Chereads / Love Made In Heaven / Chapter 2 - Chapter 2 Aaliyah Gale

Chapter 2 - Chapter 2 Aaliyah Gale

Marinduque State University

"Romeroso, Aaliyah Gale U., summa cum laude!" sinundan Ng masigabong palakpakan Ng tawagin ang pangalan ni Aaliyah Ng emcee.

Nakalutang sa ulap ang pakiramdam habang naglalakad paakyat Ng entablado si Aaliyah upang kunin ang diploma, sinalubong siya Ng kanyang ina sa may hagdan upang sabay na umakyat. Nakikita nya sa mga mata Ng kanyang ina ang nangingilid na luha dahil sa kaligayahan dahil sa wakas nakatapos na ang kanyang Mahal na anak.

Magkahawak kamay na umakyat sa entablado ang mag ina upang tanggapin ang college diploma ni Aaliyah sa kursong Hotel and Restaurant in Hospitality Management.

"Congratulations! pagbati ng presidente Ng Unibersidad,sabay kamay kay Aaliyah.

"Thank you sir" sagot ni Aaliyah na nakangiti.

"Congratulations Misis" sabay kamay sa ina ni Aaliyah.

Pagbaba pa lang Ng mag ina sa hagdan Ng entablado,muling nagpalakpakan ang mga ka course mate ni Aaliyah, alam nila kung gano pinaghirapan ni Aaliyah ang diploma Ng iyon at ang pagiging summa cum laude Ng batch na yun.

Sinalubong siya ni Kristel at hindi nakapag pigil na niyakap si Aaliyah.

"Congrats beshy", naluluha nitong sambit habang yakap ang itinuturing nitong best friend,magka klase na sila ni Aaliyah mula freshman hangang sa pagtatapos nilang yun.

"Thank you beshy" sabay ganti Ng yakap dito.

"You deserve it, alam natin kung pano mo pinaghirapan ito" nangingiti na nangingilid ang luha na sambit ni Kristel sa kaibigan. "Congrats po nay, sabay yakap din sa nanay ni Aaliyah"

"oh Hala, pagtapos Ng graduation sumama ka kay Aaliyah at may konteng kainan sa bahay hane? at ako ay mauupo na.

"Opo nay" sagot ni Aalyah"

"Husssh halika na nga maupo na tayo,baka magkaiyakan pa Tayo." sabay hila sa kamay ni Kristel upang maupo.

"hahaha lika na nga upo na Tayo" sabay na umupo ang magkaibigan dahil matagal tagal pa bago matapos ang programa Ng pagtatapos.

Makalipas ang mahigit tatlong oras, natapos din ang 26th Commencement exercises Ng Unibersidad, hindi magkamayaw ang bawat isa, Makikita mo ang ngiti sa bawat Labi Ng mga nagsipagtapos Ng gabing iyon sa ibat ibang larangan, higit ang mga mga ngit sa Labi Ng mga magulang dahil sa wakas nakatapos na sa kolehiyo ang kani kanilang mga anak.

"hoy pamela, raquel, Joshua sumama muna kayo sa bahay nag handa ang inang Ng konteng handa" sigaw ni Aaliyah, kailangan nya sumigaw dahil sa ingay Ng paligid,

"cge cge", sagot ni Joshua, basta kainan wala ito papahindian,

"saglit lang Tayo ha, tapos diretso Naman Tayo sa bahay" si Pamela,

"after kina Pamela, samin Naman" sabat ni Raquel.

"Hoy, mag starlight pa Tayo, usapan na un di ba?" si Kristel.

"Uu, basta samin muna kse una madadaanan bahay namin, tapos kina Raquel, sa inyo beshy, then last natin puntahan kina Pamela tapos diretso na Tayo starlight" sambit ni Aaliyah.

"Asan si nanay? tanong ni Kristel, ang nanay na tinutukoy nito at ang ina ni Aaliyah.

"Nauna na after namin magpa picture sa stage kase ayusin pa pag prepare Ng foods natin," sagot ni Aaliyah,

"oh Ayan na pala sina Pamela at Raquel," sabay turo sa dalawa nilang kaibigan na papalapit galing sa stage dahil nagpa picture Kasama kani kanilang pamilya. "Asan si Joshua" akala ko ba sasama?

"Ay naku beshy,ayun oh" sabay nguso kay Joshua na noon ay nakikipag tawanan ngunit lamang ang pagpapa cute sa isang batch mate Nila na Nursing ang kurso.

