Chereads / A Malvados' Curse Book 1: The Reawakening (Taglish) / Chapter 3 - Chapter 2: "Aking Pagbabalik"

Chapter 3 - Chapter 2: "Aking Pagbabalik"

{[FRITINY's POV]}

Sa simula pa lang ramdam sa galaw at sa hitsura nang nakita kong batang ito'y malayo sa kuwentong nangyari sa kanya na minaltrato at iba pa. Ang tanging pinaniniwalaan ko lang ay ang isinumpa siya, sa kulay ng buhok, mata, at sa angking lakas na nasa kanya. Huhubugin ko talaga ang talentong ito sa abot ng aking makakaya.

Ngunit balik sa batong nakaharang para makapagsanay siya --- ang mga demons! At sa tingin ko'y Palians ang mga ito at sa range ng level mula 30 to 35 lang naman. At ako'y level 45-- ngunit sa bilang nila-- Aghh! Talagang mahihirapan ako dito!

Si Carl na level 25 na rin, kahit na gano'n pa ma'y malakas na ang kanyang senses at na-locate at nalaman na ang kanilang bilang nang hindi pa pumipikit para makapag-concentrate! Mahusay, aking partner!

"Don't let your guard down, dahil hindi natin alam kung kailan at saan sila aatake. Ang nakakatakot kung sabay-sabay silang susugod, dahil wala talaga akong laban kung ganon," ang sinabi ko sa kanya.

Tinanggal ang kamay ko sa bibig niya at tumingin siya sa akin at sinabing, "Mayroon akong isang spell na natutunan tungkol sa isang defence/attack na puwede nating gamitin."

"Sige lang, sabihin mo." Kumalma ako saglit dahil sa sinabi niya.

"Ganito po ang aking plano. Medyo risky po ito. Gaya po ng sabi niyo, hindi ikaw ang target kaya naman tatakbo ka at lalayuan mo ako-"

"Masyado ngang risky!"

"Uhhh..ahhh...kailangan ko lang naman ng ilang segundo, kahit sampu lang. 'Di ba meron kayong baririer magic?" Tumango naman ako. "Maaari pong gamitin mo 'yon bago ka tumakbo para masigurado mo pa rin ang kaligtasan ko."

"Maaari, pero kailangan ko rin nang kaunting segundo para ma-activate ko ang barrier." Tumango siya tsaka siya tumakbo at ginamit muli ang kanyang apoy.

"Speculo Claustra Asyas --- Oww Obise!"

Mirror Barrier[1]- The diameter of the barrier is expandable up to 1 km. This is a high type of magic defence for any Lvl 50 and below characters. Can defend every physical damage(can be direct hit (by physical contact) or by the use of the sword, dagger, etc.) or magical damage up to 10 minutes.

"Halika na, CARL!" ang isinigaw ko at agad naman niyang sinunod. Pumasok na siya sa ginawa kong mirror barrier.

"May tiwala ako sa'yo Carl!" ang huli kong wika bago tumalon palabas sa bilog.

Rinig kong binabanggit na nga niya ang mga magic words para magamit na ang kanyang atake.

"Teka lang!"

Hindi! Susugod na silang limampung nakahawak nang espada sa kinatatayuan niya!

P-paano-- Tama, tiwala muna. May potensyal siya. Sa paraang ito, baka mailabas na niya!

Mukhang malakas nga ang kanyang gagamitin. Kita mula sa labas ang tila sing-init ng araw ang init na lalabas mula sa loob! Ito'y namumula-mulang gaya ng araw.

"Oww Obise!" Ang activation word!

Hihintayin na lang ang mangyayari.

*BOOM!*

Malakas na pagsabog ang nangyari. Sinunundan ang hugis-dome na ginamit ko ang pagsabog! Tumilapon ang lahat ng umatake sa kaniya papalayo. Natira lamang ang sampu pang Lvl 35 na Palians sa pagsabog. Hindi kapani-paniwala na ang low level na gaya niya ay kaya ng pantayan ang mga Palians. At tsaka ang ginamit niya kaninang spell, hindi ako sigurado sa kutob ko kaya tatanungin ko siya pagkatapos nito.

"Carl! Sagutin mo maya-maya ang tanong ko! Leave the rest to me!"

