"My name is Georgette. I'm 9 years old na po." Sagot ko sa tanong ng magandang ginang na may kasamang isang batang lalaki.
Nandito kami ngayon sa harap ng bahay nila na katapat lang din ng bahay namin. Kasama ko si yaya at ang isang body guard ko na laging nakabantay sa akin. Ayaw sana akong payagang lumabas ni yaya kanina but since bored ako ay wala na din siyang nagawa noong nagtantrums na ako.
The mother and son in front of me are our new neighbor. Magkaharap lang ang bahay namin and they've just moved in yesterday. Galing kami sa park nina yaya at noong malapit na ko sa bahay ay kinawayan ako ng magandang ginang. She have this friendly aura and I can't help but be mesmerized with her smile.
"Hi, Georgette! This is my son, Zaber. Magkaedad lang pala kayo nitong unico hijo ko. I hope both of you will become good friends, iha." Pagpapakilala sa amin ng ginang kaya nalipat ang tingin ko sa anak niya.
Narinig ko ang lahat ng sinabi ng mommy niya pero hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa batang puso ko. I see some butterflies around me as we looked at each other eye to eye.
Is this what they called as puppy love?
Love.
When I asked yaya kung paanong meron akong daddy at mommy ang sagot ni yaya ay dahil nagmahalan daw sila. They first fell in love before they decided to get married. And as result of that love ay kaming mga anak nila.
Pero natanong ko naman kay yaya kung bakit parating nag-aaway ang mga magulang ko. If they do love each other dapat ba talaga silang mag-away?
She only answered me with a half-smile before she told me na natural lang mag-away ang mag-asawa. Intindihan ko na lang daw. But my young heart just couldn't understand. I always cry whenever they fight, luckily for me, I have yaya and my only brother Willard who will comfort me.
But I really think I know what the term love is now, habang nakatingin sa lalaking ka-edad ko lang na nasa harap ko. Nakatago siya sa likod ng mommy niya, pero ang mga mata niyang kulay green ay nakatingin din sa 'kin.
I'm in love, no doubt.
"I don't want to be his friend, tita. I'm gonna marry him." Nakangiti kong sabi habang nanatiling nakatitig sa mga mata ni Zaber.
Narinig ko ang pagtawa ng mommy niya at ni yaya. Si Zaber naman ay nakita kong namula ang buong mukha at mas lalong sumiksik sa likod ng mommy niya.
"Etong batang ito talaga! Palabiro!" Natatawang sabi ni yaya habang hinahaplos ang buhok ko.
"I'm not kidding, yaya!" Inis kong sabi. "I love him!" Sabi ko pa sabay turo kay Zaber.
"Its still too early for that, iha. But when both of you and my son will be of age then I will gladly accept you as my daughter-in-law." Natatawang sabi ng mommy niya na nagpangiti sa 'kin ng malawak.
Pagkauwi namin sa bahay ay agad kong inulit kay yaya ang sinabi ko kanina tungkol kay Zaber.
"Asus, itong alaga ko. Hindi pa naman 'yan matatawag na totoong pagmamahal. Paghanga pa lang yan dahil nagagwapuhan ka doon kay Zaber." Nangingiting sabi niya habang sinusuklay ang buhok ko.
"No, yaya! Its love na po talaga. I swear." Pagpipilit ko sa kanyang maniwala sa sinabi ko.
Napahalakhak naman siya kaya napalabi ako.
"Nagdadalaga na nga talaga ang alaga ko. May crush na." Sabi niyang nakangiti at masuyo akong tiningnan sa mirror.
Napalabi ako lalo and I even crossed my arms as I stare at her through the reflection of my mirror.
Ayaw talaga maniwala ni yaya.
Baka nga tama siya na simpleng paghanga lang 'tong nararamdaman ko. Pero ayokong tanggapin talaga. Marami naman kasi akong kakilalang gwapo eh. Pero iba talaga ang na feel ko noong nakita ko si Zaber. I'll just have to prove to yaya that she's wrong.
