"Rosie, pakuha ako ng whiskey ni daddy, please. 'Yung Macallan." Malambing na utos ko habang nakababad ang mga paa sa pool.
Agad namang tumalima si Rosie kahit parang nag-aalinlangan siya noong una na kunin ang inuutos ko. First time ko kasing iinom ng hard liquor. Usually ay pang lady's drink lang ang tinutungga ko. Kaso gusto kong magpakalasing eh para diretso tulog na lang mamaya kaya hard liquor talaga ang kailangan ko.
Katabi ko si Chloe na umiiyak na pagkatapos niyang maubos ang isang bote ng flavored light beer. Nakatatlong bote na siya actually kaso hindi naman 'yon nakakalasing talaga. Kaya nga isang bote lang ang ininum ko bago ko naisip ang mga stocks ng whiskey ni daddy.
Dumiretso nga kami dito sa bahay pagkatapos ng klase. Dalawa lang kami. Ayaw din naman kasing sumama ni Christine dahil may family dinner pa daw siya kasama ang pamilya ni Christopher. Hindi pa namin nasabi sa kanya ang plano namin ni Chloe kaya paniguradong magugulat siya kapag nalaman na niya.
"Girl, change mo kaya 'yong music. Magpakasaya na tayo. This should be a celebration because tomorrow will be the start of our new beginning!" Masayang tono na sabi ko sa kanya pero patuloy pa din talaga siya sa pag-iyak.
Paano ba naman kasi.. 'Yong pinili niyang i-play na mga kanta ay mga old songs na pambigo talaga. Kaya paano siya hindi iiyak, right?
"This is my last day of crying for him, girl. Hayaan mo na lang muna. Gusto ko din naman ilabas ang lahat para makaya ko talaga ang pagmomove-on.." Pahikbing sabi niya.
"Haaay.. Sige na nga.." Nasabi ko na lang habang hinahaplos ang likod niya na mas lalong nagpaiyak sa kanya.
She rested her head on my shoulders now and I can tell how hurt she is with her loud sobs. Hindi ko na din tuloy naiwasang mapaiyak na din.
I guess she's right. We need to let it all out for the last time. Makakatulong nga 'to para sa desisyon naming iwasan na ang mga baklang minahal namin ng sobra ng ilang taon.
Hindi biro ang mga ginawa namin para sa kanila. Mga inilaan namin sa kanila. Kaso mukhang wala na nga talagang pag-asang matugunan pa nila 'yon. Kaya ano pa ang magagawa namin, right? Eh 'di sumuko na lang kaysa naman patuloy pa din kaming maging tanga.
There are a lot of fishes in the sea they say. Might as well give our attention to those people who are trying to win our heart, instead of those who we may love but still continue to reject and hurt us.
Sabi nga ni ano noong prom namin, bigyan ko daw ng chance ang mga manliligaw ko. Eh 'di, okay. Bukas na bukas ay gagawin ko na talaga 'yon.
Total ay botong-boto si daddy kay Markie ay siya na talaga ang bibigyan ko ng tsansang ligawan ako. We can never tell baka magustuhan ko din naman si Markie kalaunan, lalo pa't sobrang pasensyoso niya kahit ilang beses ko na siyang nirereject ay patuloy pa din siya sa paghahabol.
Tapos ako naman ay naghahabol sa taong hindi ako gusto at hindi ako kayang mahalin kailanman.
The irony.
Basta bukas talaga! Erase na sa sistema ko si ano! Oras na talaga para magising sa katotohanang wala akong mapapala sa pagsinta ko kay ano. Para din naman sa akin 'to eh. Para sa kabutihan ko.
Even though its quite difficult on my part because he already branded my body and my heart with his, ay sisiguraduhin kong makakalimutan ko din lahat ng 'yon. Iisipin ko na lang na isang bangungot 'yong nangyari at ngayon lang ako tuluyang nagising.
The next day ay ganoon nga ang ginawa ko. Timing lang noong pagdating ko sa school ay siya ding pagdating ni Markie. He immediately approached me and I can't help but give him my most seductive smile.
Malandi lang, Georgette?
Ah, basta! Step na 'to para malaman niyang payag na akong magpaligaw sa kanya.
Nakita ko tuloy na nagulat pa si Markie sa ngiti ko, pero noong parang naliwanagan siya ay napangiti din siya from ear to ear.
"Hey, Georgie ko." He said that almost made me rolled my eyes.
Tss. Andaming pwedeng itawag sa 'kin eh. 'Yan pa talaga ang naisip niyang gamitin. Well, anyway, I guess okay din naman 'yon, at least when I heard that pet name ay si Markie na ang maiisip ko.
