"So, mga anong oras tayong magkikita-kita mamaya?" Excited na tanong ng kagroupmate namin na si Sasha.
I don't like her. Halata kasi ang pagkagusto nito kay Mikael. Alam naman nitong may girlfriend na 'yong tao at kasama din namin ngayon pero kung makatitig ito kay Mimi ay para bang sila lang dalawa ang nasa paligid.
Ang kapal ng mukha!
Hindi ko tuloy naiwasang mapaismid habang tinititigan ito. Napalingon din ako kay Chloe at kita ko din ang pagmamasid niya sa Sasha na 'to.
Hay naku! Guluhin lang talaga nito ang relasyon ng dalawa hindi ako mangingiming bigyan siya ng isang malakas na sipa sa ngala-ngala!
Mabuti na lang at itong mga nagkakagusto kay Zaber ay umiiwas na. Alam yata nila kung sino ang makakabanggaan nila. They wouldn't want to mess with someone like me.
Nandito kami ngayong lahat sa gazebo kasama ang mga kagrupo namin para sa thesis. Nagtipon muna kami para pag-usapan ang magiging lakad namin mamaya papuntang Laoag. Mabuti na lang din pala na hindi nga kami nalipat sa ibang grupo kundi ay hindi kami magkakasamang apat ngayon. Matinding pagsisisi sana ang maramdaman namin ni Chloe.
Nakaupo ako sa kandungan ni Zaber while his arms are wrapped around my waist tightly. Pero ewan na lang talaga namin sa mga boyfriends namin. Wala talaga silang pakialam sa mga nasa paligid namin at masyadong mahilig din sa PDA. Ganoon din kasi si Mikael kay Chloe. Walang dudang magbestfriends nga ang dalawa.
Kahit paano ay nasanay na din ang mga kaklase namin sa aming apat. Though, there are still others who are still looking at us with pure distaste written on their faces. Lalo na ang mga bitches ko dati. Tumitigil talaga ako sa paglalakad at pinagtataasan ko sila ng kilay. Agad din naman silang umiiwas ng tingin na animo'y natakot at maaamong tupa.
Tss.
Try lang nila akong awayin o kahit ang kaibigan ko lang at hindi ko talaga sila uurungan.
Nakasalubong nga din namin si Markie at ang mga barkada nito kahapon at kanina pero agad na din silang umiiwas ng tingin at iniilagan ang direksyon namin. Kahit nakaramdam pa din ako ng konsensya sa ginawa kong pagpaasa kay Markie ay nagpapasalamat na din ako na umiiwas na nga ito. Mas mabuti na din 'yong ganoon para hindi na mauulit ang gulo noong nakaraan.
"Mga 4pm na lang?" Mungkahi ni Allen na siyang isa sa kagrupo namin.
"Sige." Agad ding pagsang-ayon ng lahat.
Patuloy pa din talaga sa pagsasalita si Sasha at kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bunganga nito kaya hindi na ako nagulat noong makaramdam ako ng pagkaantok. I'm getting bored with her nonsense words. Napahikab talaga ako ng malakas at naramdaman ko na lang ang paghila ni Zabie sa katawan ko. Inayos niya ang pwesto ko. He hugged me like he's cradling me like a baby now.
"Antok ka?" Bulong niya sa 'kin habang nakatitig ng masuyo sa buong mukha ko.
"Oo." Sagot ko din at agad niyang hinila ang ulo ko para maidikit sa dibdib niya.
"Matulog ka agad pagkauwi natin mamaya. Ipayos mo na lang sa yaya mo ang mga gamit na dadalhin mo." Mungkahi pa niya.
"Hindi na. Mawawala din 'tong antok ko mamaya. Bored lang ako sa nagsasalita ngayon." Mahinang bulong ko sa kanya pero sinaway niya agad ako.
"Georgie."
"Nagsasabi lang ng totoo. I don't like her." Mahinang bulong ko ulit.
"Just don't be like that. Kagroupmate pa din natin siya. Huwag mo na lang pansinin." Pagsaway niya pa sa 'kin.
"Tss. Pikit na muna ako." Nasabi ko na lang at pinikit nga ang mga mata pero agad ding napadilat ng marinig ko ang pagtunog ng phone sa gilid namin.
Dinig ko ang boses ni Chloe na nagpaalam kay Mikael na kakausapin daw ang mommy niya. Umayos na ako ng upo sa kandungan ni Z at umunat-unat pa ng kamay. His hands immediately went to the hem of my crop top at hinila niya 'yon pababa dahil umangat 'yon. Muntik ng makita ang baba ng dibdib ko kahit may silicone bra naman akong suot.
"Stop wearing this kind of clothing, Georgie." Dinig kong inis na turan niya.
"Oo na." Tamad kong sagot sa kanya.
Ewan ko ba pero parang wala talaga ako sa mood ngayong araw na 'to. Kanina pagkagising ko ay parang masaya naman ang mood ko pero ngayong tanghali ay parang naiinis ako. Naisip ko nga na baka dumating na ang period ko.
