Papunta na kaming apat sa cafeteria. Nakahawak sa bewang ko si Z habang si Mikael at Chloe naman ay magkahawak ang mga kamay. Hindi ko na talaga pinansin ang mga tingin at pagbubulungan ng mga tao sa paligid namin. Parang wala na din naman sila sa paligid namin habang nag-uusap at naglalakad kaming apat.
However, biglang napatigil sa paglalakad si Chloe noong malapit na kami sa cafeteria. Naguguluhang napatanong sa kanya si Mimi kaya napatigil din kami ni Z.
"Anong problema, girl?" Tanong ko sa kanya at noong sinundan ko ang tingin niya ay napamulagat ako.
"Markie's furious." She said pero kahit hindi niya sabihin ay nakikita ko na ngang galit na galit nga si Markie habang nakatingin sa direksyon namin.
"Oh, ghad!" Nasabi ko na natataranta na.
Ba't ko nakalimutang may chance ngang magkita kami dito ni Markie! At makikita niya kaming magkasama ni Z!
"Hindi mo naman siya sinagot, 'di ba?" Tanong ni Z sa 'kin na bakas na ang galit sa mukha habang tumitingin sa 'kin pagkatapos ay binalik niya ang galit na tingin kay Markie.
"Hindi! Pero... I guess pinaasa ko siya. I let him court me.." Nakokonsensya kong sinabi.
"Damn it! Then, problema na niya kung umasa siya! At bakit ka pumayag na magpaligaw sa kanya, Georgie? Hmm?"
"Because you ignored me for years!" Napalakas na boses na sabi ko. "I... I thought you won't come to like me.. And I thought I could fall for him instead." Pabulong ko ng sinabi na mas lalong ikinaigting ng panga ni Z.
"Fuck that! Then, we'll show him that he should stop from hoping!" Galit na turan niya at bigla akong hinawakan sa batok bago hinila para halikan ng mariin.
Nawala talaga ako sa kasalukuyan lalo na ng pinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Hindi ko din naiwasang tumugon sa halik niya at hindi ko namalayang natagalan na pala ang paghahalikan namin.
Ngunit napabalik na lang kami sa wisyo ng marinig ko ang natatarantang boses ni Chloe. Agad akong napatingin sa direksyon ni Markie at nahihinatakutan sa ekspresyon niya habang naglalakad palapit sa 'min at ng mga kasama niyang nakasunod sa likod niya.
Hinila ako ni Z papunta sa likod niya, at halatang nag-abang siya sa paglapit ni Markie sa pwesto namin. Kahit nasa likod ako ni Z ay hindi ko pa din iniwas ang mga mata ko kay Markie na galit na galit.
"What's the meaning of this, Georgie?!" He said in a very loud voice noong natuluyan na silang nakalapit sa 'min.
Hindi ko naiwasang mataranta ng marinig ang itinawag ni Markie sa 'kin. Napalingon pa talaga si Z sa gawi ko at naniningkit na mga mata na tinitigan ako.
"He called you what? Georgie? Really, Georgie?" Maanghang na tanong niya bago niya binalik ang tingin kay Markie. "You don't have the right to call her that, now! Ako lang ang may karapatang tawagin siya niyan!" Galit na anas niya.
Kita ko ang pagngisi ni Markie habang nakakainsultong tumingin kay Z bago nagmura.
"I'm not talking to you, you gay shit!" Galit na anas ni Markie bago muling bumaling sa 'kin. "Ano, Georgie? Pinayagan mo akong ligawan ka? Para ano? Para paasahin lang ako?"
Tinamaan talaga ako ng konsensya sa sinabi niya. Lalo na ng marinig ko ang malakas na bulungan ng mga tao. I know I'm the one who's at fault here..
"I-I'm sorry.. I didn't mean to.." Paghingi ko ng paumanhin at kita ko ang paglatay ng sakit sa mukha ni Markie.
Magsasalita pa sana ako pero naunahan na ako ni Z. Ramdam ko ang galit niya sa pagtaas-baba ng likod niya at sa marahas na paghinga.
"I told you to stop calling her that! I'm her boyfriend, now! Just accept the truth that you won't win her 'coz she's already mine in the first place! You just have to accept your defeat, dude!" Anas ni Z na bakas talaga ang galit.
Mas lalo nga lang akong kinabahan ng biglang tumawa ng malakas si Markie. Napapikit pa talaga siya sa pagtawa. Pero pagkadilat niya ay nanlilisik ang mga matang tinitigan si Z.
"Bakla ka! Potangina mo!" Sigaw niya bago umambang sumuntok kay Z sa mukha na nailagan lang ng huli.
Zabie pushed me a bit backwards away from him.