Sa akin na ang sampung ito!

{End of Fritiny's POV}

...

Bago ang madugong labanan nila ng mga natira pa. Kita sa mukha niya; sa kanyang mga mata ang nanlilisik at nagnanais na magpa-danak ng dugo. Yumuko siya at may lumabas na isang pana at ilang piraso ng palaso sa kanyang kanan. Itim ang kulay nito. Ang gamit niyang pana at nga bala nito'y nagngangalit na itim na apoy.

...

{[CARL's POV]}

"Wow!" That--is--just--insane!

She's now a badass shit fighting the ten of them: 2 archers, 3 wizards, and 5 melees at once. And she's a long-ranged! That's insanely cool! Buti at magkakapareho sila ng level at skills.

Pero sa tingin ko, dehado pa rin siya-- sampu laban sa isa ay isang napakahirap talaga na laban. Lalo na at 10 levels lang ang gap nila.

Kailangan ko ring panoorin ang laban at silipin ang bawat detalye na aking makikita. Sa paraang ito'y marami na rin akong matututunan na makakatulong talaga sa pagsasanay ko.

"SA LIKOD MO!" agad kong isinigaw ng makitang pasugod na ang isa pang naka-espadang demonyo o kambing? Basta nakakatakot na nakatayong kambing!

Ang mga mata ng Palians ay sadyang kakaiba. Ang korte nitong parang mata ng isang ahas. Ginintuang kinang ang meron sa iris, blood-red pupil at itim na sclera.

Hindi ko alam pero sa tingin ko'y isang tama lang ng isang mage sa kanya ay maaari na siyang malagutan ng hininga na siyang aking kinakabahala. Kung hindi ako nagkakamali ay ang gamit ng dalawang mage ay sa 2nd category ng magic, ang Dolosd magic. Napakahusay nila at halos dalawang segundo lang ay darating na ang kanilang mga atake habang ang mga archers ay aabutin lang ng tatlong segundo para maibigay ang enhancement o full power ng arrow.

Tama na muna sa pang-aadmire sa kanilang physical traits! Kailangan ko ring pag-aralan ang kanilang pattern para makasabay o makatulong man lang ako kahit kaunti sa nangyari!

"Sa likod mo!" ang paalala kong muli.

"'Wag kang mag-alala kabisado ko na ang pattern nila." Ang narinig ko gamit lamang ang isip ko. Ano 'yon?! Telepathy?!

Tama! Baka kapag sinabi na niya ito sa'kin ng pabigkas ay maririnig nila at mag-iiba muli ng pattern at formation ang mga demonyo.

Sa lagay ngayon, nasa harap niya ang dalawang melee, dalawang archer at isang mage ang nakalinya sa higit sa sampung metrong layo sa kanya. Dalawang mage sa likuran. At tig-isang melee sa kanyang kanan at kaliwa.

Umaatake ng sabay ang dalawang nasa gilid at saka naman susundan ng mga archers tapos ng mga nasa harapan niya. Sa usaping pagod, si Fritiny ay naghihingalo na at ang sampung kalaban niya ay nandito lang na wala pang iniindang problema. Dahil depensa lang para sa mga melee at iwas sa mga palaso at ball of fire na binabato nila ang tangi niyang ginagawa, walang opensa ang naipapakita niya sa laban nila.

"Gamitin mo po ang shield mo kanina!" isinigaw ko.

"May sampung minuto pang cooldown para magamit kong muli." Huh?! Pa'no na 'yon?!

Kailangan kong mag-isip...uhmmm... Sige! Kailangan kong subukan!

"Igris Gladius! ... Igris Gladius!" Walang nangyayari, isa pa!

"Igris Gladius...Asyas! Oww Obise!" Lumabas na nga ang espada! Nag-aapoy na espada!

"HETO!" Pinalipad ko sa direksyon niya ang espada at nasapul ko ang nasa kanan niya! Nanlaki lang ang mata niya sa ginawa ko.

Gamit ang flexible body niya, inilagan ang mga matatalim na palaso at tumalon sa likod ng nasaksak na Palian. Hinugot ang nakabaod na apoy na espada at ginamit na pang-gilit sa kanya! Nakakabilib! Ang bilis niya'y nadoble! Hindi ko pa lubusang alam ang gamit ng sword na 'yon. Baka nga alam niya, at tatanungin ko rin siya mamaya.