"Ito talagang si Joshua basta magandang babae walang hindi pinapalampas" nangingiti na sambit ni Kristel.

"Satin lang hindi makadiskarte yan eh, pano kabisado na natin karakas nyan eh" natatawang sabat ni Pamela"

Sabay nagkatawanan ang mga magkakaibigan.

Natawag Ng pansin ni Joshua ang tawanan Ng mga kaibigang babae,naiiling na nagpaalam na ito sa kausap, alam nya siya pinag uusapan Ng mga ito.

"Nice to meet you Nicole! I have to go, inaantay na ako Ng mga kaibigan ko,"

"Nice to meet you too" gumiti ang babae at sinenyasan na rin ang pamilya nito na papalapit na rin sa kinaroroonan Nila.

"hay naku Josh, ikaw na ang darling of the crowd"

"Wala un," sagot nito kay Raquel.

"Tayo na, ano petsa na" aya na ni Aaliyah sa mga kaibigan.

"Sa sasakyan na lang namin Tayo sumakay papunta kina Aaliyah" yaya ni Raquel, ang sasakyan na tinutukoy nito ay ang pag aari nilang jeep na pinapasada Ng kanyang kapatid niyang lalaki. "Tara na at kanina pa nag aantay kapatid ko, Buti nga at pumayag na ipagdrive tayo"

Sabay sabay Ng lumabas Ng University auditorium ang mga magkakaibigan patungo sa parking lot.

Madali nakarating sa bahay nina Aaliyah ang magkakaibigan sakay Ng jeep na pag aari Ng pamilya nina Raquel.Hindi kalayuan ang low cost subdivision sa Unibersidad kung saan nakatira ang pamilya nina Aaliyah, madalas nga dito ang magkakaibigan kapag vacant period o kaya pag wala ang kanilang professor kaya kabisado na Nila ang lugar,

Pagkaparada pa lang Ng jeep, tanaw na Nila ang ina ni Aaliyah na nag aantay sa pintuan Ng di kalakihan nilang bahay.

"oh Bakit Parang natagalan kayo? agad nitong tanong pagkabang pagkababa Ng mag kakaibigan sa sasakyan na noon ay nakalapit na sa pintuan kung saan nakatayo ang ina ni Aaliyah.

"Ito po kase nay si Joshua, nakipag landian pa sa isa naming batch mate" agad na sagot ni Raquel, pamilyar na si Aling Julie sa pagiging madaldal ni Raquel, pero naaliw siya dito dahil nakakatuwa ang pagiging kalog tulad ni Kristel.

"Ganun ba?" eh asan si Joshua? muling tanong ni Aling Julie.

"Ayun nay, kausap kapatid ni Raquel, nagsisigarilyo pa ung dalawa" sabat Ng anak na si Aaliyah. "alam nyang aawayin namin siya pag lumapit na nagsisigarilyo"

"Oh halika na kayo, pumasok na kayo, Joshua! pumasok na kayo after nyo dyan" sigaw ni Aling Julie sa dalawang lalaki.

"Opo nay", sagot ni Joshua, "tapusin lang po namin to", sabay taas sa kamay na may hawak na sinding sigarilyo.

Pagkapasok Ng magkakaibigan tumambad sa Kanila ang maraming pagkain na nakahain sa mesa, sa dingding paharap sa Kanila may isang tarp na may malaking nakasulat na Congratulations, Aaliyah Gale!

"Nay,Bakit Naman nagpagawa ka pa nyan?" sabay turo sa tarp.

"Hayaan mo na nak, at mura lang Naman yan" hindi na sumagot si Aaliyah, kilala nya ang ina kahit ayaw nya pag ginusto para sa kanya wala makakapigil.

"oh Kain na kayo, alas otso na ng gabi, alam ko gutom na kayo" sabay abot Ng paper plate sa mga kaibigan Ng anak.

"Don't worry nay, kakain talaga kami at kanina pa talaga kami gutom" natatawang sagot ni Kristel. "Sabayan nyo na kami nay" yaya ni Raquel sa ina ni Aaliyah.

"Cge lang, at kumain na ako pagkarating na pagkarating habang inaayos mga yan, anak sabayan mo na sila" sambit nito sa anak.

" Opo nay, asan po pala si Kevin?

