Galit na tumindig si Earl at pasigaw na sinabing hindi niya pakakasalan si Thalia. Nagmamadali din itong lumabas. Sinundan ito ng ama habang naiwan naman ang tatlong babae sa loob.
"Hija, we are sorry for that." Nahihiyang sabi ng ina ni Earl. Niyakap siya nito kaya hindi na rin napigilan ni Thalia ang mapaiyak. Hindi na kasi niya alam ang gagawin, natatakot siya sa posibilidad na mabuntis siya.
"Mom, let's do something. Paano si Thalia?" nag-aalalang sabi ni Claire. Para sa kanya dapat lang na pakasalan ng kuya niya ang kanyang kaibigan.
"Claire, I understand. Mahirap ito para sa kuya mo. Tama din naman siya eh hindi niya ako mahal kaya bakit niya ako pakakasalan?" mahinahong sagot ni Thalia kay Claire.
"Hija, hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Masyadong komplikado ang sitwasyon. Kung sana walang ka-relasyon si Earl baka mas mapapakiusapan pa natin siya." Tugon naman ni Tita Carmen.
Lalo namang nanliit ang pakiramdam ni Thalia. Parang desperada ang pakiramdam niya. Pinipilit ang lalaki na pakasalan siya kahit hindi naman nito gusto.
Bumukas ang pinto at pumasok si Tito Teddy. Halatang galit ito. Marahil ay hindi naging maganda ang usap nila ni Earl.
Dahil sa nangyari ay napaaga ang kanilang pag-uwi. Inihatid siya nina Claire, magkakasama pa rin silang apat sa van. Habang nasa sasakyan ay halos walang nagsasalita, lahat malalim ang iniisip.
Pag-uwi sa kanilang bahay ay hindi naman maiwasan ni Thalia ang malungkot dahil sa nangyari. Nung umalis sila virgin pa siya pero pagbalik niya ngayon wala na, hindi na.
Napansin naman ng lola niya ang pananahimik ni Thalia kaya hindi nito maiwasang mag-alala sa apo. Kaya naman pinuntahan niya ito sa kuwarto at kinumusta ang naging bakasyon nito kasama ang mga Concha.
Sinabi naman ni Thalia na masaya ang kanilang bakasyon, syempre hindi niya puwedeng ikuwento dito ang buong nangyari. Hindi niya gustong bigyan ng isipin ang lola at lolo niya. Isa pa baka atakihin ito sa puso sa oras na malaman nito ang totoo.
Nanatili lamang sa kanyang silid si Thalia hanggang sa maghapunan. She thought of what happened. Naisip niya kahit anong gawin niya hindi na magbabago ang nangyari na. Hindi naman puwedeng iyakan ng iyakan niya ang pagkawala ng virginity niya.
Sapagkat sadyang positibo sa buhay si Thalia ay napagdesisyunan niya na tanggapin na lamang ang pangyayari. Bahala na ang kapalaran kung ano ang mangyayari sa kanya. Kung sakaling mabuntis siya ay bubuhayin na lamang niyang mag-isa ang bata. Mapapatawad naman siguro siya ng lolo at lola niya sa nangyari sa kanya.
Balik normal sa buhay ni Thalia ng mga sumunod na araw. Pumapasok siya sa school upang magturo.
Hindi na rin niya iniisipang mga nangyari. Mabuti narin at andiyan ang mga kaibigan niyang kapwa guro. Masaya din kasama itong mga ito eh.
"Oi Thalia, ang takaw mo. Dalawang batchoy talaga at isang siopao." Nang-aasar na bati sa kanya ni Gina. Isa sa kaibigan niya at kpawa guro din. Ito ang pinakalamapit sa kanya.
"Gutom ako eh. Bakit ba?" asik naman niya sa kaibigan. Nakakainis kasi nga gutom siya tapos inaasar pa siya. Lately kasi ay lagi siyang ginugutom ang pakiramdam. Siguro kasi ang dami nilang ginagawa ngayon, end of third quarter kasi kaya computation na ng grades.
"Hi magaganda," bati naman sa kanila ng bagong dating na si Rhia. Maya-maya pa ay kasunod na nito sina Ysa at Anna, aba wala yata si Kent.
"Wow, gutom na gutom Thalia ah," nanlalaki ang mata na bati sa kanya ni Ysa. Well natural na talagang malaki ang mata niya. Nakakainis napansin na naman ang kinakain ko.
"Gutom daw siya at huwag siyang pakialaman," sambot naman ni Gina sa sinabi ni Ysa.
Umikot naman ang mata ko sa kanila. Hay naku ako na naman ang nakita nila. Nung isang araw pa nila pinapansin ang pagkain ko. Masama bang kumain ng marami? Haisst.
Naging masaya ang kanilang recess kahit na laging inaasar si Thalia ng kanyang mga kasama. Tinatawanan na lamang niya ang mga ito at nakikisabay sa kalokohan nila.
Nang matapos na ang kanilang recess ay kanya-kanyang balik na sila sa kanilang klase. Si Thalia naman ay pumunta ng faculty room upang hintayin ang kasunod niyang klase. Wala pa kasi siyang klase after recess. Sa susunod pang period ang klase niya.
Habang hinhintay niya ang kasunod niyang klase ay naisipan muna niyang basahin ang lesson na ituturo niya ngayon.
"Omg!"
Napalikwas si Thalia sa tili na narinig niya. Shocks nakatulog pala siya. Napatingin siya sa oras at nakita niyang huli na siya ng tatlumpong minuto sa klase niya. Nakakahiya sa mga bata, bakit ba nakatulog ako. Tanging sisi niya sa sarili sa isip lamang.