Dadaan na lang siguro muna ako sa pharmacy bago umuwi para makabili ng pain reliever. Halos dalawang buwan na kasi akong hindi dinatnan kaya paniguradong menstrual cramps talaga ang aabutin ko mamaya. Malayo pa naman ang byahe namin.
"Basta guys, ha? Magsistay muna tayo sa isang resort kahit isang gabi lang bago tayo umuwi ng Manila!" Excited na sabi ni Sasha na ikinaikot ng mga mata ko.
"We should be focusing more on our thesis before planning for an outing, Sasha." Hindi ko na napigilang sambitin at agad kong naramdaman ang muling pag-ikot ng kamay ni Z sa bewang ko.
"I know. Pero at least naka plano na ang lahat. I'm just suggesting para hindi naman sayang ang pagpunta natin sa Ilocos." Sagot din ng babaeng ewan.
"Paano magiging sayang? Eh ang pagpunta natin doon is mainly for our thesis. Mas importante 'yon dahil doon nakasalalay ang grades natin for midterm. Ang lakad natin is not for recreational purposes." Pagkontra ko ulit sa sinabi niya.
"Georgie." Dinig kong mahinang saway ni Z sa likod ko.
Hindi na nakasagot si Sasha at parang nahihiyang napayuko na lang.
"Are we done na ba? Hindi pa kami nakapag-ayos ng gamit." Nasabi ko na lang nahalatang naiinip na talaga ang boses.
"Yeah. Okay na 'yong usapan na alas kwatro tayo magkikita-kita dito, ha? Sa parking lot." Sabi ni Kurt at agad namang tumango kaming lahat sa sinabi niya.
"Let's all go home, then. See you guys later!" Nasabi na din ni Mikael at nauna ng tumayo para lapitan ang pwesto ni Chloe.
Agad naman akong tumayo sa kandungan ni Zabie. Sumunod din siya sa pagtayo at mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.
"Bye guys!" Sabay-sabay na sabi ng ibang kagrupo namin except for Sasha, sa aming dalawa ni Zabie habang kumakaway.
"See you all later! Ingat kayo!" Nasabi ko din at nakangiting kumaway din pabalik sa kanila.
Naging maganda na naman ang mood ko dahil natapos na nga ang meeting at tuluyan ngang nawala sa paningin ko si Sasha.
Mood swings na this! For sure ay parating na nga talaga ang period ko! At talagang si Sasha pa ang pinagdiskitahan ko, ha?
Lumakad na nga kami papunta sa pwesto nina Chloe at Mikael. Nag-usap pa kami ng kaunti sa plano namin mamaya. At napagdesisyonang susunduin nila kami mamaya sa bahay ni Z. Doon din naman kasi kami sasabay sa sasakyan ni Mikael para pwede siyang palitan ni Z sa pagdadrive mamaya. Malayo din kasi talaga ang byahe namin at kagaya ni Sasha kanina ay excited din naman talaga ako sa lakad namin ngayon.
First time kasi naming mag out-of-town na magkasama ni Zabie!
Habang nasa daan na kami pauwi ay agad kong tinuro ang pharmacy na nasa gilid ng daan.
"Daan muna tayo, Zabie. May bibilhin lang ako."
Agad ding niliko ni Zabie ang sasakyan sa pharmacy at nagpark na doon.
"Mabilis lang naman ako. Pain reliever lang ang bibilhin ko para sa cramps. Just in case lang." I told him noong akmang tatanggalin na nito ang seatbelt.
"Okay. But still, sasama ako." Sabi na niya at tuluyan na ngang tinanggal ang seatbelts.
Asus! Akala mo naman mawawala ako doon sa loob ng pharmacy eh! Napailing na lang ako habang nakangiting lumabas na ng sasakyan.
I immediately wrapped my arm around his pagkalapit ko sa pwesto niya at sabay na nga kaming lumakad papunta sa pharmacy. Pero noong papasok na sana kami ay nahila ko ulit palabas si Z noong makita ko ang malaking poster ng bagong produkto ng fastfood na katabi lang ng pharmacy.
May bagong flavor ng fried chicken tortilla sila! Garlic butter ang bago nilang flavor at hindi ko napigilang maglaway talaga habang tinititigan 'yon.
"You want that?" Tanong sa 'kin ng nobyo noong napansin niya ang pagkatitig ko sa poster.
"Yes!" Nakangiting sagot ko sa kanya na paniguradong kumikislap pa ang mga mata ko.
"Alright, then. Ako na ang bibili para mas mabilis. I-take out na lang natin." Nakangiting turan niya at agad akong tumango ng paulit-ulit sa kanya.
"Bilisan mo, huh? I'll be quick buying the medicine, too." Sabi ko pa na agad nagpahalakhak sa kanya.