"Si Kevin po nay?" sabay tanong din ni Pamela habang naglalagay Ng pagkain sa paper plate,ang tinutukoy nito na Kevin ay ang nakababatang kapatid na lalaki ni Aaliyah.

"Kinukuha ung inorder ko na leche flan sa kapitbahay natin, oh eto na pala eh," bitbit sa kamay ang paper bag may lamang leche flan papasok Ng kusina,sa likod nito sina Joshua at Brando na kapatid ni Raquel na siyang nag drive Ng jeep.

"Kevs,Brando sabayan nyo na kami kumain" yaya ni Raquel, sanay na itong tawagin sa ganung pangalan ang kapatid ni Aaliyah.Kahit first year college na si Kevin ganun parin ang tawag nito sa binata. Sanay na Silang magkakaibigan na tawagin ito sa ganung pangalan mula Ng high school ito na una Nila makilala.

"Yaan mo na yang si Joshua at masaya na yang may sigarilyo sa bunganga nya kahit di na kumain" sabat ni Pamela.

Nagtawanan ang mga babae sa biron yun ni Pamela.

"Grabe sila oh" napapakamot sa ulo na sambit ni Joshua, "Ako na Naman nakita nyo"

"Tama na yan, natatawang saway ni Aling Julie sa biruan Ng mga kabataan. "oh Joshua, Brando kumain lang kayo, Kevin anak dun na kayo sa terrace kumain" mungkahi ni Aling Julie.

"Sige nga nay, ipagtanggol mo nga ako, wala ako laban sa mga yan eh" minsan lang ako magsigarilyo eh, sambit na halong may protesta ni Joshua sa biro ni Pamela.

"Tara tol Joshua, Brando dun Tayo sa terrace" yaya ni Kevin, "Hayaan na lang natin sila dito"

Sabay sabay na nagtungo sa terrace Ng bahay ang tatlong lalaki bitbit ang kanya kanyang paper plate na may pagkain.

"Beshy san mo plan may apply?" tanong ni Kristel kay Aaliyah habang kumakain.

"Aw, kaka graduate nga lang natin kanina apply agad?" wala pa nga Tayo credentials eh, Diploma pa lang hawak natin" sabat ni Raquel.

"saka, hello pede mag celebrate muna Tayo?di birong hirap pinag daanan natin bago maka graduate sa kurso natin,mag relaks relaks muna Naman Tayo," susog ni Pamela.

"Sa monday magfile na Tayo for TOR natin para maka apply na agad Tayo besh", sabay tingin kay Kristel, higit kanino man si Kristel ang mas nakakaalam Ng estado nina Aaliyah, kaya nga ito ang kanyang bestfriend mula pagkabata.

"Lunes agad? agad agad? si Raquel.

"Opo" sagot ni Kristel, "Basta kami ni Aaliyah sa monday mag file na kami Ng request for TOR para maka apply na agad, eh kayo ba kelan mag file Ng request? sabay tingin sa mga kaibigan. Kung sabagay hindi Naman agad kailangan Ng mga ito mag madali sa pag apply Ng work kse kahit papaano makakaangat sa buhay ang mga ito. Sa isip isip ni Kristel.

"Bahala na, sagot ni Raquel, ikaw ba Pamela? sabay tingin kay Pamela na noon ay imiinom Ng Juice. Binaba muna nito ang baso na may lamang juice bago sinagot ang tanong ni Kristel.

"Di ko alam, baka next week file na rin ako, pero wag Naman sa monday agad hahaha gurl may hang over pa ako nun, saka enjoy ko Naman muna ung moment na naka graduate Tayo ah" mahaba nitong tugon.

"Okey, fine basta kami ni beshy Monday punta kami school, ung gusto sumabay text text na lang at sa school na Tayo magkita"

"Okey!", sabay sabay na sagot Nina Pamela at Raquel kay Kristel.

"oh tara na at para hindi Tayo gabihin masyado pagpunta sa starlight," sabay Tayo ni Kristel.

"Wait at magpaalam lang ako sa inang" sabay Tayo na rin sa kinauupuan ni Aaliyah upang puntahan sa kusina ang ina.

Pagtapos makapag paalam, sabay sabay Ng lumabas Ng bahay ang magkakaibigan.

"Joshua lika na", tawag ni Pamela sa kaibigan na noon ay kausap ni Kevin.

"Kevin alis muna kami uwi din agad ako" sika ni Aaliyah sa kapatid.