Since then, ay parati ko nang inaabangan si Zaber na lumabas sa bahay nila. Kinukulit siya para maglaro at pumunta sa park but he was really a shy little boy. He often stayed at home kaya parati akong pumupunta sa bahay nila and tita Sandy, his mom, would always welcome me inside. But Zaber would just ignore me every time, but I don't care at all. Basta makita ko lang siya at makausap kahit hindi siya nakikipag-usap pabalik ay masaya na ang batang puso ko.
"Thank you, iha, for trying to your best to befriend my son. Pagpasensyahan mo na lang dahil sadyang mahiyain siya. He's not used to socialize with other people. Home schooled siya noong nasa America kami. Mahigpit kasi masyado ang tito Douglas mo sa kanya." Pagkikwento ni tita noong minsang pumunta ako sa bahay nila.
Hindi man lang kasi ako hinarap ni Zaber at nanatili lang siya sa loob ng kwarto niya at nagkulong. Kaya si tita ang nakakausap ko.
"But he knows tagalog naman po, tita?" Natanong ko kasi baka hindi pala siya marunong eh minsan nagtatagalog pa naman ako sa kanya.
"Of course, iha. I always talked to him in tagalog noong nasa US pa kami. Alam ko kasing makakauwi din kami dito sa Pilipinas kaya hinanda ko na siya." Masayang sabi ni tita.
Nasisiyahan ako makipag-usap kay tita. I found out a lot about Zaber through her, especially his likes and dislikes. His favorites and such. His life back in the US. Tita even showed me his baby pictures. He's so cute! And I also found out about their family.
Katulong daw dati si tita ng pamilya ng daddy ni Zaber. Zaber's paternal grandmother likes tita a lot kaya pinagmatchmake niya si tito Douglas at si tita. Hindi namention ni tita if may love bang namagitan sa kanila but because of Zaber's existence then for sure may love nga. Just like what yaya said.
Hindi na talaga naging malungkot at boring ang buhay ko simula noon. Kahit wala pa ding oras sina mommy at daddy sa amin ni kuya ay hindi na ako naging malungkot.
I'm also busy with my future husband, anyway.
When classes starts ay naging magkakaklase kami. He also enrolled in the university owned by my parents. As time passes by, ay meron akong nanonotice na something sa kanya. He acts more feminine than me and any other girls, and our bully classmates would often tease him as gay. Pero hindi ako naniniwala!
Paano siya magiging bakla eh crush ko siya at magiging asawa ko siya!
We became classmates until we reached senior high. Mas lalo siyang gumwapo at sigurado na ako sa sarili ko na hindi lang talaga simpleng crush o paghanga ang nararamdaman ko sa kanya.
Prom came and I did my best to ask him to be my partner. When he declined I asked my mommy's and his mommy's help para sila na mismo ang magsabi kay Zaber na maging partner kaming dalawa sa prom. Kaya wala ng nagawa si Zaber and he did became my partner.
On the night of our senior prom was when he finally told me the truth about his sexuality. We were dancing in the middle of the dance floor and I couldn't stop myself from confessing. I thought it was the perfect time to tell him about my feelings na alam kong obvious naman sa kanya.
"I know that you already know what I feel towards you, Zaber. I like you so-" Sabi ko pero napailing din agad. "No, scratch that. I'm in love with you." Sabi ko sa kanya habang nakatingala ako kahit na nakaiwas ang tingin niya sa 'kin.
He's hands on my back and on my hand became tighter. Then I heard him let out a heavy sigh.
"I'm sorry, Georgette. I can't accept your feelings. You see, I'm not into girls. I like girly stuff. I'm.. still hiding my true identity for personal reasons but when I have the chance then I would gladly let it all out."
"W-What do you mean?" Tukoy ko na ang sinasabi niya pero mas gusto ko pa din manggaling 'yon sa mismong bibig niya.
"I'm gay, Georgette." Seryosong sabi niya habang nakatingin na sa mga mata ko.
Ramdam ko ang pagkaguho ng mundo ko noong sinabi niya 'yon. I can see his suffering from his eyes. Its like its the first time he finally said the truth about himself out loud.
"Zaber.. B-Baka nagkakaroon ka pa lang naman ng identity crisis... But sooner or later you'll realize that you're really straight.. I'm willing to wait, Zaber.." Parang tunog nagmamakaawa pa ako sa kanya.