"Hey. Good morning." Nasabi ko naman na siyang nagpalapit na sa kanya sa 'kin.
Inakbayan na niya ako bago ako giniya papasok sa school. Numerous pair of eyes are looking at our direction as we continued to walked side by side. Nagulat yata sila na masaya kaming nag-uusap ni Markie. Eh dati kapag lumapit lang siya sa tabi ko ay inaangilan ko na.
Everything's changed now. So..
"Can I take you out for an early dinner later, Georgie ko?" He asked while smiling pero kita ko na parang kinakabahan siya.
Maybe he thought I would reject him again, huh?
"Sige ba. After class?"
"P-Payag ka?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo nga!" Natatawa ko pang sabi then nagulat ako ng napahiyaw siya.
"Woohoo! Yes!" He even screamed gleefully before he held me by my waist and twirled me around once before putting me down gently.
Hala?
"Oy, Markie!" Saway ko sa kanya dahil nakita ko ang mga usisero at usisera na napapatigil na sa paglalakad habang nakatingin sa 'min at nagbubulungan.
"Sila na?" I even heard someone asking that question pero hindi ko na lang pinansin.
"Sorry! I can't help it! Its the first time you agreed, eh! Wala ng bawi-an, ha?" Masayang sabi ni Markie na ikinatawa ko din.
"Oo nga! Sige na, alis na ko. Kanina pa nag-aantay si Chloe sa gazebo." Sabi ko na lang bago siya tinapik sa kamay para pakawalan ang bewang ko.
Nakita ko na kasi ang mga grupo niya na papunta na sa direksyon namin. Baka magtatanong pa kasi at matagalan pa kami dito. Mga chismoso pa naman ang mga 'to. Kaso hindi pa din talaga ako pinakawalan. Tuluyan na tuloy silang lumapit.
"Oy! Sarap ng ngiti ni Captain ah!" Tukso ni Jasper.
"Kayo na, 'tol?" Biglang tanong naman noong isang hindi ko masyadong kilala.
"Hindi pa, pero baka malapit na. Right, Georgie ko?" Nasisiyahang sabi ni Markie na ikinaikot ng mga mata ko sa pabirong paraan.
"We'll see." Nangingiting sabi ko bago ako nagpaalam ulit. "Alis na 'ko. Magkita na lang tayo mamaya."
Napapalibutan na talaga kasi kami ng mga kapwa naming estudyanteng nakikiusyuso. Tss. Hirap talaga pag popular. Lol.
"Alright.. Pero hatid na kita doon sa gazebo then sa classroom niyo." Masaya pa ding sabi niya.
Asus! Dagdag pogi points talaga 'tong mga actuations ng Markie na 'to. Kaso andami nga kasing tao at paniguradong sasama din ang mga barkada niyang varsities. Baka maalibadbaran pa si Chloe sa presensiya ng mga ito.
"Huwag na. Kasama ko nga si Chloe. Sige na, Markie. Sunduin mo na lang ako mamaya pag uwi-an na." Sabi ko na lang bago ako ngumiti sa kanya.
"Sige. Mamaya na lang din natin pag-usapan kung saan tayo magdidinner." Nakangiting sabi niya at nakangiting tumango din ako bilang sagot.
He's really happy, huh? Hindi ko din tuloy maiwasang masiyahan.
"May date pala mamaya!" Tukso pa ng isang barkada niya.
"Panalo na si captain!" Dagdag pa ng isa.
"Alis na 'ko." Pabulong ko ng sinabi malapit sa tenga niya dahil masyadong umingay na ang mga kaibigan niya.
Nakaramdam ako ng pagkahiya lalo pa't parang naging center of attraction na talaga kami. Tapos umagang-umaga pa talaga.
"Sige na nga. Ingat ka ha? Magkita tayo mag lunch." Dagdag pa niya bago ako tuluyang pinakawalan.
He even touched my face gently before I jokingly rolled my eyes at him. I heard some gasped and loud murmurs around us because of his sweet gesture, while his friends are cheering for him.
"Bye." Nasabi ko pa bago ako tuluyang humakbang paalis doon.
"Padaanin niyo ang reyna namin, oy!" Dinig kong sabi ng isang kasama ni Markie noong napatigil pa ako dahil hindi ako makadaan sa mga kaeskwelang
The crowd did gave way for me. Hindi ko tuloy maiwasang mapayuko habang patuloy na lumalakad paalis doon. Nakaramdam ako ng hiya baka akalain ng mga tao na magiging hambog na din ako or something.
Mga siga kasi talaga ang grupo nina Markie dahil halos lahat hambog nga kasi mga school athletes tapos ngayon ay ginawa pa akong reyna nila. So, hari nila si Markie? Ngee.
