Chapter 12 - Chapter 12

Nakapangalumbaba lang ako habang si Zaber na nakaupo sa tabing upuan ko ay kasalukuyang nagrereview. Salitan din niyang hinahaplos ang buhok ko habang nagbabasa. Dito kami nakapwesto sa likurang bahagi ng classroom at nakaupo siya sa dapat ay upuan ni Chloe.

Wala pa ang dalawa and for sure ay magkasama ang mga ito na dadating kagaya namin ni Z. I can't wait to talk to my bestfriend but before that ay may kasalukuyan pang gumugulo sa isipan ko ngayon.

Nakaramdam ako ng kunting hiya at pagkaasiwa. Simula pa lang kasi ng paglabas namin sa sasakyan ni Z at magkahawak kamay na pumasok sa school ay halos mabali na ang leeg ng mga tao kakasunod ng tingin sa 'min.

Some are surprised and literally gaping at us, while some are looking at us with disgust and are being judgmental. And I can't help but hear their loud murmurs and accusations at me.

"She's with Zaber? Akala ko ba si Markie ang boyfriend niya?"

"Playgirl pala siya?

"Two-timer kamu."

"How about Markie? Kawawa naman si Markie."

Damn it! Naguilty ako!

Literal naman kasing pinaasa ko nga si Markie and I didn't even have the guts to tell him about me and Zaber. Nakailang tawag and texts siya kahapon kaso hindi ko lahat sinagot at binasa man lang dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo.

But I have to, I know. He deserves to know the truth. Mas pangit din kung sa iba pa niya malalaman. Kaso baka nga nakarating na sa kanya dahil andami ngang nakakita sa 'min ni Z kanina.

"Why are you sighing?" Tanong ni Z na bakas ang pag-alala. "Are you thinking about earlier? Having second thoughts?" Dagdag pa niya noong hindi ako nakasagot agad.

Agad akong umiling bago ngumiti ng tipid sa kanya. He grabbed my hand then kissed the back of my hand so passionately na may tunog pa talaga, and it made me blushed profusely dahil dinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin.

I was about to whisper my inner thoughts to him noong nakita ko na ang pagdating nina Chloe at Mikael. Napakaway tuloy ako sa kaibigan pero agad na namula ng makita ko ang nanunuksong tingin niya. Ginaya ko din tuloy siya at siya naman ang namula.

She looks very happy and contented, ganoon din si Mikael. Magkahawak kamay din sila kaya agad din akong napangiti. Lumapit sila sa 'min at nagbati-an kaming apat.

Ngayon ko lang naalala na magbestfriends nga din pala sina Mikael at Z, tapos kami din ni Chloe. Ang saya lang!

Nagkabulungan pa kami ni Chloe pagkatapos naming magbeso. Agad ding sumabat ang boyfriend ko at sinabihan si Mikael na sa harap na umupo ang dalawa. Na sinang-ayunan din ni Mimi. Zabie called me Georgie and it made me blushed again, when I heard some gasps from our classmates.

Mas lalo nga lang lumakas ang bulungan nila noong narinig nila ang tawag ni Mikael sa kaibigan ko, lalo na noong hinila niya ang kamay ni Chloe papunta sa harap.

"Georgie.." I heard my boyfriend's voice kaya napabaling ako sa kanya. "Huwag mo na lang silang pansinin." Dagdag pa niya sa pabulong na paraan at napatango lang ako bilang tugon pagkatapos kong lumayo ng kaunti sa kanya.

Muntik na kasing magtagpo ang mga labi namin dahil sa lapit niya. Mas lalo tuloy umingay ang mga kaklase naming usisero at usisera. Palipat-lipat ang tingin nila sa pwesto namin ni Z at kina Chloe.

Ano ba 'tong mga 'to?

Marami namang magsyota dito sa school namin ah. Hindi lang kami. Kaso iba nga pala ang sa 'min, dahil alam ng lahat na bakla ang mga boyfriends namin. Pero may mga fan girls nga pala sila at madami ngang naghahabol na babae sa kanila hindi lang dito sa school kaso kami lang ang maswerteng nakabihag sa kanila.

Nakaramdam tuloy ako ng matinding paghanga sa sarili. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang maiinlove nga si Z sa 'kin, right? At maging boyfriend ko nga siya?

Wala. Kahit ako nga ay hindi pa rin makapaniwala eh.

Pero tama nga si Z huwag ko na lang silang pansinin. Ang importante ay masaya ako ngayon. Sobrang saya to the highest level. At alam kong ganoon din ang matalik kong kaibigan.

"Why are you grinning, now? Care to tell me, Georgie?" Malambing na tanong ni Zabie sa mababang boses.

Nilapit pa niya lalo ang katawan sa upuan ko. Nakabend ang likod niya at muntik na 'kong mapaigtad noong kiniskis niya ang mukha sa exposed na balikat ko. Nakikiliti ako sa stubble niya sa pisngi na nadidikit sa balat ko and I would've let out a moan kung hindi ko lang napigilan ang sarili.