"Di ba ako pede sumama te?, napapakamot sa ulo na tanong ni Kevin sa kapatid, alam kse nito na diskohan ang pupuntahan Ng kapatid Kasama ang mga kaibigan, at bilang kabataan sabik siya sa ganung lugar.

"Hindi" mariing sagot ni Aaliyah sa kapatid.

"KJ Naman neto oh, para sasama lang eh," hirit pa ni Kevin baka sakali makumbinse nya ang kapatid.

"Saka wala Kasama ang inang, pag graduate mo Ng college, kahit ano oras gusto mo pede" wag ka agad matulog, saglit lang ako wala magbubukas Ng pinto,para hindi na ko magkakatok Ng matagal, alam mo Naman ang inang madali magising kahit mahinang ingat. mahaba nitong paliwanag.

"Uu na,ingat kayo te, cge tol Joshua saka na lang" sabay kaway sa kaibigang lalaki Ng kapatid. Mahahalata na nag usap ang dalawa lalaki na kung makakasama si Kevin sa Diskohan.

Napapiiling na lang na napapangiti si Aaliyah na sumakay Ng jeep, naging close na ang kapatid nya sa mga kaibigan nya lalo na si Kevin kay Joshua, dahil dalawa langbsila magkapatid kaya sabik sa kapatid na lalaki.

"Joshua, bilisan mo, dyan ka na sa unahan Ng jeep sumakay para may katabi si Brando sa unahan" sigaw ni Raquel.

"Opo, Mahal na reyna, atat? sagot nito kay Raquel na nakangiti.

"Hello! ano oras na,!" susog ni Pamela, napapangiti na lang si Brando sa manibela Ng jeep habang pinapaandar.

"Hindi un magsasara, antayin Tayo nun kase ikaw guest of honor ng starlight" ganting biro ni Joshua na halatang game sa asaran.

"Weeh, if I know, ikaw ung atat na atat makapag disco" ganting biro ni Pamela sa likod Ng upuan Ng Jeep.

"Naman,! hahahaha "Dancing, queen ohhh" sabay kanta ni Joshua na anyong sumasayaw sa pagkakaupo sa unahan Ng jeep.

"Yaks baduy," hahahaha! sabay sabay nagkatawanan ang magkakaibigan sa likuran Ng jeep.

Ito ang mamimiss Nila sa magkakaibigan at pagkakantyawan Nila at kakenkoyan ni Joshua.

Mag aalas nueve na Ng gabi Ng sapitin Nila ang starlight, marami Ng tao at halos lahat customers ay mga estudyante Ng kanilang paaralan,

Nakakuha sila Ng table sa may sulok dahil okupado na halos lahat Ng table malapit sa stage na kung saan may live band. Madaling mapuno ang venue dahil sikat ito sa kanilang lalawigan na may live band,dagdag pa na bakasyon na.

"Girls san mig bucket na lang orderin natin at pulutan, wag barrel" mungkahi ni joshua, sabay tingin sa waiter. "tatlong bucket boss Ng san mig light at 1 whole chicken"

"Saka busog naman Tayo, okey na yun" susog ni Kristel.

"Ano plan nyo, next week? mejo pasigaw ni Pamela para marinig dahil sa ingay Ng paligid

"Ako baka sumama ako kina, Aaliyah at Kristel pag sa school sa lunes upang mag file Ng TOR" ganting sigaw ni Joshua.

"Agahan mo Josh kse maaga kami ni Kristel sa lunes sa schóol" sagot ni Aaliyah.

"Harap Ng registrar na lang Tayo magkita sa lunes or text text na lang" sabat ni Kristel sabay inom sa baso na may lamang alak.

"Deal" si Joshua, sabay taas Ng baso Ng alak.

"Seryoso kayo?, maglalakad na agad kayo Ng credentials sa lunes? halos sabay na tanong nina Pamela at Raquel.

"Uu Naman, sagot ni Aaliyah, alam nyo Naman kailangan ko agad maghanap ng trabaho,naaawa na ako kay inang saka freshman college na si Kevin" tugon ni Aaliyah.

"Oh siya, text text na lang sa lunes," sabat ni Joshua, mag enjoy muna Tayo, paraan iyon Ng binata upang mangaling ang usapan.

"Oh cheers! sabay taas Ng baso ni Kristel

"Cheers" sabay sabay na taas Ng baso Ng magkakaibigan..

"Bottoms up!" hirit pa ni Joshua..