Chereads / Love Made In Heaven / Chapter 3 - Chapter 3 My Family, My Life

Chapter 3 - Chapter 3 My Family, My Life

"Morning nay," bati Ng kagigising lang na si Aaliyah, pasalampak na upo sa dining table.kahit puyat sa nagdaang gabi sanay siya magising sa umaga.

"Halika na, maupo ka na at makapag almusal, ano oras na pala kayo nakauwi kagabi Ng mga kaibigan mo?" tanong ni Aling Julie sa anak habang nag aayos Ng almusal sa mesa.

"Mag aalas dose nay, una ako hinatid Ng jeep nina Raquel, si Kevin po nay?" sabay linga sa paligid ni Aaliyah.

"Baka nasa likod bahay, alam mo Naman ung kapatid mong yun tuwing umaga at nagbubuhat Ng barbel" and barbel na tinutukoy nito ay ang improvised barbel na dalawang lata Ng katamtamang laki Ng lata gatas na nilagyan Ng semento.

"Kain na Tayo nak, mauna na tayo sa kapatid mo at hindi natin maaabala yun pag ganun ginagawa" sabay abot sa baso Ng gatas.

"Ano plano mo anak?" tanong ni Aling Julie sa anak habang kumakain

Alam ni Aaliyah ang ibig sabihin Ng kanyang ina.

"Mag request na po kami nay ni Kristel sa lunes Ng aming TOR sa school, para maka apply na agad Ng work" sagot ni Aaliyah sa ina sa pagitan Ng pagsubo.

"Pasenscya ka na nak, alam mo Naman na hindi kalakihan ang kinikita ko sa pagiging maid kina Mr and Mrs Hechanova.

Ang Mr and Mrs Hechanova na tinutukoy Ng kanyang ina ay ang isa sa mayamang pamilya sa kanilang lugar. Kinagisnan na nilang magkapatid na naninilbihan ang kanilang ina sa pamilya Hechanova. Kaya dapat lang na tutal nakatapos na siya panahon na siguro na siya Naman ang sumoporta sa pamilya Nila. Panahon na pagpahingahin nya ang Mahal nyang ina sa pangangamuhan. Dagdag pa na matanda na ang kanyang ina, medyo hirap na ito magkikilos.

"Nay, wag ka po mag alala, makakahanap agad kami ni Kristel Ng trabaho" lumapit si Aaliyah sa ina at yumakap dito,makita nito na nangingilid ang luha Ng ina Ng yakap in nya ito.

"Kaya nga mag aayos na kami sa lunes ni Kristel Ng school credentials. Saka nasa kolehiyo na rin si Kevin nay, malaki ang tuition nya sa kursong chemical engineering." dagdag ni Aaliyah habang nakayakap sa ina.

"Ano drama yan?" si Kevin, di Nila namalayan na nakapasok na pala Ng kusina galing sa likod bahay, halatang katatapos lang sa pagbubuhat Ng barbel sa pawisan nitong mukha.

"Drama ka dyan, halika na sabayan mo na ako kumain" kumawala sa pagkakayakap sa ina si Kristel at bumalik sa upuan upang ipagpatuloy ang pagkain.

Humila Ng upuan si Kevin paharap kay Aaliyah upang sumabay na rin pagkain sa kapatid at ina.

"Te aalis ka ba today? tanong ni Joshua sabay sa pagsubo Ng pagkain.

"Hindi,bakit? sabado Naman ngaun dito lang ako sa bahay tulungan ko ang inang sa gawaing bahay,ngayon nga lang at bukas pahinga Ng inang kina Mr and Mrs Hechanova, Lunes pa ako aalis punta school. Sabay tingin sa kapatid, more or less alam na nya ang sunod nito sasabihin.

"Naga yaya kse si kuya Josh mag basketball, dadayo kami sa kabilang barangay, saglit lang kami"

Bingo! sa loob loob ni Aaliyah,kabisado na nya ang kapatid na lalaki pag ganun ang simula Ng pananalita nito sigurado siya magpaalam ito Kasama ang barkada pag hindi Namanay si Joshua. Napalapit na ito sa kaibigan nyang si Joshua dahil siguro sabik ito sa kapatid na lalaki.