Pagkatapos sa isang melee, inatake niya ang mga archers. Naglaho siya nang kaharap na ang tatlong melee demons, at muling nagpakita sa harap nang tatlo pang nakalinya. Ang papatay sa mga archers ay kapwa rin nilang demoyo — ang mga mage! Tinimingan niyang ibato na nila ang bola ng apoy saka naman siya tumapat sa tatlong nakapila sa harapan niya! Napakahusay na estratehiya!

At isa-isang natunaw ang tatlo sa harap niya. Pero hindi pa ito tapos. Nangalahati lang. Mayroon pang anim: ang dalawang mage at apat na melee.

Sa kanyang pagtayo. Huminga nang napakalalim. At sa oras na ilalabas na ang hangin ay parang naputok siyang bula! Napalingon na lang sa kanan at kaliwa ang apat na mas malapit sa kanya.

Pito kaming nagulat sa nangyari. Nang humarap muli ang apat ay nasa harap na nila si Fritiny at gamit ang hanggang bewang niyang buhok, iwinasiwas niya ito sa mga mukhang madudungis! Agad nilang tinakpan ang mga mata at napasigaw na lang sa sakit! Sa kanilang pagkatumba'y napuno ng masakit sa ilong na usok at alikabok ang lugar.

At naaninag ko na lang siya na nakaharap sa dalawang wizard at nasa likuran na muli nang apat. Ibinaba ang nakataas niyang espada at tiningnan sa mata ang dalawa.

Isang naglalagablab na apoy ang dadapo na sa dalawang insekto --- Papalapit nang papalapit!

"Hindi ko kayo makita nang maayos!"

...

"AGH!" Ang malakas na tili ng isang babae. 'W-wag mong s-sabihing...SI FRITINY 'YON?!

"NASA'N KA NA?!" ang sigaw ko at pinilit ko pa ring aninagin sa kumapal na muling usok dahil sa nilabas niyang apoy sa katawan habang siya'y palapit sa dalawa.

Merong kung anong bagay ang kumagat sa kanyang likuran! Hindi ko matiyak kung ano nga ba ang naroon.

Napatakip na lang ako sa mata nang biglang bumugso ang isang malakas na hangin mula sa itaas! Sa pagkalusaw ng siksikang abo at usok, may bumababang isang anghel. Tunay na anghel. I got hooked up with her beautiful face, and a wonderful body shape(waifu)! Arghhhh!

"I, Zeline Demf, as a princess of this land, will protect this village from any harm." Aghhhuh~~ kay gandang pangalan! Nababagay lang sa kanyang mukha!

"Demf?!" Ang biglang banggit ni Fritiny. Nakaupo na siya sa isang tabi sa pagod. Putik-putik na ang manipis at maiksi niyang damit.

At ang prinsesa~~ hehehe~~ hindi ko alam ang gagawin ang ganda niya! Ang suot niya'y napakaayos, sukat na sukat na puting tela at isang apat na pulgadang kaliit nang ginintuang korona na mayroon pang tig-tatlong berdeng diyamante sa gilid nito! Kaakit-akit!

"Ikaw ang kanyang anak?!" Ang dagdag pa ni Fritiny. Anak?! Nino?! Ng reyna malamang, HAHAHA.

"N-nino po?!" Wow! Ang galang pa niya! Aghh...Akin ka na binibini!

"Uhmm--"

"Shhh! Tumahimik ka na muna diyan Carl!"

"Luh!" singhal ko. Napasimangot na lang ako sa isang tabi. Wala na rin pala 'yong kumagat sa pakpak niya. Pero napakapangit na ng kanyang pakpak... At duguan na, baka maubusan siya ng dugo!

"Ako nga! At bakit po?" Ang galang talaga pero nandoon pa rin ang royal attitude!

"D-dalhin mo ako sa iyong ina," utal niyang pakiusap. "Ngunit kailangan munang--"

"Harapin ninyo ako! WAHA-HAHA! Kung gugustuhin ninyong umalis, subukan ninyo muna ako! Malay ninyo mag-level up pa kayo?" ang bigla na lang ungal nang isa na namang nakakadiring demonyo. Hindi ko ma-describe ang itsura niya, nakakadiri! Basta't parang isang nakatayong bull na balot ng nakakadiring slime!

