Ilang linggo ulit ang lumipas at muli ko na namang pinilit na iwasan at kalimutan si ano. Kahit sobrang nahihirapan na talaga akong gawin 'yon.
I acted normal like my usual self, especially when I'm around Markie, Chloe, Christine and the other varisty players. Nilagay ko talaga sa likod ng utak ko ang pangyayaring 'yon. Sinabi ko sa sarili ko na isang bangungot lang kagaya noong unang beses na may nangyari sa 'min.
Bangungot naman talaga 'yong huling naganap sa 'min eh! Imagine? Sa eskinita talaga?
Fuck!
Erase please! Delete! Ilagay sa trash bin at muling idelete para kompleto talagang mawala sa memory!
Tinatak ko nga din sa isip ko ang lahat ng masasakit na ginawa niya sa 'kin noong una pa lang. Lahat ng pagtataboy niya sa 'kin, pagdededma niya, mga masasakit na salitang binibitawan niya sa 'kin. Basta inipon ko na talaga ang lahat! Kaya nga nilukob na naman ng poot at galit ang puso ko para sa kanya.
This is better kaysa sa taliwas ang maramdaman ko sa kanya which is not helpful for my well-being. Ayokong tuluyan ng magkaroon ng sakit sa pag-iisip at maging isang lehitimong baliw!
Nakaramdam din ako ng konsensya kapag nagpapahayag ng damdamin sa 'kin si Markie at kapag nagyayaya siyang magdate kami. As much as possible ay tinatanggihan ko ang date na gusto niya na kaming dalawa lang. Pumapayag lang ako kapag kasama ko si Chloe at Christine.
Sa totoo lang wala na din akong balak na sagutin pa siya. Parang ang unfair kasi talaga sa part niya dahil naalala kong hindi na pala ako malinis. But I don't know how to tell him to stop courting me na hindi ko nasasabi sa kanya ang totoo. I don't know how he will react if he knew the truth.
Pero hindi naman niya malalaman 'yon dahil wala nga akong pinagsabihan. Lahat ng nangyaring 'yon ay ako at si ano lang ang nakakaalam. Kasi sigurado din naman ako na hindi niya din nasabi 'yon sa mga kaibigan niya.
Sabi nga niya 'di ba? Huwag kong ipagkalat kasi ayaw niyang masira ang dignidad niya bilang isang bakla?
That fucktard!
Simula ng araw na 'yon ay inaraw-araw ko na din ang pag-usal ng panalangin at hiling sa Diyos na sana hindi na ulit kami magkakaroon ng pagkakataong magkalapit ulit ni ano pero talagang minalas ako. Hindi talaga dininig ang panalangin ko. Dahil sa isang major subject namin ay naging magkagroupmates pa kaming apat!
Grabe naman si tadhana!
Tinry ko ngang malipat kami ni Chloe sa ibang group kaso ang daming kumontra tapos nakisali pa si Mikael!
Its the first time he raised his hand in class! At noong nagsalita ay animo'y hindi talaga papayag na masali kami sa ibang grupo! I even saw the person beside him looking at my direction pagkatapos na sinabi ni prof na final na ang groupings at hindi na pwedeng maglipat ng grupo. Agad na lang akong yumuko at sinapo ang noo.
Muntik pa tuloy malaman ng mga kaklase namin ang tungkol sa lihim ko. Lalo pa't napatanong ang prof namin kung may ayaw ba kami sa kagrupo namin ni Chloe kaya gusto naming lumipat.
Tss!
Eh 'di fine! Hayaan na lang at wala na talaga kaming magagawa! Poproblemahin ko na lang ang araw na pupunta kami ng Ilocos para sa thesis na 'yon.
Sabado na ngayon ng hapon at kakatapos ko lang magreview ng dalawang subjects para sa midterms namin na magsisimula na sa Monday.
Umunat-unat pa 'ko ng katawan. Masyado yatang nadrain ang utak ko ngayon at kailangan ko munang marecharge. And the best solution for that is my favorite Frappuccino from Starbucks.
May malapit na starbucks dito sa 'min at pwede rin naman ako mag-utos sa mga kasambahay or magpadeliver dito sa bahay. Kaso mas gusto kong lumabas muna kahit saglit lang. Hindi na ako nagpalit ng damit at kinuha na lang susi ng sasakyan ko bago lumabas ng kwarto. Nagpaalam lang ako kay yaya bago ako tuluyang umalis.
Nag-aantay na lang akong tawagin ang pangalan ko habang nakaupo sa isang mesa doon sa loob. Masyadong maraming tao ngayon dahil sabado nga. May iilang bumati sa 'kin kanina na kapitbahay lang din namin kaya masyado pa akong natagalan sa pagpunta sa counter para umorder.
