ii.
Naka-hoody siya't may suot na facemask kaya naman hindi ko siya namukhaan. Tanging ang kaniyang singkit na mga matang may makapal na pilik-mata ang aking nakita.
Nabalik ako sa ulirat saka naman nag-react.
"Ouchh!!" sambit ko.
" Tss! Do you have eyes?" saad nito na kinainis ko naman.
" Bulag ka ba? Ikaw yung hindi nakatingin sa dinadaan," turan ko.
Pilit kong kinokontrol ang aking sarili dahil ayaw kong makagawa ng anumang iskandalo.
" okay, ako na yung bulag. Ikaw naman na may mata, ba't 'di ka umiwas?" tanong nito.
Saglit ulit ako nitong tinignan.
" mata sa mata"
" Tss!" 'Yon nalang ang narinig ko mula sa kaniya bago siya nagkad paalis.
" Tss! Walang modo!" sambit ko naman. Alam ko na sapat na 'yong distansiya para marinig niya ako.
Tuluyan nalang akong lumabas ng Grocery store at hinintay ang Papa ko na sunduin ako.
Maitim ang mga ulap at tila anumang oras ngayon ay maaring bumuhos ang malakas na ulan.
Ibinaba ko muna ang dala-dala kong plastic upang tignan at kunin ang payong ko pero hindi ko ito mahagilap.
" Kaasar! hindi ko nadala ang payong ko. Pa'no na ako nito? hindi ko rin dala ang cellphone ko dahil shutdown kanina. Hayss! wala pa naman ibang masisilungan.Kainis talaga! " bulyaw ko.
Naipadyak ko pa ang paa ko sa sobrang inis mula kanina no'ng mabangga ako ng lalaki.
Hindi nga ako nagkamali dahil pagkalipas lamang ng kaunting minuto ay bumuhos na ang malakas na ulan.
Ipinandong ko ang plastic bag at maging ang panyo ko. It's already 4:30 pm pagkakita ko sa relo ko.
" Ba't ngayon pa? sana 'di ako magkasakit," dasal ko sa kabila ng malakas na ulan na ngayon ay bumabasa sa buo kong katawan.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na hindi na ako nauulan.
Tinignan ko naman ang lalaking nasa likod ko. Laking gulat ko ng makita kong siya yung lalaki kaninang nakabangga sa akin.
" Walang modo?" saad nito.
Umiwas naman ako at dumistansiya. Nababasa na ulit ako ng ulan kaya naman bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinatak papalapit sa kaniya. Dahil sa may kalakasan ang paghila nito ay nakasubsob ako sa dibdib niya.
Agad naman ulit akong dumistansiya. Rinig ko ang mahina nitong pagtawa.
" Pasaway!" rinig kong sambit nito.
Nakahawak pa rin ang kamay nito sa akin at saka naman siya nag lakad.
" Sakay!" utos nito sa akin pagkatigil namin sa isang kotse.
" Tss! ako nalang bahala. Susunduin naman ako ni Papa," sagot ko pero bigla nalang ako nitong hinawakan sa ulo't pinuwersang pumasok.
" Kulit mo! ano address mo? iuuwi na kita," anito.
No choice naman ako dahil mag gagabi na.
Sinabi ko nalang ang address ko at agad naman siyang pumasok sa loob. Pinagmaneho niya ako.
After 15 minutes ay nasa tapat na kami ng bahay.
" Dito na ako—salamat!" saad ko.
Tinunguan naman ako nito. Tumila naman na ang ulan kaya lumabas na ako.
Maglalakad na ako papasok nang bigla na naman ako nitong hatakin.
" Kaasar! " saad ko.
" May bayad 'yon," sambit niya.
Napaisip naman ako. Kinuga ko ang pera ko sa bulsa saka ginawad sa kaniya.
Kinuha naman nito ang pera. Buong akala ko'y pagkatapos niyang kunin ay aalis na siya pero mali ako. Pagkatapos niyang kunin ang pera ay inilagay niya naman ito sa loob ng plastic na hawak-hawak ko.
" I don't need your money," sagot nito sa akin.
Muli ko siyang tinitigan bago muling magsalita.
" Ano?" tanong ko saka kumunot naman ang noo ko.
" Give me your number," saad nito.
Mas lalong kumunot ang noo ko't naitaas ko pa ang kaliwa kong kilay.
" Ayoko nga!" sagot ko.
Humigpit naman ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
He removed his mask saka ko nakita ang mukha niya.
"Luh! ang G-gwapo! " sa isip-isip ko.
Inilahad niya naman ang cp niya sa akin.
Walang anu-ano'y tinype ko na ang number ko.
" What?? ganun na ako kalambot? haha"
He just nodded at me saka kumaway pagkapasok ng kotse.
" Thanks!" sambit niya sabay kindat.
Naiwan naman akong tulala.
" Gano'n nalang 'yon, self? Nalaman niya kaagad ang number ko kahit hindi ko naman 'yon agad-agad na pinamimigay. Huhu," sa loob -loob ko.
Pumasok naman ako sa loob para ibigay kay Mama ang mga pinamili ko. Nagpahinga naman ako pagkatapos at muling inisip ang nangyari.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naging gano'n kadaling kausap kapag number ang pinag-uusapan.
" Wake up, Hashi! " bulong ko saka mahinang sinampal ang sarili ko.
Gusto ko lang magising, baka kasi panaginip lang ang lahat.
To be continued..