"Aba Ms. Inocencio, binabayaran po tayo ng gobyerno para magturo sa mga bata at para hindi matulog sa faculty room." Mataray na sabi sa kanya ni Gina. Nakapameywang pa ito habang sinasabi ito.
"Hays pasensiya ka na, hindi ko sinasadya nakatulog pala ako." Nahihiya ko namang sagot. Tama naman siya andito kami upang turuan ang mga bata hindi para matulog.
Dali-dali kong kinuha ang gamit ko at pumunta na sa klase ko. Nagulat ako ng dumating na tahimik at tila may ginagawa sila.
"Thalia," napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Kent ang kasamahan kong guro. Tulad ko ay Science teacher din siya. Guwapo ito at mabait. Matalino pa.
"Ah bakit andito ka? Kung masama ang pakiramdam mo, pwede ka namang magpahinga muna." Nakangiting sabi nito.
"Ha?" nagtatakang kong baling sa kanya.
"Kanina kasi napansin ko na wala ka pa eh five minutes na ang nakakaraan mula ng mag-start ang period class natin. Kaya naman naisip kong pumunta sa faculty room. Nakita kitang nakatulog sa mesa. Okey ka na ba?" kuwento nito na parang nag-aalala.
"Ah eh..oo okey lang ako. Salamat nga pala dahil binigyan mo sila ng gawain." Sabi ko dito. Shocks nakakahiya nakita niya din pala akong natutulog. Pero inisip nito na masama ang pakiramdam ko.
"Wala yun, never ka naman nakatulog dito sa school kaya naisip ko na masama ang pakiramdam mo. Ang dami din kasi nating gawa ngayon kaya din rin naman talaga maiiwasan na magkasakit." Dagdag pa nito.
"Salamat ulit Sir Kent," tanging nasabi ko na lamang at nagpaalam na papasok na sa room ng klase ko. Ganoon din namman ito pumunta na sa kalapit na classroom na pinagtuturuan niya ngayon.
Naging maayos naman na ang mga sumunod na oras. Hindi na siya nakatulog, marahil ay dahil sunud-sunod na rin kasi ang klase niya. Hanggang sa matapos na ang buong araw niya sa eskwelahan. Nakakapagod pero worth it. Laging may sense of fulfillment ang bawat araw niya kasi alam niya na nakapag-ambag siya sa magiging kinabukasan ng kanyang mga estudyante.
Paglabas niya ng gate ay nakita niya si Claire. Kumakaway pa ito sa kanya. It's been three weeks mula nang huli silang magkita mula nung mangyari din ang bagay na yun. Hay naku wag mo ng isipin yun Thalia, sabi nito sa isip niya.
Lumapit siya kay Claire. Nakangiting-nakangiti ito sa kanya. Saya ah. Inimbitahan siya ng kaibigan na kumain upang magmeryenda. Sumama naman siya dahil nagugutom na din talaga siya.
Dinala siya ni Claire sa isang Italian restaurant. Nahihiya pa nga siya kasi mahal dito pero sabi ni Claire siya na ang bahala.
Habang hinhintay nila ang order nila ay sige ang kuwento ng dalaga about doon sa client niya. Ang kulit daw kasi ng naisip nitong gown. Weird daw ito para sa kanya.
Nais sanang tanungin ni Thalia si Claire about kay Earl, pero nahihiya siya. Sigurado kinasal na ito last two weeks pa. Saka baka ma-misinterpret pa ng kaibigan baka isipin nito na naghahabol siya sa binata.
Nang dumating na ang order nila ay tila natakam naman si Thalia. Ganoon din si Claire excited din sa inorder nito.
Si Claire ay agad na kinain ang kanyang inorder na Linguine allo Scoglio, it's a seafood pasta recipe hailing back to the ancient fishing traditions when families living along the coast ate their evening pasta with the fresh daily catch.
Na-excite si Thalia na kainin ang inorder niyang Timballo gawa ito sa pasta, meat, cheese, vegetables, tortellini, eggs, sausages and even fish are mixed with besciamella cream sauce and placed inside the dough, which is then folded and cooked in an oven. Actually, sabi Timballo is the art of recycling food leftovers from the day before or after a festive meal. Paborito niya itong Italian cuisine.
Ngunit nang mag-umpisa na si Thalia na kumain ay tila ba naiba yata ang panlasa niya. Naisip niya na panis ata itong naibigay sa kaniya. Napaduwal siya kaya naman mabilis siyang tumayo at pumunta ng cr ng restaurant.
Doon siya dumuwal ngunit wala naman siyang maisuka. Naubuti-butil ang pawis sa noo niya. Maya-maya ay naramdaman niya na may humahagod sa likod niya, si Claire. Sumunod pala ito sa kanya.
"I'm sorry Claire, panis na yata yung na-served nila sa akin." Sabi niya habang pinupunasan ang mumunting pawis sa ulo at pumunta sa lababo at nag-gargle doon at naghilamos.
"Sabi ng waiter, hindi daw panis at saka ng manager. I also checked it and tama sila, it's still good." Paliwanag naman nito sa akin.
Kung ganoon bakit parang naiba ang lasa nito. Naitanong na lamang ni Thalia sa sarili. Tsk, weird.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng bigla na lamang siyang nakaramdam ng hilo at hindi na niya alam ang kasunod na nangyari.
- MeChA883 –