito naman ang maalindog na hari.

Dahil ang lifespan ng mga anghel ay limang daang taon. At magsisimula sa pagtanda sa dalawang daan at limampung taong-gulang na sila.

Itinayo na ni Greoie ang reyna at nagpatuloy ang reyna sa tanong.

"Mahal, ano sa tingin mo ang maaari pang maidagdag sa pangalan ng ating prinsipe?"

Hindi muna sinagot ng hari at niyaya ang reyna sa handrail na parte ng balkonahe at tumingin sa malayo.

"Mukhang hindi maganda ang panahon doon, sa tingin ko," ani ng hari. Napatitig lang ang reyna sa asawa at hinhintay ang sagot.

"Teka lang!" biglang sabi ng hari. Ginamit niya ang Aquila Vision(Eagle Vision) at gamit ito'y nakita niya ang nag-aapoy na kulay na pamilyar sa kanya.

"Mahal!

Ang ating mga supling...

Napapalaban sa dilim!" nababahalang ani ng hari.

Tumaas ang kilay ng reyna, "Huh?! Saan?!"

"Doon!" At itinuro ng hari ang direksyon kung saan nagtungo ang kanilang mga anak.

-End of the chapter-