Chereads / CONCHA SERIES 1: SET UP LOVE STORY / Chapter 11 - CHAPTER 10

Chapter 11 - CHAPTER 10

Dahan-dahang nagmulat ng mata si Thalia, puro puti ang kanyang nakikita. Naisip tuloy niya kung na-food posion ba siya sa kinain at naging sanhi ito ng kamatayan niya? Para kasing nasa langit siya. Mali si Claire, na food poison siya talaga.

"Oh my gosh, thank God you're awake now!" natataranta ngunit ramdam naman ang tuwa sa boses nito nang makitang nagkamalay na si Thalia.

Lumapit si Claire sa kaibigan at kinumusta ang pakiramdam nito. Actually, wala naman siyang masamang nararamdaman sa katawan bukod sa nasuka siya kanina at nahilo sa restaurant. Sinabi din ng kaibigan na dinala siya nito sa ospital.

Hindi naman masabi ni Claire why Thalia fell unconscious kanina, wala pa kasi ang result ng test na ginawa kanina sa kanya. Sabi ng nurse wait for an hour daw.

Bumukas ang pinto ng silid at nakita nilang pumasok ang isang may edad na babae at nakasuot ito ng kasuotang pang-doktor.

"Ms. Thalia, congratulations," nakangiting sabi ng doktora.

"Salamat po doktora, buti na lamang po at nakaligtas ako sa food posion, naku natakot po ako akala ko mamatay na ako eh." Masiglang sagot naman ng dalaga.

"That's not what I am trying to say. Hindi ka na-food poison hija." Sagot naman nito na nakangiti, halatang naaaliw sa naging sagot ng dalaga.

"You're three weeks pregnant," anunsiyo nito na halos nagpabagsak sa panga niya.

You're three weeks pregnant.

You're three weeks pregnant.

You're three weeks pregnant.

Tila nag-echo sa pandinig ni Thalia ang tinuran ng doktora. Hindi siya makapagsalita at para siyang nasasakal. Jusko po. Nahawak siya sa dibdib. Nang pumikit siya ay mukha ng lolo at lola niya ang kanyang nakikita. Siguradong madi-diappoint ito sa kanya.

Nagpabuntis siya at walang ama ang bata. Tapos kasal pa ito.

"OMG! Talaga doktora, Tita na ako," tuwang –tuwa naman na sabi ni Claire.

Napayakap pa si Claire kay Thalia at binati ito. Sinuklian naman niya ito na isang pilit na ngiti. Hindi sa ayaw niyang magbuntis, masyado lang maraming tumatakbo sa isip niya ngayon. May mga pangamba din siya na nararamdaman bilang isang first time mom.

"I'll go ahead I have some patients that I need to attend to. Just visit an OB-Gyne Ms. Inocencio." Sabi n doktora at lumabas na ito ng kuwarto.

Excited si Claire, walang paglagyan ang kaligayahan niya. Her parents should know about this great news, aniya sa isip. May maliit ng Concha na magiging bagong miyembro ng kanilang pamilya.

"Hello, mom please be here at JDM Hospital in Makati. Isama mo po si dad." Masigla niyang sabi sa ina.

"Wait princess, what happened to you? Bakit nasa ospital ka?" Nag-aalalang sabi ng mommy ni Claire.

"Mom, calm down. It's not me okey at saka walang masamang nangyari," mabilis namang sagot ng dalaga upang hindi mag-alala ang ina. "But please be here now, kayo ni dad," dagdag pa niya.

"Alright, we'll be there." Sabi ng mommy niya. Narinig pa niya sa kabilang linya na tinawag nito ang daddy niya at inutusang magbihis at pupunta daw nga sila ng hospital.

Napangiti si Claire at napatingin kay Thalia. Niyakap niya ito. Gusto niyang iparating sa kaibigan na wala itong dapat na ipag-alala dahil hindi naman nila ito pababayaan.

Nais na itanong ni Thalia ang tungkol kay Earl ngunit natatakot siya sa magiging sagot ni Claire. Alam na rin naman niya na maaaring ikinasal na ang binata. Nalulungkot siya para sa anak, dahil matatawag din itong anak sa labas katulad ng iba niyang estudyante.

Nalalaman niya na napakasakit para sa isang anak na tawagin siya bilang anak sa labas. Yun bang pakiramdam na out of the family ka kahit anong gawin mo kasi hindi ka legal. Nababasa niya yun sa ibang essay na pinapasulat niya sa mga estudyante niya kaya naman ngayon pa lang ay nasasaktan na siya sa anak.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ng asawa ni Earl? Sana naman huwag niyang idamay ang magiging anak namin kung sakaling magalit siya sa akin.

Nasa ganoong pag-iisip si Thalia nang bumukas ang pintuan ng kuwarto ay pumasok doon ang mag-asawang Concha.

"Oh God, Claire anak what happened?" agad na sabi ni Tita Carmen kay Claire sabay yakap sa anak.

"Thalia?" may pagtatakang sambit naman ni daddy ni Claire nang makita ang dalaga na nakahiga sa kama ng ospital.

Hindi naman malaman ni Thalia kung paanong babatiin ang mag-asawa. Ngunit ngumiti na lang din siya sa mga ito.

"Mom, dad. I'm okey, siya talaga yung isinugod dito sa ospital." Paliwanag naman ni Claire sa magulang. Ikinuwento din niya kung ano ang nangyari kay Thalia kanina sa ospital.

"She's pregnant. Three weeks." Kasunod na sabi ni Claire na kitang-kita sa mukha ang kasiyahan.

