Chereads / CONCHA SERIES 1: SET UP LOVE STORY / Chapter 12 - CHAPTER 11

Chapter 12 - CHAPTER 11

Hindi malaman ni Thalia kung ano ang isasagot sa tanong ng lola niya. Nahihiya siya dito kunng sabihin ang totoo. Matatanggap kaya nila?

Nanatiling tahimik naman ang mag-asawa at si Claire. Nakatingin lang kay Thalia at tinatantiya kung kaya ba ng dalaga na magsabi sa lola nito ng balita.

"Lola, huwag po kayong mabibigla at magagalit sa akin. Ipangako niyo po muna at wala dapat bawian." Kinakabahang sabi ni Thalia.

"Hay naku apo, pinapakaba mo naman ako. Pero sige na, hindi ako mabibigla at magagalit." Agad namang sabi ng lola niya.

"Eh kasi lola kaya po ako na-ospital dahil nagsuka po ako at nawalan ng malay, " panimulang sabi niya.

"Ha! Eh jusko apo, napaano ka daw?" nag-aalalang sabi nito.

"Buntis po ako lola." Deretsong sagot ni Thalia. Kahit na kinakabahan ay nagawa niya itong sabihin ng deretso.

"Ah mabuti naman at buntis ka lang pala," agad na sabi ng lola niya. Ngunit nang maisip ang nadinig na sagot ng apo ay lumaki ang mata nito at napatindig na nakalagay ang dalawang kamay sa baywang.

"Buntis ka!" histerikal nitong sabi.

"Lola nangako kang di magagalit," sabi agad ni Thalia. Tapos ay agad na lumapit sa lola at niyakap ito. Napahikbi naman siya dahil alam niyang masasaktan ang mga ito kapag nalamang hindi siya pananagutan ng ama ang bata.

"Sino ang ama?" mahinahon ngunit may diin na sabi ng lolo niya.

Nakaramdam ng takot si Thalia nang marinig ang boses ng lolo niya. Alam niya kasi na kapag ganoon na ang tono ng boses nito ay siguradong galit ito. Sinisikap lang nito na maging mahinahon. Marahil ay nahihiya sa mga bisita nila.

Ang mag-asawang Concha ay nagkatinginan at hindi din malaman kung sila na ba ang magsasabi na ang anak nila na si Earl ang ama. Nahihiya din naman kasi sila mga lolo at lola ni Thalia, though alam nila na parehong di sinasadya ng dalawa ang nangyari ay iba kasi dahil sa kanila ang lalaki. Tapos nagkaroon pa ng bunga ang nangyari sa dalawa.

"Tatay-," simulang sabi ni Tito Teddy.

"Ako po ang ama!"

Lahat ay napatingin sa boses na nanggaling sa may pintuan. Halos malaglag ang panga ni Thalia sa nakita. Totoo ba ito or nagha-hallucinate lang siya?

"Son," masayang bati ng mommy nito sa kanya

"Earl!" medyo gulat na sambit ng ama sa pangalan nito ngunit nababakasa naman ang tuwa.

"Kuya," masiglang bati ni Claire at lumapit sa kapatid sabay yakap dito.

"Kilala kita, ikaw yung kasama ni Claire na naghatid dati sa apo ko nung nakaraang buwan," pahayag ng lolo ni Thalia.

"Ang bilis mo naman, hinahatid mo pa lang eh tapos buntis na ngayon," sunod na sabi nito. Hindi naman malaman ni Thalia kung may halong biro ba ang pagkakasabi ng lolo niya or seryoso ito.

Napangiti naman si Teddy sa sinabi ng lolo ni Thalia. Alam niya na hindi nito gusto ang sitwasyon ngunit dinadaan lamang sa konting biro ang ibang bagay. No wonder maganda ang personality ni Thalia, mukhang namana sa lolo niya.

"Hijo, pumasok ka at pag-usapan natin ito," sambit naman ng lola ni Thalia.

Pumasok naman nang tuluyan si Earl sa bahay. Naupo ito sa kalapit ng mommy niya. Niyakap ito ng ina at tinapik naman sa balikat ng ama.

"Totoo bang siya ang ama ng pinabubuntis mo apo,"nagtatanong na sabi ng lola niya.

Napatingin muna si Thalia sa binata, nakita niyang malalim siyang tinitingnan nito. Siguro iniisip nito kung magsasabi siya ng totoo.

"Opo lola," sagot ng dalaga. Tumulo ang luha niya dahil natuwa siya na tanggap ng lalaki ang anak nila. Kahit na hindi siya pakasalan nito ay okey lang.

Ngunit paano niya sasabihin ito sa lola at lolo niya, na ang lalaking nakabuntis sa kanya ay may asawa na.

"Pananagutan ko po ang bata, silang dalawa," deretsang sunod na sabi ni Earl.

Napatingin naman si Thalia kay Earl nang may pagtataka. Ano bang ibig sabihin nito?

Ang mga magulang naman ng binata ay nagkangitian, natutuwa sila sa naging desisyon ng anak. Si Claire abot hanggang tenga ang ngiti, parang nanalo sa lotto.

"Ang ibig mo bang sabihin ay.. pakilinaw nga hijo at baka naman ako ay assuming lamang," paglilinaw naman ng lolo ni Thalia. Napapangiti naman ang lahat sa tinuran ng lolo ng dalaga. Hindi akalain ng mag-asawa na mayroon palang ganitong side ang lolo ni Thalia.

Kanina kasi ay kinakabahan na sila dahil kita dito ang pagkseryoso.

"Pakakasalan ko po si Thalia," agad namang sagot ng binata.