"HUWAG! Hindi na kailangan!" isinigaw ko. "Hindi natin siya kaya," bulong ko naman. "Pero may alam akong isang depensa na kayang maging transportasyon. Ito'y--"

"Wala nang oras p-para i-explain mo ang t-tungkol doon! Basta't gawin mo na lang!" ang naghihingalong bigkas ni Fritiny. Tumango ako.

"Kailangan ko lang ng ilang segundo, at kapag tinawag na kita binibi--"

"Oo, 'wag kang masyadong mag-alala." Tsaka siya ngumiti. Nabuhayan talaga ako! Hehehe~ Hinarap niya ang bull-sh*t na 'yon habang isinasagawa ko ang orasyong kailangan.

"Fussilis Klypeus, Asyas!" Sa una kong chant ay ramdam ko na ang epekto nito. Sobrang init ang nararamdaman ko mula sa dibdib ko at bigla na lang nalipat sa pakpak ko. Nirolyo ko ang aking pakpak at nakagawa ng isang bolang nag-iinit dahil sa layer ng lava sa demon wing ko.

"Fussilis Klypeus-- Asyas!-- Oww Obise!" At malaking buntong hininga ang naipakawala ko pagkatapos magawa ang bolang ito.

"Halika na! PRINSESA!" Wala siyang sinayang na segundo at agad pumasok.

"Oh, ano na?!"

"Kumapit kayong mabuti! Walang duda, mauga 'to!"

Ang move kong Molten Shield Ball ay narito na!

Tumalbog-talbog kami paalis at pinatikman ko pa nang isang mainit-init na bola sa mukha ang bull-sh*t na 'yon! Hehehehe. Tumilapon siya ng ilang metro at tsaka ko naman binuksan ang aking pakpak. Sinalo ng prinsesa si Fritiny at inilipad ito. Ako nama'y lumipad na rin gamit ang sarili kong pakpak.

"Hindi kayo makakatas sa'kin! RARGH!"

"Hindi mo kami maaabutan!" sigaw nang nanghihinang si Fritiny.

"Surkulus Felama Telur--" Nang masabi niya ito'y namuo na ang isang umaapoy na bagay!

"Surkulus Felama Telur, Dolosd! ... Oww Obise!" Namuo ang isang malaking umaapoy na kahoy na palaso mula sa nakabukas niyang palad at nakatutok sa kalaban sa ibaba. "'Y-yon na lang a-ang--"

"Nawalan na nang malay si Fritiny!" sigaw ng prinsesa. 'Tara na!" dagdag niya pa.

Nasapol niya ang bull na 'yon gamit ang higit sa isang taong laking palaso. At malakas na pagsabog ang umangat sa oras na iyon. Wala na akong nakita pa dahil lubos na ang kapal ng usok sa lugar. Sumama na lang ako sa kung saan kami dadalhin ng prinsesa.

...

Habang nasa himapapawid kami, napatanong na ako, "Saan po tayo pupunta, mahal na prinsesa?!"

"Huwag mo na akong tawaging prinsesa. Tawagin mo 'ko sa aking pangalan." At nasilayan kong muli ang mala-perlas na ngipin niya.

"Call me Zeline. Just Zeline-- or Zel? Hahaha! Naniniwala naman akong mabait ka."

Ohhhhh!! HAHAHA! Tinatanggap niya ako! Nahuhulog na ako sa napakamalumanay niyang boses! F*ck! I'm dying, laughing inside!

"O-opo!" At ngumiting abot langit.

Sa oras na ito'y kanyang mukhang nakangiti na lang ang aking nakikita~~ Ang nasa paligid niya'y nagmistula ng salaming 'di napunasan nang pagkatagal na~~

"Hoy!"

"Hoy! Carl! Ba't ka tumigil sa paglipad!"

"Huh? AHHHHH!"

"Huhhh!" At ako'y napabuntong hininga at saka napapunas sa noo. "Maraming salamat sa pagbanggit prinsesa. Hehehhe...at pasensiya, napa-tili pa kita. Sana sa susunod sa kama na-- ahhh-- ang ibig kong sabihin, prin-"

"Hahahah! Hindi ka lang mabait nakakatawa ka pa!" At natawa pa ang prinsesa.