Noong nakalayo na ako sa mga tao ay doon ko lang inangat ang ulo ko. May naramdaman kasi ako na parang may nakatitig sa 'kin ng mariin. Tumaas kasi talaga ang balahibo ko sa batok.
At first I thought na baka isa lang 'yon sa mga nakiusyuso kanina pero noong tumingin ako sa direksyon kung saan gumana ang radar ko ay agad din akong umiwas ng tingin pagkatapos mapasinghap.
Si ano pala! Ang sakit tumitig! At kahit malayo ay kitang-kita ko ang pagkakuyom ng mga kamao niya sa magkabilang gilid. Nakatayo siya mag-isa malapit sa lugar kung saan kami gumawa ng eksena ni Markie kanina.
Kanina pa ba siya doon? Narinig niya? Don't tell me isa din siya sa mga nakiusyoso? And most importantly, bakit parang galit na galit siya? Parang gusto niya akong patayin sa titig niya eh.
Oh, whatever! Wala na 'kong pakialam. Who is he anyway? Sabi ko na lang sa sarili bago nagpatuloy sa paghakbang papunta sa gazebo.
"Salamat sa pagpaunlak sa imbitasyon ko ngayong gabi, aking irog." Malokong sabi ni Markie na siyang ikinatawa ko ng malakas.
"Loko ka! Stop it with your makata lines, Markie!" Sabi ko sabay tampal sa braso niya.
"I'm just so happy, Georgie ko. Ngayon ka lang kaya pumayag sa ilang beses na pagyaya ko sa 'yo. You would always reject me in an instant kahit hindi ko pa nasabi ng buo ang imbitasyon ko. Ang sakit niyon, but since I like you so much then I just endured your rejections." Litanya niya na nagpakirot sa puso ko.
Ang cruel ko pala sa kanya.. Actually, hindi lang naman siya ang nakaranas ng ganito sa 'kin. Lahat sila na nagbabalak na makipagdate sa 'kin. Wala eh. I was blinded because of my stupid love to... ah basta. Tapos na 'yon.
"Sorry.." Hindi ko tuloy naiwasang sabihin pero agad ding napangiti ng hinaplos niya ang pisngi ko habang hinuhuli ang mga mata ko.
He's still smiling from ear to ear.
"It doesn't matter, already. Pumayag ka ng manligaw ako kaya worth it lahat ng rejections na natanggap ko sa 'yo dati." Sabi niya na siyang nagpalabi sa 'kin.
I guess I should really think about saying yes to him if ever he asked me if I can be his girl next time.. Mas mabuti pa ngang sagutin ko na lang siya. At least, alam kong gusto niya talaga ako at hindi ko na kailangang umasa sa wala, right?
But I wish he would drop that question sa panahon na nakaget over na talaga ako. Kasi kahit ano pang sabihin ko sa sarili ay mahirap pala talagang mag move-on. Lalo pa't matagal na panahon ang sinayang ko sa isang taong hindi kayang tugunan ang pagmamahal ko.
I don't want to hurt Markie, anyway. Ayoko ding gawin siyang total rebound ko. Kaya sana matagal pa bago mangyari ang moment na 'yon.
"Thank you for your patience, then. And for the dinner, too." Sabi ko na lang bago ko siya nginitian.
"You're welcome. Always. At Georgie ko, baka bukas pwede din?" Natanong pa niya pero I just jokingly shrugged my shoulders as response.
"Sige na.." Dagdag pa niya na tunog nagmamakaawa na.
I continued to unbuckled my seat belt before I faced him again. "Every other night na lang 'yong dinner. Baka hindi ka na makapractice niyan. Baka makalimutan mong school athlete ka."
"Oh, darn! Oo nga pala!" Sabi niya na siyang ikinatawa ko.
"May practice nga pala kami starting bukas ng gabi."
"Magkasama naman tayo kapag lunch. Okay na 'yon. We can eat outside, too, if you'd like. Kaso kasama ko sina Chloe, ha? You can bring your friends, too."
"Yeah. We'll do that." Pagpayag na niya ng nakangiti.
"I better go in then. I'll see you tomorrow, Markie. Ingat ka. Thank you ulit."
"Sure, Georgie ko. Text kita pagkauwi ko sa bahay. I'll fetch you tomorrow morning. Just reminding you na pumayag ka na kanina."
"Oo na!" Natatawang sabi ko bago ko binuksan ang pintuan ng sasakyan niya. "Bye!" I even waved at him and he waved back before I closed his car door.
Nakasunod pa din ang tingin ko sa sasakyan niya habang palayo na 'yon. And I can't help but let out a sigh of relief before smiling.
I felt happy, relieved and refreshed because of him.
Thank you, Markie.