Uminom muna Ng tubig si Aaliyah saka sumagot sa kapatid.

"Oh baka kunwari basketball yan ha? Umayos ka Kevin," babala ni Aaliyah kahit alam nyang hindi mabisyo ang kapatid at alam nyang mabait itong bata, saka si Joshua Naman ang lagi nito Kasama.

"Hala! ahahaha good boy ito te," saka si kuya Joshua naman Kasama ko te, natatawa nitong salag sa kapatid.

"Joke lang, binibiro ka lang eh, alam ko Naman na good boy ka eh..

"Alam ko Naman te eh, hahaha"

"Ah ganun" sabay bato sa balat Ng saging na hawak ni Aaliyah.

"Hala, ang bad neto hahahaha" sapol sa mukha si Kevin dahil eksakto napatingin ito sa kapatid Ng batuhin siya nito Ng balat Ng saging.

Napapiiling na napapangiti na lang si Aling Julie habang nakatingin sa dalawang anak, na akala mo mga bata pa kung magharutan at kahit sa hapag kainan

"Oh tama na yan,! saway Ng ina sa naghaharutang magkapatid Kevin bago ka umalis hugasan mo muna pinagkainan. Sa kwarto muna ako."

"hahaha grabe Naman ako pa maghuhugas? masters degree na ako sa paghugas pinggan ah"

"eh ano Naman"?, pahabol Ng ina habang papalayo Ng dining table

"Bleeh! dila ni Aaliyah at dali daling sumunod sa ina,dahil siguradong pag nagtagal pa siya Ng ilang segundo gagawa Ng paraan ang kapatid para hindi makapag hugas,ang mangyayari siya pa ang maghuhugas.

"Teeeeh! sigaw ni Kevin sa kapatid.

"Bahala ka dyan, ahahaha maghugas ka muna dyan," pahabol ni Aaliyah at mabilis Ng pumasok sa kabahayan.

Napapailing na lang si Kevin, wala siya choice kundi maghugas,dahil kung hindi sa malamang sa malamang maga grounded siya, at baka ilang araw pa siya hindi makalabas Ng bahay.

Pagkatapos maghugas Ng pinagkainan,dali daling naghanda si Kevin sa pag alis,sigurado nag aantay na si Joshua sa labasan. Usapan Nila doon na magkikita patungo sa kabilang barangay upang dumayo Ng basketball.

"oh basketball lang ha,walang gulo, kilala Kita Kevin mainitin ang ulo," paalala Ng ina Ng makitang papaalis na ang anak upang makipagkita kay Joshua.

"Opo nay, alis na ako, nag aantay na si kuya Joshua sa labasan, bago magpananghali uwi din ako" ganting sagot ni Kevin at tuluyan Ng lumabas Ng bahay.

Bago tuluyang lumabas Ng bahay nadaanan nito si Aaliyah na nanonood Ng TV habang nakasalampak sa sofa. Hinila nito Ng mahina ang buhok ng kapatid dahil nakatalikod at nakaharap sa tv hindi nito inaasahan ang gagawin ni Kevin

"Quits" saka, tumatawang tumakbo palabas Ng bahay.

"Ouch!" humanda ka pagbalik mo", sigaw nito sa kapatid,hindi magawang makahabol dahil mabilis na makalabas Ng bahay ang kapatid habang humahalakhak.

"Dito ka lang ba sa bahay nak?" sabay upo sa kinauupuan Ng anak.

"Opo nay, nagtext si Pamela naga aya sa swimming Kasama buong pamilya, kaya lang ayaw ko sumama sabi ko si Raquel na lang yayain, Parang gusto ko magpahinga lang buong araw dito sa bahay, Si Kristel Naman nasa mga tita nya bukas pa balik kse lunes pupunta kami school para mag ayos Ng credentials." mahaba nitong sagot sa ina.

"San nyo plano mag apply Ng work ni Kristel nak? muli nito tanong.

"Plan namin ni Kristel nay magpasa Ng resume sa Bellarocca Hotel and Resort, need ko muna kumuha ng experience dito bago mag apply abroad"

"Mag aabroad ka?" Parang nalungkot na muling tanong Ng ina.