Wala na akong masabi at napakamot na lang muli sa ulo.

"Tsaka isa pa!" Biglang naging seryoso ang korte ng mukha niya. "Ang kulit mo rin. Sabi kong huwag mo na akong tawaging prinsesa."

"Ahh! Ehh...uhmm..."

"Malapit na tayo. Doon na lang tayo mag-usap." Then, she let her smile out, again. Aaaa! Nasa langit talaga ako~~ At napangiti na lang din ako.

Lumipad na nga kami papunta sa kahariang kita na nga mula sa puwesto namin ngayon.

...

Pagkatapos ng nangyari'y agad naming dinala si Fritiny sa isang silid at siya'y ginamot. Sinamahan ako ni Zel sa isa pa na kung saan ako magpapahinga.

"Magpahinga ka na muna diyan." ang mga huli niyang salita.

Humiga na lang din ako at napapikit...napaisip...nang unti-unti tungkol sa bakit nga ba ako nandito? Paano? Anong role ko sa mundong ito? Bakit ako ang napili? Pinili nga ba 'ko? Kung ako nga, bakit ako at anong alam ko dito? Wala nga akong alam dito sa mundo-- meron pala, pero napakalimitado! Hughh! Nakakabagot ang pag-iisip! Matutulog na lang ako. Naubusan na yata ako ng energy.

{[End of Carl's POV]}

...

Habang mahimbing na natutulog si Carl, dumako tayo sa silid ni Fritiny kung saan siya'y ginagamot.

*Pagkadating nila sa palasyo*

"Ina! Mahal na ina! Nandito po ang isang diwata-" ang agad na ibinalita nang tumatakbong si Zeline papunta sa kanyang ina.

"At bumalik ang isa sa mga estudyante ko?"Ang malumanay na saad ng reyna. Napataas nang kilay si Zeline.

"Estudyante?!"

"Huwag kang mag-alala Zeline. Kailangan lang ng oras at ang gamit para maibalik ang lahat sa dati ang katawan niya."

"Po?! Eh, tingnan niyo po!--"

"Ihiga mo na muna siya, at ikaw nang bahala sa lalaking iyan..." Saka tinaas ang mga kilay?

"Carl po."

"Dalhin mo na siya sa kabila nang makapagpahinga siya. Kita na sa hitsura niya ang pagod." Tumango ang dalagang prinsesa at sinamahan na sa kuwartong sinabi ng kanyang ina.

Balik tayo sa silid ng reyna at ni Fritiny.

Umupo sa tabi ng diwata ang reyna. Binuka nang mabagal ang kanyang kamay at may lumabas na isang wand. Isa itong wooden wand na mayroong kahel na ruby sa dulo nito. Ang hawak niya'y tinapat sa ulo ng kanyang pasiyente at inikot-ikot ito. Habang iniikot ay sabi niyang, "Gumising ka aking estudyante-- ika'y aking tinatawagan mula sa aking ngalan, Terins Demf! Ang minsan mo nang naging guro! Oww Obise!"

Sa kanyang ginawa ay namulat bigla ang kanyang mata at nagsalita, "Aray! AHHH! A-ang aking pakpak! Hindi ko na po m-maramdaman!" Kitang-kita na sa mga mata niya ang sakit at siya'y napapapikit. Sa labanan ay ang pakpak niya'y nangalahati ang isa, dahil sa kagat ng veslio (isang paniking mayroong ngipin ng pating).

Nagsalitang muli si Fritiny at sinabing, "Ipagp-paumanhin niyo po! Ang i-inyong higaan ay puno na ng aking du..." Siya'y napasuka ng dugo.

"Ito'y malala na. Nasaan ang iyong healing polen?" Ang malumanay pa ring saad ng reyna.

"P-pero wala na p-po..." napasuka ulit siya. Hanggang sa hindi na nga maituloy ang sasabihin niya.

"Sabihin mo na lang kung nasaan at ako na ang bahala. Sa susunod ay dalhin mo ito lagi sapagkat hindi natin alam kung anong oras ang panganib." Pangaral ng reyna.

