Nagising ako noong may naamoy na parang masarap sa paligid. It smells like pasta? Or pizza? Basta something Italian ang amoy kaya nga agad na nag alburuto ang tiyan ko. Agad ding gumana ang mga salivary glands ko.
I'm hungry!
"Uhmm.." Napaungol pa ako habang nagsistretch ng katawan kahit nanatiling nakapikit pa din ang mga mata ko.
Napangiti ako ng agad na bumungad sa akin ang gwapong mukha ng Zabie ko. My boyfriend. Halatang bagong ligo dahil basa pa ang buhok niya and he's wearing a bathrobe na may tatak ng hotel.
He's grinning from ear to ear habang nakadungaw sa 'kin. He planted a soft kiss on my forehead before he pulled my arms up para makaupo na sa kama.
"Glad you're awake, Georgie.. Its almost two at hindi pa tayo nakapaglunch." Sabi niya habang inaalayan na akong tumayo.
"Kaya pala gutom na ako." Sabi ko naman at hindi inalintana ang kahubdan ko na pinagpipyestahan na ng mga mata niya.
"Zabie!" Saway ko sa kanya noong napansin ko na ang pagkagat-labi niya habang nakatitig pa din sa kabuuan ko.
Inabot ko tuloy ang kumot para gawing pantakip at baka hindi naman mapigilan ang lalaking 'to. Natawa lang talaga siya sa ginawa ko at inayos pa nga ang pagkapulupot ng kumot sa katawan ko bago ako hinila sa kamay patungo sa maliit na round table na may pandalawahang upu-an.
He held the chair for me na nagpakilig na naman sa 'kin. May pagkagentleman ang boyfriend ko.
Boyfriend!
I silently squealed on my head as I bit my lips to stop myself from screaming. Mukhang napansin yata ni Z ang nararamdaman ko dahil napangisi siya before he reached out to touch my hand on the top of the table.
"Are you fine with this food? Ako na ang nag order." He asked but he's still grinning ng makita niya ang pagdungaw ko sa mga pagkain.
Natatakam na ako!
'Yong penne pasta pala 'yon na may meat sauce ang nagpagising sa akin kanina. There's a whole roasted chicken, too, some baby potatoes and corns, and fruit shakes.
"I'm really hungry." Nasabi ko and he chuckled as response.
"I can tell, Georgie. Let's eat?" Tanong niya at agad naman akong tumango.
Siya na din ang nag-asikaso sa kakainin ko. Nilagyan niya ang pinggan ko ng tamang portion lang ng mga pagkain. When he's finished ay agad ko ng nilantakan ang pagkain. Napaungol pa ako noong tinikman ko ang penne pasta.
"Stop moaning or we won't finish our food, Georgie." Pagbabanta niya na siyang ikinanguso ko when I noticed his eyes lowering over the valley of my mounds.
"Huwag ka ngang ano diyan!" Angil ko pa sa kanya na siyang nagpatawa lang sa kanya.
"I'm serious, though. I can't get enough of you."
"Zabie ha? Hindi pa ba tayo uuwi? May exams pa kaya tayo bukas." Sabi ko pagkatapos kong mabilis na nginuya at nilunok ang pagkain.
"We'll just go home tomorrow morning."
"I need to review, first. Baka nawala na sa isip ko ang nireview ko kahapon." Pagtanggi ko sa gusto niya.
"I'll let you copy my papers tomorrow. Doon tayo sa upuan niyo ni Chloe umupo."
"Huh? Pero-"
"Pwede ka namang mag review dito. I'll text Mikael to take a picture of his reviewer at dito na lang tayo mag-aral. Tatanggi ka pa din ba?"
"Pwede pa din ba tumanggi?" Malokong sabi ko na napapantiskuhan sa kanya dahil ambilis niyang makaisip ng solusyon ha.
"Nope." He wickedly grinned that made me grinned as well.
So stubborn! Ang gusto niya talaga ang masusunod. Looks like ako ang magiging under dito sa 'min ah. But I don't mind, I still love him, though.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na din ako. I only wore a bathrobe to hide my nakedness dahil pinalaba pala ni Zabie ang mga damit namin. Kasama na ang underwear.
When I got out ay wala siya sa kama but I saw his form outside the balcony that can be seen behind the curtains. Pagkalapit ko ay naamoy ko agad ang usok ng sigarilyo.
"You're smoking.." Nasabi ko pagkalabas ko na tunog sinisita siya.
"Do you want me to quit?" Sabi niya habang pinapatay na ang upos niyon kahit kalahati pa lang ang nasip niya.
"Sana.. Its bad for your health eh.. When did you start smoking?" Tanong ko pagkatapos niya akong hilahin palapit sa kanya.
Pinapwesto niya ako sa harap niya with my back facing him bago niya ako kinulong sa mga bisig niya.
