Kanina pa ako nakatayo malapit sa bintana ng kwarto ko at nakadungaw sa labas. Medyo humahapdi na nga 'yong mga mata ko pero ayaw kong pumikit at baka hindi ko makita ang paglabas niya. Masasayang lang ang pag aantay ko dito.
"Where are you, Zabie?" Sabi ko sa sarili sabay kagat ng pang ibabang labi.
Mag-iisang oras na yata ako nakatayo dito habang nag-aantay na lumabas 'yong taong inaabangan ko. Gusto ko ng lumabas at magdoorbell doon sa bahay nina Zaber, kaso baka singhalan lang niya ulit ako.
Gusto ko lang naman sumabay ditong mag jogging eh. Noong after graduation kasi namin ay parati na siyang nagjajogging kaya nagsimula na din akong magjogging kahit may work-out equipments naman kami sa bahay.
Hay naku.
I've been doing the chasing for years now pero hindi pa rin talaga ako napapagod. Ilang beses na akong nasaktan pero patuloy pa din ako. I'm in love and I don't think mali ang maghabol sa taong mahal mo kahit patago na lang sa ibang tao ang ginagawa ko.
I already considered my feelings for Zaber as my ultimate secret from now on. A secret I've kept from my family and friends. Si Rosie lang talaga ang nakakaalam at ang mommy ni Rosie na siyang yaya ko. Sila lang ang nakakaalam nang lahat-lahat tungkol sa paano nag-umpisa ang pagsinta ko kay Zaber at mga pinanggagawa kong paghahabol sa crush ko. Sa kanila lang din ako naglalabas ng sama ng loob.
I have a hunch that Tita Sandy didn't take my words on that one summer day seriously. Bata pa naman kasi talaga ako noon, but now that I'm about to enter the college life ay wala pa din talagang nagbago sa nararamdaman ko kay Zaber.
Nothing changes, mas lumalim pa nga. I still wished and hoped for Zaber to be my husband.
I was still looking out the window when I heard the sound of an ambulance na paparating. I then let out a loud gasp when I saw it parked in the front of the house of the Walker's. Then tita Sandy came out. She's crying hysterically.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kaya napatakbo ako para mapuntahan si tita. I knew something bad happened and I prayed so hard that it wasn't anyone on their family.
Sana huwag si Zabie ko.
But as I was approaching their house ay lumabas din si Zaber na umiiyak. He hugged his mother so tight as they continued crying. Then, I saw the paramedics carrying the lifeless body of his father on a stretcher.
Tito Douglas died that day due to his heart condition. Doon ko lang din nalaman ang totoong dahilan kung bakit sila umuwi dito sa Pilipinas and started their family business here. Mas gusto daw kasi ni tito maranasan ang buhay sa Pilipinas kahit bago pa siya mamatay.
Ilang linggo lang pagkatapos ng libing ng ama niya ay doon na nagsimulang maging all-out si Zaber tungkol sa pagiging bakla niya. Wala na kasing pipigil sa kanya. Lalo na noong college na kami.
He met his four friends at school, namely Henry, Johann, Christopher, and ang naging bestfriend niya na si Mikael. Naging barkada talaga silang lima and the five of them are all gays.
Mga gwapong bakla.
But still, hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko pa din talaga siya. I even chose the same course na pinili niya and did my utmost best para maging magkaklase kami.
He's everything to me. He's my crush and my first and only love.
Kahit madami ang nanliligaw ay wala pa din makakakuha ng posisyon ni Zaber sa puso ko. Siya pa din talaga. Kahit si Markie na pilit na nilalakad sa 'kin ni daddy ay hindi ko gusto.
Akala ko wala na talagang magbabago, but then I met Chloe noong malapit na akong mag third-year. We first met when I was in school with my bitches. Mga so-called friends ko na alam kong mga plastic at gusto lang akong maging kaibigan because I'm popular at anak ako ng owner ng school. But I don't mind at all. I just want to belong to a group and they treat me as their leader, so, hayaan na lang kahit ginagamit lang nila ako. And somewhat parang ginagamit ko din naman sila.
But after knowing Chloe, ay doon ko lang naranasang magkaroon ng totoong kaibigan. We immediately clicked because we're both on the same page. Then, Christine came along, too. Kaya mas lalo akong nasiyahan sa buhay dahil nadagdagan pa ang mga totoo kong kaibigan.
