Chereads / My Boyfriend is a Secret Billionaire (Tagalog) / Chapter 3 - My Boyfriend is a secret Billionaire—Part 3

Chapter 3 - My Boyfriend is a secret Billionaire—Part 3

iii.

Nadatnan ko naman sa bahay na nakaupo't nagpapahinga si Papa. Nakita ko naman si Mama na papalapit sa akin kaya agad ko namang inabot ang mga pinamili ko.

"Nak, 'di kana nasundo ng Papa mo kasi masakit daw yung likod niya. Pasens'ya na ," saad ni Mama.

Tinanguan ko nalang si Mama dahil naiintindihan ko naman. Hindi naman ako mareklamong anak at naisip ko rin na talagang pagod si Papa sa trabaho.

Kumuha nalang ako ng pamahid sa likod at hinilot ang likod niya para maibsan ang pananakit at pangangalay.

Natuto akong maghilot noong nasa highschool kami. Tinuturuan kasi kami no'n ng teacher ko dahil kasama 'yon sa isang subject namin. Pagkatapos kong hilutin si Papa ay dumiretso na muna ako sa cr para maghugas ng kamay.

Habang nasa cr ako't nakatingin sa salamin na nakadikit sa dingding ay napansin kong basa pala ang buhok ko.

"Hayss! baka magkasakit pa ako."

Isinabay ko na rin ang pagligo at pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto para magpatuyo ng buhok.

Ilang sandali pa nang matuyo na ang buhok ko ay dinalaw na ako ng antok.

Kinabukasan ay agad naman akong nagtungo sa Grocery Store na binilhan ko kahapon. Nabasa ko kasi ang nakapaskil na naghahanap sila ng saleslady. Siguro'y pwede na 'yon para magkaroon na rin ako ng ipon. Balak ko kasing magtrabaho sa ibang bansa kung makapag-ipon na ako ng medyo malaking halaga.

"Goodmorning! " bati sa akin ni Wade.

Ngumiti naman ako sa kaniya at nagtulo-tuloy sa papuntang counter.

"Ms. sino po ba pwedeng maka-usap about sa trabaho?" tanong ko.

"Ano pong trabaho?" pabalik nitong tanong.

"Yung nakapaskil po doon," sambit ko sabay turo sa may pinto.

"Ah, pasama ka nalang kay Wade sa taas. Sakto! naroon kasi ngayon ang Boss namin kaya pwede kana agad magsabi sa kaniya at magpa-check kung qualified ka," sambit nito.

"Salamat," sambit ko sa kaniya saka umalis para hanapin si Wade.

'Di kalayuan ay nakita ko siya. "Pss! Wade" sambit ko.

Agad naman siyang lumingon sa akin ng nakangiti.

"Ahm— bakit?" tanong nito at hindi mapigilan na mapangiti.

" Pwede ba magpasa—"

"Sure! tara" pagpuputol nito sa sasabihi ko't agad na hinawakan ang kamay ko.

"Lucky day" rinig ko pang bulong nito sa akin.

Hinila naman ako nito papuntang 2nd floor saka tumigil sa room na katapat lamang ng hagdan.

"Pasok ka nalang diyan. Dala mo naman ata mga kailangan, diba?" tanong nito.

Tumango nalang ako sa kaniya.

"pssh! 'wag kang kabahan," saad nito. Marahil ay naramdaman niya kanina ang panlalamig ng kamay ko.

Naglakad na ako papuntang pinto.

Muli naman niya akong tinawag.

"Psst! hinatayin kita sa baba," sambit nito.

Natawa naman ako sa isip ko.

"Luh! para-paraan," sa loob-loob ko.

Bumaba na siya at saka ko naman binuksan ang pinto.

"Wala kang kamay para kumatok?" masungit na tanong nito sa akin.

"Ay, sorry po! " sambit ko.

Muli kong sinarado ang pinto't kumatok sa kaniya.

Hindi naman siya nag sasabi ng 'come in' kaya pumasok na ulit ako.

"May sinabi na akong pumasok ka na?" turan nito.

"Sorry" muli kong sabi.

Medyo naiinis na ako sa pag-uugali niya.

Isasara ko na sanang muli ang pinto ng bigla siyang tumayo't humarap sa akin.

"Ikaw?" bigla kong tanong.

Siya yung lalaking sinabihan kong walang modo.

Siya yung humatid sa akin.

Siya yung nanghingi ng number ko.

Siya yung— yung pogi, haha.

"Hi? buti nagkita ulit tayo," saad niya.

"Hindi na ako nakapag-text man lang kagabi kasi pagod ako,"malumanay nitong sabi.

"Aalis na po ako," pagpapa-alam ko sa kaniya. Gusto ko nalang siyang iwasan kaysa naman lagi ko siyang nakikita.

"Why?" tanong nito.

Biglang nagbago ang emosyon nito. Nakita ko na sumeryoso siya ng sabihin ko na aalis na ako.

"Stay" sambit nito. Nakita ko rin na umigting ang panga nito.

Muli siyang umupo sa at tumitig sa akin.

"Aalis ka? Kaya kitang bigyan ng sahod na mas malaki pa sa normal na nakukuha ng nga nagtatrabaho dito," sambit niya.

"Btw, I'm Jace Monterion" pagpapakilala naman nito.

Nagulat ako nung marinig ko ang name niya.

"Jace Monterion? Anak ni Ma'am Cristana at Sir Tristan?" sa isip-isip ko.

"Payag ka? H'wag ka na munang umalis at subukan mo muna na magtrabaho," sambit nito.

Nagisip-isip naman ako. Si Ma'am Cris ang nagbigay sa akin ng scholarship nung highschool ako and maybe this is the time para naman makapaglingkod man lang sa kanila, sa business nila.

"Sige po, Sir. Tinatanggap ko po ang trabaho kahit po hindi niyo dagdagan ang sweldo ko," sagot ko naman.

"Okay- okay," turan nito.

Pinasa ko naman ang envelope na hawak ko saka niya tinitigang mabuti.

"Iwan mo na muna 'tong lahat sa akin.May kailangan lang akong tignan," sagot niya.

Wala na akong nagawa kaya tumango nalang ako. Sinabi niya na bukas ay maari na akong magsimula.

Pagkalabas ko ng pinto ay nakita ko naman si Wade na nag-aabang.

"Okay ka lang ba?" tanong nito.

"oo," tipid kong sagot sa kaniya.

Muli namang sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

"Buti naman. Btw, aalis kana ba?" muli nitong tanong.

Tumango naman ako sa kaniya.

" Kain tayo sa labas? Maaga pa naman, e" pag-aaya nito.

"Libre ko" pahabol niya pang sabi dahil baka hindi ako pumayag.

Dah tinulungan niya naman ako kanina ay pumayag na ako sa alok niya.

Nagpalit na rin pala siya ng uniform at pag-alis namin ay ang siya namang hiyawan ng mga kaibigan niya.

Akala siguro eh nililigawan na ako ni Wade.

"Hayss, masyado silang advance," sa isip-isip ko.

To be continued..