Chapter 8 - CHAPTER 7

Ang sakit ng ulo ko. Naalala ko na nalasing yata ako kagabi sa pag-iinuman namin ni Claire kagabi. Hayst di pa naman ako sanay uminom. Dahan-dahan akong bumangon.

Napatili ako ng makita ko ang aking sarili na walang saplot. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Masakit ang gitna ko.

"Noooo!" Impit kong tili. Anong nangyari? May mga imahe ng pangyayari na nagpa-flash sa utak ko pero hindi masyadong malinaw.

Ako at yung lalaki. Oh God. Naghahalikan kami hanggang sa unti-unti nahubad ang undies ko. Maya-maya pa ay naghubad na din ang lalaki.

Malinaw na may naka-sex ako. Patunay ang masakit kong gitna at nanakit ding katawan.

Hindi ko maalala kung sino yung lalaki pero parang familiar siya. Parang si Earl! Pero imposible.

Sino? Sino ang naka-sex ko kagabi? Napasapo ako sa aking ulo at napaiyak.

"Ehem!" somebody cleared her throat and when I I look at her I felt embarrassed.

"I know you are confused right now, kung anong nangyari. Well, I hate to tell you that you had sex with my kuya Earl." Diretsong sabi ni Claire sa akin. Hindi ko alam kung galit siya. She has this poker face.

Hindi ako sanay sa ganoong aura ni Claire. Never niya akong tiningnan ng ganito.

Namumula ako sa hiya. Ano na lang mukha ang ihaharap ko sa mag magulang nila. Si Earl bakit wala siya?

Ano kayang nangyari kanina? Bakit ba kasi hindi agad ako nagising?

"Hindi ko matandaan ang nangyari Claire?" nahihiyang sabi ko sa kanya.

Nakatingin lang ito sa akin. Mayamaya ay lumapit ito sa akin at niyakap ako. Nag-sorry siya. Para saan? Siguro dahil kuya niya ang naka-sex ko.

"Ano nangyari kanina nung hindi pa ako nagigising?" mahina ang boses na tanong ko sa kanya.

Hindi muna ako sinagot ni Claire. Pinagbihis niya muna ako. Tinulungan niya akong makapunta ng Cr dahil halos matumba ako kanina nung subukan kong lumakad pagkababa ko sa kama. Nakita ko pa ang patunay na naisuko ko na talaga ang bataan.

Binuksan ko na ang shower upang kahit papaano ay makatulong sa bigat ng nararamdaman ko. Medyo malamig ang tubig. Narefresh ang pakiramdam ko Nguni sa tuwing sumasagi sa utak ko ang nangyari ay sumasama ulit ang aking pakiramdam.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako. Nagbihis ako at pagkatapos ay hinarap si Claire.

Hindi ko gusto ang nangyari, pero wala naman akong dapat sisihin kundi ang sarili ko din. Dapat kasi hindi ako nagpakalasing.

"I'm sorry Claire, but I swear it's not my intention." Nakatungong sabi ko sa kanya. Nahihiya ako dahil sa kalasingan ko ay nagkaroon pa ng ganitong sitwasyon.

"I know Thalia. I'm sorry." Sabi naman nito at niyakap akong muli.

"Hindi ka ba galit sa akin?" tanong ko dito.

"No. I know you. Hindi ka ganoong babae at alam ko na kung hindi ka lasing ay hindi ito mangyayari." Saad nito na may konting ngiti sa labi.

"Kuya is at fault too. Hindi naman yun mangyayari kung hindi din gusto ni kuya." Dagdag pa ni Claire.

"Lasing din ang kuya mo kagabi?" tanong ko naman dito. I need to know kasi kung hindi ibig sabihin sinamantala niya ang kalasingan ko.

"Yes, lasing din siya kaya nangyari na ang nangyari." Mabilis naman nitong sagot. Ibig sabihin hindi niya sinamantala ang kalasingan ko. Kahit papano ay gumaan ang loob ko dahil wala naman palang pagsasamantala na naganap.

Pero papaanong andito si Earl sa villa ko eh sabi ni Claire, nakipagpalit ito ng villa sa akin kasi mas gusto niya dun sa una kong inukopa?

Sabi ni Claire ay nakalimutan daw yata ni kuya Earl niya na nagpalit kami ng villa. Siguro ay sa sobrang kalasingan.