"Parang gusto kong isipin na naglilihi ka, Georgie." Nasabi niya na siyang ikinapula ng mukha ko.
"Ngee! I don't think so, Zabie. Feeling ko nga parating na ang regla ko kaya bibili na ako ng pain reliever." Nasabi ko sa kanya at nakangiti lang siyang tumitig sa 'kin.
"If you say so." Masuyong sabi niya at agad na hinalikan ang noo ko.
"Sige na! I think maraming pila sa loob kaya you should go inside na." Nasabi ko pa at mahinang tinulak pa siya.
"Fine, fine!" Natatawang sabi pa niya at agad na ngang lumakad papunta sa fastfood.
I can't stop myself from salivating talaga! Kasi garlic butter! Parang gusto ko tuloy kumain din ng garlic bread!
Noong tuluyan ng nakapasok sa loob si Zabie at kumaway pa sa 'kin ay doon lang din ako gumalaw para pumasok na sa loob ng pharmacy.
Nasa pila na ako ng biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya kanina. Then, I tried to ask myself kung may time bang naglaway ako sa garlic at butter? Wala yata ah.
Doon lang ako natigilan at ramdam ko ang simulang pamamawis ng katawan ko sa napagtanto.
Naglilihi ba talaga ako?
Oh, my!
Agad akong napayuko habang tinititigan ang impis kong tiyan. I can feel my body trembling as I slowly raised my hand to touch my tummy. Hindi ko na namalayang napatulala na pala ako habang patuloy na hinihimas ang tiyan ko.
Am I pregnant?
Kung hindi pa ako tinawag ng taong nasa likod ko ay hindi ko pa namalayang malayo na pala ang agwat namin ng taong nasa unahan ko.
Agad akong gumalaw pahakbang pero hindi ko na talaga tinanggal ang kamay ko sa tiyan ko. If I really am pregnant then I should curse myself for wearing a crop top! Baka malamigan ang baby namin!
Honestly, I don't know what I should be feeling right now! I think I am happy but I'm scared, too, at the same time.
Ready na ba ako maging ina? Kaso may possibility naman talagang mabuntis ako. Like there was never a time na gumamit kami ng protection ni Z!
Kaso kailan naman?
Ang sabi kasi sa niresearch ko dati ay three-to-four weeks pa bago malalaman kung buntis ka nga if gagamit ng over-the-counter pregnancy test! Lalo pa't irregular nga ako!
If susumahin ang unang beses na pagtatalik namin ay lampas dalawang buwan na noong nangyari 'yon. 'Yong second namin ay isang buwan mahigit na!
"Good afternoon! Ano po ang sa inyo?" Pagbati ng pharmacist sa 'kin.
"Uhmm.. Pain reliever po bale ten pieces, tsaka tatlong iba't-ibang brand ng pregnancy test." Pabulong kong sabi sa kanya.
"Uh. Kayo po ba ang gagamit, Miss? Kasi hindi po advisable na gumamit ng pain reliever if buntis kayo unless na papayag ang doctor niyo."
"Huh? Uh.. Hindi po ako.." Pagtanggi ko pa sa kanya na tunog natataranta pa.
"Ah. Sige po." Sabi ng pharmacist na halatang hindi naniniwala pero tumalima naman para kunin ang bibilhin ko.
Ramdam ko ang pagkaasiwa noong nakita ko ang pagsulyap ng ilang beses ng pharmacist sa pwesto ko. Kinakausap niya ang isang kasamahan na parang nagtatanong siya dito.
Noong napabalik sa siya sa harap ko ay agad niyang pinakita ang gamot sa 'kin.
"Eto, Miss. Safe po 'tong inumin ng mga buntis." Sabi niya habang nakangiti na agad talagang nagpapula ng mga pisngi ko.
"Uh.. S-Sige po."
Pinakita din niya ang mga kinuhang pregnancy test na iba't-ibang brand. "May instructions naman diyan sa loob kung paano gamitin."
"Sige po. S-Salamat."
Agad niyang pinunch 'yong presyo ng mga bibilhin ko at natataranta pa akong kinuha ang pitaka sa bag ko para magbayad.
"Good luck po!" Nasabi pa niya at kinawayan pa ako.
"T-Thank you." Nausal ko din bago ako nagmadaling tumalikod at lumabas na ng pharmacy.
Wala pa din si Zaber kaya mabilis ko ng pinasok ang binili ko sa bag ko. I don't want to tell him anything yet lalo pa't hindi pa naman sigurado.
Kasi paano kung negative naman pala? Baka umasa pa siya sa wala.
Basing on his reaction a while ago ay mukhang gusto na nga niyang magkababy kami. Like okay lang talaga sa kanya. Parang masaya pa nga siyang isipin na naglilihi na daw ako!
I really don't know what to feel or how to react if its positive, though. Kaya bahala na lang talaga mamaya! Doon ko na lang sa bahay malalaman ang totoo!