Ang plano ay magtulungan kami para makuha ang mga lalaking.. este mga baklang sinisinta namin. Chloe was Mikael's fiancee, then Christine is friends with Christopher since childhood at ngayon ay engaged na sila dahil sa pamimilit ng mga magulang nila. Then we also met a cute but makulit girl named Gaile, na may gusto naman sa dati niyang manliligaw na si Johann.
I thought tuloy-tuloy na ang plano at hindi pa din magbabago ang nararamdaman ko kay Zaber.
Kaso...
Chloe suddenly decided to avoid Mikael aka Mimi. Napagod siya. When she said those words ay bigla din akong nakaramdam ng kapaguran. Lalo na noong sinabi ni Chloe ang sinabi ni Zaber sa kanya na pareho daw kaming manloloko.
Huh? Kailan ko ba siya niloko? Paano ko siya lolokohin eh mahal ko nga siya.
Bago ko siya tuluyang i-give up ay kailangan ko munang malaman ang rason kung bakit nasabi niyang manloloko ako. Baka pwede ko namang linisin ang pangalan ko sa kanya bago ko siya tuluyang iwasan.
Nakakapagod na talaga.
Kasalukuyan ko ng dinadial ang number niya na matagal ng nakasave dito sa phone ko.
I always called him at night before I go to sleep but he would always cancel my call. I also send him a number of text messages kahit wala siyang reply ay okay lang sa 'kin. But I was still hoping that one day he would answer my calls or send me a reply to even one of my texts. Kahit isa lang sana sa dalawa pero hindi na yata talaga mangyayari 'yon.
Natapos na ang unang tawag ko ay hindi pa din niya sinasagot 'yon. But he's not canceling it so I thought I could try calling him again. So I did.
Nakailang ring na naman and alam kong malapit ng matapos ang tawag at ang automated voice na naman ang magsasalita sa kabilang linya. But I was shocked to the core when I heard his voice instead.
"H-Hello?" Namamaos ang tinig niya but I know its him.
I almost dropped my phone on the floor pero agad kong binalik ang wisyo ko at kahit nanginginig ang kamay ay tinapangan ko ang sarili.
Ang ganda kasi ng boses niya sa phone! Oh, my!
"Z-Zaber?" I stuttered.
"What do you want?" Pasupladong tanong niya.
"Can we talk, please? In person?"
"And why would I say yes to that?" Suplado niya talaga, but he sound kinda off.
Is he drunk or something?
Parang nabubulol kasi siya and walang twang 'yong pagsasalita niya. Parang nakakapanibago lang. Simula noong nagcollege kami ay naging maarte na kasi siya magsalita.
"I have something to clarify lang. A-And, uh, this would be my last time to, uh, bother you, I swear." Sabi ko na halos kapusan na ng hininga sa kaba.
"Sigurado ka ba diyan? If this is the last time and you'll be true to your words then sure. Punta ka dito sa bahay." Sabi niya at agad ng pinatay ang tawag.
Oh, my! Sa bahay... nila? Pinapapunta niya ako? First time na nangyari 'tong siya ang nagyayang pumunta ako sa bahay nila!
Sabi ko kay Chloe, kay Zaber, at sa sarili ko na last na 'to 'di ba? Pero bakit nagpapaganda pa ako? Nagbihis pa talaga ako ng maayos bago ako pumunta sa bahay nila. Natagalan tuloy ako. Bago pa ako lumabas ng kwarto ko ay nagreply pa ako sa text ni Chloe.
Muntik pa akong hindi payagan ng guard namin na lumabas kasi gabi na nga pero noong sinabi kong kina Zaber lang ako ay pinayagan na din ako. Pagkarating ko sa harap ng bahay nila ay nakita ko ang mustang niya na hindi nakapark ng maayos sa garahe. Tita Sandy's car is not in sight as well. So, maybe mag-isa lang si Zaber dito kasama ang mga katulong nila.
I pressed the doorbell and then I heard his voice through the small speaker, telling me to just go inside. Bukas naman pala ang gate.