Tapos di ba ikakasal na siya? Paano na lang kapag nalaman ng fiancée niya?

Hayst napakalaking gulo nito.

She told me the whole story about what happened earlier. Hindi ko intensiyon na makasakit ng kapwa ko babae. Hindi ko rin naman alam kong paano hihingi ng tawad kay Caroline, ang fiancée ni Earl.

Tama bang idahilan ko na lasing ako at hindi ko alam ang ginawa ko?

Paano kung mabuntis ako? Baka atakihin sina lola at lolo sa sama ng loob. Lagi pa naman nilang binibilin na ingatan ko ang aking sarili at iaalay lamang ang aking puri sa aking magiging asawa.

Kahit na sabihin na nasa modernong panahon na ngayon, mas gusto ko pa din sana na ang asawa ko ang pagbibigyan ko ng aking sarili.

Gusto ng sumabog ng ulo ko. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa sitwasyon na ito. Napaiyak na lang ako sa tindi ng frustration na nararamdaman.

Naramdaman ko ang paghangod ni Claire sa aking likod habang ako'y patuloy sa paghikbi.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at may pumasok.

Si Earl.

Sabay kaming napatingin ni Claire sa kanya.

Galit ang kanyang mga mata nang tumingin sa akin. Bakit naman siya magagalit sa akin? Kung hindi niya ginusto ay hindi ko rin naman ito gusto.

"Damn it, sinadya mo ito di ba?" galit na sabi nito sa akin. Kitang-kita ang galit sa kanyang mukha.

"No. I swear I didn't know what happened last night." Halos pabulong kong sagot sa kaniya habang pinipigilan na bumagsak ang luha. Anong sinasabi niya na pinagplanuhan ko ito.

"You seduced me last night! Naghubad ka sa harap ko at guess what ikaw pa ang unang humalik sa akin." Sabi nito na halatang nanggigigil.

"Hindi ko gagawin yun." Mariin ko namang tanggi.

"Ha! Talaga lang..siguro may gusto ko sa akin at nalaman mo na ikakasal na ako kaya naisipan mo itong gawin. " sumbat nito sa akin.

"Or baka naman dahil sabi nila kapag teacher eh tumatandang dalaga, eh baka ayaw mo kaya naisipan mo na lang na mamikot. Malas ko lang kasi ako yung nabiktima mo." Dagdag pa nito. Aba at dinamay pa ang pagiging teacher ko. Hindi kaya totoo yun, nagkakataon lang minsan na nawawalan ng time sa lovelife ang iba pero may sari-sariling dahilan hindi dahil sa teacher sila.

Marami din namang natandang dalaga na hindi teacher ah. Saka walang masama sa pagiging old maid. Kanya-kanya tayo ng kapalaran.

Sabi nga ng iba…Single is the new trend.

"Lasing ako kagabi," mahina kong sabi. Sa totoo lang ayoko sanag gawing dahilan yun kasi sabi nila kahit daw lasing ka alam mo pa rin ang ginagawa mo yun ng lang mas malakas ang loob mo.

Ngunit bakit ako hindi ko maalala ang nangyari kagabi?

"That's a lame excuse. Basta you seduced me because you're desperate." Sigaw pa ulit nito sa akin.

"Kuya, enough!" pag-awat ni Claire sa kapatid. "That's unfair na siya lang sisihin mo."

Natahimik si Earl sa sinabi ng kapatid. Napasabunot sa ulo at mukhang napu-frustrate din dahil sa nangyari.

"Kuya, mas lasing si Thalia kagabi sa iyo kagabi. Alam ko dahil ako ang naghatid sa kanya." Paliwanag ni Claire. "Ikaw ba gaano ka kalasing kagabi?" dagdag na sabi nito sa kapatid.

Napatingin naman ako dito. Namumula siya halatang galit pa din. Halatang nagpipigil lamang sa sarili.

"I'm sorry Earl. Maniwala ka hindi ko intensiyon lahat ng ito. " Nahihikbing sabi ko sa kanya.

Nakatingin lang ito sa akin. Nakita kong medyo lumambot ang kanyang aura.

Magsasalita pa sana ako ngunit bumukas ang pinto at pumasok doon si Tito Teddy kasunod si Tita Carmen.

Napatungo na lamang ako. Nahihiya ako. Sigurado akong galit din sila sa akin ngayon.

- MeChA883 –