Chereads / A Malvados' Curse Book 1: The Reawakening (Taglish) / Chapter 10 - Chapter 5: "Iliotrópio at Prásinos" (Part III)

Chapter 10 - Chapter 5: "Iliotrópio at Prásinos" (Part III)

"Huwag ka nang mag-alala prinsesa. Nandito na kaming mga Jr. Inquirioirs," ang malamig na boses na dumampi sa tenga ng prinsesa ng anghel na sumalo sa kanya.

Isang blonde, mayroong kayumanging kulay ng mabilog niyang mata gano'n din ang kulay ng kanyang balat, at matipunong anghel na mandirigma ng Scharthyle. Siya ang isa sa mga nagbabantay sa Ppgerte na inutusan bumalik para patigilin ang nag-aamok na kalaban. Maraming tagahanga ang labindalawang taong-gulang na binata sa Ppgerte dahil sa angking kalingkingan, palagiang maayos na pananamit, at higit sa lahat ay kinagigiliwan nang lahat ang anghel na ito. Siya si—

"Humanda ka na Iliotrópio!"

"Palagi akong handa sa pagliligtas ng iba."

"Kaya ka gustong-gusto ng mga tao eh! HAHAHA! Sige na, ako nang bahala sa mga nasa ibaba," ani naman ng kasama niyang isa, si Prásinos Ed Bun, ang pinsan ni Iliotrópio.

Mayroon naman siyang green na kulay nang wavy niyang buhok, at kayumanggi ring kulay ng mata at kutis ng balat. May kasingkitan ang dalawamput isang taong-gulang na binatang ito at makapangyarihan rin na mayroong level na 73.

Ibinaba nang maayos ni Iliotrópio si Prinsesa Zeline at hinarap ang nakatayong sugatang baka.

Agad niyang singawan ang kalaban, "Ako ang harapin mo!"

"Wala akong pakialam sa 'yo! I-isa ka rin naman sa mga..." at napa-ubo, "Ugh-ho-hoo!" Hindi napatumba nina manuel at Zeline ngunit malaki na ang natamo niyang damage mula sa dalawang malaking atakeng 'yon.

"Huwag ka nang magdaldal pa at tapusin na natin ito!" panghahamon ng mandirigma.

"W-wala akong inuurungan!" at muli, napa-ubo pa si Rey at mayroon nang mga dugong sumasama sa bawat pag-ubo niya.

Tumayo siyang matuwid; kumuyom ang kanang kamao at itinapat sa kanyang dibdib; pinagdikit kanang buko sa dulo ng mga daliri sa kaliwang kamay, at bumulong, "Dos de Igris, Dolosd!" Nang mabanggit niya ito'y pinag-slide niya ang kanyang mga daliri hanggang binalot na ang kanyang kanang kamay, at lumabas ang apoy na aura sa kanya. At ang palalabanan nang sugatang si Rey laban kay Iliotrópio ay nangyari na.

Si Prásinos naman ay bumaba at dinurog ang animnaput-pitong level 25 na natira nang itaas niya ang hawak niyang duoble-bladed sword, at nag-cast ng isang earth magic, "Glojus Iqigles, Dolosd"

Unti-unting namuo ang isang maliit na bato sa kamay niya hanggang sa naging mas malaki pa kaysa sa kanya. Tumigil ang paglaki nang naabot na ang dalawang metro na tumakip sa liwanag at sila'y dinganan. Pagkatapos mawala ang bola ng batong 'yon ay kita ang mga abong nahipan nang isang hangin mula sa mga demonyong nakatayo sa ibaba.

Nang matapos niyang puksain ay agad na lumipad papunta sa islang kinatatayuan ni Carl nang mayroong ngisi sa mukhang kayang tapusin at napa-isip pa, 'napakadali naman!'

Naabutan niya nga ang kanyang habol. Si Carl na kanya ring ililigtas dahil sa sitwasyon niyang halos hindi na makagalaw. Nanginginig na sabi ni Carl, "Pabagsakin mo muna ang magong 'yon! B-bago mo—" at napa-ubo siyanang dugo. Hindi maganda ang naging resulta unang laban dahil nasobrahan siya sa paggamit ng mahika at napagod na ang kanyang katawan para kahit paglalakad lang ay mabigat nang gawin.

Bagama't malaki at makapangyarihan ang pinakain ni Prásinos, mayroong madulas pa ring isa at nakatakas kanina na level 40, gaya nang nakalaban niyang malaki ang katawan at higanteng demonyo. Ito ang kanyang hinarap, at sumiklab ang boring na laban at halos hindi man lang nakadikit sa kanyang mga kutis ang alikabok na pinapalabas nang nangwawalang demonyo.

Sumigaw siya, "Huwag mo nang sirain pa ang islang ito!" At ibinuka ang pakpak at kumuha nang magandang buwelo. Ipinayagpag ang kanyang pakpak at napakapit sa marupok na bato ang kalaban, nagdudurog-durog ang ibaba nang kinakapitan niya sa lakas. Ihinarang naman ni Carl ang kanyang pakpak at kumapit lang sa isang batong nakabaon.

Pagkatapos nang maalikabok na eksenang iyom, ang anino ng mago ay nawala ganon na rin ang isa pang demonyo.

Bakas pa sa mukha ni Prásinos ang tuwa, at nakalabas pa ang ngipin niya. Habang patuloy pa rin sa pamamayagag para mailayo ang usok at alikabok. Hinhintay na maglaho ang lahat at matingnanang batang kanyang sasagipin.