"Sa aking kuwarto po-- Ough! Ough! Nakalagay po siya sa-- Ough! Sa isang maliit na kahoy na kahon-- Ough!" Ang hirap niyang sagot. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng dugo mula sa sugat na natamo niya.

Habang iniinda ni Fritiny ang sakit, ang reyna nama'y naghugis ng isang bilog sa hangin. Sa bilog na ito ay nakita niya ang kuwarto ng diwata at hinanap ang kahong sinasabi nito.

Nang mahanap niya'y agad ipinasok ang kanyang kamay sa bilog at pagkalabas nito'y hawak-hawak na ang kahong sinasabi. Ito'y kumikinang na bronse at sa loob laman na nga ang isang polen ng halamang sampaguita at isang hibla ng petal kung saan ito nakapatong.

Magsisimula na ang healing process. Ibinaba niya ang hawak na box at wand. Itinaas ang dalawang kamay. Lumutang ang polen na nanggaling sa box.

"Sara et Ludes! Facio hik Flos apud Utor! Vivifika!" Naglabas ng ilaw ang polen nang ito ay mabanggit.

"Sara et Ludes! Facio hik Flos apud Utor! Vivifika!" Nang mabanggit niya ito nang isang ulit pa ay dahan-dahang pumasok sa kanyang bibig ang umiilaw na polen. Nang ito'y nasa loob na, lumutang ang diwata at nag-ilaw ang bahagi ng kanyang pakpak na nakagat at unti-unting naibabalik sa dating transparent at mayroong makikinang na korte. Hanggang sa naibalik na at nahulog na lang bigla sa kanyang kama.

"Hali na kayo." Ang bulong niya. Saka na siya umalis sa silid.

Pumasok ang dalawa nilang serbidora at nilinisan na ang kuwartong duguan pati na ang diwata. Palubog na ang araw matapos niyang bigyang operasyon si Fritiny. At hinihintay na lang ang pagdilim.

...

"Oras na para sila'y gisingin. Zel, ikaw na kay Fritiny ako na kay? ..."

"Carl po."

Iniyuko ng reyna ang kanyang ulo nang kaunti at pumunta na ang dalawa sa silid na kanilang pupuntahan.

Pumasok na ang reyna at naabutan niyang nakatayo na si Carl at nakadungaw sa bintana.

"Anak kamusta ka na?"

Nagulat siya sa biglaang paglitaw ng reyn at sinabing, "Ahh-- ahh-- mahal na reyna! Ayos lamang po ako. Naging masarap ang tulog ko at ayos na rin ako." Tsaka siya ngumiti at ibinaba ang ulo.

"Mabuti kung gano'n, anak." Ang sabi naman ng reyna. "Halika na sa labas at tayo'y magkakaroon ng piging. Maligo ka na at pagkatapos ay magsasalo-salo tayo dahil sa pagbabalik ng aking estudyante at...marami pang pag-uusapan sa piging maya-maya. Sige na. Maligo ka na muna at kami'y maghahanda na. Be there at 15 minutes!" Ang balita ng reyna sabay ngiti.

Napangiti na lang din si Carl sa alok ng reyna. Umalis na ito at naiwang mag-isa muli si Carl.

"Hehehe. Akalain mo 'yon? Tinatawag niya akong anak? Baka para sa akin talaga si Zel." Pagpuri sa sarili at hinarap ang malaking salamin na nakatapat sa kama. "Ang magandang kasintahan kong si Zel. Hehe-hehe~~" Ang pakanta niyang bigkas at sumasayaw pa siya.

"Oras na para maging mabango at akiting muli ang prinsesa! Hmmm!" sabay flex sa maliliit niyang muscles sa salamin. Ang pangarap ng batang ito'y matayog pa sa Bundok ng Reverlest, ang pinakamataas at pinakamatayog na bundok sa Scharthyle.

Naligo na siya at pagkatapos nga'y nagpalit saka dumiretso sa mahabang lamesa. Pagdating niya'y naroon na ang lahat. Nandito na ang pinakahihintay niyang diyosa sa kanyang nga mata, si Zeline Demf. Ang reyna at hari ng palasyo. Ang kanyang kasamang diwata, Fritiny. Mga katulong at kapatid pa ni Zeline.