"Is that all you've got?" Nakakainsulto pang sabi ni Z na mas lalo ngang ikinagalit ni Markie na agad na umamba ulit ng suntok pero nailagan naman ulit ni Z 'yon.
"Tama na, Markie!" Sigaw ko at susugod sana para pigilan silang dalawa sa tuluyang pag-away pero may biglang humawak sa kamay ko kaya hindi ako nakagalaw.
"Hey, let me go!" Sigaw ko sa mga humahawak sa mga braso ko sabay pagpiglas pero hindi talaga nila ako binitawan. Mukhang nasisiyahan pa sila at inaabangan ang tuluyang pagbakbakan ng dalawa.
Napatili na lang ako ng malakas ng nakisali na ang ibang barkada ni Markie. Napansin ko ang pagpalayo din ni Mikael kay Chloe na agad ding hinawakan ng ibang estudyante ng akmang pipigilan nito ang boyfriend sa pagsali sa away. Pero wala na talaga kaming nagawa dahil nagsimula na talaga ang pagpambuno ng mga ito.
Tili pa din ako ng tili para patigilin sila. Sinisigawan ko din ang mga nakahawak sa 'kin na tumawag na ng teachers at patigilin ang away pero parang mga bingi lang sila. Nalulunod lang din ang tili ko sa sigaw ng ibang estudyante na nanonood lang. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa dalawa, lalo na kay Z. There's only two of them at madami ang mga kakampi ni Markie.
"Z!" Napasigaw ako ng makitang natamaan siya sa panga ng isang kaibigan ni Markie. "Tama na, please!"
Pero patuloy pa din talaga sila hanggang sa dumating na sina Johann at Christopher na sumali na din sa away para tulungan ang dalawang kaibigan. Nakita ko din si Henry pero nagtititili lang siya sa gilid. Napapikit na lang ako noong makitang dumugo na ang isang kilay ni Z at nakaramdam din ako bigla ng pagkahilo.
Feeling ko nga mahihimatay na talaga ako pero napamulat na lang ako ng marinig ang malalakas at sunod-sunod na pagpito. Ang tatlong security guards ng school at mga teachers parating na!
Finally!
Kaya tuluyan ng napatigil ang away pero bago 'yon ay nagpakawala pa ng isang suntok si Z sa mukha ni Markie at akmang susuntok din pabalik ang huli pero hindi na nagawa dahil tuluyang ng nakalapit ang mga profs at security guards.
Nahindik pa ako ng mapansin na may limang kagrupo si Markie na natumba na pala sa semento. Gusto kong mamangha sa kanilang apat pero mas nangibabaw ang pagsisisi ko sa sarili dahil ako ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to. Naluluha na akong napatingin sa boyfriend ko.
"Sino ang nag-umpisa nito?" Tanong ng isang prof at agad na nagsalita ang mga saksing walang mga kwenta at nanood lang kanina.
Pumiglas na ako sa may mga hawak sa 'kin at agad naman nila akong pinakawalan kaya napatakbo na ako papunta kay Z. Niyakap ko agad siya habang nanghihingi ng sorry.
"Its not your fault, Georgie. Oh, teka. Kasalanan mo pala." Nangingiting sabi niya na ikinaiyak ko lalo. "Kasalanan mong nakakabighani ang iyong angking kagandahan."
"Ano ba!" Angil ko pa sa kanya na sumisinghot-singhot.
Hinawakan ko ang kilay niyang pumutok at niyayaya na siyang pumunta sa infirmary kaso nagsalita na ang prof namin.
"Lahat kayo! To the guidance office, now!" Galit na anas nito kaya napasunod na nga kami doon.
Ang kaso ay hindi kami pinapasok nina Chloe at Henry. Naiwan kaming tatlo dito sa labas ng guidance. Magkatabi kami ni Chloe habang si Henry ay nasa kabilang upuan at nakairap. Napayuko na lang ako ng mapansin ang mga galit na titig ng ibang mga estudyante na napapadaan sa inuupuan namin. Narinig ko ang pagsinghal ni Chloe sa kanila.
"This is all my fault.." Nasabi ko habang namamasa na naman ang mga mata.
"Hindi, girl! Yes, may kasalanan ka din pero huwag mong isisi sa sarili mo ang lahat. Hindi mo naman sinagot si Markie eh. Magiging kasalanan mo lang kung naging kayo nga ni Markie tapos naging kayo din ni Zaber, pero hindi naman 'yon ang nangyari eh."
"K-Kaso napaaway sila dahil sa 'kin. Nagkasugat si Mikael mo. I'm sorry, girl."