Sa maalikabok na dakong 'yon kung saan si Carl kanina'y nakadapa at pinipigilang maitangay nang pagkalakas na hangin, ang magkaibang pakpak na anghel ay hindi nasilayan ng berdeng mata ni Prásinos na nagpabukas nang kanyang bibig, paunti-unti. Nagkasalubong ang kilay sa pagtatakang naramdaman nang hindi niya ito natagpuan. Nilakasan at binilisan para matanggal na ang tumatakip sa kanyang inaabangan.

Sa bilis ng takbo ng pangyayari, walang aninong nakita ang tagapagligtas sana ni Carl, habang tinatanggal at nang mawala na ang mga masasakit sa ilong. At naiwang nakabukaka ang bibig sa gulat, utal na napatanong, "N-nasaan na siya? Masyadong mahina ang katawan niya kanina na kahit paglalakad ay hindi na niya nagawa!" pag-aalala nga niya.

{[Hatuse's POV]}

Akin siyang dinampot bago pa man matangay nang tuluyan ang makapal na usok. Sa paraang ito'y walang makakakita sa akin. Mabuti na lang at mayroong dumating na tulong, at kung wala, baka ginawa ko na ang una kong plano.

Tumatakbo ako buhat-buhat siya sa aking balikat papunta sa parte ng kakahuyang minarkahan kong pinakamalapit sa mula sa kuta ko.

Ang mahalaga sa ngayon ay nakuha ko na siya, at isa pa, nanghihina na siya para tumakas pa. Wala rin naman siyang magagawa kung ang kanyang pakpak ay mahina na. Dagdag pa roon, napagod na siya sa laban niya kanina at napansin ko ring nag-aagaw hininga.

Kailangan ko nang makabalik muli sa wasak na palasyong 'yon, ang Unnamed Kingdom, na nasa ibabang banda nang mahabang bulubundukin ng mga higante. Kailangang lampasan namin ang karagatan at tatlong malalawak na pook, pero wala na kaming oras para doon. Baka maabutan nila ako habang naghihintay ng barko papunta sa malawak na kontinenteng 'yon, ang Corno Egress. Kung saan nakatayong matayog ang Qwinsswush Ranges, mula sa pinaka-hilagang-kanluran ng kontinente.

Nang makarating kami, agad kong ginawa ang GAM long-distance teleportation magic; kumalma ako at kumuha nang malalim na paghinga, at sa pagmulat, inunat ang aking kamay na nakabukas lang ang hintuturo at hinlalaki; pinagdikit ito at nakabuo nang trayangulo. Naiipon na ang dark energy sa gitna nang hugis at hinihigop ang kakaunting sumisilip na liwanag sa gubat na ito.

"Oww Obise!" seryoso kong pagbanggit sa kara.

Nang aking magawa ang kinakailangan, lumutang ang itim na mahika at patuloy pa rin sa pagsagap, at unti-unting namuo ang isang itim na mahikang nagsimula sa parisukat at naghuhugis obalo na rin pagdaan nang ilan pang paghihintay.

Habang ito'y nabubuo, napapatingin ako sa bata at napapa-isip kung hanggang do'n nga lang ba ang kakayanan niya. Kung kailan pa siya naparito at kung anu-ano na ang natutunan niyang gawin sa mundong ito.

"Kung kagaya lang din siya ng dati ko nang nakita na puro lang pagkain, kayamanan, at paglalaro sa mahika ang inaatupag, hindi na rin siya nakakatuwang humihinga pa rin hanggang ngayon," napabulong ako. " Kay tagal na noong huling maayos at may paninindigan ang batang napili ko ngunit masyado pa rin siyang mahina para sa Oncest."

"Sa mga laban nang may sungay na 'yon, hindi ko pa nakitang ginamit niya ang kanyang buong lakas at hindi man lang nasilip ang kahinaang meron siya!" pagsigaw ko, at nakapagbato pa ako ng bolang apoy sa aking glid sa galit. Hindi ko na nakontrol ang loob ko kahit na iniisip ko pa lang ang pangalan niya.

Napabaling ako sa portal at ito'y handa na. Kita mula sa obalong portal ang destinasyon naming isang madilim na lugar, ang aking kuta nang buong dalawang daang taong pagtatago ko.

Pumasok na rito — nanghina ang mga tuhod ko at napaluhod ang kanan ko saka nabitawan ang hawak na anghel at bumulugtang nakalapag ang mga kamay. Bigla akong napaluhod sa panghihinang naramdaman. Halos maputulan ako ng hininga sa tagal nang naramdaman kong hindi ko matukoy na nasa lalamunan ko at hindi makalabas ang hangin. Sabay na rin nang pagkawala ng ilaw na nanggagaling sa portal.

Ramdam ko ang biglang pagkaubos ng malaking halaga ng enerhiya mula sa aking katawan na parang nilabas ang buong lakas ko para manghina nang gano'n kalala. "Sabi ko na nga ba, mahaba at mahirap talaga ang paggamit ng GAM na 'yon lalo't dalawa pa kaming dumaan kaya nadoble rin ang nabawas na enerhiya sa akin."

Pati ang bata'y hingal rin kahit wala pang malay.

Nagpahinga muna ako saglit dahil pati ang paningin ko'y naapektohan rin, nanlabo at kakailanganin ko nang mahaba-haba pang pahinga bago siya magising.

...

Inabot ako nang limang minutong pagpapahinga na nakasandal ang likod sa dingding.

'Bago pa siya magising ay itatali ko na sa batong malapit sa kuwarto ko gamit ang kinuha kong mga makakapal na baging singkapal ng mga braso niyang sakto lang ang laki para sa isang batang tulad niya.'

Tumayo ma ako at ginawa ang naisip. Maraming tanong ang nakahanda para sa kanya at pagsusulit na...sana nama'y malagpasan niya... at kung hindi man — "Humanda na siyang kumaway sa mga walang kuwentang mga batang nauna kong nahawakan!"

-end of the chapter-