"W-Wala lang.. Masaya lang ako." Sabi ko at agad na hinawakan ang pisngi niya para pigilan siya.

"Really? Dahil sa 'kin?" Tanong pa niya habang hinahalikan na ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya bago 'yon lumipat sa balikat ko.

"Kanino pa nga ba?" Nangingiting tanong ko pabalik habang masuyong nakatingin sa kanya.

"Good then. I don't care what other people say or thinks about us. What matters more is that we're both happy and in love with each other. Kaya huwag mo na silang pansinin and just focus your attention to me and our real friends, understand?" Sabi niya na agad kong tinanguan.

Muntik na sana niya akong halikan kung hindi lang dumating ang prof namin. Mukhang napuna agad ni prof ang mga asta naming apat dahil pagkapasok pa lang niya ay agad na siyang nagkomento na may bagong loveteams daw sa loob ng classroom.

Namula talaga ang mga pisngi ko at napayuko na lang dahil palipat-lipat sa aming apat ang nanunuksong tingin ni prof.

"Good luck, Georgie." Dinig kong sabi ng boyfriend ko noong nahawakan ko na ang test paper.

"Good luck, Zabie ko." Nasabi ko din at agad na ngumuso at nagpatunog na parang halik.

He grinned then mouthed, "I love you" at kumindat pa bago siya napayuko sa papel niya dahil pinapastart na kami ni prof. Inspired tuloy akong sumagot din sa exam. Nasiyahan din ako dahil halos lahat ng inaral ko ay nakapaloob sa exam sheets.

Yon nga lang ay meron ding mga questions doon na iba ang naalala ko. Mga berdeng alaala! Noong inaral ko kasi 'yon kagabi ay kasama ko si Zaber sa taas ng kama. And you know how pervertive he is.

Habang tinatanong niya kasi ako ng mga questions at masagot ko nga ng maayos ay may kamanyakan siyang ginagawa sa katawan ko. Sabi pa niya ay madali ko daw matatandaan kung 'yon ang gagawin naming paraan ng pag-aaral.

Oh, my!

Namumula tuloy ako habang sinasagot 'yon. Nakatulong nga talaga ang ginawa niya dahil talagang naalala ko ang mga tamang sagot kaso 'yon lang ay iba naman ang epekto sa buong katawan ko.

Umiinit ako ngayon! In the middle of answering our midterm exams for god's sake!

Hindi ko tuloy naiwasang paningkitan ng mga mata ang katabi kong nagcoconcentrate sa pagsagot. Naramdaman niya yata ang titig ko kaya pasimple siyang tumingin at tinaasan ako ng mga kilay na parang nagtatanong.

Ang akala yata ay may hindi ako alam na sagot. I rolled my eyes at him bago ako yumuko ulit sa papel ko. Nasa question number 49 na ako noong napatigil ng marinig ko ang mahinang paghalakhak niya.

"I remember something in 46." Pabulong niyang sinabi na tama lang sa pandinig ko na siyang nagpapula ng bongga sa buong mukha ko.

'Yon nga ang kaninang rason kung bakit ko siya pinaningkitan ng mata. He sucked my left nipple so hard when I got a correct answer on that question last night. At sa sobrang sarap ng naramdaman ko ay nasigaw ko talaga ang pangalan niya at sinabihan pa siya na ipagpatuloy pa niya kasi masarap!

Arghh! Hirap pala kapag manyak ang boyfriend mo nagiging manyak ka din!

Sabay kaming natapos ni Z or rather inantay niya akong matapos kaya sabay din kaming nagpasa ng papel sa prof namin na nanunukso agad na mga mata ang sinalubong sa 'min.

"Stop whispering and concentrate on your papers!" Biglang sigaw niya sa mga kaklase naming mukhang nakatitig na sa likod namin ni Z at dinig kong nagbubulungan.

"You may go now, lovebirds." Nanunuksong sabi ni prof na nagpapula talaga ng mukha.

"Thank you, Ma'am." Sagot pa ni Z bago niya hinawakan ang kamay ko at inakay ako palabas.

Dumiretso kami sa labas lang ng classroom habang inaantay ang dalawa na matapos. Umiiwas ako ng tingin sa loob ng classroom at nanatiling nakayuko lang habang tinititigan ang kamay kong hawak-hawak niya.

May mga estudyante na din kasi sa labas na mukhang natapos na din sa pagsusulit. Pero ang mga mata nila ay napadako agad sa 'min ni Z. Gusto ko silang singhalan sa totoo lang pero pinigilan ko lang ang sarili. Ayoko ng maulit ang pagiging amazona ko kahapon.

"Are you still bothered with other people watching us, Georgie? Or are you ashamed to be with me?" Tanong niya na nagpaangat ng tingin ko.