"Ano ka ba! Huwag ka ng magsorry, girl. Alam ko namang hindi mo ginusto ang nangyari. Kaya huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Magbestfriends kaya sila kaya talagang tutulong si Mikael lalo pa't dehado kanina si Z kung mag-isa lang siya. Kahit nga sina Johann at Christopher sumali din dahil magkakaibigan nga sila. So, stop blaming yourself, okay?" Pag-aalu niya sa 'kin na nakangiti kaya napangiti na din ako despite my tears pero nadinig ko ang malakas na pag-ismid ni Henry na halatang narinig ang sinabi ni Chloe.
"Yaan mo siya." Pabulong na sinabi ni Chloe.
Maya-maya lang ay bumukas na din ang pintuan ng guidance. Naunang lumabas si Markie na may mga sugat at pasa sa mukha at agad akong tiningnan ng masama bago mabilis na umalis. Nakasunod din ang mga barkada niya sa likod niya at dinig ko ang pagdaing nila sa mga sugat at pasa na natamo. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanila at tinutok ang tingin ko sa pintuan ng guidance.
Napatayo ako agad sa inuupuan ng lumabas na ang boyfriend ko kasunod ang mga kaibigan.
"Zabie!" Naiiyak na sigaw ko at mabilis na tinakbo ang pwesto niya habang naglalakad din siya palapit sa 'kin.
Agad niya akong kinulong sa bisig niya at hinayaan akong umiyak sa dibdib niya.
"Stop crying, Georgie. Its not your fault, okay? Sabi ko sa 'yo, 'di ba? Kaya ko ang sampu. Dose pa nga sila kanina." Mayabang na anas niya na ikinalabi ko.
"Ang yabang mo... But still, I'm really sorry.."
"Hush now." Sabi pa niya at ramdam ko ang paghalik niya sa buhok ko.
"Tara na sa cafeteria. Gutom na 'ko." Dinig naming sabi ni Mikael na nakaakbay na kay Chloe.
Parang wala lang talaga sa kanila ang nangyaring rambulan kanina. 'Yong akala kong mas lugi sila ay taliwas pala. Mas nabugbog nga naman sina Markie.
"We should go to the infirmary, first. Your eyebrow might need some stitches." Nag-aalalang sabi ko noong naalala ang nagdurugong kilay niya kanina. Pero ngayon ay mukhang nalinis na 'yon at may bandaid na din.
"No need. Hindi malalim." He assured me before he planted a soft peck on my lips.
"Tara na." Dinig kong sabi ni Mikael ulit bago ito lumapit sa pwesto nina Henry, Johann, at Christopher.
Sumang-ayon nga ang dalawa except sa inahin nila. Pasupladang umirap si Henry bago nagpalatak.
"Masisira ang mga beauty niyo dahil sa mga babaitang 'yan!" Galit na anas niya habang tinuturo kaming dalawa ni Chloe. "Sinasabi ko na sa inyo! Masisira ang buhay niyo dahil sa kanila!" Pagpatuloy niya.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya at nanatili lang akong nakatungo. Alam ko naman na concerned lang siya sa mga kaibigan kaya nasabi niya 'yon. Naiyak na naman tuloy ako dahil sa sobrang konsensya. Ako nga talaga ang may kasalanan.
"At may isa pang parating!!" Biglang sabi niya bago nag walk-out ng tuluyan.
"Mother!" Pagpigil pa sa kanya ni Zabie pero tuloy lang ito sa paglakad ng mabilis palayo sa 'min.
Doon ko lang napansin ang humahangos na si Christine na papunta sa direksyon namin. Nagkasalubong sila ni Henry pero hindi naman sila nagpansinan. Dumiretso agad ito sa kay Christy na napansin kong nakatiim na ang bagang.
"Are you okay, Topero? I heard what happened! Are you all okay?" Nag-aalalang tanong ng kaibigan namin pero agad na napalitan ng gulat ang ekspresyon niya ng makita ang posisyon naming dalawa ni Z.
Si Chloe na ang sumagot sa tanong ni Christine at mas lalo nga lang siyang nagulat noong umakbay na naman ulit si Mikael kay Chloe. Malakas na napasinghap talaga siya at naguguluhang palipat-lipat ang tingin sa 'min ni Chloe.
Doon ko lang narealize na hindi pa pala niya alam ang tungkol sa 'ming apat. Hindi pa pala namin naikwento sa kanya.
Noong inamin na ni Chloe ang tungkol sa estado naming apat ay nakita ko ang saya sa mukha niya. She even congratulated us. Pero maya-maya lang ay nagbago din 'yon at napalitan ng lungkot. She looks hopeful as she looks at Christy pero nagwalk-out na 'yong huli.
"Tara na sa cafeteria." Tanging sinabi nito bago mabilis na lumakad paalis.