"I don't think so.." Sabi niya sabay iling. "Ibaling mo na lang sa iba ang paningin mo. You have a lot of admirers. You should give them a chance instead."
"Chance? Why don't you give me a chance, then?" Matapang na tanong ko pa but then he just gave me a half-smile before he led me out of the dance floor to our table.
"I'm sorry. We can never be, Georgette. But I could offer you friendship. I don't mind having a friend like you." Mahinang sabi niya noong nakaupo na kami sa mesa namin.
Ako naman tuloy ang napabuntong-hininga. Ititigil ko na ba ang pag-ibig ko kay Zaber? Napayuko tuloy ako.
But then I noticed something on his gestures. His hands resting on the top of his thighs are actually trembling. Parang nabuhayan ako ng loob. Hindi ko tuloy naiwasang abutin 'yong isang kamay niya doon then bravely looked at him straight on his eyes.
"I'm not gonna stop loving you, Zabie. I don't care if you are gay, it still doesn't change my feelings. I've already been in love with you for years, kaya bakit ako susuko ngayon?" Sabi ko at agad na ginawaran siya ng matamis na ngiti.
Nakita ko ang pagkatulala niya pagkatapos kong sabihin 'yon pero noong natauhan siya ay parang natakot siya. Hinila niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko at nagmadaling tumayo at walang salitang iniwan ako sa mesa.
Dumiretso na siya ng uwi ng gabing 'yon. His confession about his sexuality did broke my heart, actually, but instead of losing hope, I even took it as a challenge. Kaya eto at patuloy pa din ako sa paghabol sa kanya.
The next day I went to their house. May gusto lang kasi akong tanong sa kanya at gusto ko din siyang makita.
"Sinabi ko na sa 'yo, Georgette. Hindi nga tayo pwede kasi bakla ako." Nafufrustrate na anas niya sa 'kin noong pinagbuksan niya ako ng gate.
"Paano mo naman kasi nasisiguradong bakla ka nga? Just give me a chance, Zabie. I already told tita Sandy na magiging asawa kita." Sabi ko pa.
"I just knew it, okay? I told you I like girly stuff. You know, I'm close with my momma and I wanna be like her. I also feel jittery when I'm with boys. Basta. Sigurado akong bakla ako. Kapag natanggap na ako ni daddy ay hindi ko na itatago ang totoong ako. So please stop with your illusions about me being your husband!" May twang na sabi niya na imbes na ikangiwi ko ay ikinangiti ko pa.
Ang pogi niya habang namumula na ang mukha sa sobrang frustration.
"Whatever you say, crushy. I still love you, though." Sabi ko na lang bago ako nangingiting tumalikod sa kanya at umuwi na sa bahay.
But something happened when our regular classes resumed. Our classmates started noticing about my feelings towards Zaber. They teased me and made fun of me because of that. Kung bakit daw sa dinami-dami ng lalaki ay kay Zaber pa na sobra pa daw sa babae kung umasta. But I don't care, though. Pwede ko silang ipakick-out sa school kapag inisin pa nila ako.
However, some of my suitors tried to bully Zaber na mas ikinabahala ko. They even tried to do some physical assault towards him, mabuti na lang at hindi natutuloy. Kaso natakot ako sa maaari pang mangyari.
I have no choice but to hide my feelings then, and told them na hindi 'yon totoo. Na hindi ko naman talaga gusto si Zaber. And I wouldn't fall in love with a gay boy.
Nagtawanan ang lahat, pero nakaramdam naman ako ng sobrang takot. Noong sinabi ko kasi 'yon ay nakita ko ang lungkot at napalitan ng galit ang buong ekspresyon ni Zaber habang nakatingin sa 'kin. He heard all of it and I don't know how to tell him that I was just lying that time. From that day on, ay tuluyan na niya akong iniwasan.
Pero hindi pa din talaga ako tumigil kahit patago ko na lang ginagawa ang pagpapapansin sa kanya. As long as walang nakakaalam sa nararamdaman ko sa kanya at sa paghahabol ko sa kanya ay walang magiging problema.