"Siyempre si Kuya Earl ang ama." Dagdag pa ng dalaga.

Nakita ni Thalia ang reaksiyon ng mag-asawa sa sinabi ni Claire. Nakita niya kung paano napaubo si G. Teddy Concha at nabuo ang kamao. Kita ding medyo namula ito. Si Gng. Carmen Concha naman ay halos malaglag ang panga dahil sa narinig.

Ngunit sa una lang pala yun, nagulat lamang pala ang mga ito. Pagkatapos makabawi ay agad na niyakap ng ginang si Thalia at binati ito. Nagpahayag din ito ng kaligayahan na malamang magkaka-apo na sila. Ganoon din ang daddy nina Claire, natutuwa din daw silang malaman na magkaka-apo na sila.

"Hija, I'm excited. Naku Hon, magiging lolo at lola na tayo," nakangitiong pahayag ni Tita Carmen at hinawakan ang kamay ng asawa.

"We are really happy Thalia," nakangiting bati ni Tito Teddy.

"Salamat po. Natutuwa din po ako na magkaka-baby na ako. Mamahalin ko po siya at hindi pababayaan." Sabi ni Thalia habang hinihimas ang wala pang umbok niyang tiyan.

"Kahit po kami lang." may halong lungkot na dugtong nito ngunit kita na nagpipilit magpakatatag sa sitwasyon.

Tanggap naman niya noon pa na hindi siya pananagutan ni Earl dahil wala naman silang relasyon. Ngunit umaasa siya n asana ay kilalanin ng lalaki ang anak nila.

Nagkatinginan nag mag-asawa dahil sa narinig kay Thalia. Sila din ay nalulungkot sa sitwasyon ngayon. Sana lang ay magbago ang isip ng anak nila kapag nalaman nito na magiging ama na siya. Sana naman ay matanggap nito ang bata.

"Wait, wala ka pang OB right?" naalala namang tanong ni Tita Carmen.

"Ah opo, ngayon ko pa lang po nalaman na buntis pala ako." Sagot naman ng dalaga.

"Well, I think Helena can be her OB Hon," suhestiyon naman ng ama ni Claire.

"Do I have to call Tita now?" tanong agad ni Claire. Iba talaga ang energy nito mula nang malaman nila na buntis siya.

"Yes sige princess. Tell her we are going in her clinic tomorrow." Segunda naman ng ama nito. Mabilis nitong tinawagan ang titan a OB at sinabi ang pinasasabi ng ama.

"Hija, okey ka lang ba?" tanong naman ni Carmen kay Thalia. Kanina pa kasi niya napapansin na parang may gumugulo sa isipan ng babae. "Tell me hija."

Matipid namang ngumiti si Thalia sa ginang. Nahihiya siyang magsabi ng totoo sa ina ni Earl dahil hindi niya alam kung paano.

"Naisip ko lang po kung ano ang magiging reaksiyon nina lola at lolo kapag nalaman nila na buntis ako." Panimula niya- "Tapos wala pong ama." Napaiyak na sabi niya. Higit sa kaninuman ayaw niya na ma-disappoint ang dalawa sa kanya.

"Pero naiintindihan ko naman po. Bahala na po akong magpaliwanag sa kanila." Sunod niyang sabi. Kahit na magiging mahirap at alam niya na may mag panghuhusga siyang maririnig ay kakayanin niya para sa anak.

"Huwag na lang po kaya nating sabihin kay Earl na buntis po ako." Malungkot na sabi ni Thalia sa tatlo.

"Ha? Why naman Thalia, anak yan ni kuya, he has the right to know." Medyo inis na sabi ni Claire.

"Thalia tama si Claire my son deserves to know about the existence of his own flesh and blood." Sunod agad na sabi ng ama nito.

"Hija, I know you have so my fears and doubts now, pero huwag mo namang alisan ng karapatan ang anak ko." Mahinahong sabi ng ina nina Claire.

Napahikbi si Thalia. Bigla siyang nakonsensiya sa sinabi. Hindi naman niya intensiyon na alisan ng karapatan si Earl, iniisip niya lang na baka makagulo sila ng anak niya sa pagsasama ng asawa nito.

"Sorry po, naguguluhan lang po ako. Ayoko lang po na makagulo sa pagsasama nila ng asawa niya." Napapaiyak na sabi ni Thalia.

"Hey, Thalia naman di ba sinabi ko naman sinabi ko sa'yo na hindi kita pababayaan, namin," pag-aalo sa kanya ni Claire at niyakap siya.

Napatikhim naman ama ni Earl at sinabing walang dapat na ipag-alala ang dalaga dahil sila ang bahala. Sinigundahan naman ito ng asawa.

Bumalik naman ang doktor na tumingin sa kanya kanina at sinabing puwede na siyang lumabas. May mga pinagbilin na lamang ito sa kanya. Ang daddy na ni Earl ang nag-settle ng bill sa ospital. Nahihiya man ay hindi na nag-object si Thalia ng sabihin nito na sila na ang magbabayad ng bill niya, siguradong hindi naman papipigil ang mga ito.

Gabi na ng makarating sila sa bahay nila sina Thalia. Nagtataka naman ang lola niya dahil bakit kasama ng apo niya ang mga Concha.

"Naku apo, ano bang nangyari sa'yo. Nag-alala ako nung sabihin mong nasa ospital ka kanina?" tanong agad nito kay Thalia at niyakap ang apo. Napatingin si Thalia sa lola at hindi malaman ang isasagot.

- MeChA883 –