"When daddy died. My dad is a heavy smoker and I tried his habit to pretend that he's still here with us. The smell of the lighted cigarettes reminds me of him. Hanggang sa nakasanayan ko ng manigarilyo. Its addicting, but if my pretty girlfriend wanted me to quit then I would." Puno ng assurance na sabi niya habang dinidikit ang baba niya sa pagitan ng leeg ko.
Medyo natouch naman ako sa sinabi niya at nalungkot din sa dahilan kung bakit natutunan niyang magyosi.
I didn't know that tito Douglas was a smoker, same thing with how I didn't know that Zabie is a smoker himself. Noong gabing may nangyari sa 'min ay doon ko lang din naamoy sa hininga niya ang amoy ng yosi.
Pero mas gusto ko nga talagang tigilan na niya. Lalo pa't hindi nga magandang bisyo 'yon. Walang magandang idudulot sa kalusugan.
"Its better if you quit, Zabie. Para din naman sa 'yo 'yan. Sa kalusugan mo. Kaso mahirap daw itigil 'yan, 'di ba? I remember what Ma'am Cortez said about that addiction, katulad din ng drugs ay mahirap daw pigilan ang urge na gumamit."
"Yeah. But I was already planning to quit that bad habit, anyway. Ngayong gusto mo na akong tumigil ay pipigilan ko na talaga ang sarili kong manigarilyo. But you have to help me out para mapigilan ko na talaga ang addiction ko."
"How?" Natanong ko sabay lingon sa kanya.
"You have to kiss me every time I wanted to smoke. Ang mga labi mo na lang ang hithitin ko." Malokong sabi niya habang nakatutok ang tingin sa mga labi ko.
"My pleasure to help you out, then." Sagot ko din at ako na mismo ang nag-abot ng mga labi niya.
The next morning ay maaga pa kaming nagcheck-out sa hotel. Wala pang alas singko ay ginising ko na siya para mag-ayos. Kahit pagod pa din ang katawan ko sa ginawa namin kahapon na naulit pa bago kami natulog ay kailangan naman naming umuwi na.
Mas gusto ko pa din kasing magreview ulit sa sariling reviewer na ginawa ko. Though, Mikael's reviewer is more precise and organize than mine ay mas tumatatak kasi sa isip ko kung sariling handwriting ko ang nababasa ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko sa bahay ay sumunod rin agad si yaya. She's looking at me na parang gusto niyang basahin ang isipan ko.
"Georgette, alam mong anak na ang turing ko sa 'yo, iha, kaya sabihin mo nga ang totoo kay yaya. Bakit magkasama kayo ng crush mo? Akala ko ba kina Chloe ka natulog kagabi?"
"Uh.. Ano po kasi.. Uhmm.. Magkasama kaming nag-aral doon kina Chloe. H-Hindi lang naman po kami ang nandoon. Uhmm.. 'Yong ibang kaklase po namin nandoon din." Parang kinakabahan na paliwanag ko.
"Hmm.. Sabi ni Carding ay magkasama daw kayong bumaba sa sasakyan niya at hinatid ka pa niya sa gate na magkahawak ang mga kamay niyo." Tanong niya na nagpapanic lalo sa 'kin.
Oh, my! Help!
"Uhmm.. Hinatid na po niya ako dahil kapitbahay nga natin siya, tapos inalalayan lang niya ako, yaya. Antok pa po kasi ako." Alibi ko na alam kong hindi talaga paniniwalaan ni yaya.
Alam kong alam ni yaya na nagsisinungaling ako pero paano ko naman kasi masabi sa kanya ang totoo? Na boyfriend ko na si Zabie, na naghotel kami, at nasuko ko na nga ang bataan ko. Matagal na actually. Paniguradong sermon talaga ang aabutin ko sa kanya.
Tinamaan talaga ako ng konsensya noong makita ko ang lungkot sa mga mata ni yaya dahil alam niyang nagsisinungaling nga ako. Kaya para makaiwas sa tingin niya ay inabala ko na lang ang sarili sa paghahanap ng reviewer ko at agad na binasa 'yon. I heard her let out a heavy sigh before she told me na bababa na daw siya para kuhaan ako ng agahan.
I'm sorry, yaya.
Nausal ko na lang sa isip habang nakatitig sa pintuan na kakasarado lang niya. Kapag nakaipon na ako ng lakas ng loob ay ikikwento ko na talaga sa kanya ang lahat.
"Georgie.." Tawag sa 'kin ni Zabie habang nasa byahe na kami papunta sa school.
Sumabay na ulit ako sa sasakyan niya dahil noong sinabi kong magpapahatid na lang ako sa driver namin ay ayaw niya talagang pumayag. Mamaya nga daw kapag nakuha ko na ang sasakyan ko ay magconvoy kami pauwi pero itatambak ko na daw 'yon sa bahay dahil simula bukas ay sa sasakyan na niya kami sasakay.
Nakwento ko nga sa kanya ang tungkol sa plate number ng kotse ko. At talagang napamaang siya ng malaman ang ibig sabihin niyon. Kita ko ang pagkislapan ng mga mata niya habang pasulyap-sulyap sa 'kin. At mukhang hindi na niya nakayanan ang nararamdamang kasiyahan at kilig because he just stopped his car in the middle of the road just to give me a quick kiss!