"Matagal pa yun nay, saka need ko muna kumuha ng experience,madali matanggap sa mga hotel abroad kapag may experience sa Five star Hotel"

"Pero anak matanggap ka kaya sa Bellarocca? balita ko sobra hirap makapasok dun at kailangan may backer ka" nag alala ang tinig Ng ina.

"Bahala na nay, walang masamang mag try, susubukan namin ni Beshy Kristel"

"Kung sabagay, saka maganda yata anak ko at summa cum laude. sigurado matatanggap kayo ni Kristel"

"Yan gusto ko sayo nay eh, nanay nga kita," napapangiting sagot ni Aaliyah sa ina.

"Bakit totoo Naman na maganda ka ah, ilang beses ka nanalo sa school nyo Ng beauty pageant at saka di ba anak may nangngulit sayo na taken scout at kinukuha kang modelo?"

Naalala pa pala Ng kanyang ina noong 2nd year college siya sa kursong HRM Ng may mag alok na talent scout nung minsan na nag judge ito sa beauty pageant na sinalihan nya sa school. Sinundan pa nga siya sa bahay upang kumbinsihin, pero talagang ayaw nya, pangarap nya talagang maging sikat na world class hotelier.

"Oh natigilan ka? nagsisi ka ba anak?" tanong Ng ina sa pananahimik Ng anak.

"Hindi nay, pangarap ko talaga maging sikat na hotelier at mag manage Ng isang hotel balang araw" napabuntong hininga si Aaliyah at napatingin sa ina.

"Naniniwala ako sayo anak, pero Sana kahit ano pa marating mo, wag ka magbabago, mahalaga pa rin ang kabutihan Ng puso at dignidad kahit sa anumang bagay" Pangaral ni Aling Julie sa anak. "Saka wag mo papabayaan kapatid mo" dagdag nito.

"Nay Naman, Opo Naman, kahit Makulit un at isip bata Mahal na Mahal ko un, dalawa lang kami magkapatid eh, saka siyempre ikaw"

"oh Hala, at mag prepare muna ako tanghalian natin"

"Tulungan na Kita nay mag prepare" at sabay na pumasok sa kusina mag ina.

Mag aalas dose Ng tanghali Ng dumating ang dalawang binata galing sa pagdayo Ng basketball sa kabilang barangay. Nanonood Ng TV si Aaliyah sa sala Ng datnan Ng dalawa.

"Mate akala ko sumama ka kina Pamela sa swimming?" tanong ni Joshua kay Aaliyah habang nagpupunas Ng pawis, si Kevin naman ay dumiretso na Ng kusina upang uminom Ng malamig na tubig

"Tinatamad ako Josh,mas gusto ko magpahinga saka sa lunes Naman pupunta kami ni Kristel sa school, ikaw ba kelan ka mag ayos Ng school credentials mo?" tanong nito na tumingin kay Joshua na noon ay nakaupo na sa karatig upuan habang nagpupunas parin Ng pawis.

"Baka lunes din, basta kita kits na lang sa school, morning di ba?

"yup, agahan mo po, sanay ka ng laging late sa usapan"

"Uu basta, sa monday morning, sa harap na Ng registrar Tayo magkita' eh san nyo ba plano ni Kristel mag apply? tanong ni ni Joshua sa kaibigan.

"Try namin magpasa ni Kristel Ng resume sa Bellarocca" sagot ni Kristel habang nakatingin sa pinapanood sa TV.

"Seryoso?" eh di ba mahirap makapasok dun pag walang backer or connection? may pagka exaggerated na sambit ni Joshua.

"Try lang Naman, there's no harm in trying" sagot ni Aaliyah, kahit siya ay hindi sigurado kung makakapasok sa 5 star hotel tulad Ng Bellarocca lalo at wala pa sila experience ni Kristel at lalong walang connection na pede kapitan.

"Kungsabagay,sama ako pagpasa,try lang din,natatawang sambit ni Joshua.

"Tol Joshua lika na lunch na Tayo," tawag ni Kevin sa kusina bago pa nakasagot si Aaliyah.

Hindi nagtagal si Joshua pagtapos maglunch nagpaalam na rin ito upang umuwi.