Pinili kong maupo sa mesang pangdalawahan na nasa sulok na bahagi ng coffee shop para maiwasang nakipagchikahan pa sa ibang kakilala. Ayoko munang makipag-usap ng bongga at baka mawala ang nireview ko.
Katext ko na ngayon si Chloe at Markie at balak pa sana ng huli na sumunod dito kaso uuwi din naman ako agad. Magrereview pa kasi ako ulit. Pero dahil makulit nga si Markie ay napatawag na talaga siya.
"Magrereview pa nga ako." Nasabi ko agad pagkasagot ko sa tawag niya.
"Kahit saglit lang naman, Georgie ko. Sige na. I swear, uuwi din ako." Pagpupumilit niya na siyang laman din ng text niya kanina.
"Huwag na nga. Malayo kaya 'tong sa 'min and I've brought my car with me, too. Magkita na lang tayo sa Monday."
"Please?"
"Ang kulit!" Natatawa kong sabi. "But really, Markie. Sa Monday na lang. You're not studying ba? Kailangan mo ding i-maintain ang grades mo, right? Lagot ka sa daddy mo kapag nakick-out ka sa team." Tukso ko pa sa kanya praying na huwag na siyang mangulit pa.
"My dad would be happy and will definitely allow me if I told him na pupunta ako sa 'yo ngayon. I still have tomorrow to study, anyway. Please, Georgie ko?"
"Huwag na nga-" Pagtanggi ko sana ulit pero natigilan ng may biglang naglapag ng isang tray na may lamang dalawang inumin at isang slice ng cheesecake sa harap ko.
Pag-angat ko ng tingin sa gumawa niyon ay agad akong napangiwi at mabilis na umiwas ng tingin. Kita ko pa sa peripheral vision ko na napaupo pa talaga siya sa bakanteng upu-an sa harap ko.
The hell!
"Georgie ko? Still there?" Dinig kong boses ni Markie sa kabilang linya.
"Uh.. Sa Monday na lang talaga, Markie. Nandito na ang order ko. Uuwi na din ako. I'll call you later na lang when I get home. Bye." Mabilis ko ng pagpapaalam bago pinatay ang tawag.
Tumayo na ako. Nakatoon ang mga mata ko sa inumin at nakita kong may pangalan ko nga 'yong isa doon.
Tss.
Ba't nangingialam 'tong isang 'to? Dapat hinayaan na lang niya 'yong order ko! It seems na kanina pa pala tinatawag ang pangalan ko pero dahil may kausap ako sa cellphone ay hindi ko narinig 'yon.
And why is he here, now?! Hindi ko man lang siya napansing pumasok kanina! Don't tell me he was behind me noong nag-oorder ako? I remembered I was busy reading Markie's text noong natapos akong mag order eh. Kaya siguro hindi ko nga siya napansin.
But whatever! Ayoko din naman siyang kausapin!
Walang sabi-sabing inangat ko ang kamay ko para kunin ang inumin ko pero bigla niyang inilag 'yong tray. Wala na tuloy akong nagawa kundi tingnan siya. Pinaningkitan ko nga ng mga mata but he only smiled at me.
Nang-iinis ba siya? Ang baklang 'to!
"Ano ba?! I have no time for this, okay?! Just give me my drink!" Angil ko sa kanya sa mababang boses na tama lang na marinig niya.
"No thank you's? Ako na ang nagdala dahil kanina ka pa tinatawag noong server. You wasted their time kahit na kita mong marami ang customers nila. So inconsiderate and unappreciative." Pagpalatak pa niya na na mas lalong nagpangingit ng kalooban ko.
"So what do you want me to do then? Say sorry to the server and say thank you to you? Duh! Why don't you just give me my drink! Uuwi na ako!" Sabi ko at agad na yumuko para kunin ang inumin ko pero muli niyang pinaiwas ang tray.
"Kung talagang nagpapasalamat ka then sit here with me. As you can see, mag-isa lang ako. Hindi ko din mauubos ang cheesecake. We could share it." Nangingiting sabi niya na parang ewan.
Like really? Feeling niya papayag talaga ako sa gusto niya? Who is he anyway?!
Why is he acting like we're friends or something? Parang wala lang talaga sa kanya ang lahat ng nangyari sa amin a couple of weeks ago ah!
Walang salitang umalis na lang ako sa harap niya at dumiretso na palabas ng coffee shop. Sa kanya na lang ang inumin ko! Mas mabuti pang umuwi na lang at magpadeliver kaysa ganito na makakaharap ko ang taong iniiwasan ko!