"Huh? Pinagsasabi mo? Ba't naman ako mahihiyang kasama ka?"

Agad siyang napangiti sa sinabi ko at nilipat ang kamay niya sa balikat ko. Inakbayan ako bago tinulak ang katawan ko palapit sa kanya.

"Baka lang kako."

"Hindi mangyayari 'yan, no. Pangarap ko kaya 'to. Nilihim ko lang naman ang paghahabol sa 'yo dahil sa mga bullies noong highschool pa tayo."

Napahalakhak talaga siya at ramdam ko ang paghalik niya sa buhok ko.

"Good to know then. You don't have to think about the bullies either. Hindi nila ako kaya. I know some basic MMA."

"You do?" Manghang tanong ko.

"Uh-huh. Nagtrain kami last year ni Mikael at Johann, pero basic lang. But I still continue my training at home. That's why you shouldn't worry anymore. Kaya ko silang patumbahin kahit sampu pa sila."

"Yabang! Paano kung bente na sila?"

"Eh di magtatawag ng kakampi."

"Sus!" Sabi ko na lang na natatawa na din.

I really feel secured in his defined muscular arms now. Kaya pala lumaki ang katawan niya last year. Akala ko naggi-gym lang siya kasi di 'ba halos lahat naman ng mga bakla ngayon ay mahilig mag gym.

"Anyway, you remembered question number 46, 51, 59, 74, 85, 86, and 92?" Nanunuksong bulong niya sa 'kin.

Hinampas ko nga ang braso niya.

"77 pa! Loko ka talaga eh!" Angil ko na tinawanan niya ng malakas.

"It did help, right?"

"Whatever!" Sabi ko na lang na mas nagpahalakhak sa kanya.

"Let's do it again later. Iba naman ang gagawin natin." Sabi niya na inangat-angat pa ang kilay.

"Maghotel ulit tayo?" Pabulong na tanong ko na parang tunog excited pa at noong napansin ko ang ngisi niya ay napakagat-labi na lang ako.

"Oo. Same hotel? Or we can stay at my room? Kaso baka makita ka. Hirap na baka hindi pa matuloy."

"I... I have a condo somewhere in Ortigas. Hindi pa ako nakastay doon since last year. Regalo 'yon ni daddy noong debut ko."

'Yon talaga ang niregalo nina daddy at mommy sa 'kin plus 5 million pesos and a couple of jewelry set. Tumanggi kasi akong mag party dahil hindi naman sila makakapunta. Kahit si kuya ay hindi rin available sa mismong araw ng birthday ko. Kaya I decided to celebrate my debut at home kasama na lang sina yaya. Simple lang 'yon. Ni hindi ko nga niyaya ang mga bitches ko.

At dahil iniiwasan nga ako ni Zabie ng mga panahong 'yon ay hindi ko rin nagawang yayain siya pero nagpahatid ako ng pagkain sa bahay nila. Kaso ang mga katulong lang din nila ang kumain kasi umalis pala sila ni tita Sandy.

"Sige. Or I could start building our own house pretty soon. May lupa na tayo. I can use my trust fund for the meantime to build a big house for my gorgeous Georgie. My soon-to-be Mrs. Walker." Masuyong sabi niya na ikinasaya ng sobra ng puso ko.

Gusto kong tumili sa sobrang saya.

"I... I can share, too! Para mas mapabilis ang pagkagawa ng bahay natin!" Mungkahi ko pero mahinang pinitik niya ang dulo ng ilong ko.

"Nope. Ako ang lalaki. Kaya ako ang gagastos. Makaambag ka din naman dahil bubuo tayo doon ng magiging pamilya natin. Ambag mo na ang pagbukaka at pag-iri sa mga anak natin. Mga lima or sampo okay na." Malokong sabi niya na ikinasinghap ko.

"Gagawin mo akong baby maker?!" Hindi ko napigilang ireklamo na tinawanan lang niya.

Hinampas-hampas ko nga ang braso niya! Natatawa din niyang hinuli ang mga kamay ko para pigilan ako.

"I'm excited to see my future with you in it, Mrs. Walker." Masuyong sabi niya na nagpakilig ng bongga na talaga sa 'kin.

Doon lang din namin napansin na parating na pala sina Chloe at Mikael na parehong nakangiti habang nakatingin sa 'min. Doon ko lang din ulit napansin ang ibang mga tao sa paligid namin. Feeling ko tuloy ay napunta kami sa ibang mundo na kaming dalawa lang ang nandoon. And in our world ay purong kasiyahan at puno ng pagmamahal lang talaga ang naramdaman ko.

I feel like my heart is about to burst because of too much happiness. How I wish I could spread my happiness to the whole planet earth and send some good vibes! Para magkaworld peace na talaga!

Chos!

How I wish this happiness won't ever end!