Mabuti na lang at malayo ang gap ng sasakyan na sumusunod sa likod namin kung hindi ay talagang disgrasya ang kahahantungan namin!
"Hmm?" Sagot ko lang habang nakatutok ang mga mata ko sa reviewer.
"I just remembered what you told me that morning after our first night.. Sinabi ko sa 'yong magpapakasal tayo?" Sabi niya na nagpatigil sa 'kin sa pagbabasa at agad akong napalingon sa kanya.
Pasulyap-sulyap siya sa 'kin habang patuloy sa pagmamaneho.
"Uh.. Oo.. Kasi I tried to stop you nga. Kasi hindi pa nga tayo kasal. Kaso sobrang aggressive mo tapos 'yon na ang sinabi mo that you'll marry me."
"Do you want us to get married, now?" Natanong niya bigla na tunog seryoso.
"Huh?!" Napalakas talaga ang boses ko sa sobrang gulat.
"Why do you sound so shocked now? Ayaw mo ba? Doon din naman ang tungo natin. Or you're having second thoughts of marrying me?"
"O-Of course not! Siyempre gusto ko! Dati pa! Noong unang pagkikita pa lang natin. Nasabi ko na nga kay tita Sandy na magiging asawa kita 'di ba?"
He chuckled after my remarks. Paniguradong naalala niya ang sinabi ko noong araw na 'yon, which is more than 10 years ago.
"Pero.. ang babata pa natin, Zabie.." Dinagdag ko na ikinasimangot naman niya.
"Yeah? Na pwede ng gumawa ng sariling bata?"
"Ghad!" Nausal ko at tinakpan ang mukha ko gamit ang reviewer.
"But really. I'm serious, Georgie. I wanna marry you sooner than later. I wanna brand you mine completely and I could only do that if you'll wear my last name." He said pagkatapos abotin ang reviewer sa mukha ko para matanggal at magkatitigan kami.
He looks damn serious na halos matuyo talaga ang lalamunan ko ngayon sa patuloy na paglunok.
"W-We can talk about it after our midterms, Zabie.."
"Tss. Fine.." Nakasimangot na sabi niya at tinoon na ang pansin sa kalsada.
Hindi na talaga siya umimik hanggang sa nakarating na kami sa school. Pasuplado niyang tinanggal ang seatbelts niya pagkatapos niyang magpark pero bago pa niya buksan ang pintuan ng kotse ay hinila ko na ang braso niya para pigilan.
"Zabie.. Huwag ka ng magalit. Pag-uusapan nga natin after ng midterms.." Malambing kong sabi habang hinahaplos ang pisngi niya. "You didn't even propose to me properly. Saan na ang mga singsing natin kung gusto mo ngang magpakasal tayo ngayon?" Panunukso ko sa kanya at nakita ko talaga ang pagkagulat sa mukha niya.
"Dang it! I forgot. Then, we'll go buy one right now!" Nasabi niya at akmang isusuot ulit ang seatbelts.
"Hey! May exams pa tayo, oy!" Natatawa kong sabi at pinigilan siya sa balak niyang gawin. "Kaya nga after na lang ng midterms natin pag-usapan. Or after na lang natin pumunta sa Ilocos. We have to prepare for everything first, Zabie. Huwag tayong padalos-dalos muna."
"I'm already prepared, Georgie. Ang mga singsing lang ang hindi pa prepared sa 'tin. Tss."
Hanu daw? Sobrang natawa talaga ako sa sinabi niya pero mas ikinasimangot naman niya. Ang suplado!
"I'll be more than happy to change my dad's surname to Walker, Zabie. Its my dream for years. Its just that I'm still too overwhelmed with everything that's happening between us. Mas gusto kong i-enjoy muna natin ang pagiging mag boyfriend-girlfriend for a month. Hindi ko pa nga naranasan na magreet mo ng happy monthsary. Paranas mo muna sa 'kin, hmm? Then we'll plan out for our next step after that." Nakangiti kong sabi at nakita kong napanguso siya at mukhang pilit na pinipigilan ang pagsilay ng ngiti.
"Please, Zabie ko?" I asked again habang hinahalikan ang braso niyang hawak ko pa din.
"Fine."
"Then kiss me? To seal our deal?" Sabi ko na nilalapit na ang mukha sa mukha niya.
Hindi rin naman niya pinatagal pa at mabilis ngang inangkin ang mga labi kong nauuhaw na sa kanya. 'Yon nga lang ay ilang minuto lang ang lumipas ay naging mapaghanap na ang isang kamay niya. Hinihimas na ang mga hita ko at alam kong kung hindi ko siya pipigilan ay baka saan pa kami aabot. Mabilis ko nga siyang pinigilan na ikinasimangot na naman niya ulit.
We're in the parking lot of our school for crying out loud! Naalala ko tuloy ang sabi niya na gusto niya akong angkinin kahit saan.
My ghad!