Mas nagalit nga lang ako pagdating ko ng parking area noong makita ko ang sasakyan niya sa tabi ng sasakyan ko! Wala 'yan kanina! I remember na pick-up 'yong nandiyan.
Don't tell me he followed me here?!
But whatever! Wala na 'kong paki! Pero ang sarap gasgasan ng sasakyan niya! Promise!
Ang plano kong magrelax ay tuluyan ng nasira dahil sa pagdating niya.
Pagkarating ko sa bahay ay doon na lang ako umorder sa food delivery app. While waiting for my order to arrive ay nagbalak na lang akong magreview ulit pero dahil pumapasok sa isip ko ang taong 'yon ay hindi ko magawang magconcentrate! 'Yong mga inaral ko kanina ay nawala na din! Muntik ko na tuloy ihampas sa ulo ko ang reviewer.
Ang pangit talaga ng epekto niya sa sistema ko!
Naiinis na tinapon ko ang reviewer ko sa taas ng study table ko bago ako tumayo sa swivel chair. Mas mabuti pang bumaba na lang sa pool area at doon na lang magpaparelax.
Kabadtrip talaga!
Mabuti na lang at nakakarelax ang tunog ng tubig dito na galing sa man-made waterfalls namin. Nakakalma kahit kunti ang pagngitngit ng kalooban ko.
Pero habang nakapikit ay pilit na pumapasok na naman sa isip ko ang taong 'yon.
Tss!
Like what is his problem ba? Bakit lumalapit pa siya? Chinicheck niya ba kung buntis ako? Natanong ko sa sarili dahil kita ko ang pagpasada ng mga mata niya kanina sa bandang tiyan ko.
That asshole! Feeling siya! Baog kaya siya! Kabwisit talaga!
Hindi ko tuloy napigilang sipa-sipain ng malakas ang tubig ng swimming pool sa paanan ko. Muntik pang mabasa ang damit ko dahil doon ko talaga binunton ang inis ko.
"Oh, ba't parang badtrip ang alaga ko?" Dinig kong boses ni yaya sa likod ko na siyang nagpalingon sa 'kin.
Napangiti talaga ako ng makita ang hawak niyang paper bag na may tatak ng coffee shop.
"Wala po, yaya." Sabi ko ng nakangiti pa din habang nakaangat ang kamay ko para ibigay na ni yaya ang inorder ko.
"Nagpasuyo ka pala doon sa crush mo, iha? Akala ko pa naman ay ikaw na ang bibili kanina." Nasabi niya noong nahawakan ko na ang order ko.
Bubuksan ko na sana 'yon pero natigilan noong nagsink-in na sa utak ko ang sinabi ni yaya. Nabingi yata ako?
"H-Huh? Anong sabi mo, yaya?"
"Kaku, 'yung nag-iisang crush mo ang naghatid dito. Nagpasuyo ka palang magpabili ng paborito mo."
The... fuck?
Dali-dali ko ngang binuksan ang paper bag at napangiwi ng makita ang inumin na may pangalan ko at may kasama pang isang slice ng cheesecake at tatlong klase ng cookies!
"Sa 'yo na 'yan, yaya!" Sabi ko agad na parang nandidiri habang binabalik kay yaya ang supot.
"Huh? Bakit naman? Galing sa crush mo 'to." Naguguluhang tanong ni yaya sa akin na parang hindi makapaniwalang tinanggihan ko 'yon.
Wala na kasi talaga silang alam. Sinarili ko na nga kasi ang lahat ng pinagdaanan ko. Baka kasi kung mag-open up ako sa kanya tungkol sa pag-iwas ko ay hindi ko maiwasang ibunyag din 'yong hindi kaaya-ayang nangyari sa pagitan namin ng baklang 'yon.
"Nag-order na po ako eh. Sa 'yo na lang 'yan, yaya. Antayin ko na lang 'yong pinadeliver ko." Sabi ko na lang na may tipid na ngiting nakapaskil sa mukha ko.
"Oh, sige." Sabi na lang ni yaya na tunog naguguluhan pa din.
Ayoko ngang kunin at tikman man lang ang bigay ng taong 'yon! Bwisit siya!
Pagkaalis ni yaya ay hindi ko napigilang guluhin ang buhok ko. Nakakabadtrip talaga! Sarap lumipat sa condo na bigay ni daddy ah! Kung sakali ngang lilipat ako doon ay hindi na magtagpo ang landas namin aside sa school.
Kaso ayoko namang iwan sina yaya dito. Malulungkot lang din ako dahil literal na mag-isa na talaga ako doon.
Hay!
Bakit ko pa kasi naisip na maging magkaklase kami. Sa susunod na semester I'll make sure na hindi na ulit mangyayari 'yon. I have to get farther away from him as much as possible so I could finally fix myself completely.