When I entered their main door ay agad na napansin ko ang mga damit ni Zaber na nagkalat sa sahig ng sala nila. Parang ahas lang? Parang nakakagulat na ganito ang tumambad sa akin pagkapasok. Alam ko kasing sobrang masinop si Zaber sa mga gamit niya. Malinis nga kasi siya kahit hindi nga ako nakapasok sa kwarto niya ay nakwento naman ni tita Sandy na organized daw talaga lahat na parang OC na daw ang unico hijo niya.
Pinulot ko pa 'yong t-shirt niya at pantalon bago ako nagpa tuloy sa paglalakad papasok. Iniwan ko na lang ang medyas at sapatos.
"Zaber?" I called out his name dahil sobrang tahimik ng bahay nila.
Ni wala man lang akong narinig na kaluskos or something that would indicate his location. Ang tunog lang ng malaking AC nila ang nagpapaingay sa paligid.
"I'm upstairs. Come here." Malakas na sabi niya galing nga sa taas.
"Huh?"
Ano daw? Nasa taas siya? Pinapaakyat niya ako?
Oh, em gee! What's happening ba? Am I dreaming?
Kahit nagtataka sa nangyari at nakaramdam na din ng konting kaba ay hindi ko pa ding maiwasang makaramdam ng excitement. Shocking naman kasi talaga.
"Come.. here." Ulit niya pa na siyang nagpabilis na ng galaw ko sa pag-akyat sa hagdanan nila.
Pinapaakyat ako eh! Obedient pa naman ako pagdating sa kanya.
Noong nakarating na ako sa huling baitang ay siya ding pagkita ko ng pagsarado ng pintuan ng kwarto niya.
Huh? Ano kayang plano ni Zaber? Mag-uusap kami sa labas ng kwarto niya?
"Z-Zaber?" Tawag ko naman sa pangalan niya.
Parang nakakatakot! Kung hindi ko lang nakita ang sasakyan niya, mga damit niya sa sahig at masiguradong boses niya nga 'yong narinig ko kanina ay baka nagtatatakbo na ako palabas ng bahay nila. Parang walang katao-tao pa naman.
"P-Pasok ka." Dinig kong boses niya sa loob ng kwarto niya.
Parang nahihirapan ang boses niya.. Anong.. Anong meron? May sakit siya?
Sa naisip ko ay nagmadali na akong humakbang para pumasok nga sa kwarto niya. Marahas kong binuksan ang pintuan na hindi naman pala nakasara ng maayos at agad napasinghap ng makita ang itsura ni Zaber sa loob. Its my first time entering his room pero hindi ko na pinagala ang mga mata ko dahil agad na pinukos ko ang tingin sa kanya.
"Anong nangyari?" Natatarantang tanong ko na agad na lumapit sa pwesto niya sa sofa.
Nakasalampak siya sa taas ng sofa. Pulang-pula ang buong mukha niya hanggang leeg. Parang hindi rin pantay ang paghinga niya, he's covered in sweat, and he's also holding his forehead.
Hinawakan ko agad ang leeg niya pagkaluhod ko sa harap niya para matingnan kung may lagnat siya or something. Hindi ko nga lang maiwasang punain na wala siyang saplot sa taas at tanging boxers lang ang suot niya.
He's my future husband, anyway.. oh.. wait. Hindi na pala. But it doesn't matter now, he looks sick!
And he looks...
"Ang hot mo!" I exclaimed but immediately bit my lower lip para patigilin ang sarili. "I-I.. mean mainit ka and you're sweating! What's wrong, Zaber? Masama ba ang pakiramdam mo? Should I call the doctor?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya pero nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay kong nakadampi pa din sa leeg niya.
He then opened his eyes and pulled me up para magpantay ang mukha naming dalawa. Hindi ko namalayang nakaupo na pala ako sa kandungan niya. Hindi talaga ako nakareact sa sobrang gulat. His eyes are bloodshot and he's breathing heavily. Then I noticed that his breath reeks of alcohol and cigarettes.
Oh, my! Hindi ko alam na nagyoyosi siya! Galing siya sa party?
Ilang minuto yata kaming nagtitigan lang at hindi nagsasalita. Nakatunganga lang talaga siya sa 'kin and noong napalunok na ako ay doon lang siya biglang gumalaw.
He suddenly grabbed my nape. Namilog talaga ang mga mata ko at napaawang ang mga labi. His bloodshot eyes are still directed at me.
Anong..
"Z-Zaber-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nilamukos na niya ng halik ang mga labi ko.