Nalilito naman si Thalia sa nangyayari dahil paano siya nitong pakakasalan kung kasal na ito. Does it mean na hindi natuloy ang kasal nila ni Caroline. Dahil ba sa kanya? Sa isiping yun ay inusig naman siya kanyang konsensiya, hindi niya gustong makasakit ng kapwa babae.

"Babalik po kami bukas upang mamanhikan," magalang na sabi ng ama ni Earl sa lolo ni Thalia.

"Yes, let's talk about this tomorrow po, kasi baka makasama kay Thalia ang mapuyat," sabi naman ng ina ng binata.

"Oh my gosh, you're gonna be my ate na," natutuwang sambit naman ni Claire sabay yakap sa kaibigan.

Si Earl naman ay matiim lang na nakatingin sa kanila. Hindi naman nito napapansin na kanina pa siya sinusuri ng tingin ng lolo ni Thalia.

"Let's talk about this tomorrow. Have some rest, baka mapano kayo ni baby," malamig na turan ni Earl kay Thalia nang lumapit dito bago sila umalis.

Nagpaalam na ang mga Concha sa kanila ay nakatulala pa rin si Thalia. Hindi kasi maproseso ng kanyang isipan ang mga pangyayari.

Kanina nang malaman niya na nagdadalang-tao siya ay naisip niya agad na kawawa ang anak niya dahil lalaki itong walang kikilalaning ama. Buong-akala niya kasi ay naikasal na si Earl sa fiancée nito na si Caroline.

Inaamin naman niya sa sarili na natutuwa siya na pananagutan siya ng binata, ngunit nalulungkot din naman siya dahil alam niya na malaking bahagi siya kung bakit hindi ito natuloy sa pagpapakasal.

Naisip naman ni Thalia si Caroline. Nasaktan niya ito. Dahil sa kanya may kapwa babae siya na naghihirap ang kalooban.

Gayunpaman, sinabi naman ni Thalia sa sarili na hindi naman siya naghabol kay Earl, tinanggap na niya sa sarili noon na kung sakaling magbuntis siya ay sila lamang ng anak ang magkakasama sa buhay.

Nagulat na lamang siya na bigla itong dumating at inako ang anak. Paano pala nito nalaman na buntis siya?

Maraming mga tanong si Thalia na tanging si Earl lamang ang makakasagot. Ngunit paano niya ito tatanungin? Nahihiya siya and at the same time natatakot din siya sa binata. Naalala niya kasi yung nangyari sa resort. Kita niya kung paano ito magalit.

"Apo, umakyat ka na muna sa kuwarto mo at magpahinga." Malambing na sabi ng lola niya at inalalayan pa siya pagtayo sa upuan.

"Salamat po lola, okey na po, kaya ko na po," sagot naman ni Thalia. Indeed masuwerte siya sa lolo at lola niya. Ramdam ni Thalia kung gaano siya kamahal ng mga ito. Kaya naman hanggat maaari ay ayaw niya itong bigyan ng sama ng loob at ayaw niyang ma-disappoint ito sa kanya.

Nagpapasalamat na din siya kay Earl for showing up kanina. Hindi niya kasi talaga alam kung paano sasabihin sa dalawa ang tunay niyang kalagayan.

Bukas kailangan niyang makausap ang binata. Gusto niya ding humingi ng pasensiya dito sa nangyari sa kanila.

Samantala, si Earl pinakiusapan ng ama nito na kung maaari ay doon muna sa mansiyon nila dumiretso upang magkausap sila. Marami din kasing nais malaman ang ama.

Nasa sala ang tatlo nang dumating na si Earl. May dala kasing sariling sasakyan ang binata kaya naman hindi nila ito kasabay.

Nagpakuha muna sila ng maiinom na juice sa kanilang kasambahay. Mahaba-habang usapan kasi ang magaganap.

"Where have you been son?" tanong na pasimula ng ama nito. Mula kasi nang maunang umalis ito sa resort upang sundan si Caroline at magpaliwanag sa fiancée about sa nangyari ay hindi na nila ito nakita. Hindin din ito sumasagot sa phone calls.

"Nag-isip lang ako dad," napapabuntong-hiningang sagot naman ng anak.

"Ows?" hindi naman naniniwalang sabi ni Claire.

Matalim namang tiningnan ito ni Earl. Naiinis talaga siya minsan sa ugali ng kapatid.

"Anak, we've been calling you. We tried everything to reach you. Even sa office mo lagi kang wala." Nag-aalalang sabi naman ng ina.

"Anong nangyari Earl?" tanong ulit ng ama nila.

Hindi na na pigilan ng binata ang sarili at galit na tumindig. Ngunit malambot ang mukha na napatingin kay Claire.

"You're right Claire, she's cheating on me." Napasinghap naman ang mga magulang nila sa narinig. Si Claire naman ay binigyan ng told yah look ang kapatid.

"Tang-na dad sa malapit ko pang kaibigan. All this time niloloko pala nila ako. Wala akong kaalam-alam na yung kaibigan ko at fiancée ko ay may relasyon din." Mapait na sabi ng binata.

"Alam ba ito ni Ronaldo?" nagagalit na tanong ng ama. Hindi naman yata siya papayag na maloloko lang ang anak niya.

"I don't know that and does it matter?" sagot naman ni Earl.

"We should be thankful na nalaman mo ito bago kayo kinasal anak," his mother comforted her. But he's mad. He's heart is broken. Hindi siya papayag maloko ulit ng babae.

"I think we should thank Thalia, kasi kung hindi nangyari yun baka hindi mo napatunayan na totoong niloloko ka lang ni Caroline, the plastic. Ayaw mo kasing maniwala sa akin eh," pahayag naman ni Claire sa kapatid.

Tsk, isa pa yang Thalia na yan. Para sa akin mapanganib ang babaeng yun.Tanging nasabi ni Earl sa isip niya.

- MeChA883 –